You are on page 1of 22

SHS

Filipino
Piling Larang –Akademik
Modyul 4:
ProjectInAction
Filipino – SHS Baitang 11/12
Piling Larang: Akademik – Modyul 4: ProjectInAction

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Cynthia C. Altamera


Editor: Leopoldo C. Brizuela Jr.
Tagasuri: Nora J. Laguda
Leopoldo C. Brizuela Jr.
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan
mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing
nasa loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-
kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang
natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
ProjectInAction
Panimula:

Magandang araw!
Kumusta ka kaibigan?

Ayos ka lang ba?

Mabuti naman kung gano’n. Natutuwa akong malaman na nasa maayos kang
kalagayan.
Sa araw na ito ay mayroon tayong panibagong aralin na pagtutuunan ng
pansin. Oh, umpisahan na natin. Handa ka na ba ?
Sa gawaing ito ay mahalagang malaman mo kung ano-ano nga ba ang mga
istilo at teknikal na pangangailangan sa pagsulat ng isang halimbawa ng
akademikong sulatin. At para mas maging tiyak tayo, tatalakain lang natin ang isa sa
mga halimbawa nito ay ang panukalang proyekto?

Tara simulan na natin.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin
(tulad ng pagsasagawa ng panukalang
proyekto).

Layunin

1
May mga bagong salita na dapat mong kilalanin
para sa araling ito. Magagamit mo ang mga ito upang ganap
mong maunawaan ang mga susunod na talakay tungkol sa
ating paksa.

Talasalitaan

Basahin natin.

Specific-
nakasaad dito ang mga bagay
na nais makamit o mangyare
sa panukalang proyekto.

Immediate-
nakasaad ang tiyak na petsa
kung kalian matatapos ang
proyekto.

Measurable-
may basehan o patunay na
naisakatuparan ang nasabing
proyekto.

Panukala Practical-

Nangangahulugan ng mungkahi o Nagsasaad ng solusyon sa binaggit


suhestiyon. na suliranin.

Logical-

Proyekto- Nagsasaad ng paraan kung paano


makakamit ang proyekto.
Ito ay mga plano o panukalang dapat
isagawa upang makatulong sa
kinauukulan.

Evaluable-
Dito nasusukat kung paano
makatutulong ang proyekto.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating
aralin?

Panimulang Pagsubok

Panuto: Gamit ang graphic organizer, ano ang pinakahuling proyekto sa


inyong paaralan o pamayananan ang iyong nabalitaan na nagdulot ng
malaking pakinabang sa iyo at sa ibang tao.

Pamagat ng Proyekto

Nagpanukala ng Proyekto:

Lugar kung saan isinagawa o ipinatupad ang proyekto:

Mga taong nagsagawa/nagpatupad ng proyekto:

Pakinabang o magandang dulot ng proyekto:

3
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.
Alamin natin sa pahina 17 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka kaya nabibilang?

5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY


3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

Wow!! Astig !!!

O, di ba kayang-kaya mong sagutan. Unti-unti mong


nakukuha ang mga bahagi ng isang panukalang
proyektos?

Halika, may inihanda pa akong mga dapat mong


matutuhan at ilang gawaing mas lalong
magpapaunlad sa iyong pagkatuto.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Ang Panukalang Proyekto

Ang panukalang proyekto ayon kay Dr.Phil Bartle ng The Community


Empowerment Collective, isang samahang tumutulong sa mga nongovernmental
organization (NGO), ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga
plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan. Ayon naman kay Besim
Nebiu, may akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang
panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihaing gawaing
naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang
proyekto, kaya naman, masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng
kaalman, kasanayan at maging sapat na pagsasanay.

4
_______________________________
Ano-ano ba ang layunin ng panukalang proyekto?

Tumpak! Layunin nitong makatulong at makalikha ng positibong pagbabago


sa isang komunidad o samahan.

