You are on page 1of 2

PANALANGIN

Tayo po ay manalangin, Amang makapangyarihan sa lahat, lumikha ng sanlibutan,


pinagmulan ng lahat ng pagmamahal, karunungan at kabutihan. Pinupuri ka namin Ama sa
iyong walang hanggang pag-ibig na ipinagkakaloob sa amin. Kami ay humihingi ng
kapatawaran sa aming mga pagkakasala, sa isip, sa salita at sa aming mga nagawa laban sa
aming kapwa na labag sa Iyong kalooban.
Lubos ang aming papuri at pasasalamat sa pagkalinga sa bawat guro, sa pagbibigay ng
pag-asa sa kabila ng pandemyang nararanasan. Itinataas namin Panginoon ang kaligtasan ng
bawat guro. Sila nawa ay magpatuloy sa paghubog at magmalasakit sa mga mag-aaral.
Ama, aming ipinagpapasalamat at ipinagkakatiwala sa Iyo ang lahat ng namumuno sa
paaralang ito na patuloy na gumagabay at nagbibigay direksyon sa paaralan Patuloy Nyo po
silang samahan upang maglingkod ng tapat para sa kapakanan ng paaralan at ng mga mag-
aaral.
At sa mga sandaling ito Ama, kami ay taos-pusong lumalapit sa ikatatagumpay ng araw
na ito upang maipadama namin ang pasasalamat sa aming butihing ____ng siyang kumalinga
sa amin at nagpadama na hindi kami nag-iisa sa pagharap sa makabagong sistema ng
edukasyon. Ama, dalangin namin na kung paano niya kami paalalahanan ay maging higit ang
Inyong pagpapaalala sa kanya na mayroong siyang nakatanaw na pamilya sa MNHS na sa
kabila ng maikling panahon ay nagsilbi siyang ang inspirasyon sa bawat isa sa amin. Ama
dalangin namin na puspusin nyo po nawa ng pagpapala ang kanyang buhay upang sa gayon
ay patuloy siyang maging pagpapala sa buhay ng iba. Nilalalapit din naming Ama ang
kapayapaan ng kanyang kalooban Kayo po Nawa ang magpuno ng pagmamahal at kaaliwan sa
kabila ng kalungkutan. Patuloy nyo po siyang bigyang ng karunungan upang patuloy na
makapagbahagi sa iba.
Ama ang lahat ng ito ay aming itinataas at inilalapit sa matamis na pangalan ni Hesus,
na aming dakilang tagapagligtas. Amen

You might also like