You are on page 1of 1

Lea B. De Galicia G.

Mark Anthony Salvador


BSED Filipino 3-1 Malikhaing Pagsulat

Kaninong Utos ang Susundin?

Sabi ni nanay, mag-alcohol upang Covid ay maiwasan,

Sabi ng nars, face mask ay bawal kalimutan,

Sabi ni kap, huwag lumabas ng aming tahanan,

Sabi sa TV, ayuda’y sapat sa kumakalam na kalamnan.

Akala ko si nanay lang ang maraming utos.

“Bawal ang late” hiyaw ng boss ni ate kahit paos,

Delikadong makikipagitgitan sa EDSA kahit magkapaltos.

Pasaway raw ang lumalabas kaso kailangan nilang kumilos.

Kaninong utos ang susundin?

Pumirmi o gutom ang aming sasapitin.

Pagsuong ni ate at papang ay ‘di napapansin,

Kailan maiibsan ang nangangambang damdamin.

Di bale, babalik din sa normal ang lahat

Makikita ko na ulit sila Nora sa may tapat

Sabay kaming pipitas sa likod paaralan ng duhat

Magpapasalamat at magaling na ang lahat.

You might also like