You are on page 1of 3

Gawain 9; TUKUYIN MO!

1. Kasaysayan ng Pagkabuo ng Pambansang Wika


PANAHON NG KATUTUBO (800 B.C. – 800A.D.)
•Indian – Indonesian
•Syllabic Writing o pagpapantig (Sanskrit, Alibata o Baybayin.)
•Natuklasan ang espisimen sa isang banga na may nakaukit na mga sinaunang letra.
• Naibahagi ang mga salitang: dala, anak, asawa, diwa, biyaya, puri, masama, wika, aklat, galit,
sadya. Sandata, mutya, panday at salita.
•Mayroon lamang katinig: B,D,G,H,K,L,M,N,NG,P,S,T,W,Y

PANAHON NG TSINO (NEW STONE AGE 10th century – 15th century (Tang, Yuan at Sung
Dynasties)
•May layuning makipagkalakalan
•Naibahagi ang mga Tagalog na salita: Pancit, susi, pinggan, tsa, gusi (big jar), tinghoy (Oil
Lamp), Mangkok (Bowl)

PANAHON NG KASTILA 1565-1872 •March 15, 1521 – Dumating si Magellan sa Pilipinas


•February 13, 1565 – Dumating si Legaspi para sakupin ang Pilipinas
•Ipinag-utos ng hari ng Espanya na turuan ng wikang Kastila ang mga katutubo.
•Hindi itinuro ng mga kastila ang kanilang wika, sa halip sila ang nag-aral ng wika ng mga
katutubo. •Ginawang sapilitan ang pag-aaral. VERNAKULAR ang wikang ginamit.
•Wikang Kastila sa pamahalaan, Vernakular sa mga paaralan.
•Gayunpaman, nakabuti ang pasyang ito dahil nasimulan ang paglinang sa mga rehiyunal na
wika. •Nalimot ng mga taong-bayan ang kanilang Paganismo, ngunit hindi ang kanilang
katutubong wika.

PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN (1872-1898)


•Panahon ng Kamulatan – namulat ang isipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino.
•Pinangunahan ng pangkat ng mga Ilustrado: Rizal, Luna, del Pilar, Lopez Jaena atbp.
•Nakapag-aral sa ibang bansa – Espanya (Europa) •Natuto ng ibang ideolohiya (Nasyonalismo at
demokrasya)
•Naitatag ang KARTILYA NG KATIPUNAN (Emilio Jacinto) na nakasulat sa wikang
TAGALOG.
•Maraming naisulat na akdang pampanitikan sa wikang Tagalog tulad ng tula, sanaysay,
kuwento, liham at talumpati upang magising ang mga Pilipino.

PANAHON NG AMERIKANO 1898-1990


•Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagbunsod ng malaking pagbabago sa kalagayang
pangwika sa Pilipinas.
•Nagpatayo ng pitong pambayang paaralan sa Maynila.
•Naging unang guro ang mga sundalong Amerikano na nagturo ng Ingles. March 4, 1900 –
Alinsunod sa Pangkalahatang Kautusan Blg. 41, si Kapitan Alberto Todd ay nagsagawa ng mga
hakbang tungo sa pagtatatag ng isang sistema ng edukasyon.
* Pagtatag ng isang komprehensibong modernong sistema ng edukasyon
* Paggamit sa wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo
* Pagpapatupad ng patakarang sapilitang pagpasok sa paaralan.
PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN 1935-1942 (Komonwelt)
•Ang misyon nina Quezon at Osmeña nagpahalaga sa importansya ng wikang pambansa.
•Layunin ng edukasyon- debelopment ng diwa ng pambansang pagkakaisa o nasyunalismo.
•Naniniwala ang mga lider na mahalaga ang adapsyon ng isang panlahat na pambansang wika.

2. Panahon ng Pananakop ng Hapon (1942-1945)


•Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
•Nasarado ang lahat ng mga Paaralan
•Sa muling pagbubukas nito – ipinagamit na wikang panturo ang wikang katutubo
•Sa pamamagitan ng paaralan ay pinasimulan nila ang paglaganap ng ideolohiyang Hapones
•Ibig ng mga Hapones na malimutan ng mga Pilipino ang wikang Ingles
•Naging maunlad ang wikang pambansa, umunlad ang panitikang Pilipino.
•Inalis sa kurikulum ang wikang Ingles, sapilitang ipinalit ang Wikang Pambansa at Niponggo.
•Mga Paksa ng pagtuturo: Pamumuhay at kulturang Hapones, kasaysayan ng Silangang Asya,
mga awiting Pilipino at Hapones.
•Naging aktibo si Pang. Jose P. Laurel sa paglahok sa paghahanda ng bagong konstitusyong
nagtakda ng ilang reporma sa edukasyon.
•Nob. 30, 1943 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 – ituturo ang wikang pambansa mula
elementarya hanggang sa kolehiyo.
•Enero 3, 1944 – Binuksan ang isang Surian ng Tagalog na magtuturo ng tagalog sa mga gurong
hindi tagalog.
•Walang kumontra sa mga panukala dahil takot ang lahat sa mga Hapones.

3. Tagalog Bilang Batayan ng Pambansang Wika


•Ito ang nangingibabaw na katutubong wika
•Tagalog angmay pinakamaunlad ang katangiang panloob; estruktura, mekanismo, panitikan at
bukas na pagpapayama at pagdaragdag ng bokabularyo.
•Katanggap-tanggap sa nakararaming mamayan
4. Ang Tagalog, Pilipino, at Filipino
•Tagalog – katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)
•Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)
•Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino,
at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)

You might also like