You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII – Eastern Visayas
SCHOOLS DIVISION OF ORMOC CITY

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8


PETSA: May 8, 2023 ARAW: Lunes

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang
Pangnilalaman akdang pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang
kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang
Pilipino sa kasalukuyan.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast
na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas at
sa kasalukuyan.
C. Mga Kasanayan sa Naipapahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa
Pagkatuto Isulat ang code sa binasa. F8PS-Iva-b-35
bawat kasanayan
II. NILALAMAN Kabanata 1: Ang Mapanglaw na Gubat
Itala ang mga Kagamitang Panturo na gagamitin sa bawat araw.
III. KAGAMITANG PANTURO
Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit na mapukaw ang
A. Sanggunian
interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
1. Gabay ng Guro
2. Kagamitang Pang-Mag-
Aklat sa Florante at Laura
aaral
3. Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Gabay sa Kurikulum ng Filipino, pahina 109
mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Powerpoint presentation, larawan
Panturo
IV. PAMAMARAAN
Gawain: Talasalitaan
A. Balik-aral sa Nakaraang 1. mapanglaw- malawak at madilim na kagubatan
Aralin o Pagsisimula ng 2. masukal- malalago at mataas na puno at mga damo
Bagong Aralin 3. pagbabalatkayo- pagkukunwari
4. mala-Adonis na lalaki- matipuno at malakas na lalaki
5. Balat na hindi madapuan ng langaw- makinis na balat
B. Paghahabi sa Layunin ng Ilalahad ng guro na ang layuning tatalakayin ay tungkol sa
Aralin pagpapahayag ng sariling pananaw sa ilang parte ng Kabanata 1
ng Florante at Laura.
C. Pag-uugnay ng Halimbawa
sa
Bagong Aralin
Itatanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang
mararamdaman ko matatagpuan nila ang kanilang sarili na nag-
iisa sa gitna ng kagubatan na tulad ng nasa larawan.
D. Pagtalakay ng Bagong Madulang Pagkukuwento sa Kabanata 1 ng Florante at Laura
Konsepto “Mapanglaw na Gubat”
at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan #1

E. Pagtalakay ng Bagong Ipapalarawan sa mga mag-aaral kung ano ang isang


Konsepto “MAPANGLAW NA GUBAT’ base sa akdang binasa.
at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan #2
Pangkatang Gawain:
F. Paglinang sa Kabihasaan Ipapahayag ng bawat pangkat ang kanilang damdamin sa bawat
(Tungo sa Formative senaryo sa pamamagitan ng isang awitin.
Assessment) Unang Pangkat: Nakatali si Florante sa isang puno habang may
gumagalang mga mababangis na hayop.
Pangalawang Pangkat: Nalulungkot si Florante habang iniisip niya
ang kinahinatnan ng banyang Albanya.
Pangatlong Pangkat: Tila umiiyak na si Florante habang naalala
ang pagtataksil ni Laura sa kanya.
G. Pagtataya ng Aralin Panuto: Gamit ang akronim na GUBAT, ipahayag ang sariling
pananaw at damdamin sa bahagi ng kabanata kung saan nakatali
si Florante sa isang puno kung saan wala siyang mahingan ng
tulong.
G-
U-
B-
A-
T-
H.. Karagdagang Gawain para
saTakdang-Aralin at
Remediation
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
Inihanda ni:
Angelica P. Heraldo
SST-I

Iniwasto ni:
Glenda D. Villarente
Master Teacher I

You might also like