You are on page 1of 9

SURIGAO SUR COLLEGES

BAROBO, SURIGAO DEL SUR

PRELIM

PANITIKAN NG PILIPINAS

Pangalan : JOSHUA G. NACARIO Petsa:


Kurso: BSED- FIL 2ND YEAR Puntos:
Guro: ISRAEL B. MERCADO JR. LPT

I- Panuto: : Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang


titik ng pinakatamang sagot.
1. Tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mgasalita sa
loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo
ngpangungusap o pagpapahayag.
A. Maikling Kwento B. Anecdota C. Tuluyan o prosa D. Alamat

2. Akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa


buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao.
A. Maikling Kwento B. Anecdota C. Tuluyan o prosa D. Alamat

3. Isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan


ng mga bagay-bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan nga mga
hayop or mga halaman.

A. Maikling Kwento B. Anecdota C. Tuluyan o prosa D. Alamat

4. Isinalaysay ang kabayanihan atpakikipagtunggali ng isang tao o mga


tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa
mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
A. Maikling Kwento B. Kwentong Bayan C. Epiko D. Alamat

5. Tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na


naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng
matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.
A. Tanaga B. Salawikain C. BuntoNg D. Salawikain

6. Maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang


pahuhulaan.
A. Tanaga B. Salawikain C. BuntoNg D.Salawikain
7. Uri na sumalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan.
A. Maikling Kwento B. Kwentong Bayan C. Epiko D. Talambuhay

8. Isang uri ng sawikain pagpapahayag na ang kahulugan ay


hindikomposisyunal.
A. Moto B. Idioma C. Salawikain D. Bugtong

9. Isinalysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang


humikayat,tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahadng isang paniniwala.
A. Moto B. Idioma C. Talumpati D. Bugtong
10. Tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo
opangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
A. Moto B. Tulang Pasalaysay C. Talumpati D. Bugtong

II- Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod at ibigay ang kanilang


mga akda sa Panitikan ng Pilipinas.
1. Lope K. Santos - (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay
isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong
kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900
dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang
abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na Ama ng
Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.

AKDA

• Balarila ng Wikang Pambansa


• Banaag at Sikat, isang nobela

2. Jose Corazon de Jesus – (22 Nobyembre 1896-26


Mayo 1932), kilala rin bilang Huseng Batute, ay isang
makatang Pilipino na sumulat ng mga tula
sa Tagalog upang ipahayag ang pagnanasa ng mga
Pilipino na maging malaya noong panahon ng pananakop
ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946). Tinawag ring
"Pepito" noong kanyang kapanahunan.
AKDA

• Kalupi ng Puso
• Manggagawa
• Puso, Ano Ka?
• Isang Punungkahoy
• Sa Pamilihan ng Puso
• Sa Bilangguan ng Pag-ibig
• Kamay ng Birhen
• May Mga Tugtuging Hindi Ko Malimot

• Agaw-Dilim (Twilight)
• Ang Tren (The Train)
• Ang Posporo Ng Diyos (The Matchstick of God)
• Bayan Ko (My Country) – patriotic
• Kahit Saan (Wherever) – love poem
• Itanong mo Sa Bituin (Ask the Stars) – love poem

• Ang Magandang Parol (The Beautiful Christmas Lantern)

3. Florentino Collantes- ay kinilalang duplero ng kanyang


panahon at nahirang na Ikalawang Hari ng Balagtasan.
Gumamit siya ng sagisag na Kuntil Butil sa kanyang
pagsusulat ng mga mapanudyong tula na may pamagat
na Buhay Lansangan.

AKDA
• KUNTIL BUTIL
• ANG LUMANG SIMBAHAN
• ANG HALIK

4. Amado V. Hernadez - Si Amado Vera Hernández (13


Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at
manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang
"Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang
pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang
mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng
katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang
kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan
niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong
tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na
tumagal ng 13 taon bago nagwakas.

