You are on page 1of 3

Teodoro M.

Luansing College of Rosario

Namunga, Rosario Batangas

College of Business Administration

Midterm Examination in Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Pangalan:____________________________ Petsa:________________

Seksiyon/ taon:________________ Iskor:_________

I. Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon na nasa
ilalim na bahagi.

1. Ito ay ang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe.


2. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
3. Tumutukoy sa detalyadong eksaminasyon ng mga element o istruktura ng isang bagay
o kaisipan karaniwang bilang basehan ng interpretasyon o talakayan.
4. Isang amerikanong edukador at tagapagtangkilik ng literasiya o kaalaman at kakayahan
sa pagbasa at pagsulat. Nakilala rin siya bilang “Ama ng Pagbasa”.
5. Anyo ng paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga salitang simbolo na
kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay.
6. Uri ng pagbasa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal
na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles.
7. Ito ay pagbuo o paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin.
8. Naglalaman ng mga impormasyon na galling mismo sa bagay o taong pinag-uusapan sa
kasaysayan.
9. Ang batayan ng impormasyon ay mula sa pangunahing batis ng impormasyon.
10. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng galaw ng katawan, pagtingin, ekspresyon ng
mukha at paralanguage.
11. Salitang latin na nangangahulugang “ karaniwan” o “panlahat”.
12. Isang uri ng pampanitikang kritisimo na ang layunin ay suriin ang isang akda batay sa
nilalaman, istilo at pagsulat.
13. Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito
ay nagiging dating kaalaman.
14. Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng mabilisang pagbasa
upang makuha ang pangkalahatang ideya ng teksto.
15. Sinusuri muna ng mambabasa ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat.
16. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat
ng mga tao.
17. Kadalasang ginagawa bilang pampalipas oras lamang.
18. Ito ay mga sources ng mga impormasyon na nakukuha ng mga nagbabasa at nakikinig.
19. Isang uri ng tekstong nagpapahayag ng mga serye ng pangyayaring magkakaugnay.
20. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, sa pagitan
ng isang tao at maliit na pangkat.

Primaryang Batis komunikasyon Naratibo Rebyu communis

Di- Berbal Previewing Intrapersonal Iskaning Dr. William S. Gray

Berbal Kaswal na pagbasa Teoryang Iskema Sekondaryang Batis

Batis ng impormasyon Komunikasyong Pampubliko Iskiming Pagsusuri Pagbubuod

Interpersonal
II. Panuto: Ipaliwanag ang ilustrasyong nasa ibaba na kailangan upang maging epektib na
komyunikeytor. ( 10 puntos)

Pakikinig Pagsasalita

Pag iisip
Mga Kasanayang Pagmamasid Mga Kasanayang
Reseptib Pagdanas Ekspresib

Pagbasa Pagsulat

III. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.


1.-6. Sangkap ng Komunikasyon
7.-12. Ibat-ibang Uri ng Teksto na Nasusuri
13.-20. Mga Gawaing Pangkomunikasyon

Inihanda ni :

______________________________
ROSE ANN A. PADUA, LPT
Instruktor

Iniwasto ni:

_____________________________
ARNOLD LEYESA
Dekano
Pag iisip
Mga Kasanayang Pagmamasid Mga Kasanayang
Reseptib Pagdanas Ekspresib

Pagbasa Pagsulat

You might also like