You are on page 1of 23

SHS

Filipino
Piling Larang –Akademik
Modyul 5:
Sulat at Bigkas
Filipino – SHS Baitang 11/12
Piling Larang: Akademik – Modyul 5 : Sulat at Bigkas

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Melanie T. Abila


Editor: Leopoldo C. Brizuela Jr.
Tagasuri: Nora J. Laguda
Leopoldo C. Brizuela Jr.
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa
ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Sulat at Bigkas
Panimula:

Magandang araw!
Kumusta kaberks?
Ayos ka lang ba?

Mabuti naman kung gano’n. Hindi ba’t kinagigiliwan pakinggan


ang mga talumpati ng mga kilalang tao sa ngayon, ang iba nga ay madalas pang
gayahin? Iyan ang pag-uusapan natin ngayon.
Sa modyul na ito ay bibigyang lawak ang pag-unawa mo sa talumpati at
bonus pa ang kaalaman kung paano magsulat nito.
O, kayang-kaya di ba? Halika simulan na natin!

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakasusulat ng talumpati batay sa
nabasang halimbawa.

Layunin

1
May mga bagong salita na dapat mong kilalanin
para sa araling ito. Magagamit mo ang mga ito upang ganap
mong maunawaan ang mga susunod na talakay tungkol sa
ating paksa.

Talasalitaan

Basahin natin.

talumpati –

isang akdang pampanitikan na


binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig

maluwag –

may maikling panahon na


ibinibigay sa mananalumpati
upang pag-isipan ang
sasabihin. Hindi isinulat at hindi
isinaulo ang mga sasabihin.
Kilala sa Ingles bilang
extemporaneous speech

pinaghandaan-
tindig-
isinulat, binabasa o isinaulo ang tumutukoy sa maayos na tikas ng
talumpati at may sapat na pag- isang mananalumpati
aaral sa paksa

kumpas-
galaw ng kamay at katawan na may
kahulugang isinasaad

bigkas- ekspresyon –
kaangkupan ng mukha batay sa
pagbibigay-diin sa pagsasalita
damdaming inilalahad ng bahagi
at pagbubukod-bukod ng
ng talumpati
kaisipan upang maging epektibo
at malinaw

2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin?

Panimulang Pagsubok

subukin mo nga?
Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang at subuking tukuyin kung anong bahagi
ito ng talumpati. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Sa ating pinagpipitagang lupon ng inampalan;


mga magigiting na katunggali, kapwa ko Pilipinong naririto at
nagmamahal sa ating wika, mga kaibigan…isang pagpupugay!

1. Ang bahaging ito ay isang halimbawa ng _________________.


a. panimula b. pagbati c. katawan d. pangwakas

Isinalong na ang kampilan ni Handiong; itinago na ang sibat


ni Baltog; ikinubli na sa paningin ang tabak ni Bantong; nasa
museo na rin ang riple at espada ni Hen. Simeon Ola… ngunit
sapat na ba ito, upang ang isang lahing kinilala sa anghang ng
Bicol Express, sa sarap ng lutong laing, at salinamnam ng
minatamis na pili ay agad na sumuko sa mga hamon ng buhay?

- Ang Bikolano sa Hamon ng Panahon


Ni: Leo C. Brizuela, Jr.

2. Ang bahaging ito ay mauuri bilang_________________.


a. panimula b. pagbati c. katawan d. pangwakas

3. Pinagsusunod –sunod nito ang bahagi ng mga makabuluhang


puntos o patotoo.

a. argumento b. suliranin c. resolusyon 4. katawan

3
4. Pinatotohanan ng mananalumpati ang kanyang sinabi sa bahagi ng
katawan.

a. paninindigan b.konklusyon c.argumento d.layunin

5.Dito umiikot ang pinakadiwa o mensahe ng buong talumpati.

a. konklusyon b. paksa c. katawan d. talakay

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 18 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka kaya nabibilang?

5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY


3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

4
Wow!!! Petmalu!!!

O, di ba kayang-kaya mong tukuyin ang mga bahagi


ng talumpati?