Sa aklat nina Jeremy Miner at Lynn Miner na A Guide to Proposal Planning and
Writing, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng
tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:

a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalng Proyeto - Bago simulan ang


pagsulat ng isang panulang proyekto ay kailangan munang tiyakin ang
pangangailangan o ang suliranin ng pag-uukulan ng proyekto. Sa
pamamagitan ng pagmamasid o obserbasyon maraming suliranin ang
maaaring Makita sa paaralan, pamayanan o kompanya.

b. Pagsulat ng Panukalang Proyekto – Sa pagsulat naman ng katawang


bahagi ng panukalang proyekto ay binubuo ito ng tatlong bahagi:

LAYUNIN- makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-


adhikain ng panukala. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2005), ang
layunin ay kailangang maging S.I.M.P.L.E. – Specific, nakasaad ang mga
bagay na nais makamit o mangyare sa panukalang proyekto. Immediate,
nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matatapos. Measurable, may
basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto. Practical,
nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin. Logical, nagsasaad ng
paraan kung paano makakmit ang proyekto. At ang panghuli ay ang
Evaluable, masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.

PLANO NG DAPAT GAWIN - matapos maitala ang mga layunin ay maaari


nang buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action. Mahalagang maiplano
itong mabuti ayon sa tamang pagkakasuno-sunod ng pagsasagawa nito
kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng gawain,
kailangan din maging makatotohanan o realistic ang proyekto. At ang
panghuli ay ang Badyet – Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Isa sa pinakamahalagang
bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag
ng kakailanganing sa pagsasakatuparan ng layunin.

5
c. Paglalahad ng Benipisyo ng Proyekto at Makikinabang Nito –
nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito
makatutulong sa kanila. Mahalagang maging espisipiko sa tiyak na grupo
ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin.

________________________________________
Ano-ano nga ang tatlong mahahalagang
bahagi ng panukalang proyekto?

Tama! Ang panukalang proyekto ay nahahati sa tatlong bahagi:


ang 1. pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto,
2. pagsulat ng katawan, at ang
3. paglalahad ng benipisyo ng proyekto at mga makikinabang nito.

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.

Sa iyong palagay, lahat kaya ng proyektong ipinapatupad sa


mga paaralan o pamayanan ay dapat gawan muna ng
pagsulat ng panukala bago ipatupad?

________________________________________________________________________
Tama na dapat lang ay mayroon.Mahalagang magsagawa muna ng pagsulat ng
panukala o plan of action sapagkat magsiislbi itong direksiyon upang maging
malinaw ang Gawain at kailangang makahikayat ng positibong pagtugon mula sa
pinag-uukulan nito.

6
_________________________________________________________________

Ipagpatuloy mo.
_________________________________________________________________

Sa pagsulat ng panukalang proyekto mayroong mga balangkas na sinusunod


upang maging epektibo at kapani-paniwala ang isang panukala, maraming
balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto at ito ay nakadepende sa may-akda
na maghahain nito.

Para mas maging payak ang balangkas ng panukalang proyekto maaaring


gamitin ang mga sumusunod:

➢ Pamagat ng Panukalang Proyekto – kadalasan ito ay hinango mismo


sa inilahad na pangangangailangan.
➢ Nagpadala – naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang
proyekto.
➢ Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama
sa bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal
gagawin ang proyekto.
➢ Pagpapahayag ng Suliranin – dito nakasaad ang suliranin at kung
bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
➢ Layunin – naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit
dapat isagawa ang panukala.
➢ Plano ng Dapat Gawin – dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-
sunod ng mga gawaing isasagawa para maisakatuparan ang proyekto.
Badyet – ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa
pagsasagawa ng proyekto.
➢ Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/Samahan ang
Panukalang Proyekto – kadalasan ito rin ang nagsisilbing konklusyon
na kung saan nakasaad ang mga taong makikinabang ng proyekto.
_____________________________________________

Magpatuloy ka.
Mag DEAL OR NO DEAL tayo para sa ilan pang
karagdagang kaalamang dapat mong matutunan sa
pagsulat ng panukalang proyekto.
_________________________________________

Ang badyet ay naglalaman ng


mga kalkulasyon na gugulin sa
pagsasagawa ng proyekto.

7
Deal. Tandaan na isa ito sa mga pinakamahalagang bahagi ng panukal kailangang
maging maingat at wasto ang ginagawang pagkukuwenta.

