You are on page 1of 2

Malakas ang bulong sa sigaw.

Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad.


Hampas ng magulang ay nakatataba.
Ibang hari, ibang ugali.
Nagpuputol ang kapus, ang labis ay nagdurugtong.
Ang nagsasabing tapus ay siyang kinakapus.
Nangangako habang napapako.
Ang naglalakad ng marahan, matinik may mababaw.
Ang maniwala sa sabi'y walang bait sa sarili.
Ang may isinuksok sa dingding, ay may titingalain.
Walang mahirap gisingin na paris nang nagtutulug-tulugan.
Labis na salita, kapus sa gawa.
Hipong tulog ay nadadala ng anod.
Sa bibig nahuhuli ang isda.

Isang butil ng palay, sikip sa buong bahay.


Matapang ako sa dalawa, duag ako sa dalawa.
Dala ako niya, dala ko siya.
Isang balong malalim puno ng patalim.
Bibinka ni kaka hindi mo mahiwa.
Walang sanga, walang ugat, humihitik ang bulaklak.
Dalawang urang, naghahagaran.
Tinaga ko sa dagat, sa bahay nag-iiyak.

Kahoy na liko at buktot


Hutukin hangang lumambot
Kapag tumaas at tumayog
Mahirap na ang paghutok.

Kahoy na babad sa tubig


Sa apuy ay huwag ilapit
Kapag na tuyo't naginit
Pilit din ngang magdirikit.

SA AKING MGA KABATA

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig


sa kanyang salitang kaloob ng langit
sanlang kalayaan nasa ring masapit
katulad ng ibong na sa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan


sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
at ang isang tao'y katulad, kabagay
ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


mahigit sa hayop at malansang isda
kaya ang marapat pagyamaning kusa
ng tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang tagalog tulad din sa latin,


sa ingles, kastila at salitang anghel
sa pagka ang Poong maalam tumingin
ang siyang nag-gawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa iba


na may alfabeto at sariling letra
na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.

You might also like