Halika, may inihanda pa akong mga dapat mong


matutuhan at ilang gawaing mas lalong
magpapaunlad sa iyong pagkatuto.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Ang Talumpati Bilang Isang Sining
Ni: Melanie Abila

Ang talumpati ayon kina Julian at Bontoc (Pinagyamang Pluma Filipino sa


Piling Larang Akademik) ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng
isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag
ng isang paksa na binibigkas sa harap ng tagapakinig.

Ito ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang


mahalaga at napapanahong paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig.

_________________________________________
Ano-ano ba ang layunin ng talumpati?

Tumpak! Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng


kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.

Nauuri sa dalawa ang talumpati ayon sa balangkas: Una, talumpating may


paghahanda. Dito ay isinasaulo ng mananalumpati ang piyesa o kaya nama’y

5
maaari niya itong basahin lamang. Ang pangalawa,ay talumpating walang
paghahanda. Ang talumpating ito ay tinatawag ring impromptu. Ang paksa ay
ibinibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ditto ang kaalaman ng
mananalumpati sa paksa.

Mahalagang malaman ng isang manalumpati ang pangunahing bahagi ng


talumpati.
Ito ay ang: Panimula – kung saan ay inilalahad ang layunin ng talumpati,
kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla. Mahalaga ring
isipin ang Pagbati bagama’t ito ay bahagi ng panimula. Ang Katawan – ang siyang
nagtataglay ng pinagsunod-sunod na bahagi na naglalaman ng mga makabuluhang
puntos o patotoo. Samantala, ang Paninindigan – ay siyang nagpapatotooo sa
mananalampati sa kanyang sinabi sa bahagi ng katawan.Panghuling bahagi ng
talumpati ay ang Kongklusyon. Ito ang bahaging nagbubuod o naglalagom sa
talumpati.
________________________________________________________________

Ano-ano ang dalawang uri ng talumpati


ayon sa balangkas?

Tama! Ang talumpati ay nauuri sa talumpating may paghahanda at


talumpating walang paghahanda. Ang una ay maaaring basahin o isaulo.
Samantalang ang isa ay tinatawag na impromptu o dagliang talumpati.

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.

6
Ano-ano ang mahahalagang bahagi ng talumpati na dapat
mong kabisahin upang makasulat ka ng isang epektibong
talumpati?

Tama! Ito ay ang panimula, katawan, paninindigan at kongklusyon.

Bawat bahagi ay may mahalagang ginagampanan upang ang isang piyesang


pantalumpati ay maging buo at malinaw. Ang pagbati ay nasa bahagi ito ng
panimula. Ang paninindigan naman ay napapaloob sa bahaging katawan.
__________________________________________________________________

Masasabi pa rin bang talumpati ang inihanda o binigkas ng isang


mananalumpati kahit walang tagapakinig?

___________________________________________________________________

Tumpak, hindi nga! Tandaan nating ang talumpati ay isinulat upang bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig. Pangunahing layunin nito ay makaakit ng mga
tagapakinig sa paraan kung paano niya ito ngayon bibigkasin.
__________________________________________________________________

Ipagpatuloy mo.
_________________________________________________________________

Sa paghahanda ng talumpating bibigkasin, mahalagang isaalang-alang


ninuman ang hakbangin sa paggawa nito. Kasama na rito ang: a. pagpili ng paksa;
b. pagtitipon ng mga materyales na gagamitin. Kapag tiyak na ang paksa ng
talumpati maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga
karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga
awtoridad sa paksang napili.

Nariyan din ang c. pagbalangkas ng mga ideya. Napapaloob ito sa tatlong


pangunahing bahagi: ang panimula, katawan at pangwakas. Ang panghuli ay ang d.
paglinang ng mga kaisipan, dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na
sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangkas.
__________________________________________________________________

7
Magpatuloy ka.
Mag FACT or BLUFF tayo para sa ilan pang
karagdagang kaalamang dapat mong matutunan
sa talumpati.
_________________________________________

Ang mananalumpati ay dapat


may maayos na tindig sa
ibabaw ng entablado. Fact or
Bluff?