AKDA

• Mga Ibong • Sa Batang daliri sa


Mandaragit! Walang Sosyaledad
,1969 Bagong • Limang Alas,
• Luha Ng Damit Tatlong
Buwaya, • Isang Sining Santo
1972 ng • Isang Aral
• Archei Ang Pagbigkas para kay
batang • Ang Panday Armando
mabait, 1998 • Inang Wika • Munting
• Isang • Ang Tao lupa , 1957
Dipang • Pamana • Hagdan sa
Langit • Ang Aklasan Bahaghari,
• Panata sa • Wala nang 1958
Kalayaan gamot si • Ang Mga
• Ang Mga Nene Kagalang-
Kayamanan • Kulang sa galang, 1959
ng Tao Dilig • Magkabilan
• Ang Dalaw • Langaw sa g Mukha ng
• Bartolina Isang Isang Bagon,
• Kung Tuyo basong 1960
Na ang Luha Gatas • Si Atang at
Mo Aking • Dalawang ang Dulaan
Bayan kiloMetro sa • Si Jose
• Bayang Lupang Di- Corazon de
Pilipinas Malipad ng Jesus at ang
• Ang Taong uwak Ating
kapos • Ipinanganak Panulaan
• Bayani ang Isang •
• Pilipinismo: Bayang
Susi sa Tagumpay

5. Valeriano Hernandez Pena- Si Valeriano Hernandez at


Peña (ang Peña ay apelyido ng kanyang ina) ay isinilang sa
nayon ng San Jose, Bulakan, Bulakan noong 12 Disyembre
1858. Siya ay bunsong anak nina Marcos Hernandez at
Dominga dela Peña. Ang kanyang ama ay isang platero, at
ang hanapbuhay na ito ang kanyang ginamit upang
maitawid ang kanyang pamilya sa pang-araw-araw na
pangangailangan.
Nagsimulang mag-aral si Tandang Anong (ito ang
tawag sa kanya ng mga kasamahang manunulat sa Muling
Pagsilang) ng Kartilya at ang kanyang naging guro ay ang
kanilang kapit-bahay na si G. Marcelino Nuque. Sa murang
edad na sampu ay nakitaan na siya ng pagkahilig sa
pagbabasa at pagsusulat.

AKDA
• NENA AT NENENG

6. Inigo Ed Regalado - Ipinanganak siya noong 16 Marso 1888


sa Sampalok,Manila at anak nina Iñigo Regalado y
Corcueca at Saturnina Reyes. Si Iñigo Ed. Regalado ay
tanyag noong sa sagisag na Odalager. Naging patnugot
siya ng pahayagang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ng
lingguhang magasin na Ilang-ilang. Isa siya sa
mga Taliba ng panulaan. Kilala siya bilang makata ng pag-
ibig. Ang kanyang mga tula ay natipon sa isang aklat na
pinamagatang Damdamin na nagtamo ng unang
gantimpala sa Timpalak Komonwelt noong 1941.
AKDA
• Damdamin at Bulalakaw ng Paggiliw
• Sa Laot ng Kapalaran at Ang Dalaginding
• Isang Panyo Lamang, Mahiwagang Tao at Sa Bundok

7. Jose Ma. Hernandez - Si Jose Maria Hernandez ay


manunulat at guro. Nag-aral siya ng pagsulat at
pagtatanghal ng dula sa Amerika. Kilalang dula niya
ang Panday Pira, isang dulang makasaysayang may 3
yugto.

AKDA

• Panday Pira
• The Olive Garden
• Night Wind
• Sunrise in the Farm
• The Empty House
• Prelude to Dapitan
• White Sunday.

8. Francisco Soc. Rodrigo- Si Francisco Soc Rodrigo ay isang


politiko sa Pilipinas. Ipinanganak sa Bulacan noong 1914.
Nag-aral sa Pamantasang Ateneo de Manila at namatay
noong Enero 1998 dahil sa kanser. Siya ay dating pangulo
ng Catholic Action. Hindi siya sang-ayon sa pagkakapasa
ng Batas Republika Blg. 1425 na higit na kilala sa tawag na
Batas-Rizal na naglalayong isama sa kurikulum ng lahat ng
kolehiyo sa Pilipinas na pag-aralan ang Noli me Tangere at
El Filibusterismo.

