You are on page 1of 14

MGA SALIK TUNGO SA EPEKTIBONG PAMAMARAAN NG PAGTUTURO SA

MGA ESTUDYANTENG NAG-AARAL NG BATSILYER NG EDUKASYONG


PANGSEKONDARYA SA CAVITE STATE UNIVERSITY S.Y.2015-2016

Sulating Pananaliksik na Iniharap sa


Departamento ng mga Wika at Pangmadlang
Komunikasyon
Koleheyo ng mga Sining at Agham
Cavite State University – Indang Campus

Bilang Kahingian sa kursong


Filipino 2 – Pagbasa at pagsulat Tungo sa
Pananaliksik

CHOT GURDIEL
APRIL MISTY PALLARCA
ROSEMABETH DELACRUZ
ALIKA GRACE BARCELO
CRYSTAL DE PAZ
ALYSSA REGONDOLA
JENIA ROSALES
BSE 1-7
Pebrero 2015
PASASALAMAT

Nais naming magpasalamat unang-una sa Poong Maykapal, na siyang nagkaloob

sa amin ng kakayahan, katalinuhan at lakas ng loob upang maisagawa ang aming

pananaliksik. Sumunod ay ang aming guro sa Filipino na si Gng. Mylene Ardina na

siyang nagturo at nagsilbing tagapayo sa amin habang isinasagawa ang bawat proseso ng

aming pananaliksik.

Pinapasalamatan din namin ang mga propesor na aming nakapanayam na bukas-

loob na nagbigay sa amin ng oras at kaalaman. Kung hindi sa mga impormasyon na

kanilang ibinahagi ay hindi magiging matagumpay ang aming pananaliksik. Ang

kanilang pakikibahagi ay isang malaking tulong sa isinagawa naming pag-aaral.

Bukod sa mg nabanggit, pinasasalamatan din naming walang iba kundi ang aming

mga magulang na sumuporta sa amin lalo na sa pinansiyal naming pangangailangan,

nagpahintulot sa aming gumawa ng aming pananaliksik sa araw ng pahinga at nagtiyaga

at nagtiis sa aming kakulitan. Salamat din sa bawat isang miyembro ng pangkat na

nagsagawa ng pananaliksik na ito, kung hindi sa determinasyon, pagsisikap at mahabang

pasensya na inilaan ninyo upang matapos ang pag-aaral, marahil ay hindi ito magiging

matagumpay. Kaya sa mga kapwa miyembro ko ng pangkat dalawa, “Job well done!”

Malugod po naming pinasasalamatan ang lahat ng nabanggit. Tatanawin po

naming isang malaking utang na loob ang lahat ng inyong naiambag sa aming

pananaliksik.
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang saliksik papel na ito na pinamagatang:

Mga Salik Tungo sa Epektibong Pamamaraan ng Pagtuturo sa mga

Estudyanteng Nag-Aaral ng Batsilyer ng Edukasyong Pangsekondarya sa Cavite

State University S.Y.2015-2016

na inihanda at ipinasa nina Chot Gurdiel, April Misty Pallarca, Rosemabeth

Delacruz, Alika Grace Barcelo, Crystal De Paz, Alyssa Regondola, Jenia Rosales bilang

bahagi ng pagtupad sa mga kahingian para sa kursong Filipino 2 – Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik ay binasa, sinuri at inerekomenda para sa Pinal na Oral na

Presentasyon.

_____________________

Tagapayo

Inaprubahan ng Komite sa Oral na Presentasyon na may gradong ________ noong


____________.

_____________________

Puno ng Depensa

________________________ _______________________

Miyembro Miyembro
MGA SALIK TUNGO SA EPEKTIBONG PAMAMARAAN NG PAGTUTURO SA
MGA ESTUDYANTENG NAG-AARAL NG BATSILYER NG EDUKASYONG
PANGSEKONDARYA SA CAVITE STATE UNIVERSITY S.Y. 2015-2016

PANIMULA

Ang pagtuturo ay isa sa mga pinakakomplikadong gawain. Ito ay

nangangailangan ng buong atensyon, malalim na pag-unawa at masusing pag-iisip.

Bilang isang guro, pangunahing adhikain nito ang matuto ang kanyang mga estudyante.