Fact. Maraming dapat at bawal kapag


tayo ay nasa ibabaw ng entablado may
kinalaman sa tamang tindig o tikas.

Sa pagbigkas ng talumpati, mahalagang


marinig at maunawaan lang ng mga nasa
unahan ang mensahe ng mananalumpati.
Fact or Bluff?
May kahulugan ang
bawat galaw ng Bluff. Dapat tandaan ng mananalumpati na lahat
kamay at katawan ng kanyang tagapakinig ay kailangang maakit
sa pagtatalumpati niya ito. Kasama rito ang wastong bigkas ng mga
na tinatawag na salita at pagbibigay-diin sa mga piling bahagi.
kumpas.
Fact or Bluff?

Fact. Ang pagturo, ang palad na nakataob, ang tihayang kamay, ang pasuntok,
ang pagtaas ng kamay, ang paglakad-pasulong, ang paglakad-paurong, at iba
pa ay may mga kahulugan sa pagtatalumpati. Ang mga ito ay nakapaloob sa
sa tinatawag na kumpas.

8
Dahil talumpati, tinig lang ang
mahalaga na kailangang
maramdaman ng mga tagapakinig.
sa mananalumpati. Fact or Bluff?

Bluff. Makikita sa ekspresyon ng mukha ang


damdamin at sa paraan ng
pagbigkas nito na hindi dapat ipagwalang bahala
ng bumibigkas.Dito makikita ang katapatan ng
mananalumpati.

Kahit anong paksa ng talumpati ay


maaaring gamitin sa anumang
okasyon.
Fact or Bluff?

Bluff. Ang paksa ay nakadepende sa sitwasyong dadaluhan.


Kailangan itong ibagay ayon sa pangagailangan.Pangangampanya,
pagtatapos, eulogy, at kung ano-ano pa.

Sanggunian: Ang Talumpati, 140-159


Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang
Nina: Aileen Julian at Nestor B. Lontoc

Yehey!!! Like mo ba ang ating talakay?

Mabuti kung ganoon. Natutuwa akong unti-unting nagiging


malinaw sa iyo ang mga bahagi ng talumpati at kung ano ang
mga dapat pang isalalang-alang nito sa paghahanda.

Ngunit gusto kong malaman mo na nakatuon lang tayo ngayon sa


sa kung paano ka makasusulat ng talumpati.

Ipagpatuloy mo pa.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

9
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pangungusap sa


ibaba.
___________________________________ Pagsasanay 1
I- SHOOT MO!
Panuto: Unawain ang mga pahayag sa ibaba at
tukuyin ang angkop na bola ng tamang sagot na nasa ibaba upang i-shoot
sa ring.

1. Isang uri ng talumpati na madalian at walang gaanong


paghahanda. Tinatawag ding impromptu sa Ingles.

2. Ito ang bahagi ng talumpating nagtataglay ng lagom o


buod ng mensahe.

3. Sa bahaging ito kadalasang napapaloob ang mga


argumento, isyu at suliranin at resolusyon may
kinalaman sa paksa.

4. Ito ang pagbibigay-diin sa mga piling bahagi sa


pagtatalumpati upang maging kawili-wiling pakinggan ang
pagsasalita.

5. Tumutukoy ito sa maayos na tikas, tamang pagtayo,


panuunan ng tingin,at tamang paglakad sa pagpanhik at
pagbaba sa entablado.

panimula kumpas daglian katawan kongklusyon


s

Images source: Clip Art tindig bigkas

10
Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?
Tingnan ang sagot sa pahina 18.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang


Pagsasanay unang pagsasanay, heto pa ang isa
2 pang gawaing magpapatibay ng iyong
kaalaman.

HUGOT MO… I-POST MO!


Panuto: Sa tulong ng talahanayan sa ibaba, isulat mo ang maaaring
suliranin o isyu ng iba‘t ibang paksang pantalumpati. Maglakip ng
damdamin sa pamamagitan ng HUGOT LINES.

