You are on page 1of 5

Filipino Quiz 1

6201 Kritikal na Pagbasa at Pagsulat

60/60

1. Panatiko 1: Mas mahusay ang kandidatong iboboto ko sa eleksyon. Panatiko 2:


Paano masasabing mahusay ang kandidato mo samantalang hindi naman
makaabante sa mga survey? Mabuti pa ang ihahalal kong kandidato, sikat na sikat!
Mahihinuha sa binasang diyalogo na magkaibigan ang nag-uusap at ito ay
nagpapakita ng kontekstong _______. Sosyal
2. Ayon sa aklat na Teaching Reading ang lahat ay teorya sa proseso ng pagbasa
MALIBAN sa_________. bottom-up
3. Ayon kina Arrogante, ang pagbasa ay hindi awtomatikong nagagawa ng tao
sapagkat kinakailangan ang mahusay na pagkilala, pagkuha at pang-unawa sa mga
ideya at kaisipan mula sa mga simbolong nakalimbag, saka ito bibigyan ng ________.
paglalarawan
4. Pinabasa ng gurong isang sanaysay ang klase, pagkatapos ang mga mag-aaral ay
nagbigay ng kanilang reaksyon sa kanilang binasa. Ang gawaing ito ng pagbasa ay
nagpapakita ng antas __________. Pagsusuri
5. Pinakamahusay magbasa sa klase si Ron dahil inilalagay niya ang sarili sa nilalaman
ng teksto. Ipanakita ng sitwasyon ni Ron ang antas na __________. pagbasa sa karakter
at pagpapahalaga
6. Matapos basahin ni Josh ang maikling kuwento ang kaya lamang niyang sagutin sa
kanyang binasa ay sino-sino ang mga tauhan, saang lugar nangyari at bahaging
pinaka kapana-panabik. Ang antas ng kanyang pag-iisip sa pagbasa ay_________.
Pagmamarka
7. Napansin ni Carla na isa ang basura sa palaging problema ng bansa. Nagbasa at
nagsaliksik siya tungkol dito upang makabuo ng mungkahing solusyon sa kanyang
papel na isusulat. Ang antas ng pagsusuri niya ng teksto ay pagbasa sa________.
pagitan ng mga salita
8. Napili si Juan para magsulat sa pahayagan ng kanilang paaralan. Dahil dito mga
babasahin may kinalaman sa pamamahayag ang kanyang binabasa araw-araw. Kung
pagbabatayan ang pangyayari, isinaalang-alang ni Juan ang kontekstong__________.
Pisikal
9. Inihahanda ni Grace ang sarili bago basahin ang anumang teksto. Kinikilala niyang
mabuti ang paksa at kinikilala kung sino ang awtor nito. Sa pagbabasa ay nilalagyan
niya ng marka ang mahahalagang impormasyon. Pagkatapos magbasa, pinoproseso
niya ang sarili sa bagong ideyang nabuo. Ang sitwasyon ay nagpapatunay na ang
pagbasa ay_________. Paglaya
10. Magbabakasyon si Ben sa Amerika kaya tiningnan niya sa internet ang mga lugar ditto
na maaari niyang pasyalan. Ang angkop na paraan ng pagbabasa sa sitwasyon ni Ben
ay________. Scanning
11. Bago pa magbasa si Harold ay may dati na siyang kaalaman sa paksang napiling basahin.
Ang teorya sa pagbasa na ipinakikita ng pangyayari ay_________ top-down
12. Ang sumusunod ay iba’t ibang paniniwala o teorya sa proseso ng pagbasa na inilahad sa
aklat na Teaching Reading MALIBAN sa_______. top-up
13. Ang mag-aaral na si Emily ay bihasa na sa pagpapakahulugan at kritikal na pagbasa. Ang
yugto ng pagbasa ni Emily ay_________. yugto ng malawak na pagbasa
14. Nagsasaliksik sa internet si Joshua sa maaaring maging sagot sa takdang-aralin niya. Ang
uri ng pagbasa sa ganitong pangyayari ay____________. pahapyaw o skimming
15. Pinaghahandaan ni Joana ang nalalapit niyang pag-uulat sa pamamagitan ng pagbabasa
ng mga impormasyon kung saan gumagamit siya ng higit na konsentrasyon. Ang uri ng
pagbasa na ginagamit ni Joana ay____________.
tahimik na pagbasa
16. Kapag nagbabasa si Gerald ay hindi lamang pagganap ng mata, at bibig ang kanyang
ginagamit kundi ang isip. Ang gawaing ito ng pagbasa ni Gerald ay tinatawag na
__________. pangkaisipan/cognitive
17. Tuwing nagbabasa si Athena ay isinasagawa niya ang pagbuo ng bagong sariling
kaisipan o ideya mula sa binasa.Ang antas ng pag-iisip na ipinakita ng pangyayari
ay__________.antas-pagbuo
18. Sa pagbabasa ni Chat ay nagagawa niya ang pagbuo ng prediksyon at pagkilala sa
pangunahing ideya ng akda. Ang kasanayan sa pag-unawa sa binasa na ipinakita ni Chat
ay____________. Paghihinuha
19. Sa apat na kategorya ng mga kasanayan sa pag-unawa ng binasa masasabing ang
