You are on page 1of 1

BOLIMA, ANNALYN C.

BSBA II-FM (DAY)

FILIPINO 3

Sa mga panauhing pandangal, sa mga manunuod at sa mga taong nasa likod


ng pagbibigay ng parangal, sa mga natatanging negosyante, isang magandang hapon po sa
inyong lahat. Nagagalak ako sapagkat isa ako sa mga napili upang bigyan ng parangal sa araw
na ito.

Una,iniisip ko kung nararapat ko bang tanggapin ang parangal na igagawad


ninyo sa akin. Pero napag isip-isip ko sa dami ng pinagdaan ko sa aking buhay, sa mga
paghihirap,sapagkat ang buhay ay hindi madali,masasabi kong karapat-dapat din akong
makatanggap ng ganitong parangal. Hindi ko ito lahat magagawa kung hindi sa tulong ng mga
taong laging sumusuporta at laging gumagabay sa akin sa pag abot ko sa aking mga
pangarap. Noong nasa kolehiyo ako, iniisip ko kung talagang matatapos ko ang pag-aaral ko.
Pero dahil sa pagsisikap sa tulong ng aking mga magulang, butihing kapatid at sa mga taong
handang sumuporta pang pinansyal man o moral ay nakapagtapos ako ng pag aaral.

Nang makapagtapos ako ng pag aaral , sinikap kong makapag hanap ng


trabaho at hindi naman ito naging madali. Sapagkat sa una palang talagang napakahirap ng
buhay ngunit sa pagsisikap, sa pagtitiyaga, sa lahat ng mga suporta ay nagawa ko ito ng
maayos. DAhil kung hindi ko ito nagawa wala po ako sa harapan ninyo. Kaya nagpapasalamat
po ako at lubos po akong nagagalak na isa ako sa bibigyan ninyo ng parangal para sa mga
natatanging negosyante. Muli ako’y lubos na nagpapasalamat sa parangal na natanggap ko
ngayon at sa pagtitiwala ninyo.

You might also like