You are on page 1of 1

ARALIN 3

Paano ng aba mapapahalagahan ng mga kabataang Pilipino ang mga aral sa Florante at
Laura?

Huwag sumuk sa harap ng malaking problema. Sumunod sa mg autos ng iyong mga


magulang. Ipaglaban ang iyong iniibig. Huwag maniwala agad sa naririnig na tsismis.
Gawin mo sa ibang tao ang gusto mong gawin nila sa iyo. Lahat ito ay mga aral na aking
antutunan sa aking pagbabasa at pagtalakay ng Florante at Laura.

Ang Florante at Laura ay isang awit na napakayaman sa mga aral na maaari nating
gamitin sa ating buhay. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang Florante at Laura sa
ating buhay, bilang isang tao, estudyante, mamamayan, pinuno, ama, anak, at iba pa. Si
Florante, kahit inakala niyang pinagtaksilan siya ni Laura ay hindi sinuko ang kanyang
pagmamahal kay Laura. Sa huli nalaman niyang hindi siya pinagtaksilan ni Laura at
pareho ang kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. Naging tapat sila hanggang sa huli. Sa
ating buhay maaari nating gamitin ang aral na ito. Lahat ng kabanata sa Florante at
Laura ay may matututunan na aral. Ngunit sa huli, depende ito sa atin kung paano natin
isasabuhay at gagamitin ang mga aral na ito. Kaya dapat nating isapuso ang mga aral na
nasa Florante at Laura upang maayos na matandaan dahil higit na nakakatulong ang
mga ito sa ating pang-araw araw na pamumuhay.

You might also like