You are on page 1of 3

FPLAT-19

“Binubusog ng utak, ang kumakalam na sikmura”

Sariwang hangin,
hampas nang alon ng ilog
at tunog ng nagkikiskisang rattan at mga kamay.

Ganyan ang maririnig at makikita sa Caraga, Davao Oriental, lahat gagawin


makapasok lang sa paaralan. Gumawa pa nga sila ng mistulang cable car na gawa lamang sa
rattan makatawid lang sa ilog at makapasok sa eskuwelahan.

Paano matutuldukan ang problema ng mga guro at bata na ito?


Kailan kaya nila masisinagan ang hibla ng pag-asang balang araw ay hindi na nila kailangan
pang magbuwis ng buhay?
Ikaw hanggang saan ang kaya mong gawin makapasok lang sa paaaralan?

“Pistilang kang bata ka bumangon ka na diyan at mahuhuli ka na sa klase.” Sigaw ng best rapper
kong inay.

Umagang kay ingay at nagliliparang mga kaldero ang gumising sa akin.


Hapong-hapo at ayaw bumangon sa komportableng pagkakahiga. Nakahain na sa hapag ang
agahan ngunit walang kagana-ganang pumasok sa klase ngunit kinakailangan dahil baka ako ay
hampasin ng kaldero ni inay.

“Ano ba yan? NAPAKAINET! Okay fine, masyado lang talaga ako sigurong Hot hays ako lang
‘to”

Paypay dito, Paypay doon.


Reklamo dito, Reklamo doon.

Walang ibang maririnig kundi ang mga reklamo ko matapos makababa sa air-
conditioned na transportasyon na aking sinakyan. Paano naman kasi’y papasok pa lamang ako,
kaamoy ko na ang sangkap sa adobong baon ko.

“Kapag talaga ako ay yumaman araw-araw may snow sa Pinas para di ako Haggardo Versoza
pagpapasok.” wika ko sa aking sarili

Ang dami kong reklamo ngunit ang katotohanan ay pumasok lang talaga ako
upang abangan ang pagsapit ng recess o ang uwian. Kung minsan pa nga’y hindi ko matiis kung
kaya’t ako’y patagong natutulog o kumakain habang nagtuturo ang guro. Sa madaling salita,
ginagawa ko ring bahay ang eskwelahan dahil mas marami pa ang aking pahinga kaysa sa aral.
Ako ang makabagong panahong Tadeo sa El Filibusterismo, laging hinihintay
ang pag-aanunsyo ng walang pasok at tuwang tuwa kapag suspendido ang klase ngunit sa hindi
malamang dahilan ay nakapapasa. Hindi ako nandadaya bagkus ginagamitan ko ito ng aking
mahiwagang kapangyarihan tulad ng pagmimini-mini-minimo at kung anong letra ang tatapan
iyon ang aking maswerte napili.

Noon, kapag ginugunita ko ang aking mga kabalastugan sa eskwelahan ay


hindi ko mapigilang matawa sa aking sarili ngunit ngayon tila ba ay nais kong bumalik at itama
ang lahat ng mga maling aking ginawa.

Alam kong tunay na masarap ang bawal pero mas naunawaan ko ngayon na
mas magaan pala sa kalooban kung pinapahalagahan ko ang bawat detalye ng biyaya ng
Panginoon sa akin, na hindi lahat ay maswerteng tulad ko at alam kong hindi ko kasalanan na
mabuhay sa maginhawang buhay ngunit mas hindi kasalanan ng mga bata at mga taong ito na
nabuhay silang mahirap.

Habang ang dami ko pa lang hinaing sa buhay na walang kakwenta-kwenta


ay mga musmos na bata na tulad nila na gagawin ang lahat, isasakripisyo ang buhay upang
makapag-aral at kung minsan kahit may karapatan silang mag-aaral ay wala naman silang
kakayahan upang matugunan ang kanilang mga kakayahan dahil sa hirap ng buhay.

Ako ang patunay na may kakayahan ngunit walang determinasyon upang


makapag-aral na sa bawat tulad ko ay may libo-libong bata ang kailangan tawarin ang kilo-
kilometrong layong mga bundok at tawirin ang mapangdagit na alon. Samantalang ako, mabilad
lamang ng kanti sa araw ay todo na ang pag-irap sa kawalan at tila ba pasan ko ang daigdig sa
hindi ko maipintang mukha.

Ang mga ngiti ng batang ito ang nagpapatunay na ang mundo pala ay hindi
lang nababalot ng puro negatibo ngunit sa kabila ng punit-punit na damit, walang saplot ang mga
paa, bumibigay na katawan dulot ng maagang pagtratrabaho at ang edad na hindi na akma sa
bilang ng grado na kanilang kinakabilangan ay mayroong pag-asa at pagmamahal pang natitira
sa mundo.

Maginhawa man ang aking buhay ngunit nakakatiyak akong mas puno ng
kulay at kasiyahan ang mga buhay ng mga batang puslit na ito kumpara sa akin dahil ang
kasiyahan at yaman ng buhay ay hindi kailanman nakabase sa magarbong damit na nakasaplot sa
iyong katawan, pansapin sa paa na nagkikintaban, masarap na baon na iyong dala tungo sa
eskwela, kung ano ang iyong sinakyan makarating ka lamang sa iyong paroroonan at mas lalong
hindi nasusukat sa antas ng buhay. Kundi kung paano mo mas tinitignan ng puno ng kinang sa
iyong mga mata, sigasig sa iyong puso at pagyakap sa positibong pananaw na balang araw ang
lahat ng iyong pagod ay magbubunga.

Hangga’t walang paggalang sa karapatan ng kabataan na makapag-aral. Ang


paglalaro at pag-aaral ay kanilang makakalimutan. Hanggang ginagawang tama ang mali, ang
mga bata at mga gurong ito ay patuloy na tatahakin ang peligrong paglalakbay na kasing nipis ng
mga kableng nagduduktong sa mga tulay.

You might also like