You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE
PROVINCE

Gawaing Pagkatuto 1
Kwarter 4

Pangalan:

Asignatura-Antas: FIL 9 Week 1 Petsa:

I. PANIMULANG KONSEPTO

Aralin 1: Mga Tala sa Buhay ni Jose Rizal at ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Dr. Jose Rizal- ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang taong may matayog na pagtingin sa kabutihan ng bawat
nilalang, lalong-lalo na kanyang mga kababayan, ay karapat-dapat pag-ukulan ng paghanga, pagpipitagan, at higit sa lahat
ng puwang sa kaibuturan ng puso ng bawat Pilipino. Ang dakilang taong ito, bagama’t patay na, ay buhay pa sa alaala ng
bawat Pilipinong nagmamahal sakanyang simulain at ideyalismo.
Ang kanyang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Siya ay ipinanganak sa lalawigan
ng laguna, noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Siya ay ikapitong anak ni Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ang
asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.
Alinsunod sa kapasiyahan ni Gobernador-Heneral Claveria sa isang kautusan nito nong ika-21 g Nobyembre, 1849
ay ginamit ng pamilya ang apelyidong Rizal na nagangahulugang “luntiang bukirin.”
Ang kanyang inang si Donya Teodora ang kanyang naging unang guro. Hindi lamang pagbasa, pagsulat, at
pagbilang ang natutuhan niya sa kanyang ina kundi maging ang pagdarasal at pagsagot sa mga dasal. Para kay Donya
Teodora ang mga ito ang totoong mahalaga sapagkat noong mga panahong iyon ang pagtawag sa Panginoong Diyos ang
siyang dapat ituro sa mga anak.
Siyam na taong gulang si Jose nang siya ay ipinadala sa Binyang at dito’y nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni
Ginoong Justiniano Aquino Cruz. Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay pinayuhan na siya ng kanyang guro na mag-
aral sa Maynila sapagkat lahat ng nalalaman nito ay naituro na sa kanya.
Siya ay nagsimulang pumasok sa Ateneo Municipal de Manila noong ika-20 ng Enero, 1872 kung saan siya ay
nagtamo ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Natanggap niya niya ang kaniyang katibayang
Bachiller En Artes sa paaralang ito noong ika-14 ng Marso, 1877.
Sa Unibersidad ng Santo Tomas, nagpatuloy si Rizal ng kaniyang pag-aaral sa kursong Filosofia y Letras at lumipat
sa pag-aaral ng medisina. Noong ika-5 ng Mayo, 1882, nagtungo siya sa Madrid, Espanya, upang magpatuloy sa kaniyang
kursong medisina.
Nang taong 1884, habang nasa Europa ay nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Sunod niyang inalam ang wikang
Pranses, Italyano at Aleman. Alam niyang hindi magiging mahalaga ang paglalakbay kung hindi niya nalalaman at nagagmit
ang nasabing wika upang malaman ang pamumuhay ng mga tao roon at ng pagkakaiban nila sa mga Pilipino.
Ayon kay Wenceslao Retana, unang sumulat ng talambuhay ni Rizal, ipinahayag ni Rizal na isinulat nito ang unang
kalahati ng Noli Me Tangere sa madrid noong katapusan ng 1884 at sa pagsisimula ng 1885; ang isangkapat ay isinulat niya
sa Paris, at ang isangkapat ay sa Alemanya. Naitalang natapos niya ang akdang Noli Me Tangere sa Berlin noong ika-21 ng
Pebrero, 1887. Ipinalimbag ang nobelang ito sa kapisanang itinatag ni Ginang Lette sa Berlin kung saan natapos ito noong
Marso, 1887. Dalawang libong (2000) sipi lamang ang ipinalimbag, at ang binayad niya ay hiniram niyal kay Dr. Maximo Viola,
taga-San Miguel, Bulakan.
Ang El Filibusterismo na kasunod ng aklat na Noli Me Tangere ay ipinalimbag naman sa Ghent, Belgium, noong 1891.
Noong ika-8 ng Hulyo, 1892, itinatag ni Dr. Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na ang mithiin ay mabago ang
naghaharing sistema ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan. Nagbalik siya sa Pilipinas noong
ika-5 ng Agosto, 1887.
Umalis siyang muli sa Maynila noong Pebrero, 1888 at nagtungo sa Europa; Hong Kong; Yokohama (Japan); San
Francisco at New York (US); at sa Liverpool at London (UK) upang makaiwas sa matinding galit ng mga Espanyol dahil sa
nobela niyang Noli Me Tangere.
Sa muli niyang pagbalik sa Pilipinas, alinsunod sa utos ni Gobernador-Heneral Despujol ay ipinatapon siya sa Dapitan
noong ika-15 ng Hulyo nang taon ding iyon dahil sa binatang na siya’y may kinalaman sa kilusang ukol sa paghihimagsik. Sa
Dapitan ay nagtayo si Rizal ng isnag maliit na paaralan at nagturo sa mga batang lalaki roon.
Sa pakikidigma ng Espanya sa Cuba, Si Rizal ay humiling na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Siya’y
pinahintulutan ng Gobernador-Heneral. Ngunit habang naglalakbay si Dr. Rizal noong 1896, ay hinuli siya sa kaniyang
sinasakyang barko nang dumaong ito sa Barcelona at ibinalik siya sa Pilipinas.
Ipinilit si Dr. rizal sa maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap siya sa hukumang military at litisin, ay nahatulan
siyang barilin sa Bagumbayan.

