You are on page 1of 24

2

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Konsepto ng Pamamahala at Pamahalaan
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Konsepto ng Pamamahala at Pamahalaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Raffy Jan P. Angeles
Patnugot : Ramil D. Dacanay
: Rochella C. David
: Janet P. Lingat

Tagasuri : Emily F. Sarmiento PhD


: Angelica M. Burayag PhD
Tagaguhit : Krislene Ida N. Mercado
: Lady Diane M. Bonifacio
Tagalapat : Noel S. Reganit
Tagapamahala :
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Lourdes G. Dela Cruz PhD
Emily F. Sarmiento PhD
Ramil D. Dacanay

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Konsepto ng Pamamahala at Pamahalaan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat para sa iyo upang mas lalo mo


pang maunawaan at mapahalagahan ang pamumuno ng mga lider sa
inyong komunidad at ang kaakibat na tungkuling kanilang
ginagampanan.

Pagkatapos mong maisagawa ang ibat-ibang mga Gawain,


inaasahan na maipapakita mo ang sumusunod na kakayahan:

*natatalakay ang konsepto ng pamamahala at pamahalaan

1
Subukin

Basahin ang mga pahayag. Gumuhit ng masayang mukha (☺)


sa patlang kung ang pangungusap ay tumutukoy sa pamumuno at
malungkot na mukha naman (☹) kung hindi.

_______1. Ang pamamahala ay ang pamamaraan ng isang pinuno na


pamunuan ang isang organisasyon.
_______2. Ang Presidente ng Pilipinas ang pinakamataas na pinuno
ng bansa.

_______3. Magiging payapa ang isang komunidad kung walang


namumuno rito.

_______4. Tumutulong ang pinuno upang mapabilis ang pag aksyon


sa mga problema katulad ng pagsugpo sa COVID-19.

_______5. Ang Kapitan ang pinakamataas na pinuno sa isang


barangay.

2
Aralin
Konsepto ng Pamamahala at
1 Pamahalaan

Balikan

Ating balikan ang naunang aralin natin tungkol sa epekto ng


pagkakaroon ng hanapbuhay at iuugnay ito sa kasalukuyang paksa sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa ibaba.

Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ang isinasaad ng


pangungusap ay wasto at ekis ()naman kung ito ay hindi wasto.

______ 1. Ang pangangalaga sa ating kapaligiran ay pangangalaga sa


ating kabuhayan.

______ 2. Ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran ay maaring


solusyon upang makaiwas sa sakit tulad ng COVID-19.

______ 3. Nakakaaliw kapag hinuhuli at ikinukulong ang mga ibon sa


kagubatan.

______ 4. Ang pagbaha ay isang epekto ng maling pagtatapon ng


basura lalo na sa mga kanal.

______ 5. Ang paglilinis sa kapaligiran ay tungkulin hindi lamang ng


mga pinuno kundi maging ng bawat tao.

3
Tuklasin
Ang pamahalaan ay napakahalaga sa pag-unlad ng ating mga
komunidad. Ito ang nagbibigay sa atin ng mga serbisyo upang
makatulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Tuklasin mo ang ginagawa ng ating pamahalaan sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawain sa ibaba.
Pamamahala sa Aming Komunidad
ni: Raffy Jan P. Angeles

Ako ay may hinahangaan,


mga pinuno silang kinakailangan
Pinatatatag nila ang bawat haligi ng pamayanan
Pinalalakas ang samahan sa kanilang nasasakupan.

Mga pinuno na binoto o pinili,


upang mamahala sa bawat pangkat at haligi
Nakahandang maglingkod sa mga tao at bayan
ng buong puso at katapatan.

Handang tumulong anumang panahon,


umaalalay sa krisis at malalang sitwasyon
Iyan ang pamamahala sa aming komunidad
na aming hinahangad.

4
Upang magkaroon ng kaayusan ang komunidad, gumagawa
ng mga ordinansa o alituntuning dapat sundin ang Sangguniang
Barangay na binubuo ng mga Kagawad sa pangunguna naman ng
Kapitan. Bawat kagawad ay may pamumunuang komite upang
mabilis ang pagbibigay ng serbisyo sa mga tao.

Sa araling ito ating kilalanin ang ilang mga pinuno katulad nila.

5
Suriin

Gawain 1:
Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
1. Ano ang ibig sabihin ng pamumuno?
2. Sino ang tinatawag na pinuno?
3. Ano-ano ang mga katangiang hinahanap sa isang pinuno?
4. Sa isang barangay, sino-sino ang mga namumuno rito?
5. Paano nila napananatili ang kaayusan, kapayapaan at kaunlaran
ng kanilang nasasakupan.

