You are on page 1of 3

School Abuyod National High Grade 8

GRADE 8 School Level


Teacher Ms. Edna A. Madriaga Learning Filipino 8
DAILY
Area
LESSON
Teaching
PLAN February 25, 2019 Quarter 4th
Dates and
Time
Pamantayang Pangnilalaman
- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang
pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit sa
paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan

Pamantayan sa Pagganap
- Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na
naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon
ni Balagtas at sa kasalukuyan
I. Layunin
- Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salitang mula sa aralin
- Naibabahagi ang isang senaryo mula sa napanood na teleserye, pelikula, o balita na
tumatalakay sa kasalukuyang kalagayan (F8PD-IVgh-37)
- Nabibigkas nang madamdamin ang ilang berso ng florante at laura at nasusuri ang
mga katangian at tono ng akda batay sa napakinggang mga bahagi (F8PS-IVde-37)

II. Paksang-Aralin
A. Panitikan
Florante at Laura (Pagtatagpo nina Florante at Laura)
B. Kagamitan
Laptop, TV, Speaker, Pisara, Panulat, at Aklat
C. Sanggunian
Pluma 8 (pahina 565-600)

III. Yugto ng Pagkatuto


- Panalangin
- Pagbati
- Pagpapalinis
- Pagtala ng Liban sa Klase

- Pagganyak/Pangganyak
Ang guro ay may mga katanungang nakalaan sa mga mag-aaral upang
magbunsod sa panibagong aralin.
1. Naranasan mo na bang tumulong sa iyong kapwa na nangangailanngan?
2. Ano ang iyong naramdaman matapos mong makatulong sa iyong kapwa?
Aktibiti

Ang guro ay may inilaang gawain sa bawat pangkat na kinakailangang maipresenta sa


klase. Ang klase ay papangkatin ng guro sa apat na grupo.

Pangkat I Magpakita sa klase sa pamamagitan ng madamdaming pagsasadula ng mga


pangyayaring nakasaad sa saknong na nakaatas sa grupo.

Pangkat II III Sa pamamagitan ng pagtula ay bigkasin sa klase ang saknong na nakaatas sa


grupo. (masaya)

Pangkat III Sa pamamagitan ng pagtula ay bigkasin sa klase ang saknong na nakaatas sa


grupo. (malungkot at umiiyak)

Pangkat IV Sa pamamagitan ng pag-awit ay bigkasin sa klase ang saknong na nakaatas sa


grupo (Lapatan ng tono na malungkot)

Analisis

1. Sino ang kasama ni Laura sa gubat?


2. Ilarawan ang naramdamang tuwa nina Florante, Laura, Flerida at Aladin, nang sila’y magkita-
kita?
3. Bakit inihambin ni Florante si Laura kay Venus?

Abstraksyon

- Pagtalakay ng guro sa paksang “Dalawang Ama, tunay na magkaiba”


- Gamit ang hugis puso na naglalaman ng mga katanungan na may kinalaman sa paksa
at sa karanasan ng mga mag-aaral.

Mga Katanungan:

1. Masasabi mo bang pag-ibig sa unang pagkikita ang naramdaman ni Florante o


sadyang atraksiyon lamang ito? Ipaliwanag.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makausap si Florante ano ang maipapayo
mo sa kanya hinggil sa nararamdaman niya para kay Laura?
3. Mapipigilan ba ang isang pusong umiibig ? Para sa iyo ano ang tamang paraan ng
pagpapahayag at pagtanggap ng pag-ibig?
Aplikasyon

Panuto: Ibahagi sa klase ang napanood na senaryo, teleserye o balita na tumatalakay sa


kasalukuyangkalagayan ng bayan

Remarks:

BB. EDNA A. MADRIAGA


Guro sa Filipino
Sinuri ni:

GNG. MADELYN B. BALBALOSA


Tagapag-ugnay sa Filipino
Pinagtibay ni:

GNG. CONNIE A. MADRID


Punong Guro

You might also like