Tingnan ang unang halimbawa.

Paksa Suliranin/ Isyu Hugot - Post


Social Amelioration Di lahat ng Mahirap maging mahirap, ngunit
Program sa COVID- indigent mas mahirap pala ang paasahin
19 pandemic nabibigyan ka ng nangako sa iyong
mamahalin ka at di iiwan.

Paksa Suliranin/Isyu Hugot-Post


1. Responsableng
paggamit ng
social media
2. Pagpapatuloy
ng curfew
pagkatapos ng
COVID crisis

11
3. Same sex
marriage sa
Pilipinas
4. ABS CBN
shutdown

5. Pagbabalewala
sa wikang
Filipino ng mga
Pilipino
Images source: Clip Art

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan?

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa


naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.
Pagsasanay 3

Mag- Ms. Q@A Tayo!


Panuto: Gamit ang parehong mga paksa sa Pagsasanay 2, magbigay ng
mabigat na paninidigan o punto sa sarili mong pananaw. Gumamit ng
kwaderno at simulan ito sa I believe…

12
Paksa Punto o Paninindigan
1. Responsableng I believe…
paggamit ng social media

2. Pagpapatuloy I believe…
ng curfew pagkatapos ng
COVID crisis
3. Same sex I believe…
marriage sa Pilipinas
4. ABS CBN I believe…
shutdown

5. Pagbabalewala I believe…
sa wikang Filipino ng mga
Pilipino
Images source: Clip Art

Lodi na kita! Pang Ms Q @ A ang peg ah!

Nasagutan mo lahat na pagsasanay.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang


resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan


mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam
kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito
na kailangan mong gawin.

Panapos na Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang isang halimbawa ng talumpati na nasa ibaba.
Gawin itong huwaran upang makabuo ng sariling talumpati. Gamitin ang RUBRIC sa
ibaba upang magsilbing gabay sa epektibong paggawa ng talumpati sa paksang
napili mo.

13
___________________________________________________

__________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

__________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

Frame source: Clip Art

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa 5
pagsulat ng talumpati gamit ang tatlong bahagi at
wastong pagkakasunod-sunod.
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani- 5
paniwalang talumpati
Nakasusulat ng talumpating batay sa maingat, wasto 5
at angkop na paggamit ng wika
Nakabubuo ng talumpating may batayang 5
pananaliksik ayon sa pangngailanagan.
Kabuoang Puntos 20

14
Sa Muling Pagsukbit ng Sandata
Ni: Leo C. Brizuela, Jr.

I. Hindi maaaring baguhin ang kasaysayan. Iba-ibang kuwento ang


naitala sa likod ng katapangan ang nakakubli sa mga dahon ng nakalipas.

Sa lahat lahat ng naririto sa bulwagang ito, isang pagpupugay.

II. Mga kalalakihang pinarusahan kahit walang kasalanan;


paggapos at pagbusal/ sa mga nagtangkang magsalita at sumalungat;
panggagahasa sa kababaihang walang kalaban-laban;
pagharap sa angil ng mga punglo/ at talas ng bayoneta;
kalungkutan ng paghihiwalay ng asawa sa kabiyak; ama sa anak;
anak sa magulang; at kapatid sa kapatid…

Ilan ito sa mga senaryo na iginuhit ng kasaysayan sa ating bansa.