Sa pagpapahayag ng Sa layunin makikita ang talaan ng


suliranin makikita ang mga pagkakasunod-sunod ng mga
gawaing isasagawa para sa
dahilan o kahalagahan kung
pagsasakatuparan ng proyekto.
bakit dapat isagawa ang
panukala.
No Deal.
Deal. Sapagkat dito makikita Sa Plano ng Dapat Gawin
makikita ang pagkakasunod-
ng mga kinauukulang kung
sunod ng mga gawaing
aaprobahan ang
isasagawa sa panukalang
isininagawang panukala proyekto.

Sanggunian:
Ang Panukalang Proyeto, 60-76
Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang
Nina: Aileen Julian at Nestor B. Lontoc

Yehey!!! Like na Like mo ba ang ating talakay?

Mabuti kung ganoon. Natutuwa akong unti-unting nagiging


malinaw sa iyo ang kung paano isasagawa ang panukalang
proyekto. Mayroong halimbawa sa mga susunod na pahina sa
pagsasagawa ng panukala.

Ipagpatuloy mo pa.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

8
Simulan mo na ang iba’t ibang
gawain.
___________________________________ Pagsasanay 1
SMILE MO, SHOW MO!
Panuto: Basahin ang halimbawa ng
panukalang proyekto. Suriin ito batay sa tseklist sa ibaba.

Lagyan ng masayang mukha (☺) kung nakitang maayos na nasunod ang


mga dapat taglayin ng bahaging nakatala. Samantala, lagyan ng malungkot
na mukha () kung hindi. Sumulat ng maikling paliwanag sa napiling sagot.

Bahagi ng Panukalang Proyekto Mukha Paliwanag


(☺) o ()
Pamagat
Pagpapahayag ng Suliranin
Layunin
Plano na Dapat Gawin
Badyet
Pakinabang

PANUKALA SA PAGSASAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO

Mula kay Leah Grace L. Delgado


324vPurok 10, Tiburcio Luna Avenue
Baranggay Bacao
General Trias Cavite
Ika-11 ng Disyembre 2015

Haba ng Panahong Gugulin: 3 Buwan at Kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunald na barangay ng
bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay nanatiling pamayanang
agricultural bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa
lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararansan ng Baranggay Bacao sa
kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito
ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng
pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ang mga
pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig
sa ilog na nangagaling sa bundok.

9
Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o
pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay
maipapatayo tiyak na ‘di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan
sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng
mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa
madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

II. Layunin
Makpagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan
ang pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga
mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa mga
susunod na buwan.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw) .
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa
pagpapagawa ng breakwater o pader ( 2 linggo )
▪ Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang
tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting
plano para rito.
3. Pagpupulong ng knoseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na
gagawa ng breakwater (1araw)
▪ Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling
contractor para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng knoseho ng
Barangay Bacao (3 Buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


1. Halaga ng pagpapagawa ng Php 3, 200,00.00
breakwater batay sa isinumite
ng napiling contractor (kasama
na rito ang lahat ng materyales
at suweldo ng mga trabahador)
2. Gastusin para sa pagpapsinaya Php 20, 000.00
at pagbabasbas nito
Kabuoang Halaga Php 3, 220, 000.00

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa


lahat ng mamamayan ng Barangay bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa
panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Hindi na makararanas ang mga
mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot
ng malaking epekto sa pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroobn nan g kapanatagan ang
puso ng bawat isa sa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang
tubig sa tulong ng ipapatayong pader.

10
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa paglilikas
ng mga pamilyang higit na apektado sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin,
maiiwasan ang pagkasira ng pananim ng mga magsasaka na karaniwang pinagkukunan
ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito.
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Baranggay Bacao. Ipagawa
ang breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksyiyon sa panahon ng tag-ulan.

Sanggunian: Ang Panukalang Proyeto, 68-70


Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang
Nina: Aileen Julian at Nestor B. Lontoc

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 17.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang


isa pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

I-JUDGE MO!
Panuto: Magtanong sa SK Chairman
ng barangay tungkol sa panukalang
proyekto nila sa barangay. Ihambing
Pagsasanay 2 ang panukalang proyektong nakalap
sa halimbawang ginamit sa
Pagsasanay 1 gamit ang Compare and
Contrast Diagram sa ibaba.

