Health 2 Activity Sheet

You might also like

You are on page 1of 16

HEALTH 2 ACTIVITY SHEET

WEEK 6-8
SECOND GRADING PERIOD
Most Essential Learning Competencies ( MELC 6 )- Describes
ways of caring for the mouth/teeth

Day 1

GAWAIN 1

Tingnan ang bilang at hanapin ang katumbas na mga letra upang


mabuo ang hinihinging salita sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

1.Ito ang dumudurog sa pagkain kapag tayo ay kumakain

2. Ginagamit sa paglilinis ng mga ngipin.

3. Siya ang doktor ng mga ngipin.


4. Ito ay mayaman sa calcium na nagpapatibay ng ngipin.

5. Manipis na string na inilalagay sa pagitan ng mga ngipin upang


maalis ang mga tirang pagkain.

GAWAIN 2

Noong ikaw ay nasa unang baitang pa lamang, natutunan mo


ang ilang mahahalagang konsepto ukol sa iyong mga
ngipin.Natatandaan mo pa ba ito? Sagutin mo ang mga
katanungan na makikita sa ibaba. Isulat kung tama o mali ang
sumusunod na mga pangungusap.
____________1. Ang unang uri ng ngipin na tumutubo ay baby
teeth.
____________2. Ang tao ay may tatlong uri ng tumutubong ngipin.
____________3. Ang bata ay may 20 bilang ng mga ngipin.
____________4. Ginagamit ang sipilyo at toothpaste upang maging
malinis ang mga ngipin.
____________5. Napapalitan ang ngipin ng bata ng permanenting
ngipin habang siya ay lumalaki.
GAWAIN 3

Ano-ano ang mga pamamaraan sa pangangalaga ng ngipin


ang nabanggit sa awit. Iguhit ang kung ang pamamaraan
upang mapangalagaan ang bibig/ngipin ay tinukoy sa awit at
kung hindi.
____________1. Ugaliing kumain ng matatamis na mga pagkain
katulad ng kendi at tsokolate.
____________2. Kumain ng gulay, prutas at uminom ng gatas
upang tumibay ang ngipin.
____________3. Alisin ang mga tirang pagkain sa ngipin gamit ang
dental floss.
____________4. Magpatingin sa dentista kung masakit lang ang
ngipin.
____________5. Magsipilyo ng ngipin araw-araw.

Upang higit mo pang maunawaan ang aralin, suriin mong mabuti


ang mga pamamaraan upang mapangalagaan mo ito.
Suriin
1. Gawin ang wastong pagsisipilyo.
Ang pagsisipilyo ay isang paraan upang
maging malinis ang ating bibig, ngipin at
dila. Pinananatili rin nitong malinis ang
ating gilagid. Nakatutulong ang
pagsisipilyo upang tayo ay maging
malusog.
Kailangang magsipilyo ng ngipin tatlong
beses sa isang araw o pagkatapos
kumain. Magsipilyo ka mula kaliwa
patungong kanan. Sipilyuhin mo din ang
iyong dila at siguraduhing malinis na ang gilid ng loob ng bibig.
2. Gumamit ng dental floss.
Ang Dental floss ay kasing nipis ng
sinulid na inilalagay sa pagitan ng
mga ngipin. Ginagamit ito sa pagaalis
ng mga tirang pagkain sa
iyong ngipin. Kapag gumamit ng
dental floss, isingit ang floss sa
pagitan ng ngipin at gilagid.
Maingat na itaas-baba ang dental
floss at linisin ang pagitan ng bawat ngipin. Maging maingat at
huwag sugatan ang gilagid. Pagkatapos ay magmumog ng
tubig.
3. Kumain ng masustansiyang pagkain. Uminom ng gatas.

Ang malusog
na ngipin ay
nagsisimula
sa kinakain
mo. Ang
balanseng
pagkain at
pag-inom ng
gatas ay
makatutulong sa iyo upang mabuo at tumibay ang mga ngipin.
4. Pumunta sa dentista dalawang beses sa isang taon.

Ang dentista ang


makatutulong sa iyo
upang makita ang
kalagayan ng iyong mga
ngipin. Huwag matakot sa
pagtungo sa dentista
sapagkat siya ang
makatutulong upang
maging malusog ang mga
ngipin.
5. Iwasan ang pagkain ng matatamis tulad ng tsokolate, kendi
at soda.

Ang pangunahing sanhi ng


pagkakaroon ng cavities o tooth
decay ay ang pagkain ng
matatamis. Nabubuo ang cavities
dahil sa pamamalagi ng sugar at
bacteria sa ngipin na siyang sisira
sa mga mineral ng iyong mga
ngipin. Makakaranas ka ng
pananakit ng ngipin at
pamamaga ng galagid.
6. Huwag ikagat sa matigas na bagay ang ngipin at iwasang
isubo ang laruan at daliri.