Tungkulin nitong maipahayag ng mabuti ang buong kaalaman na ituturo sa mga mag-

aaral kaya naman malaking tulong ang mga pamamaraan ng pagtuturo bilang tulay upang

maunawaan ng lubos ng mga mag-aaral ang nais na ibahaging impormasyon nito.

Ayon sa akdang Ang Tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo, upang

maging mabisa at mabilis ang pagkatuto, kinakailangan ang paggamit ng mabubuting

pamamaraan ng pagtuturo sapagkat nakabase sa mabuting paraan ng pagtuturo ang

matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral. Ibig sabihin, lubos na

mauunawaan ng mga estudyante ang kanilang leksyon kung ang pamamaraan ng

pagtuturo ay nakakaengganyo at kapantay ng lebel ng mag-aaral nang sa gayon sila ay

mabilis na matuto.

Upang maging epektibo ang estratehiya ng isang guro, may mga dapat itong

bigyang pansin. Ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng gagamiting

pamamaraan ng pagtuturo sa mga estudyante. Ang mga salik na ito kapag nabigyan ng

kaukulang atensyon ay magpapadali at magpapagaan ng proseso ng pagkatuto ng mga


estudyante at maaring maging tulay upang mas maging mabisa ang estratehiya na

ginagamit ng isang guro.

Sa pag-aaral na ito, tatalakayin ang mga salik tungo sa epektibong pamamaraan

ng pagtuturo sa mga estudyanteng nag-aaral ng Bachelor of Secondary Education sa

Cavite State University S.Y. 2015-2016, gayundin ang epekto nito sa pagtuturo sa mga

estudyante na may kursong edukasyon. Mababatid din ang kahalagahan ng mga salik sa

pagkatuto ng mgamag-aaral

Paglalahad ng Suliranin at Layunin

Ang pangunahing suliranin sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay: Anu-ano ang

mga salik tungo sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa mga estudyanteng nag-aaral

ng Batsilyer ng Edukasyong Pangsekondarya sa Cavite State University taong 2015-

2016?

Nais din ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang ng isang guro upang maging mabisa ang

pamamaraan ng pagtuturo?

2. Anu-ano ang mga salik na mahalaga sa pagtuturo ng isang guro sa mga

estudyante?

3. Paano nakakaapekto ang mga salik tungo sa kabisaan ng estratehiya ng

pagtuturo?

4. May kaibahan ba ang mga salik na dapat bigyang pansin sa pagkakaiba-iba ng

mga estudyanteng tuturuan gaya ng antas sa koleheyo, asignaturang ituturo?


5. Gaano kahalaga ang mga salik sa pamamaraan ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga

estudyante?

Kaugnay ng mga suliraning nabanggit, layunin ng mga mananaliksik ang mga

sumusunod:

1. Malaman ang mga salik tungo sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo

2. Makapagbigay ng mga panibagong kaalaman hinggil sa pamamaraan ng

pagtuturo.

3. Malaman ang epekto ng mga salik tungo sa kabisaan ng estratehiya ng pagtuturo.

4. Pagkakaiba-iba ng mga salik na sa pagtuturo ng isang guro sa mga estudyante na

may kursong edukasyon ayon sa:

4.1 Antas sa koleheyo

4.2 Asignaturang itinuturo

5. Malaman ang kahalagahan ng mga salik tungo sa kabisaan ng estratehiya ng

pagtuturo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy amg mga salik tungo sa

epektibong pamamaraan ng pagtuturo. Sa pamamagitan nito ay maaaring mapalawak ang

kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa mga mahahalagang sangkap para sa mabisang

pagtuturo. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod na indibidwal:


Guro. Ang pananaliksik na ito ay maaaring magbigay ng karagdagang kaalaman

sa mga propesor sa mga aspetong dapat nilang bigyang pokus upang maging mas mabisa

ang pagtuturo sa mga estudyante.

Mga Mag-aaral ng Kursong Edukasyon. Ang mga kaalamang makukuha dito

ng mga estudyanteng may kursong edukasyon ay makakatulong upang mabigyan sila ng

mga ideya na maaari nilang isaalang-alang sa panahon na sila na ang magtuturo.

Administrasyon. Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging tulay upang

mapaangat ang kalidad ng pagtuturo sa mga estudyante na may hatid na magandang

benepisyo sa administrasyon at lipunan.

