You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU PROVINCE
Almacen-Torrevillas National High School
Lamintak Norte, Medellin, Cebu

SLHT sa FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) (Q1-L1)

Pangalan: _________________________________Seksyon: _______________Marka: _________

I. MELC: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat (CS_FA11/12PB-Oa-c-101)

II. Mga Layunin:
Pangka-alaman: Naipapaliwanag ang iba’t ibang konsepto ng pagpapakahulugan ng
akademikong sulatin.
Pangkasanayan: Nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa pagpapalawak sa inilalahad na
konsepto.
Pangka-asalan: Natutukoy ang kahalagahan na akademikong sulatin bilang isa sa
pangangailangan ng lahat ng kurso
Paksang-Aralin: Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsula
III. Mga Sanggunian:
 Arrogante, Jose A. Filipino Pangkolehiyo Kasiningan, Kakayahan, at Kasanayan
sa Komunikasyon. Binagong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore,
2000.
 DIWA Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik
 Filipino sa Piling Larang Akademik. Pinagyamang Pluma. Quizon Ave. Quezon
City: Phoenix Publishing House, 2016.
 Lorenzo, Carmela, et.al. Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan. Binagong
Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore, 2010.

IV. Pamamaraan:
I. Paglalahad ng Aralin/Mga Nilalaman

May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba ito ay nagsisilibing libangan
sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang ma ideya at mga kaisipan
sa paraang kawili-wili o kasiyasiya para sa kanila. Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang
kalimitang dahilan ng pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang
bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.
Sinabi naman ni Badayos” ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na
totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang
wika man”.
Ayon naman kay Keller: “ang pagsulat isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito”.
May kanyang ring pagpapakahulugan si Donald Murray: “Writing is rewriting, a good
writer
is wasteful, he saws and shapes and cuts away, discarding wood…The writer cannot build a good
strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials”
Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “ Ang pagsulat ay
ekstensyon ng ika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at
pagbabasa”.
Kaya naman sa, sa limang makrong kasanayang pangwika, ang pagsulat ay isa rin sa mga
dapat pagtuonan ng pansin na malinang at mahubog ang mag-aaral sapagkat ditto masusukat
ang
kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayan tulad ng
pakikinig, pagbasa at panonood, madalas ang isang indibiduwal na gumagawa nito aykumukuha
o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. Subalit, sa pag- sasalita at pagsusulat ang
1 ( RMCahayagan)
taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa
isang
tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat.
Akademikong Pagsulat
Ano-ano na ang naisusulat mo? Nagsulat ka na ba ng tulang tungkol sa iyong
hinahangaan o ng mga kuwentong ipinabasa mo sa publiko sa iyong social media account?
Nagsulat ka na ba ng sanaysay na nagpapaliwanag ng pananaw sa isang isyu?
Ang pasulat ay isang pangangailangan. Nagsusulat ang tao upang matugunan ang mga
personal na pangangailangan. Nagsusulat ang tao hindi lamang upang magpahayag ng saloobin at
bumuo ng magpatatag ng mga ugnayan, bagkus ay upang mapabuti ang sarili. Maliban sa mga ito,
nagsusulat din ang tao upang matugunan ang mga akademiko at propesyonal na
pangangailangan.

Ano ang akademikong pagsulat?

Sa isang globalisasyong mundo, nakaaangat ang mga indibiduwal na may kasanayan sa

akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat. Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang
mataas na antas na pag-iisip. Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may
mapanuring pag-iisip, May kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o datos, mag-organisa ng
mga ideya, mag-isip ng lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa
ng sintesis. Samakatuwid ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat na
nagaangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsiyon para sa mga akademiko o
propesyonal. Ito ay isang pangangailangan.

Ilan sa mga halimbawa ng mga akademikong teksto ang abstrak, bionote, panukalang
proyekto, talumpati, sintesis at replektibong sanaysay. Bahagi na rin ng bawat propesyonal ang
magsulat ng mga tekstong tulad ng katitikan ng pulong (minutes of the meeting),posisyong papel,
at agenda. Itinuring ding akademikong sulatin ang photo essay at lakbay – sanaysay o travel essay
o travelouge.

II. Mga Gawain

Gawain 1 - Tuklas-Dunong!

Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang kabibahan ng akademikong pagsulat sa personal na pagsulat?

_____________________________________________________________________________________________

2. Maaari bang gawing malikhain ang akademikong pagsulat? Pangatuwiranan ang sagot.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang paggamit ng akademikong Filipino sa pagsulat? Ano-ano ang kabutihang
dulot nito sa buhay partikular na sa hinaharap?
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

4. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang ito? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

2 ( RMCahayagan)
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

5. Bakit mahalagang alamin kung sino ang mambabasa kapag magsusulat ng akademikong
teksto?
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

Gawain 2 Panuto: Ibigay ang sariling pagpapaliwanag ng Akademikong Pagsusulat base sa mga ideyang
binigay ng iba’t ibang awtor.

3 ( RMCahayagan)
D. Pagtataya/Aplikasyon

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay artilkulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag,

A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Pagsasalaysay D. Pagsusulat
2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng mga
halimbawa.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatuwiran
3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktuwal nas
naganap.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatuwiran
4. Anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat
sa isyung nakahain sa manunulat.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatuwiran
5. Anyo ng Pagsusulat na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang
manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatuwiran

II. Sabihin kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap. Kung MALI, salungguhitan ang salitang
napagkamalian at isulat ang tamang sagot sa katapat nito.

____________6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil sa

mga
impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat.
____________7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng kaniyang
ginagawang pag-aaral.
____________8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na kuwestiyonable.
____________9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita sa mga pangyayari hinggil sa mga
paboritong artista sa telebisyon.
____________10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa paguulat ng mga
pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang iskolar hinggil sa iba’t ibang disiplina.

D. Pagpapatibay/ Pagpapa-unlad sa kasalukuyang aralin

Panuto: Magtala ng apat na sulatin na maituturing na pang-akademiko. Lagyan ng konting paliwanag

ang
bawat isa sa loob ng kahon.

4 ( RMCahayagan)
5 ( RMCahayagan)

You might also like