You are on page 1of 3

Department of Education

Region III
Division of City of San Fernando (P)
San Fernando West District
STA. LUCIA INTEGRATED SCHOOL
Purok 4 Sta. Lucia, City of San Fernando (P)

“Ang Hamon sa Covid-19”

Malakas ang tinig ni Aling Marta habang ginigising ang anak na si Amed. Si Amed ang panganay na
anak ni aling Marta na nasa edad 13 at nasa ika-pitong baitang. Ala-siyete na ng umaga at
nakahiga pa rin ito sa kawayang papag na tila ba pinaglumaan na ng panahon.

”Amed, anak, gumising kana kanina pa ang haring araw. Mag-almusal kana at papasok kapa” ang
utos ni aling Marta

“Nariyan na po, Inay” sagot ni Amed habang nililigpit ang kaniyang higaan.

Kapeng barako,tirang kanin kagabi at pritong itlog ang inihain ng ina sa kanyang mga anak. Sinikap
ng ina na busog ang kanyang mga anak bago pumasok sa paaralan.

Bumaba na rin si Liway, ang bunsong anak na babae ni Marta. Sa edad na 10 taon ay naaasahan na
niya ito sa ibang gawaing bahay.

Sa huling baitang ng hagdanang kahoy na paulit-ulit nalamang pinukpok ng martilyo at pako upang
hindi magiba, umupo si Liway. Inabutan siya ni Aling Marta ng kapeng mainit-init pa.

“Pagkahigop mo ng kape'y pumunta kana dito sa mesa at kumain, baka mahuli kayo sa klase” wika
ng kanyang ina.

“Opo inay” magalang na sagot ni Liway.

Marso noon at ilang linggo nalamang ang natitira bago matapos ang klase.

Sa paaralan, tahimik lamang na nakikinig si Amed sa talakayan. Matatapos na ang kanilang


gawain ng tila may biglang pumasok sa isip ng batang si Amed. Napatingin siya sa kanyang guro at
nagpapahiwatig na nais niyang magtanong.

Napuna ito ng kanyang guro.

“Ano ang iniisip mo Amed, parang may gumugulo sa iyong isipan.” Mahinahong tanong ni Gng. Cruz

“Ma’am ano po ang Covid-19? Napanood ko po kasi sa balita kagabi na maraming nagkakasakit ng
Covid-19 at namamatay dahil dito” inosenteng tanong ni Amed.

“Buti at naitanong mo yan, babangitin ko rin sana ang paksang yan .Mahalagang may kaalaman tayo
sa karadamang ito kahit hindi pa ito nakakapasok sa ating lugar.Ayon sa mga eksperto ,Ang
corona disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus.  Ang iba
sa mga taong nagkakaroon nito ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gumagaling din
naman . Ngunit marami rin ang nakararanas ng malubhang sakit, tulad ng pagkahirap sa paghinga o
paninikip ng dibdib,lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman.
Ang pangunahing dahilan ng pagkahawa ay sa pamamagitan ng maliliit na patak, ang virus ay
maaari ring makahawa sa pamamagitan ng direktang paghawak” paliwanag ng guro. “Katulad
halimbawa ng simpleng pagtalsik ng laway ng taong may dala ng coronavirus na ito papunta sa
ibang tao ay maari nang mahawa nito.” " o kaya naman ay nagkaroon ka ng derektang kontak sa
mismong tao na may Covid-19" Dagdag pa niya

“Saan po nagmula ang sakit na ito?” pahabol na tanong ng batang si David.

“Noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia sa Wuhan, China. Napag-
alaman kamakailan lamang na ang mga kaso ay dulot pala ng isang uri ng hindi pa kilalang
coronavirus. Mabilis kumalat ang virus na ito lalo na kapag ikaw ay nagkaroon ng derektang kontak
sa taong may dala ng virus na ito. Kaya naman mahalagang mag-ingat ang bawat isa sa atin upang
makaiwas sa sakit na ito.” Tugon ni Gng. Cruz

Si Amed at ang kanyang mga kamag-aral ay nagpakita ng malaking interest sa usapin tungkol sa
COVID-19. Napaisip ang mga mag-aaral. Tahimik ang lahat na tila ba nag-iisip na sa murang edad
ay paano nila ito maiiwasan at mapapanatiling ligtas ang bawat isa sa miyembro ng kanilang
pamilya.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kanilang sild-aralan, Si binibining Castro na nagtatrabaho


sa DOH sa kanilang lugar.

Nagbigay galang si binibining Castro bago kausapin ang kanilang guro. Pagkatapos mag-usap ay
ipinakilala ni Gng.Cruz ang binibini sa klase.

“Narito si binibining Castro mula sa Department of Health ng ating syudad San Fernando.Nais
niyang magbahagi ng mga kinakailangang gawin at iwasan upang makaiwas sa sakit na Covid-19”
nakangiting wika ng guro habang tinitignan niya isa isa ang ekspresyon ng bawat mag-aaral.May
nakangiti, may mukhang nag-aalala at tila kinakabahan. Ngunit ang lahat ay nagpakita ng
kagustuhan na malaman ang sasabihin ng binibini.