Mananaliksik. Ang mga impormasyong makakalap sa pananaliksik ay

magagamit ng mga susunod na mananaliksik bilang basehan ng pag-aaral na may

kinalaman sa mga salik tungo sa mabisang pagtuturo.

Saklaw at Limitasyon

Nakasentro ang pananaliksik na ito sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa

mga estudyante. Sa pamamagitan ng panayam sa mga piling propesor ng departamento

ng koleheyo ng edukasyon, nababatid ang mga salik na susi tungo sa epektibong

pamamaraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral ng edukasyon. Ang mga impormasyong

nakalap ay nagmula sa karanasan, kaalaman at paliwanag ng mga ito. Binibigyang diin

din sa pag-aaral na ito ang mga salik na mahalaga sa pagtuturo ng mga estudyante na may

kursong edukasyon. Sasaklawin din ng pag-aaral na ito ang epektibong pamamaraan sa

pagtuturo, kahalagahan ng mga salik tungo sa mabisang paraan ng pagtuturo at ang

kahalagahan ng mga ito sa pagkatuto ng mga estudyante.


Nililimitahan ang pananaliksik na ito sapagkat tanging mga propesor lamang ng

Cavite State University – Indang Campus taong 2015-2016 ang respondente ng pag-aaral.

Ang mga propesor ay may kasalukuyang tinuturuang mga estudyante na kumukuha ng

kursong batsilyer ng edukasyong pangsekondarya Hindi na sasaklawin pa ng pag-aaral

na ito ang persepsyon ng mga estudyante sa mabisang pagtuturo.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang higit na maunawaan ang mga nakapaloob na termino sa pamanahong papel

na ito, binigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita:

Edukasyon. Tumutukoy sa kursong kinukuha ng mga taong nagnanais maging

guro. Tumutukoy din sa pang-ademikong pag-aaral.

Epektibong Pagtuturo. Operayonal, mga gurong nagtuturo sa departamento ng

koleheyo ng edukasyon.

Estudyante. Mga taong nag-aaral at maaaring bihasa sa talino, tinuturuan ng guro

at nangangailangan ng mga silid-aralan at mga kagamitang pang-eskwela.

Propesor. Operasyonal, mga gurong nagtuturo sa departamento ng koleheyo ng

edukasyon.

Salik. Tumutukoy sa mahahalagang sangkap o elemento.


REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa aklat ni Dr. Lizette F. Knight (2009) na Maximum Learning and Teaching,

isinaad niya na isang salik na mahalaga sa proseso ng pagkatuto ay ang kapaligiran. Ang

paghahanda ng isang magandang kapaligiran ay nakakaapekto sa motibasyon ng

pagkatuto.

Ayon sa lathala ni Maria Merlisa V. Manuel (2012) na pinamagatang Guro:

Tagahubog ng Kinabukasan ng Sambayanan, malaki ang impluwensya ng mga guro sa

kanyang mga estudyante maging sa personal na buhay man ito o kinabukasan. Kaya

naman, nararapat na pahalagahan ng isang guro ang kanyang propesyon hindi lamang

bilang isang trabaho kundi isa ring misyon na may kaugnayan sa kinabukasan.

Tinalakay din dito ang iba’t-ibang gampanin ng isang guro gaya ng pagbabahagi

ng kaalaman. Ayon dito, hindi maibabahagi ng isang guro ang isang kaalaman kung wala

itong lubusang kaalaman. Kaya naman, pangunahing Gawain nito ang patuloy a

pangangalap ng mga bagong impormasyon na makakatulong sa kanyang propesyon.

Sa isang aksyon riserts na isinagawa ni Saydee (2015) na naglalayong tukuyin ang

mga salik sa epektibong pagtuturo at pagkatuto ng mga linggwaheng Dari at Pashto,

natukoy ng mga guro ang mga bagay na naghahadlang sa paglinang ng kakayahan at

kahusayan sa pagsasalita ng Dari at Pashto ng mga masinsinang klase.

