You are on page 1of 4

Panunuring Pampanitikan

Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na pag-aaral, pagtalakay, pagpapaliwanag at


paghimay ng mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’ ibang dulog ng
kritisismo para sa mabisang pag- unawa sa mga malikhaing manunulat at mga katha.

 Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa sinusuri tulad ng buong nilalaman


ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo.
 Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw
laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.

Ano naman ang Panitikan?

 Nanggaling ang salitang ito mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping
“pang” at hulaping “-an” sa salitang ugat na titik.
 Ang may-bahid kanluraning salitang literatura ang isa pang katawagan para sa larangan
ng panitikan.
 Nagmula ang salitang literatura sa salitang Latin littera- na nangangahulugang "titik".
Mga Uri ng Panitikan

Kathang-Isip Hindi Kathang-Isip
(Ingles: fiction) (Ingles:non-fiction)
Dalawang pangunahing anyo ng panitikan: 

Tuluyan o Prosa
(Ingles: prose)
maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap Ito ay nasusulat sa
karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

Hal: alamat, anekdota, nobela, pabula, parabola, maikling kwento, dula , sanaysay, talambuhay,
talumpati, balita, kwentong bayan.

Patula o panulaan
(Ingles: poetry)
pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na
pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at
pagtutugma tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

Hal: tulang pasalaysay, awit, korido at kantahin, epiko, balad, salawikain, butong at tanaga. 
Kahalagahan ng Panitikan:

 Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at


ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan para sa mga tao.
 Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil
tintulungan nito ang mga mamamayan na bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin
ang kasalukuyang sistema.
 Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging
isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at
pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng mga susunod na
henerasyon.

Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng
sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang
maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.

Mga Sangay ng  Panunuring Pampanitikan 


1.Pormalistiko o pang-anyo

may pananaw na ang akda o teksto ay dapat suriin at pahalagahan kung ibig talagang
masukat ang kagandahan ng akda

2. Moralistiko

sinusuri ang pagpapahalagang ginamit

3. Sikolohikal

nagpapakita ng isang  ekspresibong pananaw

4. Sosyolohikal-panlipunan

tinitingnan ang akda bilang produkto ng kamalayang panlipunan ng may- akda, kung
gayon, ang kaalaman tungkol sa kaganapang panlipunan ang pinahahalagahandito. 
Pananalig

- ang pangalawang sangay naman ng panunuring  pampanitikan

KLASISMO

- layunin ng Panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak ukol sa pagkakaiba ng


mga estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid
at piling pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos ng may kaayusan
ROMANTISISMO

- layunin ng teoryang ito na ipamalas ay ibat-ibang paraan ng tao o sumasagisap sa tao sa


pag aalay ng kantang pag-ibig sa kapwa , bansa at mundong kinalakhan

REALISMO

- tumatalakay sa katotohanan sa lipunan

IMPRESYUNALISMO
- isang kilusang sining ng ika-19 na siglo

PEMINISMO

- naglalayong iwasto ang mga maling pananaw tungkol sa kahalagan, tungkulin at


kahulugan ng babae sa lipunan
IMAHISMO

- ginagamit upang epektibong maihatid ang wastong imahe na magbihigay daan sa


wastong mensahe

Historikal

- naglalayong ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa


kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog

Arkitapyal

- tinayawag din na mitolohikal o ritwalismo

Mga Bahagi ng Panunuring Pampanitikan

 Pamagat – binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at paksa na


iyong ilalahad sa paghihimay Panimula – impormasyon na may kaugnayan sa iyong
sanaysay at kasiya-siyang pambungad na talata na kinabibilangan ng angkop na pahayag
ng tesis

 Paglalahad ng Tesis – kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong


mambabasa kung ano ang aasahan sa kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag ng
layunin ng iyong sanaysay – ang puntong iyong gusto iparating.

 Katawan – naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa teksto at


sumusuporta sa iyong inilalahad na tesis Konklusyon – ang buod ang mga pangunahing
punto na iyong ginawa, na may-katuturang komento tungkol sa teksto na iyong pinag-
aaralan

Mga Kritikong Pilipino at Banyaga

 Alejandro G. Abadilla – isang makata, sanaysayista at kuwentista at tinaguriang “Ama


ng Makabagong Tulang Tagalog”
 Teodoro Agoncillo – isang bantog na manunulat, makata, manunuri at mananalaysay.
Siya ay tanyag sa kanyang aklat na “Ang Maikling Kwentong Tagalog”
 Clodualdo Del Mundo – isang bantog na manunulat, kritikong pampanitikan at nobelista
ng komiks. Naging co-founder at naging unang Presidente ng Panitikan noong 1935
 Virgilio S. Almario – kilala sa kanyang sagisag-panulat na Rio Alma. Isa siyang makata,
kritiko, tagapagsalin, editor, guro at tagapamahalang pangkultura ng Pilipinas
 Lamberto E. Antonio – Isang Pilipinong manunulat at kabilang sa tatlong tungkong
batong panulaang Filipino kasama sina Virgilio S. Almario at Rogelio G. Mangahas
 Lope K. Santos – isang tanyag na manunulat, abogado, fritiko, lider, obrero,
mananalaysay, nobelista at “Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas”. Naging
director ng Surian ng Wikang Pambansa. Isa sa kanyang nobela ay ang Banaag at Sikat
 Rogelio G. Mangahas – isang kritiko na kabilang sa tungkong batong panulaang Filipino
 Fernando B. Monleo – isang alureadong makatang nagsulat ng nobelang “Tres
Muskiteras”. Kilala siya bilang “Prinsipe ng Balagtasan”
 Ponciano B. Pineda – isang manunulat, guro, linggwista, abogado, at “Ama ng
Komisyon ng Wikang Filipino”

You might also like