6
Pagyamanin
Gawain 1:
Basahin ang mga kuwento ng mga sumusunod na pinuno at
sagutin ang mga katanungan ayon sa nabasang kuwento.
Si Dr. Simon ay isang punong-
manggagamot sa isang
pampublikong pagamutan. Siya ang
nangunguna sa pag-aasikaso sa mga
taong may sakit at nangangailangan
ng medikal na atensyon. Tinitiyak rin
niya na ligtas at nasa maayos na
kalagayan ang mga nagtatrabaho
maging ang mga pasilidad ng
pagamutan. Sinisikap niya na ang
serbisyong ibinibigay ng pagamutan ay de-kalidad at ligtas.

Si Major Cruz na hepe ng


Himpilan ng Pulis ay matapang at
masigasig na pinamumunuan ang
kapulisan na siyang sumusugpo sa
mga krimen at masamang gawain sa
komunidad. Pinapanatili niya ang
kapayapaan at kaayusan sa lugar na
kaniyang nasasakupan gayundin ang
katapatan at malasakit ng mga
pinumumunuan nyang kapulisan.

7
Si Kuya Noli ang SK chairman
ng Brgy. Masagana na siyang
nangunguna sa mga proyekto ng
barangay para sa mga kabataang
katulad niya. Sinisikap niya na
nabibigyan ng boses ang mga
kabataan na maipahayag ang
kanilang saloobin at ideya.
Nagsasagawa siya ng mga programa
na katulad ng isports, sining, clean-
up drive at iba pa, upang makaiwas sa masamang bisyo ang mga
kabataan.

Si Kapitan Raffy ng Brgy.


Cuayan ay buong pagmamahal na
pinamumunuan ang kaniyang
komunidad at may malasakit na
naglilingkod sa mga mamamayan.
Sinisikap niyang makisalamuha sa
kaniyang mga nasasakupan upang
hikayatin sila ana makiisa sa mga
programa ng barangay para sa
ikauunlad ng pamayanan.

8
Si Gng. Paras naman ang
punong-guro ng Mababang Paaralan
ng Cuayan ay buong malasakit na
pinaglilingkuran at pinamumunuan
ang mga guro, mag-aaral at magulang
ng paaralan. Tinutulungan niya ang
mga guro na mapaunlad ang kanilang
mga kakayahan sa pagtuturo at
nagsasagawa rin siya ng mga
programang magpapaunlad sa mga
mag-aaral sa larangan ng akademya,
isport, sining at agham at iba pang asignatura.

Si nanay Lisa at tatay Lito


ang nagsisilbing pinuno ng
kanilang tahanan at
nagpapanatili ng kaayusan at
pagmamahalan ng mag-anak.
Tinitiyak nila na natutugunan
ang pangangailangan ng
kanilang pamilya at nabibigyang
pansin ang mga problemang
kinakaharap. Sila ay nagsisilbing
ilaw at haligi ng tahanan upang manatili itong buo at puno ng
pagmamahal.

9
Gawain 2:
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang mga ito
sa iyong sagutang papel o kuwaderno.

1. Sino-sino ang mga nasa larawan? Ano-ano ang ginagampanang


tungkulin ng bawat isa sa kanila?

2. Paano ginagampanan ni Dr. Simon ang kaniyang tungkulin


bilang punong manggamot?

3. Paano ipinakikita ni Major Cruz ang kaniyang responsibilidad sa


kaniyang trabaho?

4. Paano naman nakakatulong si Kuya Noli sa mga kabataan sa


kanilang komunidad?

5. Bilang pinuno ng barangay, paano ginagampanan ni Kapitan


Raffy ang kaniyang tungkulin?

6. Ano-ano ang mga tungkulin ni Gng. Paras sa paaralan na


kaniyang pinaglilingkuran?

7. Paano ipinakikita ng mag-asawang Liza at Lito ang kanilang


responsibilidad sa kanilang pamilya?

10
Malayang Gawain (Independent Activity)
Gawain 1:
Gumawa ng tsart sa iyong kuwaderno tulad ng nasa ibaba.
Lagyan ng tsek ( ) kung nagawa mo na ang diwang inihahayag ng
pangungusap, at ekis (X) kung hindi pa.

Mga Sitwasyon Nagawa Hindi


na pa
1. Nakikinig sa mga payo at paalala ng mga
namumuno.

2. Nagmamano at gumagamit ng
magagalang na pananalita.

3. Nakikiisa sa mga proyekto ng pinuno na


nakakabuti para sa marami.

4. Ipinagmamalaki ang kanilang mga


nagawang kabutihan.