Ang matigas na bagay ay


maaaring makasira ng iyong
ngipin. Iwasan mong isubo sa
bibig ang mga laruan at ang
iyong mga daliri sapagkat hindi
mo nasisiguro kung ito ay
malinis. Maari kang makakuha
ng sakit sa maduming laruan at
mga daliri. Maari din itong
magdulot ng impeksiyon sa
iyong bibig
GAWAIN 4

Gumuhit ng linya patungko sa masayang ngipin kung ang


larawan ay nagsasaad ng wastong paraan ng pangangalaga sa
bibig/ngipin at kung hindi ay gumuhit ng linya papunta sa sirang
ngipin.
GAWAIN 5

Salamin ng Aking Bibig!


Tumungo ka sa salamin. Tingnan nang mabuti ang loob ng iyong

bibig. Pagkatapos, iguhit mo ang larawan ng iyong bibig sa loob


ng salamin sa ibaba. Siguraduhing ipakita ang wastong bilang ng
iyong mga ngipin, at iguhit ang mga ito ayon sa hitsura ng mga
ito.
DAY 2

GAWAIN 1

Kumpletuhin ang talata ukol sa mga pamamaraan upang


mapangalagaan mo ang iyong mga ngipin. Gamitin ang mga
salitang nasa bilog at basahin ang talata.

Ang aking bibig at ngipin ay mahalaga kung kaya nararapat


lamang na ito ay aking pangalagaan. Palagi kong
(1.)______________________ ang aking mga ngipin. Iiwasan ko ang
pagkaing (2.)______________________. Gagamit ako ng dental floss
upang (3.)______________________ ang mga tirang pagkain sa
aking mga ngipin. Hindi ko (4.)______________________ ang aking
mga laruan at aking mga daliri. (5.)______________________ ako sa
dentista, dalawang beses sa isang taon.
GAWAIN 2

Pagtambalin ang dalawang pangungusap ukol sa sanhi at bunga


ng mga ginagawa ng bata sa kaniyang bibig/ngipin.
GAWAIN 3

Panuto: Pagsunod-sunurin ang wastong hakbang sa


pagsesepilyo ng ngipin sa pamamagitan ng paglalagay
ng bilang 1-4. Isulat ang sagot sa papel.

GAWAIN 4

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Gumuhit ng


masayang mukha ( ) kung ito ay nagpapahayag ng tamang
pangangalaga sa bibig o ngipin at malungkot na mukha ( ) naman
kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.
_____1. Magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
_____2. Kumain ng kendi at tsokolate araw-araw.
_____3. Bumisita sa dentista tuwing sasakit lang ang ngipin.
_____4. Gumamit ng dental floss sa pagtanggal ng natirang pagkain
sa pagitan ng mga ngipin.
_____5. Ugaliing kumain ng masusustansiyang pagkain tulad ng
prutas at gulay
GAWAIN 5

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa papel ang


letrang P kung ang iyong sagot ay palagi, mga letrang PM kung
paminsan-minsan at letrang H naman kung hindi.
_____1. Ikaw ba ay nagsesepilyo ng ngipin nang dalawang beses sa
isang araw?
_____2. Ikaw ba ay umiiwas sa sobrang matatamis na pagkain na
tulad ng kendi at tsokolate?

_____3. Ikaw ba ay gumagamit ng dental floss sa pagtanggal ng tinga


o natirang pagkain sa pagitan ng mga ngipin?
_____4. Ikaw ba ay bumibisita sa dentista nang dalawang beses sa
isang taon?
_____5. Ikaw ba ay madalas kumain ng masusustansiyang pagkain
tulad ng gulay at prutas?

DAY 3

GAWAIN 1

Panuto: Sa isang papel, isulat ang bilang na 1 hanggang 5. Lagyan ng


tsek ( ✓ ) ang bilang ng tamang palatandaan ng malusog na bibig at
ngipin, at ekis ( X ) naman kung mali.
_____1. Mabango na hininga
_____2. Masarap na panlasa
_____3. Mahirap na pagnguya
_____4. Masakit na ngipin
_____5. Malinis na ngipin
GAWAIN 2

Panuto: Sa isang papel, isulat ang bilang na 1 hanggang 5. Mula sa


kahon, piliin at isulat sa bawat bilang ang wastong salita upang
mapagtugma ang tula sa ibaba.

Bibig na Ibig
Ang malusog na (1) __________,
(2) __________’y kaibig-ibig,
Maayos ang (3) __________,
Masarap ang (4) __________,
Mabango ang (5) __________.

