You are on page 1of 11

Guide Card 1

LEAST COMPETENCY SKILL:


GRAMATIKA (KAYARIAN NG WIKA) : nakikilala ang iba’t
ibang uri ng panghalip

OBJECTIVE:
Halos 80% ng mag-aaral ay nakikilala
ang iba’t ibang uri ng panghalip.

SUB-TASKS
 Nakikilala ang iba’t ibang uri ng
panghalip.
 Natutukoy ang mga panghalip sa
bawat pangungusap.
 Napapahalagahan ang gamit ng
panghalip sa bawat uri nito sa
pangungusap.
Guide Card 2
Panghalip Panao
o Panghalip na ipinapalit sa pangalan ng tao.
Mayroon itong tatlong kaukulan.
o Kaukulang palagyo
 Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa
pangngalang pingungunahan ng ang at
ginagamitanbilang simuno ng
pangungusap.
o Kaukulang Paukol
 Ito ay panghalip pananong ipinpalit sa
pangngalang nasa anyong ng o ni. Ito ay
nag-uukol.
o Kaukulang Paari
 Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa
pangngalang nasa anyong sa o kay. Ito’y
nagpapakita ng pag-aari.
Guide Card 3
Panghalip Pamatlig
o panghalip na ipipinapalit sa pangalan ng
lugar o pangngalang nagpapahayag ng layo
o distansya ng mga bagay sa nagsasalita o
nakikinig.

Panghalip Pananong
o panghalip na ginagamit sa pagtatanong.

Panghalip Panaklaw
o ito ay nasa anyong walang lapi katulad ng
iba, kapwa, isa, lahat, marami, at kaunti.
Panghalip Patulad
o Kumakatawan sa bagay o pangyayaring
pinagtutularan
Activity Card 1
Panuto: Isulat sa patlang kung ang mga panghalip na
may salungguhit ay panao, pananong, pamatlig,
patulad, o panaklaw.

___________________1. Lahat ng kaklase ko ay pupunta sa aking kaarawan.


___________________2. Maganda ang bulaklak na ito.
___________________3. Sinamahan namin siya sa bahay n gaming guro.
___________________4. Sinu-sino ang mga kasali sa palabas?
___________________5. Bawat-isa sa kanila ay magdadala ng kontribusyong
pagkain.
___________________6. Ganito ang ginagawa ni Nanay kapag ako ay may sakit.
___________________7. Alin diyan ang gusto mong bilhin?
___________________8. Tayo ay kakain na.
___________________9. Inabutan niya sila ng pagkain.
___________________10. Ang ganyan tatak ng relo ay de-kalidad.
Activity Card 2
Panuto: Isang liham ang ipinakikita sa ibaba.
Salungguhitan ang panghalip na panao na bubuo sa
bawat pangungusap. Pumili sa mga panghalip na
panao sa loob ng panaklong.

Mahal 1(niyang, kong, kitang) Emily,

Kumusta 2(ka, siya, ikaw) na? Pasensya na at ngayon lang 3(ikaw, tayo,
ako) nakasagot sa sulat mo. Malapit na kasi ang pagsusulit sa paaralan
kaya abala 4(siya, kayo, ako) sa
pag-aaral. Ang paborito 5(mong, niyang, kong) asignatura ay Science.
Dahil hindi 4(ako, ikaw, ka) masyadong magaling sa Math, tinuturuan
ako ni Kuya Mio.

Kumusta naman ang pamilya mo? Masaya ba 6(kayo, kami, ko) sa


bagong tirahan
ninyo? Sana makabisita 7 (ka, siya, ako) sa inyo balang araw. Pangarap
ko na magkita
6 (tayo, siya, ikaw) muli. Nalungkot ako sa pag-alis mo dahil 9(siya,
ikaw, sila) ang unang matalik kong kaibigan.

Hihintayin ko ang tawag mo sa Sabado dahil marami pa 10(akong, ikaw,


siyang) ikukuwento sa iyo. Sabik na akong marinig muli ang boses
20(ko, mo, niya).

Nagmamahal,
Myra
Activity Card 3
Assessment Card 1
 Panuto: Bilugan ang tamang sagot.
Q. 1. Ito ang mga salitang ipinapalit sa pangngalan at panghalip.
pang-abay panghalip
pang-uri pandiwa

Q. 2. Alin ang panghalip panao na nasa unang panauhan at maramihan?


kayo akin
tayo sila

Q. 3. Anong pangungusap ang gumagamit ng panghalip panaklaw?


Sino ang kumain ng tsokolate? Ang iba ay umalis na kahapon.
Kunin mo na ang mga aklat. Ito ang dalang bag ni Mike.

Q. 4. Aling mga panghalip ang nabibilang sa iisang uri?


kami, tayo, akin, at iba madla, pawang, ilan at sinoman
ito, ganyan, hayan, at doon iyo, ako, mo at saan

Q. 5. Aling panghalip pananong ang gagamitin kung gusto mong malaman ang tirahan ng iyong
kaibigan?
Ano Saan
Kailan Magkano

Q. 6. Bumili ng bag si Addie sa Mall of Asia. Anong tanong ang maaari para sa pangungusap?
Kailan bumili ng bag si Addie? Paano bumili ng bag si Addie?
Magkano ang bag na binili ni Addie? Ano ang binili ni Addie?

Q. 7. Niligpit mo na ba ang mga gamit nila. Aling panghalip ang nasa ikatlong panauhan?
mo gamit
na nila

Q. 8. Anong panghalip pananong ang dapat gamitin upang malaman mo ang katangian ng isang
tauhan?
sino ano
kailan bakit

Q. 9. Alin ang naiibang panghalip ayon sa panauhan? (Ganyan, Iyo, Hayan, Kanya)


iyo ganya
hayan kanya

Q. 10. Ito ang mga panghalip na ginagamit upang ituro ang mga pangngalan at
panghalip.
Panao panaklaw
Pamatlig pananong

Assessment Card 2
Panuto: Salungguhitan ang panghalip sa bawat pangungusap at isulat sa patlang
kung anong uri nito.

_________1. Saan ka magtutungo?


_________2. Nakita ko silang dumaan dito kanina.
_________3. Lahat tayo ay pupunta sa kaarawan ng lola mo.
_________4. Akin ang pantasang iyan!
_________5. Marami ang pumunta sa Mabini Shrine noong nakaraang Sabado.
_________6. Tiyak na mahuhulog ka sa kanya kapag nagpatuloy pa iyan.
_________7. Ito ba ang pinamumukha mo sa akin?
_________8. Huwag kang makulit dahil may ginagawa ako.
_________9. Sila ay sama-samang magsisismba sa Linggo.
_________10. Tayo’y magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya Niya sa atin.
Enrichment Card 1

1. _________________________________________________
2. _________________________________________________
3. _________________________________________________
4. _________________________________________________
5. _________________________________________________
Table of Contents

Page
Guide Cards 1
Activity Card 1 4
Activity Card 2 5
Activity Card 3 6
Assessment Card 1 7
Assessment Card 2 8
Enrichment Card 9
Reference Card 10
Reference Card
 https://samutsamot.com/2012/11/14/aralin-at-worksheets-sa-
panghalip-na-pananong/
 http://sahm143.blogspot.com/2013/02/filipino-worksheet.html

DepEd Grade 4 Filpino LM and Teacher’s Guide

You might also like