“O! mga bata, narito ako upang ibahagi sa inyo ang mga kailangan ninyong gawin at iwasan upang
hindi tayo magkasakit lalo na ng Covid-19 na isang pandemikong sakit. Ibig sabihin lang nito ang
Covid-19 ay hindi lamang sakit sa iilang lugar o bansa kundi ito ay sakit na lumalaganap sa buong
mundo.” Saad ni binibining Castro.

“Tandaan ninyo ang lahat ng impormasyon na sasabihin ko upang mapanatiling ligtas ang bawat isa
sa Covid-19. Unang-una panatilihing malinis ang inyong katawan.Ugaliing maghugas mabuti ng
kamay gamit ang malinis na tubig at sabon loob ng 20 segundo upang masiguro na matangal ang
mga mikrobyo. Kumain ng gulay at prutas upang mapanatiling malusog ang inyong
katawan.Mahalagang umiwas din sa mga taong may sakit kahit na simpleng ubo at sipon. Takpan
naman ang bibig at ilong kapag ikaw ay uubo o babahing gamit ang panyo o malinis na tela. Mas
mainam para sa mga batang tulad ninyo na manatili sa bahay.

Palaging magsuot ng facemask upang hindi mahawa at hindi makahawa at tandaan ang social
distancing o pagpaglalaan ng distansya sa kapwa”. Ang mga ito ay preventive measures o mga
hakbang sa pag-iwas sa Covid-19.” Mahabang pahayag ni binibing Castro.

Tumigil sa pagsasalita ang binibini at pinagmasdan niya ang mga bata sa loob ng silid-aralan.
Nakita niya na sila ay tahimik na nakikinig at ang iba ay tumatango pa na nagpapakita ng pagsang-
ayon sa kanyang tinuran at.bawat sinasabi ng binibini ay kanilang tinatandaan .
Bago nagpaalam ang binibini ay isinulat niya sa pisara ang salitang LIGTAS ang at kahulugan ng
bawat letra upang magsilbing paalala sa bawat isa paano makakaiwas sa COVID-19.

L-aging maghugas ng kamay

I-wasan ang paglabas ng tahanan at ang mataong lugar

G-awin ang pagtakip sa bibig at ilong kapag uubo o babahing

T-andaan ang social distancing o pagdistansya sa kapwa

A-lituntunin sa iyong pamayanan ukol sa pag-iwas sa Covid -19 ay sundin

S-iguraduhing may suot na face mask kapag nasa labas ng tahanan

Pag-uwi sa tahanan ay ikinuwento ni Amed ang mga impormasyon ibinahagi sa kanila ng kanyang
guro at ni binibining Castro.

Binuksan ni Aling Magda ang telebisyon bago nagwika sa mga anak. “Kailangan na maging maingat
tayo at gawin ang mga paalala para makaiwas sa sakit na ito at mahalaga na palagi tayong manood
o makinig ng balita lalo na tungkol sa Covid-19.

Kinagabihan,sa pamamagitan ng facebook post at text nagpahayag ang punong guro ng kanilang
paaralan na suspinde ang klase sa kanilang paaralan hanggang sa susunod na abiso mula sa
pamahalaan ng Lungsod.Kinabukasan gaya ng nakasanayan, ay maagang nagising si Aling Marta.
Inihanda niya ang mga pinaglumaang damit. Nilabhan niyang muli ang mga ito upang gawing
facemask na kanilang magagamit.

“Tao po! Aling Marta, Si Julia po ng DSWD.” Pinagbuksan ng gate ni Aling Marta ang bisita ngunit
hindi na ito pumasok sa loob ng tahanan at mapapansin ang isang metrong layo niya kay Aling
Marta. Nag-abot ng facemask, alcohol at ilang gamit panglinis. Nagbigay paalala na ang kanilang
barangay ay may curfew mula ala-5 ng umanga hanggang ika-12 ng tanghali. Bago umalis si Julia
ay nag-iwan ito ng isang papel kung saan nakasaad ang mga alituntunin ng kanilang barangay ukol
sa nasabing Enhanced Community Quarantine.

Bumangon na si Amed balak niyang yayain si David at Liway para maglaro at magpalipad ng
sarangola ngunit hindi sila pinayagan ni Aling Marta.

“Mula ngayon may ilang pagbabago sa ating pang-araw -araw na pamumuhay” ang panimula ni Aling
Marta para sa isang mahabang pag-uusap …

Tumango lamang si Amed habang si Liway naman na sa kabila ng musmos na edad ay hindi
kinakitaan ng pagtutol.

Marahil batid nila ang hamon ng Covid-19…

Isunulat ni: MAUREEN MUNDA


STA LUCIA INTEGRATED SCHOOL

You might also like