AKDA
• Sa Pula Sa Puti
• Ang Punong Kawayan
• Giting ng Bayan
• Himala ni Bathala
• Awtong Walang Preno

9. Clodualdo del Mundo- Si Clodualdo del Mundo ay isinilang


sa Maynila noong 1911. Patnugot ng Liwayway, kritiko,
palaaral, at pangulo ng TANIW (Taliba ng Inang Wika).
Nagkamit ng Presidential Award sa panitikan at
nasyonalismo. Isa sa mga nanguna sa larangan ng
makabagong dula na makikita sa kanyang sarsuelang
Anong Tamis ng mga Sandali sa Sariling Bayan, na itinanghal
sa Cultural Center of the Philippines, at sa isa pa niyang
opera na si Balagtas ang bayani. Sumulat ng may mga 100
“nobela” para sa telebisyon, radyo, at pelikula, at
tumanggap ng FAMAS Award sa isa sa kanyang mga
kuwento. Sa panulaan, isa siya sa mga naunang sumulat ng
malayang taludturan. Ang kanyang Ang Kanyang mga
Mata (na inihawig sa haiku ng panulaang Hapon) ay isang
hiyas sa kalinawan at katimpian. Araw ng kamatayan:
Oktubre 5, 1977.

AKDA
• Piniling mga Tula ni AGA (tula, 1965);
• Tanagabadilla (tula, 1964; 1965);
• Sing-ganda ng Buhay (nobela,1947);
• Pagkamulat ni Magdalena (nobela, 1958)
• Parnasong Tagalog (antolohiya, 1954)
• Mga Kuwentong Ginto (antolohiya na kasamang editor si
Clodualdo del Mundo Sr., 1936);
• Ang Maikling Kathang Tagalog (antolohiya, 1954);
• Maikling Katha ng 20 Pangunahing Awtor (antolohiya na
kasamang editor si Ponciana B.P. Pineda,1957).

10. NVM Gonzales - Pinanganak siya noong 8 Setyembre 1915

sa Romblon, Philippines, ngunit pinalaki sa Mansalay, isang


probinsiya sa timog ng Oriental Mindoro. Anak siya ng isang
guro at superbisor ng paaralan. Bilang binatilyo, tinulungan
niya ang ama niya sa pamamagitan ng paghahatid ng
karne sa mga karatig-bayan. Isa rin siyang musikero;
tumugtog siya ng byolin at nagmay-ari ng apat na gitara.
Nakuha niya ang una niyang suweldo sa pamamagitan ng
pagtugtog ng byolin sa libing ng isang Tsino saRomblon.

AKDA

• The Winds of April (1941)


• A Season of Grace (1956)

• The Bamboo Dancers (1988)

• A Grammar of Dreams and Other Stories. University of the


Philippines Press, 1997
• The Bread of Salt and Other Stories. Seattle: University of
Washington Press, 1993; University of the Philippines Press, 1993
• Mindoro and Beyond: Twenty-one Stories. Quezon City:
University of the Philippines Press, 1981; New Day, 1989
• Selected Stories. Denver, Colorado: Alan Swallow, 1964
• Look, Stranger, on this Island Now. Manila: Benipayo, 1963
• Children of the Ash-Covered Loam and Other Stories.
Manila: Benipayo, 1954; Bookmark Filipino Literary Classic, 1992
• Seven Hills Away. Denver, Colorado: Alan Swallow, 1947
• Novel of Justice: Selected Essays 1968-1994.
Manila: National Commission for Culture and the
Arts and Anvil (popular edition), 1996
• Work on the Mountain (Includes The Father and the Maid,
Essays on Filipino Life and Letters and Kalutang: A Filipino in the
World), University of the Philippines Press, 1996

“GUMAWA NG KALAKIP ANG PUSO, GUMAWA NG KALAKIP ANG UTAK, GUMAWA NG
KALAKIP ANG KAMAY, GUMAWA NA ANG KUSA ANG KAAKIBAT”

You might also like