You are on page 1of 14

PANIMULA

Tuwing Huwebes Santo ay ating ipinagdiriwang ang Pagmimisa sa Pagtatakipsilim


sa Paghahapunan ng Panginoon. Itinatag ng Panginoon ang Sakramento ng Banal na
Eukaristiya sa Huling Hapunan na Kanyang pinagsaluhan kasama ang Kanyang mga
apostol noong bisperas ng Kanyang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus. Dito rin
hinugasan ng Panginoong Hesukristo ang paa ng mga apostol. Ang paa ng mga
apostol ay hinugasan Niya nang buong kababaang-loob upang ipakita ang Kanyang
pagmamahal. Sabi nga sa pasimula ng Ebanghelyo, "Mahal ni Hesus ang Kanyang
mga tagasunod na nasa sanlibutan, at ngayo'y ipakikita Niya kung hanggang saan
ang Kanyang pag-ibig sa kanila." (13, 1) Dahil sa Kanyang pag-ibig para sa kanila,
buong kababaang-loob Niya silang pinaglingkuran sa pamamagitan ng paghugas ng
kanilang mga paa. At iyon ang halimbawang itinuro ni Hesus. Habilin Niya sa mga
apostol, gawin nila para sa kanilang kapwa ang ginawa Niya para sa kanila.
Ang Paghuhugas ng Paa
Nang dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19
tinanggal ang rito sa paghuhugas ng paa sa Banal
na Misa upang mapanatili ang kaligtasan ng mga
pari at layko. Subalit maaari natin itong gawin sa
ating mga tahanan kasama ang ating pamilya.
Kung nais niyo pong gawin ito habang
nagsisimba sa pamamagitan ng online mass,
maari po ninyong i-pause ang video pagkatapos
ng homiliya at isagawa ang paghuhugas ng paa.
Kung nais po pagkatapos ng Banal na Misa,
umpisahan sa pambungad na awit.
Mga kailangan:

1. Bibliya
2. Maliit na palanggana
3. Tabo o pitsel ng tubig
4. Maliit na tuwalya
Mga kailangan gawin:
1. Maaari pong pumili ng isang miyembro ng pamilya na mamumuno sa rito at siyang
maghuhugas ng paa ng lahat.
2. Kung hindi nanonood o nakikibahagi sa Banal na Misa. Awitin ang pambungad na awit
at dasalin ang mga panalangin
3. Sa paghuhugas ng Paa. Magsalitan sa pag-upo ang bawat miyembro ng pamilya at
ilagay ang maliit na palanggana sa harapan upang hugasan ang mga paa. Gawin ito
hanggang sa matapos mahugasan ang lahat.
4. Salitan sa paghuhugas, gamit ang palanggana at tabo at dahan-dahang ibuhos ang tubig
sa paa. Gawin ito ng may pagninilay at iniisip na inuutusan tayo ng Panginoong Hesus
na tularan ang Kaniyang halimbawa. Buong kababaang-loob nating
paglingkuran ang ating kapwa, tulad ng ginawa ni Hesus
sa Huling Hapunan.
Mga kailangan gawin:

5. Gumamit ng tuwalya ang isa pang miyembro ng pamilya upang punasan ang paa.

6. Kapag ang bawat miyembro ng pamilya ay nahugasan na ng paa, dasalin ang


Panalangin pagkatapos ng Paghuhugas ng Paa

7. Maghugas ng kamay at pagkatapos ay ipagpatuloy ang video ng online Mass kung


ginagawa mo ito habang nanonood at nakikibahagi sa Banal na Misa
Pambungad na Awit
(awitin kung hindi nakibahagi sa online mass)
SA HAPAG NG PANGINOON
Koro:
Sa hapag ng panginoon II.
Buong bayan ngayo'y nagtitipon Ang mga dakila't dukha
Upang pagsaluhan ang kaligtasan Ang banal at makasalanan
Handog ng diyos sa tanan Ang bulag at lumpo ang api at sugatan,
Ang lahat ay inaanyayahan
I.
Sa panahong tigang ang lupa III.
Sa panahong ang ani sagana Sa aming pagdadalamhati
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan Sa aming pagbibigay puri
Sa panahon ng kapayapaan Anu pa mang pagtangis hapo't pasakit
Ang pangalan nya'y sinasambit
Pambungad na Panalangin
(dasalin kung hindi nakibahagi sa online mass)
Ama naming makapangyarihan,
Papuri at pasasalamat sa Iyo sa pagkakataong ito na nagtitipon kami
bilang isang pamilya upang gunitain ang pagtatatag ng Sakramento ng
Pagpapari at Eukaristiya, ang nagpapanatili at nagpapatunay ng Iyong
dakilang pag-ibig sa sanlibutan. Ikinagagalak ng aming mga puso na
maialay ang sandaling ito upang sariwain ang ang huling hapunan na
pinagsaluhan ni Hesus at Kanyang mga alagad, at ang buong kababaang
loob na paghuhugas Niya sa kanilang mga paa. Gabayan mo po kami upang
maipagpatuloy namin at tularan ang Kanyang mga halimbawa. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan Niya, kasama Mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen
(Basahin kapag hindi nakibahagi sa Online Mass)

Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan


Juan 13: 1-15
Bisperas na ng Paskuwa. Alam ni Hesus na dumating na ang panahon ng kanyang paglisan
sa sanlibutang ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa
sanlibutan, at ngayo’y ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.
Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad. Naisilid na ng diyablo sa isip ni Judas, anak ni
Simon Iscariote, ang pagkakanulo kay Hesus. Alam ni Hesus na ibinigay na sa kanya ng
Ama ang buong kapangyarihan; alam din niyang siya’y mula sa Diyos at babalik sa Diyos.
Kaya’t nang sila’y naghahapunan, tumindig si Hesus, naghubad ng kanyang panlabas na
kasuotan, at nagbigkis ng tuwalya. Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana, at
sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya.
Paglapit niya kay Simon Pedro, tumutol ito. “Panginoon,” sabi niya, “diyata’t kayo pa ang
maghuhugas ng aking mga paa?” Sumagot si Hesus, “Hindi mo nauunawan ngayon ang
ginagawa ko, ngunit mauunawaan mo rin pagkatapos.”
(karugtong ng Ebanghelyo)

Sinabi sa kanya ni Pedro. “Hinding-hindi ko po pahuhugasan sa inyo ang aking


mga paa.” “Kung hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin,” tugon ni
Hesus. Kaya’t sinabi ni Pedro, “Panginoon, hindi lamang po ang mga paa ko, kundi
pati ang aking kamay at ulo!” Ani Hesus, “Maliban sa kanyang mga paa, hindi na
kailangang hugasan pa ang naligo na, sapagkat malinis na ang kanyang buong
katawan. At malinis na kayo, ngunit hindi lahat.” Sapagkat alam ni Hesus kung
sino ang magkakanulo sa kanya, kaya sinabi niyang malinis na sila, ngunit hindi
lahat. Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa, siya’y nagsuot ng damit
at nagbalik sa hapag. “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?”
tanong niya sa kanila. “Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo,
sapagkat ako nga. Kung akong Panginoon niyo at Guro ay naghugas ng inyong mga
paa, dapat din kayong mahugasan ng paa. Binigyan ko kayo ng halimbawa at ito’y
dapat ninyong tularan.”
(Dasaling pagkatapos ng paghuhugas ng paa)

Panalangin Pagkatapos ng Paghuhugas ng Paa

Panginoon,
Tulungan Mo kaming tularan ang mga halimbawa ni Hesus.
Tulungan Mo kaming magpakita ng pag-ibig sa bawat isa
Na may buong kababaang-loob na paglingkuran ang aming kapwa ,
tulad ng ipinakita at itinuro ni Hesus sa Huling hapunan.
Akayin Mo po kami sa kabanalang handog mo upang maging
mabuting halimbawa kami sa isa’t isa, na maipagpatuloy namin ang
misyon ni Hesus at mamuhay ayon sa Kanyang mga halimbawa.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, sa patnubay ng
Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Amen
(Dasalin pagkatapos ang panalangin sa paghuhugas ng paa)
Ama Namin
Ama namin, sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin
Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan,
At ang kadakilaan, magpakailanman.
Amen.

Namumuno: Pagpalain nawa tayo ng Panginoon, protektahan mula sa lahat ng kasamaan,


at akayin kami sa buhay na walang hanggan.
Lahat: Amen
Pangwakas na Panalangin
(dasalin kung hindi nakibahagi sa online mass)

Ama naming makapangyarihan,


Sa Iyong dakilang Pag-ibig, ipinagkaloob mo sa amin ang
Iyong Anak na si Hesus, na buong kababaang-loob na
hinugasan ang mga paa ng Kanyang mga alagad.
Gabayan Mo po kami na matularan namin at maisabuhay
ang Kanyang mga halimbawa. Hinihiling naming ito sa
pamamagitan Niya kasama ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.
Amen
Pangwakas na Awit
(awitin kung hindi nakibahagi sa online mass)
PAGKAKAIBIGAN
Ang sino mang sa Aki'y mananahan
Mananahan din Ako sa kanya Mula ngayon, kayo'y Aking kaibigan
At kung siya'y mamunga nang masagana Hinango sa dilim at kababaan
S'ya sa Ama'y nagbigay ng karangalan Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili n'yang
buhay
Mula ngayon, kayo'y Aking kaibigan Walang hihigit sa yaring pag-aalay
Hinango sa dilim at kababaan
Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili n'yang Pinili ka't hinirang upang mahalin
buhay Nang mamunga't bunga mo'y panatilihin
Walang hihigit sa yaring pag-aalay Humayo ka't mamunga nang masagana
Kagalakang walang-hanggang ipamamana
Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama
Sa inyo'y Aking ipinadarama Mula ngayon, kayo'y Aking kaibigan
Sa pag-ibig Ko, kayo sana ay manahan Hinango sa dilim at kababaan
At bilin Ko sa inyo ay magmahalan Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili n'yang
buhay
Walang hihigit sa yaring pag-aalay

You might also like