You are on page 1of 4

Vinzon, Yvanne Zechael B.

Filipino

12-Valor 09/20/19

CHARACTER SKETCH

Hwang Yeji

a.) Paglilista

- Kpop Idol

- Lider ng grupong “Itzy”

- Singkit ang mga mata

- Maputi

- Bagay ang karamihan ng mga istilo ng buhok

- Maganda ang ngiti

- Mukhang dragon

- Magaling Kumanta

- Magaling Sumayaw

- Mahilig sa pagkain

- Cute ang personalidad

b.) Pagmamapa

Mabait Masayahin
Pagawit
Pagsayaw
aw

Talento Hwang Yeji


Ugali
c.) Ibang mga Paraan ng Pagsasaayos ng mga Datos (Malayang Pagsulat)

1.) Orasan

- Si Jose Rizal ay ipinanganak sa isang mayamang angkan noong ika-19 ng

Hunyo taong 1861. Siya ang ikapito sa labing-isang magkakapatid na anak

ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal at Teodora Morales. Siya ay nag-

aral sa Ateneo Municipal de Manila at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng

Sining at nag-aral ng medesina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.

Matapos ang kanyang pag-aaral sa Pilipinas, ipinagpatuloy niya ito sa

Universidad Central de Madrid sa Espanya kung saan nakakuha siya ng

lisensya sa medisina. Siya rin ay nag-aral sa iba pang mga bansa tulad ng

France at Germany. Si Jose Rizal din ay isang nobelista, kaya niya naisulat

ang mga tanyag na nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Nang

magbalik sa Pilipinas si Rizal noong 1892 naitatag niya ang La Liga Filipina

kasama si Andres Bonifacio. Dahil sa pagtatag niya sa organisasayon na ito

ipinatapon siya sa Dapitan. Noong 1895 hiniling ni Rizal na magpunta sa

Cuba bilang maging isang hukbong doctor, at pinayagan siya. Ngunit noong

Agosto taong 1896 siya ay inaresto at ipinakulong dahil sa rebolusyon na

pinangunahan ni Andres Bonifacio. Noong Disyembre 30, 1896 isinagawa

ang pampublikong pagpatay kay Rizal.

2.) Paputok

- Ang social media ay isang bagay na kinahuhumalingan ng mga tao sa

panahon ngayon. Maari mong ibahagi ang lahat ng gusto mong ibahagi sa

mga ibang tao dito. Isa rin itong paraan upang makadagdag ng kaalaman ng
mga tao. Ngunit marami sa atin ang sobra ang pagkahumaling at nagdudulot

ng pagkaadik sa social media, dahil sa pagkaadik sa social media

nagkakaroon ng mga masasamang epekto sa pagiisip tao. Ang una sa mga

ito ay ang depression, ito ay dulot ng inggit sa nakikita sa mga ibinabahagi

ng iba. Kapag ang isang tao ay nakakita ng gusto nila na mayroon ang ibang

tao magdudulot ito ng inggit at kapag hindi nila ito makuha kadalasa’y

nagkakaroon sila ng depression. Sunod ang mga anxiety disorder o takot

lalo na sa pakikipagkapwatao. Dahil sa social media mas nagiging maingat

ka sa iyong mga kilos at itsura upang hindi mahusgahan at mapagusapan ng

mga ibang tao. Ang huli ay ang hindi pagalaga sa sarili, dahil sa sobrang

pagkahumaling sa social media hindi na nila nabibigyan ng panahon ang

kanilang mga sarili at hindi na nila naasikaso ang kanilang pangangatawan.

Ilan lamang ito sa mga epekto ng social media sa tao. Hindi naman

kailangan mawala ito, ngunit kailangang magkaroon ng disiplina sa sarili.

3.) Sayaw

- Ang Ebola ay isang virus na nagdudulot ng matinding sakit sa isang tao.

Ang virus na ito ay nagmula sa mga kanlurang parte ng aprika at ito ay

sobrang nakakahawa. Marami nang nakuhang buhay ang sakit na ito kaya

naman naghahanap na ng mga solusyon ang mga eksperto upang magamot

at matanggal na ang sakit na ito. Maari nating maihalintulad ang ebola sa

black death, na isa sa pinakamalubhang nangyari sa kasaysayan ng tao

noong taong 1300 hanggang 1400. Ang sakit na ito ay nagmula sa mga

daga. Ang black death ay tinatantiyang pumatay ng 75 hanggang 200 na


milyong tao sa Europa at Asya. Isa pa sa mga halimbawa ng mga

pangyayaring naganap noon ay ang Great Plague of London na nangyari

noong 1665 at 1666. Itong sakit na ito ay tumatayang pumatay ng mahigit

75,000+ na tao sa London, United Kingdom. Marami pang ibang mga sakit

ang pwede ihalintulad sa Ebola na meron sa panahon ngayon, ngunit dahil

sa mga pangyayari na ito maipapakita ang tunay na lakas ng tao, ang

pagiging matibay. Dahil sa katibayan ng mga tao nalagpasan natin ang mga

pagsubok na mga iyon at natuto tayo sa ating mga pagkakamali.

You might also like