5. Tumutulong sa kanilang mga gawain.

11
Gawain 2:

Sa isang bondpaper ay gumuhit ng malaking puso at iguhit sa


loob nito ang iniidolo mong pinuno sa inyong komunidad. Suriing
mabuti ang kaniyang mga naging ambag sa komunidad at isulat ito
bilang paglalarawan sa iginuhit mong larawan.

12
Isaisip
Gawain 1
Bilang patunay na iyong naunawaan ang iyong napag-aralan,
punan ng tamang sagot ang mga patlang sa ibaba tungkol sa papel na
ginagampanan ng pamahalaan sa komunidad.

1. Siya ang pinakamataas na


__________________ pinuno ng bansa.

2. Siya ang pinakamataas na


__________________ pinuno ng isang lalawigan.

3. Siya ang pinakamataas na


__________________ pinuno sa bayan o lungsod.

4. Siya ang pinakamataas na


__________________ pinuno sa isang barangay.

13
Isagawa

Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang salitang tumutukoy


sa pinuno sa bawat pangungusap at isulat sa patlang ang tungkuling
kanilang ginagampanan.

1. Nagpatawag ng pagpupulong ang punong-guro ng paaralan


tungkol sa pagbibigay ng modyul.
____________________________________________________

2. Ipinag-uutos ng punong-barangay o kapitan ang wastong


pagtatapon ng basura.
____________________________________________________

3. Ipinaalala ng pinuno ng kabataan ang kahalagahan ng pag-iwas sa


masamang bisyo.
____________________________________________________

4. Iniingatan ng isang ama at ina na mailayo sa nakakahawang sakit


ang kanilang mga anak.
____________________________________________________

5. Pinagsabihan ng hepe ng mga pulis ang mga taong hindi


nagsusuot ng face mask sa palengke.
____________________________________________________

14
Tayahin
Gawain 1:
Pag-ugnayin ang larawan ng mga Haligi ng Komunidad sa Hanay
A at sa mga namumuno sa Hanay B. Gumuhit ng linya.
Hanay A Hanay B

1. a. punong-guro

2. b. kapitan o alkalde

3. c. Hepe ng mga Pulis

4. d. Punong Manggagamot

5. e. ama o ina

15
Gawain 2:
Basahin ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang
pangungusap ay wasto at MALI kung ang ipinapahayag ay hindi
wasto.

_________1. Ang punong-guro ang siyang namumuno sa isang


pampubliko at pribadong paaralan.

_________2. Ang ama at ina ang namumuno sa isang pamilya o


tahanan.

_________3. Ang barangay ay pinamumunuan ng isang hepe ng pulis.

_________4. Ang mga kagawad ng isang barangay ay personal na pinili


ng Kapitan upang tulungan siya sa mga gawaing
pambarangay.

_________5. Ang Kapitan at mga kagawad na ibinoto ng


mamamayan ng barangay ay nagtatrabaho sa hospital.

16
Karagdagang Gawain
Buuin ang graphic organizer sa ibaba sa pamamagitan ng
pagsulat sa loob ng biloghaba sa mga namumuno sa komunidad.

Mga
Namumuno sa Iyong
Sariling Komunidad

17
18
Isaisip Isagawa Suriin Subukin
1.Pangulo Sariling opinion Gawain 1: Maaaring iba-iba 1. 😊
ang mga sagot ng mga mag- 2. 😊
2. Gobernador Tayahin aaral 3. ☹
3. Mayor o Alkalde 4. 😊
Gawain 1 Pagyamanin 5. 😊
4. Kapitan 1. b Ginabayang Gawain
2. d Gawain 1: Maaaring mag- Balikan
3. e iba-iba ang mga sagot ng
4. a mga mag-aaral 1. ✓
5. c Gawain 2: Maaaring mag-
iba-iba ang mga sagot ng 2. 
Karagdagang Gawain
Gawain 2 mga bata 3. ✓
Sariling opinyon 1. Tama Malayang Gawain 4. ✓
2. Tama Gawain 1 at Gawain 2
3. Mali Maaaring magkaiba-iba ang 5. ✓
4. Mali sagot
5. Mali
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Antonio, Eleanor D., Antonio, Sheryl D., Banlaygas


(2017). Kayamanan Batayang at Sanayang
Aklat sa Araling Panlipunan 2: Rex Bookstore, ph.
275-279
Kagawaran ng Edukasyon (2013). Araling Panlipunan 2,
Kagamitan ng Mag-aaral, ph. 179-186
Kagawaran ng Edukasyon. Most Essential
Competencies. 2020
Kagawaran ng Edukasyon. Modyul. MISOSA 5.
Pamahalaang Barangay
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like