You are on page 1of 3

LESSON PLAN MATRIX

FLOW OF THE PLAN DESCRIPTIONS


 Learning Objective(s) A. Nahihinuha ang damdamin ng may-akda sa
nabasang anekdota (F10PN-IIIb-77);
B. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa
anekdotang nabasa (F10PD-IIIb-75); at
C. Natutukoy ang mga elemento ng anekdota (paksa,
banghay, layunin ng pagkakasulat, at anyo)
F10PB-IIIb-81.
 Learning Content and Paksang Aralin: Kabanata III; Aralin 2 pp. 210 – 216
Resources Taimtim na Pag-iisa (Panitikan)
Mga Elemento ng Anekdota (Gramatika)
Kagamitan: Laptop, PowerPoint Presentation, Mga
larawan
Sanggunian: Gabay sa Paggamit ng
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto o
Most Essential Learning Competencies (MELCs) sa
Filipino 2020
Hiyas ng Lahi Baitang 10 pp. 210 - 216
 Learning Experiences Unawain Mo!
1. Anong emosyon/pakiramdam ang napukaw sa
iyong sarili matapos mong mabasa ang anekdotang
pinamagatang ‘Taimtim na Pag-iisa’?
2. Sa iyong palagay, ano kaya ang naiisp ng pulubi sa
kaniyang taimtim na pag-iisa at hindi niya napansin
ang pagdaan ng hari?
3. Sa iyong opinyon, tama lang ba na sinagot ng
pulubi ng ganoon ang hari? Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay, ano ang nais ipabatid na
mensahe sa atin ng may-akda mula dito sa isinulat
niyang anekdotang “Taimtim na Pag-iisa”?
Ipaliwanag.
5. Ano kaya ang damdamin ng may-akda habang
isinusulat niya ang anekdotang ‘Taimtim sa Pag-iisa”
Ipalliwanag.
 Learning Assessment Pagsusulit A
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na mga pahayag sa
pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot mula sa
kahon.
1. Inilalahad dito ang maayos na pagsasalaysay ng
mga pangyayari tulad ng ano ang mga pangyayari at
ano ang kaugnayan at kahulugan ng mg
pangyayaring ito sa binasang akda.

2. Isang maikling salaysay ng isang nakawiwili,


nakatutuwa, nakalilbang na pangyayaring naganap
sa buhay ng isang kilala at tanyag na tao at ito’y
kapupulutan ng mga aral sa buhay.

3. Tumutukoy ito sa nais, mithi o matibo ng may-akda


tungkol sa kanyang akdang isinulat.

4. Isinasaad dito kung ang isang anekdotang akda ay


makatotohanan (nonfiction) o hindi makatotohanan
(fiction).

5. Dito pa lamang ay mababangit na ang kilos,


paglinang sa tao, mga hadlang o suliranin.

6. Dito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin.

7. Naglalamn ito ng mga kawi-kawing, maayos,


sunod-sunod, at magkakaugnay na mga pangyayari.

8. Mula sa akdang anekdota na Taimtim na pag-iisa,


siya ang nagsabi sa sumusunod napahayag – “Ang
mga taong nakasuot ng sira-sirang bata tulad niya ay
tila isang hayop na walang pakiramdam na
nagtataglay ng kawalang-galang ni
pagpapakumbaba.”

9. Mula sa akdang anekdota na Taimtim na pag-iisa,


siya ang nagsabi sa sumusunod napahayag –
“Pulubi, dumaan ang mahal na hari ng buong daigdig,
bakit hindi ka nagbigay ng paggalang?”

10. Mula sa akdang anekdota na Taimtim na pag-iisa,


siya ang nagsabi sa sumusunod napahayag –
“Hayaan mong magbigay ng galang sa hari ang mga
taong nasisiyahan sa kanyang mabuting pakikisama”.

Pagsusulit B
Panuto: Ibigay ang iyong sariling opinyon tungkol sa
sumusunod na pahayag. Ang iyong isusulat na
opinyon ay hindi dapat bababa ng limang
pangungusap. Sampung (10) puntos para sa gawaing
ito.

“Ang paggalang at respeto ay ibinibigay nang


kusa, hindi puwersahang hinihingi.”

 Learning Adjustment
 (Remediation,
Reinforcement,
Enrichment)

You might also like