Kaugnay pa rin sa nasabing pag-aaral, napagdesisyunan ng mga guro na linangin

pa ang magkaugnay na kurikulum at gabayan at tugonan ng kaukulang pansin ang

implementasyon nito sa pamamagitan ng pagkuha ng bidyo sa klase, pagbigay pansin sa

mga pamamaraan ng isa’t-isa at pagbigay komento, pagkaroon ng repleksyon sa


isinagawang pamamaraan at sa mga nakuhang resulta ng mga estudyante nang madalas

gamit ang pormat na PLC.


DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Inilalahad sa kabanatang ito ang disenyo at paraan ng pangangalap ng mga datos

sa pananaliksik. Nakapaloob dito ang mga taga-tugon ng pag-aaral, instrumentong

ginamit sa pag-aaral at ang paraan ng pagkuha ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pagtukoy ng mga salik tungo sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo, ang

pag-aaral ay gumamit ng Qualitative Research bilang dulog ng pag-aaral. Ito ay

pamamaraan ng pagkuha ng mga impormasyong hindi nasusukat. Ang mga impormasyon

na ito ay ang mga salik tungo sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo.

Ginamit ng mga mananaliksik ang Descriptive Research bilang disenyo ng pag-

aaral. Ito ay isang kwalitatibong pamamaraan ng pangangalap ng mga datos o

impormasyon ukol sa kasalukuyang panahon. Ito ay gumagamit ng mga talatanungan

upang mas mapadali ang paglikom ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na

ang ganitong uri ng pamamaraan ay angkop na gamitin sa isinasagawang pag-aaral

sapagkat mas mapabilis ang pagkuha ng mga datos mula sa mga respondente.

Mga Respondente

Sa pagpili ng mga respondente, gumamit ang mga mananaliksik ng non-

probability sampling. Sa pamamaraang ito, ang pagpili ng mga kasangkot ay hindi na

ginagamitan ng estadistika, ito ay nakadepende sa sitwasyon.

Ang mga napiling kasangkot sa pag-aaral na ito ay ang mga propesor ng Cavite

State University na pasado sa board examination at kasalukuyang nagtuturo sa hindi


bababang isang pangkat ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong batsilyer ng

edukasyong pangsekondarya.

Sa pagpili ng mga respondent, gumamit ang mga mananaliksik ng sampling na

may layunin o purposive sampling. Ito ay isang uri ng sampling kung saan nakadepende

sa desisyon ng mga mananaliksik ang bilang ng kakasangkutin sa pananaliksik. Maliban

dito, napili ang mga impormante ayon sa mga katangiang itinakda ng mga mananaliksik.

Dahil dito, napili ang mga sumusunod na propesor:

Instrumento sa Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng instrumentong pakikipanayam kung saan

direktang ininterbyu ang mga respondente at ang mga impormasyong nakuha ay mga

direktang sagot na ibinigay ng mga ito. Ang ganitong uri ng pagkalap ng mga datos ay

angkop sa isinasagawang saliksik sapagkat nakaayon ang mga kalahok sa pananaliksik sa

mga nakatakdang katangian ng mga pananaliksik. Sa ganitong pamamaraan ay mainam

sapagkat naipaparating kaagad sa nag-iinterbyu ang bawat sagot ng mga respondent.

Sa pagsagawa ng pakikipanayam, gumamit ang mga mananaliksik ng interview

guide upang magkaroon ng gabay sa pagtatanong at nang sa gayon ay hindi malihis sa

mga suliranin ng pananaliksik. Nakapaloob dito ang limang katanungan na kailangang

sagutin ng mga respondent. Maliban sa interview guide, ginamit din ang voice recorder

sa pagkuha ng impormasyon. Ito ay upang magkaroon ng kopya at basehan ang mga

mananaliksik sa paggawa ng resulta.

Tritment ng mga Datos


Ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi

rekwayrment sa pagkuha ng degri tulad ng isang tisis o desirtasyon kaya naman walang

ginamit na komplikadong pamamaraan ng pagkuha ng mga datos gaya ng mataas at

kompleks na istatistikal na pamamaraan. Ang isinagawang pakikipanayam sa limang

respondente ay ginamitan ng limang katanungan na nakaayon sa mga suliraning

nabanggit sa unang bahagi ng pamanahong papel. Ang mga tanong na ito ay

pinaghandaan ng mga mananaliksik upang maging epektibo ang pagkuha ng mga

impormasyong kailangan.

You might also like