You are on page 1of 2

Panayam: Wikang Filipino sa Humanidades

at Agham Panlipunan
Posted on March 2, 2021
Introduksiyon

Bilang kahingian sa aming sabjek na GEC11-Filipino sa Iba’t


Ibang Disiplina, kami ay naatasan na magsagawa ng isang
panayam sa isang guro o propesor sa Matematika, Siyensya,
Medisina, Inhenyeriya, Humanidades, Agham Panlipunan o
sa iba pang kaugnay na larangan ukol sa kalakasan at
kahinaan ng Wikang Filipino sa partikular na larangan.

Minabuti kong piliin ang larangang Humanidades at Agham


Panlipunan na ginagamit sa Antas Senior High School.

Binigyang-kahulugan ng College of Arts and Sciences ng


University of South Florida (2015) ang Humanidades bilang
isang disiplinang nakatuon sa pag-aaral tungkol sa
sangkatauhan. Pangunahing layunin nito na suriin ang
pundamental na gawain ng tao gamit ang pitong sining gaya
ng pagpipinta, eskultura, arkitektura, musika, literatura,
pelikula at teatro.

Sa pagpapakahulugan naman ng diksiyonaryo.ph sa Agham


Panlipunan, agham o pag-aaral ng isang aspekto ng lipunan o
isang anyo ng aktibidad sa lipunan, hal kasaysayan,
sosyolohiya, ekonomiya, at katulad : SOCIAL SCIENCE.

Wikang Panturo sa Kanilang Larangan

Alam nating lahat na ang ginagamit na wika bilang midyum sa


pagtuturo sa larangang Humanidades at Agham Panlipunan
ay Ingles. Sinang-ayunan naman ito ng dalawang guro sa
SHS na aking nakapanayam.

Kalakasan sa Paggamit ng Wikang Filipino sa mga


Larangang ito

Buhay na saksi nga raw ang ating mga gurong nakapanayam


na malakas ang Wikang Filipino bilang wikang panturo. Ayon
sa kanila, bagaman Ingles ang talagang dapat na wikang
panturo sa mga larangang Humanidades at Agham
Panlipunan, ngunit sa pagpapaliwanag sa klase ay
namumutawi sa kanila ang Wikang Filipino. Nabanggit pa nila
na lalo sa mga talakayang pangkasaysayan, gobyerno, at
mga suliraning panlipunan ay matindi ang bagsak ng bawat
opinyon ng mga mag-aaral kapag ito ay ipinahahayag sa
Wikang Filipino.

Kahinaan sa Paggamit ng Wikan

You might also like