11
Panukalang Proyektong Panukala sa Pagpapagawa ng
ng SK Breakwater sa Baranggay Bacao

Paano ito nagkakatulad?

Paano ito nagkakaiba?

pagdating sa:

Layunin

Panahon

Suliranin

Badyet

Plano

Pakinabang

12
Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan?

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa


naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na Pagsasanay 3
pagsasanay.

Kaya Mo ‘To!
Panuto: Punuan ang talahanayan sa ibaba ng maaring maging datos/
nilalaman ng sitwasyon ayon sa bahagi ng panukalang proyekto na dapat
isaalang-alang:

Sitwasyon Layunin Panahon Suliranin Pakinabang


1. Operation
Linis-Ilog

2. Project- BASA
(Bata ay
Akayin at
Sama-samang
ipakilala ang mga
Akda)

13
Lodi na kita! ‘Diba Tol, Kayang-kaya mo!

Nasagutan mo lahat na pagsasanay.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang


resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga


natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot
dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok
na lamang ito na kailangan mong gawin.

Panapos na Pagsubok

Plano Mo...Isulat mo!


Panuto: Bumuo ng malinaw na konseptong Panukalang Proyekto mula sa
mga datos sa ibaba. Isaalang-alang ang mga bagay na napag-aralan para sa
epektibong sulatin. Gamiting format ang halimbawang panukala sa
Pagsasanay 1 at ang pamantayan sa ibaba upang magsilbing gabay.

Pamagat ng Proyekto Sugpo-Basura


Layunin Nakatutulong sa komunidad upang
mabawasan ang pagkalat ng
basura sa barangay
Panahon Paglulunsad:Nobyembre 2020
Suliranin Panganib sa kalusugan sanhi ng
basura
Plano (Idetalye ang nais na plano)
Badyet 10,000 ang kakailanganin
(idetalye kung saan gugugulin)
Pakinabang Mga mamamayan ng barangay

14
Pamantayan Puntos
Organisado, malikhain at kapani-paniwala 5
Makatotohanan at katanggap-tanggap 5
Maingat at wastong paggamit ng wika 5
Kabuoang Puntos 15

Yehey!

Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang


iyong mga sagot sa pahina 17.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa
ibaba.

 nagawa lahat


 1 hindi nagawa
 2 hindi nagaw
 3 pataas hindi nagawa

Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Karagdagang Gawain Tara magtulungan tayo!

Panuto: Kausapin/Kapayamin ang mga magulang at kunin ang panig nila


sa paksang: MASAYA AT RESPONSABLENG PAGPAPAMILYA sa pamamagitan
ng pagpasagot sa talahanayan sa ibaba. Ipabasa at palagdaan sa
magulang ang sinulat pagkatapos.

15
Pamilya ko…Mahal Ko!
1. Ano ang tamang edad ng pag-
aasawa? Bakit?

2. Sa pagpapamilya ano ang


madalas na nagiging suliranin?

3. Bakit mahalagang isaalang-


alang ang bilang ng magiging
anak?

4. Bakit mahalaga ang tamang


pagbabadyet sa kita?

5. Ano-ano ang tungkulin ng mga


kasapi?

5. Ano-ano paraan nila para


makikipag-bonding sa mga anak?

6. Paano nila nilulutas ang


suliraning pampamilya?

Lagda ng Magulang

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang


saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Werpa di ba!!!?
Oh, hanggang sa muli!

16
17
Panimulang Pagsubok
Subhetibo ang sagot
Pagsasanay 1, 2 at 3
Subhetibo ang sagot
Panapos na Pagsubok
Gamitin ang Rubric sa pagmamarka ng awtput
Karagdagang Gawain
Gamitin ang rubric sa pagmamarka ng awtput
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian:

➢ Julian, A. at Lontoc, N.(2016): Ang Panukalang Proyekto: Pinagyamang


Pluma Filipino sa Piling Lang- Akademik.Phoenix Publishing House Inc.
Quezon City;

➢ https://brainly.ph/question/297778

➢ https://brainly.ph/question/396824

➢ https://www.academia.edu/38736858/Pagsulat_ng_Panukalang_Proye
kto

18
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

18

You might also like