Noli Me Tangere
 Ito ang kauna-unahang nobelang sinulat ni Rizal.
 Magdadalawampu’t apat na taon pa lamang siya nang isinulat nya ito.
Mga Ideya ng Pagsulat
• Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere sa tatlong aklat na nagbigay sa kaniya ng
inspirasyon
 The Wondering Jew- Nang mabasa ni Rizal ang aklat na The Wondering Jew (Ang Hudyong Lagalag) ay
nabuo sa knaiyang puso na sumulat ng isang nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga
Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol. Ang The Wondering Jew ay
tungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon
ay pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang walang tigil.
 Uncle Tom’s Cabin- Tungkol ito sa pagmamalupit ng mga putting Amerikano sa mga Negro. Tumindi ang
pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa magmamalupit ng Kastila sa mag Pilipino.
 Biblia- Ang pamagat na “Noli Me Tangere” ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa wikang Filipino ay
“Huwang mo akong salingin” na hango sa Bibliya sa Ebanghelyo ni San Juan.
Inilathala ang unang nobela ni Rizal noong dalawampu’t anim na taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat
na ito at naging instrument upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.
Sa simula, binalak ni Rizal an ang bawat bahagi ng nobelaay ipasulat sa ilang kababayan na nakababatid
sa uri ng lipunan sa Pilipinas at iyon ay pagsama-samahin niya upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon
ng katuparan, kaya sa harap ng kabuguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.
Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa Madrid at doo’y natapos niya ang
kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos ang sangkapat. Natapos
naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887.
Natapos niya ang Noli Me Tangere ngunit wala siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na
lamang at dumalaw sa kanya si Maximo Viola na nagpahiram sa kanya ng salapi na naging daan upang
makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa imprenta.
Pabalat ng Noli Me Tangere
 Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng nobela
 Pinili ni Rizal ang mga elemento na ipapaloob niya rito at hindi lamang ang aspektong astetiko ang
kanyang naging konsiderasyon- higit sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo.
 Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga bagay na walang sinuman ang makapangahas na bumanggit
sapagkat naglalaman ito ng mga kasagutan sa mga paninirang-loob ng daan-daang taon ikinapol ng mga
banyaga sa mga Pilipino at sa Pilipinas.
 Ipinakilala rin ni Rizal ang kaibahan ng tunay sa di-tunay na relihiyong ang kinakalakal ay ang Banal na
Kasulutan upang mapagsalapi, upang paniwalain ang mga Pilipino sa mga kaululang sukat ikahiya ng
Katolisismo.
Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at nangamba ang kanyang pamilya na baka siya’y mapahamak inibig
parin niyang makabalik sa Pilipinas dahil:
o Una, hangarin niyang maoperahan ang kanyang ina dahil sa lumalalang panlalabo ng kanyang mata.
o Pangalawa, upang mabatid niya ang dahilan kung bakit tinugon ni Leonor Rivera ang kanyang mga sulat
mula taong 1884-1887.
o Panghuli, ibig niyang malaman kung ano naging bias ng knyang nobela sa kanyang bayan at mga
kababayan.
Umalis si Rizal sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero 1888. Sa kanyang pag-alis ay nagpunta siya sa Hong
Kong, Hapon, San Francisco at New York sa Estados Unidos, London sa United Kingdom.
Habang siya ay nasa ibang bansa ay iniukol ang kanyang panahon sa pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa
sa kanya.
Ang layunin ni Dr. Jose Rizal kung bakit niya isinulat ang Nobelang Noli Me Tangere.
1. Maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkamit ng kalayaan at kaunlaran para sa
bansang Pilipinas.
2. Sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging integratibo,
makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip, at
nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay.
3. Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod at maging sa kasalukuyang henerasyon na maging
lider n gating bansa at magiging pag-asa n gating bayan.
Ang Kabuluhan
Isinulat niya ang Noli MeTangere upang mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na nangyayari
sa bansa. Ito ay ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.
II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

• Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:


- pagtukoy sa layunin ng may- akda sa pagsulat nito
- pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito pagpapatunay sa pag -iral pa ng mga
kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino
• Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang akda
• Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan
MELC Code: F9PN -IVa - b -56/ F9PB-IVa-b-56/ F9PT-IVa-b-56

III. Mga Gawain


Gawain 1:
Panuto: Tukuyin ang mga salita o mga salita sa loob ng pangungusap na kasingkahulugan ng salitang nasa loob
ng kahon gamit ang mga kontekstuwal na pahiwatig. Salungguhitan ang iyong sagot.

Naglalakas-loob 1. Tanging si Rizal ang nangahas na salingin ang mga maling Sistema ng pamamalakad ng mga
Espanyol sa bansa.
kasamaan 2. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang nagtulak sa kanyang lumikha ng
pagbabago para sa bayan.
isiniwalat
3. Itinambad nya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
paghihirap 4. Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng paghihirap at pang-aabuso ng mga dayuhan sa
bansa.
mailantad 5. Isinulat nya ang Noli Me Tangere sa paglalayong maisiwalat ang kabuktutan at
pagmamalupit ng mga Espanyol at gisingin ang natutulog na damdamin ng kanyang mga
kababayan.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang layunin o dahilan ng may akda kung bakit nya isinulat ang Noli Me Tangere batay sa
pahayag sa kaniyang winika. Piliin ang inyong sagot sa hanay B. titik lamang ang isulat sa linya.

A B
___1. Ang kanyang layunin kung bakit pinangahasan a. Upang maipakilala ang karuwagan ng mga
niyang gawin ang di mapangahasang gawin ng Pilipino.
sinuman. b. Upang sagutin ang mga paninirang loob na
___2. Dahilan kung bakit itinambad niya ang mga matagal nang panahong ikinulapol sa mga Pilipino.
pagpapaimbabaw ng balatkayong relihiyon. c. Upang maipakita kung ano ang nasas likod ng mga
___3. Dahilan ng pag-aangat tabing na madaya at nakasisilaw na pangako ng
kumakanlong sa maling sistema ng pamamalakad pamahalaan.
ng mga Espanyol. d. Upang ipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at
___4. Dahilan kung bakit nais niyang ipaunawa sa nagmamalupit sa mga Pilipino.
kanyang mga kababayan ang kanilang mga kahinaan e. Upang matigil ang paggamit ng Banal na kasulatan
at kapintasan. bilang instrumento ng paghahasik ng
___5. Dahilan kung bakit ipinakilala niya ang kasinungalingan upang malinlang ang mga
kaibahan ng tunay at di tunay na relihiyon. Pilipino.
Gawain 3
Panuto: Ilarawan ang mga katangian ng mga pangunahing tauhan batay sa mga nakikitang deskripsiyon ng
bawat isa. Tukuyin mo rin ang kahalagahan ng papel na ginampanan ng bawat isa sa nobela. Ginawa na ang
unang bilang para sa iyo.
Tauhan Mga katangian Kahalagahan ng papel na
gagampanan
Maria Clara Siya ang larawan ng isang Mahalaga ang kanyang
mayuming Pilipinang gagampanang papel aspagkat
nagtataglay ng mabuting siya ang magsisilbing larawan o
kaasalan. imahen ng ating Inang Bayan sa
nobela
Crisostomo Ibarra
Elias
Kapitan Tiago
Sisa

IV. Susi sa Pagwawasto


GawaiGn 1 1. Nangahas
2. Kabuktutan
3. Itinambad
4. Pagdaralita
5. maisiwalat

Gawain 2 1. b
2. d
3. c
4. a
5. e

 Ang sagot ay maaaring magkakaiba.


Gawain 3

V. Sanggunian

1. FILIPINO MELC page 167


2. Pinagyamang Pluma Aklat 2, pp. 578-600

Inihanda ni:

Jobelyn N. Maglente
Teacher II

You might also like