Mga trahedyang nag-iwan ng pilat at kirot sa ating mga kababayang
naging bahagi ng masalimuot na buhay sa panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Paano nga ba maisasantabi sa buhay ng mga Pilipino ang bakas
ng Martsa ng Kamatayan/ o mas kilala bilang “Death March?” Isang
martsa na animo’y prusisyong walang Santo/ ng kalalakihang Pilipinong
sumugal sa kalayaan.
Ang 140 kilometro o 90 milya ay pinauusad ng mga nakaantabay na
mga kawal-Hapones na handang bumuga ang baril o kaya’y tumusok ang
bayoneta - isang paglalakbay na kakambal ng dugo at buhay mula Bataan
patungong kampo O’Donnell sa Capas, Tarlac.
Sa mga talang ito, ano nga ba ang silbi ng kasaysayan sa
kasalukuyan? May halaga pa ba ito sa lahing Pilipino at kabataang
nabuhay sa isang naiibang panahon? Isang panahong may sariling mga
suliraning sumusubok sa katatagan ng bansa at masang Pilipino.
Mga kaibigan, hindi lingid sa lahat ang sari-saring isyung
kinasasangkutan ng Pilipinas sa kasalukuyan. Idagdag pa rito ang patuloy
na pagtaas ng kaso ng krimen na sangkot ang kabataan gaya ng cyber
bullying, sex scandals, droga at pornograpiya na dagdag-pasanin ng ating
bansa.
Kung ang ating panahon ngayon ay digital era, bakit hindi ito
gamiting instrumento sa uri din ng henerasyon ngayon? Ang mga
dokumentaryo ng kagitingan ng ating mga bayani ay dapat bigyang-pansin
at ipamahagi sa mga paaralan upang magbigay-linaw at inspirasyon sa
lahat ng henerasyon.

15
Ang pagsasapelikula ng iba’t ibang kwento ng kanilang buhay ay
maaring simulan ngayon, upang magsilbing salamin ng tamang pagkilos
at mga disisyon.

Gamitin ang impluwensiya ng social media upang makapagbahagi


nang mas makabuluhang posts, shares at likes sa mga usaping
pangkasaysayan at pagbabago.

II. Panahon ngayon ng pagbalikwas at hindi pagtakas; panahon ng


paggising at hindi pananahimik; panahon ng pagiging makatao at hindi
pagiging walang silbi…sapagkat tayo… tayo ang mga itinakda upang
muling isukbit ang mga sandatang dati nang isinalong ng panahon. Tayo
ang magpupunla sa bagong henerasyon ng pamanang kalayaan.Tayo
ang makabagong mga beterano ng digmaan na magsasabuhay at
pagyayamanin ang dakilang kasaysayan ng lahing Pilipino…para sa
isang lipunang malinis; para sa isang lipunang payapa; at para sa mas
ligtas na kinabukasan ng bansang Pilipinas.

Magandang hapon sa inyong lahat!

Sanggunian:Talumpating Piyesa
Ni: Leo C. Brizuela, Jr.

Yehey!

Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang


iyong mga sagot sa pahina 18.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa
ibaba.

 nagawa lahat


 1 hindi nagawa
 2 hindi nagaw
 3 pataas hindi nagawa

16
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!


Karagdagang Gawain

Panuto: Manood sa youtube ng mga kilalang mahuhusay na mananalumpati


sa ating bansa na nasa ibaba. Lagyan ng emoji ang iyong pagraranggo sa
kanila ayon sa nakapaloob sa talahanayan.

MANANALUMPATI Estilo DATING


(Paraan,gamit ng SA TAGAPAKINIG
wika, pagkakabuo, (Hikayat,
linaw) damdamin,ekspresyon)
Sen. Ninoy Aquino
Pang. Ferdinand E.
Marcos

Sen. Mirriam Defensor-


Santiago

Leyenda:

Petmalu Ayos Ok

Images source: Clip Art

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko


at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain.

Werpa di ba!!!?
Oh, hanggang sa muli!

17
18
Panimulang Pagsubok
1. b
2. a
3. d
4. a
5. b
Pagsasanay 1 Panapos na Pagsubok
1. daglian Gagamitin ang Rubric sa pagmamarka ng awtput
2. kongklusyon
3. katawan
4. bigkas
5. tindig
Pagsasanay 2 at 3 Karagdagang Gawain
Subhetibo ang sagot Sariling Pagraranggo Gamit ang Emoji
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian:

➢ Julian, A. at Lontoc, N.(2016): Ang Talumpati: Pinagyamang Pluma Filipino


sa Piling Lang- Akademik.Phoenix Publishing House Inc. Quezon City;

➢ Brizuela, L. (2020) Talumpating Piyesa, Di Limba

19
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

19

You might also like