GAWAIN 3

Panuto: Sa isang papel, isulat ang bilang na 1 hanggang 5. Gumuhit


ng arrow na pataas ( ) sa bawat bilang kung nasusunod ng bata ang
wastong pangangalaga sa bibig at sa ngipin at arrow na pababa ( )
naman kung hindi.
_____1. Si Carlo ay may mabangong hininga dahil nagsesepilyo siya
ng ngipin nang dalawa o tatlong beses sa isang araw.
_____2. Si Ella ay may masakit na ngipin dahil sa madalas na pagkain
ng matatamis na kendi at tsokolate.
_____3. Si Allan ay may plak dahil sa mikrobyong kumapit sa
kaniyang ngipin.
_____4. Si Christy ay may masiglang ngiti dahil sa malinis na ngipin.
_____5. Si Eldrin ay gumagamit ng dental floss upang matanggal ang
tinga o natirang pagkain sa pagitan ng kaniyang ngipin.
GAWAIN 4

Panuto: Sa isang hiwalay na papel, isulat ang bilang na 1 hanggang 5.


Isulat sa bawat bilang ang angkop na salita sa patlang upang mabuo
ang diwa ng pangungusap. Pumili ng sagot mula sa loob ng
panaklong.
1. Magsepilyo ng ngipin nang hindi kukulangin sa
_______________ (dalawa, pito) na beses sa isang araw.
2. _______________ (Ugaliin, Iwasan) ang pagkain ng mga
matatamis.
3. Kumain ng _______________ (prutas at gulay, kendi at tsokolate)
upang lumusog ang bibig at ngipin.
4. _______________ (Ugaliin, Iwasan) pagsunurin ang mainit at
malamig na pagkain o inumin.

5. Bumisita sa _______________ (dentista, barbero) nang dalawang


beses sa isang taon upang ipasuri ang ngipin.

GAWAIN 5

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon hinggil sa


tamang pangangalaga sa bibig at ngipin. Sa hiwalay na sagutang
papel, sumulat ng bilang na 1 hanggang 5 at isulat dito ang iyong
gagawin sa mga sumusunod sitwasyon.
1. Alam mong ang pagsesepilyo ay dapat na isinasagawa ng dalawa
hanggang tatlong beses sa isang araw. Natuklasaan mo na iyong
kaibigan ay isang beses lamang nagsesepilyo at matagal na niya itong
ginagawa. Paano mo siya hihikayatin na magsepilyo ng dalawa o
tatlong beses sa isangaraw?
A.Kaibigan, huwag na tayong magsepilyo.
B. Kaibigan, minsan lang din ako magsepilyo.
C.Kaibigan, ayos lang na minsan ka lang magsepilyo
.D.Kaibigan, ang pagsesepilyo ng ngipin ay pagkakain sa umaga at
bago matulog.
2. Matapos kumain ng adobong baboy, napansin mo na may naiwang
tinga sa pagitan ng iyong ngipin. Ano ang dapat mong gawin dito at
paano mo ito aalisin?
A.Hahayaan ko na lamang ito sa pagitan ng aking ngipin.
B. Lalaroin ko na lamang ito ng aking dila hanggang matanggal.
C.Magsesepilyo ako ng ngipin at gagamitan ko ito ng dental floss
upang matanggal.
D.Kakapain ko ito ng aking daliri at hihilahin upang matanggal.

3. Nakita mong inuuga ni Luisa ang kaniyang bulok na ngipin upang ito
ay mabunot. Alam mong mali ang kanyang ginagawa at alam mo kung
kanino siya dapat komunsulta. Paano mo siya papayuhan?
A.Luisa, huwag mong ugain ang iyong ngipin. Komunsulta ka sa
dentista.

B. Luisa, ako na lang ang uuga ng iyong ngipin. Tutulungan kita upang
ito ay mabunot na.
C.Luisa, ilakas mo pa ang pag-uga sa iyong ngipin upang mas madali
itong mabunot.
D.Hindi ko papansinin si Luisa sa kanyang ginagawa upang hindi kami
magkagalit.

4. Alin sa mga pagkaing nabanggit sa ibaba ang dapat kainin upang


hindi masira ang ngipin? Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong pinili.
A.matitigas na pagkain
B. matatamis na pagkain
C. masusustansiyang pagkain
D. malalamig at maiinit na pagkain

5. Nakita ni Dina na hindi tama ang paraan ng pagsesepilyo na


isinasagawa ng kanyang nakababatang kapatid. Alin kaya sa mga
sumusunod ang maaaring ginagawa ng kapatid ni Dina?
A.Naglalagay ng toothpaste sa sepilyo.
B. Nagsesepilyo ng ngipin pakanan, pakaliwa, paitaas at pababa.
C.Marahan ding sepilyuhin ang dila.

Prepared by:
ROSEMARIE M. AGUILAR
Teacher 1-Grade 2
Checked by :
EVELYN MALALUAN
Master Teacher 1

You might also like