pinakamalalim ay___________. malikhaing pag-iisip
20. Nabibigyang kahulugan at iniuugnay ni Marie ang mga bahagi ng teksto sa isa’t isa
upang makapaglahad ng hinuha at interpretasyon. Ang antas ng pagsusuri na ipinakita
ni Marie ay ____________
pagbasa sa pagitan ng mga salita/reading between the lines
21. Ang sumusunod ay mga kahulugan ng pagbasa MALIBAN sa____________.
Masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang
ibig bigyang linaw.
22. Binibigyang diin sa prosesong ito ang yugto-yugtong pag-unawa sa titik patungong
salita , salita patungong pangungusap at hanggang sa matunton ng mambabasa ang
ganap na pag-unawa sa kahulugan ng buong teksto bottom-up
23. Kinuha ni Marimar ang komprehensibong detalye sa kanyang paksang sinasaliksik. Ang
pagbasa ni Marimar ay nasa uring___________. masusi o scanning
24. Ang gawain ng mga mag-aaral ay pagtatalumpati sa harapan ng klase. Ang pagbasa na
kanilang gagamitin ay nasa uring__________. malakas na pagbasa
25. May kakayahan si Aurora na magbigay ng pangkalahatang puna at reaksyon sa mga
mahahalagang detalye ng kanyang binasa. Ang pagbasa ni Aurora ay nasa
antas__________. pagbibigay puna
26. Kapag nagbabasa ang nagagawa ni Arnold ay ang pag-alala sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari at mga mahahalagang detalye. Ang kasanayan sa pagunawa sa binasa
na ipinakita ni Arnold ay__________. literal na pag-unawa
27. Naalala ni Mary ang pangunahing ideyang nais ihatid ng may-akda – ang mga detalye,
element at bahagi ng material na nabasa. Ang antas ng pagsusuri na ipinakita ni Mary
ay__________. pagbasa sa salita/reading the lines
28. Nakikilala ni Beth ang opinion at katotohanan, sa pananaw at panig ng sumulat at
pagtataya sa kabuoan ng teksto batay sa binuong rubrics o panukatan. Ang kasanayan ni
Beth sa pag-unawa sa binasa ay___________. kritikal na pag-iisip
29. Sa kasanayang pagbasa gamit ang SQ3R, ang 3R ay nanganguhulugang Read, Recall
at____________. Review
30. Naging pokus ni Allan sa kanyang pagbabasa ang tanungin ang sarili kung patungkol
saan ang tekstong babasahin. Sa tulong ng SQ3R ang ginamit ni Allan ay____________.
Question
31. Binalik-aralan ni Elmer ang teksto sa pamamagitan ng muling pagbasa, at pagpapalawak
ng mga isinulat na tala. Ang kasanayan sa pagbasa gamit ang SQ3R sa sitwasyong ito
ay__________. Review
32. Sa pagbabasa ni Zayra ay ini-isa-isa at iniiskan niya ang kabuuan ng aklat upang
malaman kung ito ay maaari niyang gamitin. Gamit ang SQ3R ang ginagawa ni Zayra ay
____________.Review
33. Ang sumusunod ay mga katangian ng kasanayang pagbasa SQ3R MALIBAN
sa_____________. Nakapagpapalawak ng talasalitaan ng mambabasa.
34. Pinag-aaralan ni Norma ang mga iskalang ginamit na makikita sa linyang vertical at
horizontal gayon din ang kinakatawan ng bawat bar, linya o larawan. Ang ipinakita ni
Norma ay kasanayan sa __________. pagbasa ng grap
35. Nauunawaan ni Chris ang pagkakasunod-sunod ng daloy o patunguhan ng mga
isinasaad na impormasyon. Ang ipinakita ni Chris ay kasanayang pagbasa ng____________.
flow chart
36. Sa pagbabasa ni Ador ng mga tisis at disertasyon ay gumagamit siya ng haylayter para
sa mga importanteng mga detalye at ideya. Ang ipinakita ni Ador ay kasanayan sa
pagbasa ng sulating pananaliksik
37. Nalalaman ni Ariel ang tamang paggamit ng mga salitang denotatibo at konotatibo
gayon din ang tamang gamit ng mga salita. Ang ipinakita ni Ariel ay kasanayan sa
____________. Pagpapakahulugan
38. Mahusay na naisasalin ni Prince sa wikang Filipino ang mga impormasyong mula sa
Ingles. Ang ipinakita ni Prince ay kasanayan sa____________. Pagsasalin
39. Napakalinaw na inilahad ni Mateo sa paraaang payak ang orihinal na materyales na
kanyang nabasa. Ang ipinamalas ni Mateo ay kasanayan sa ___________. paglalagom at
pagpaparapreys
40. Dahil palabasa at palaaral si Gardo ay madali siyang nakahanap ng paksang gagamitin sa
pag-aaral. Ang ipinakita ni Gardo ay kasanayan sa____________. pagpili ng paksa ng
pananaliksik
41. Kapag ang layon ng mambabasa ay kumuha ng pangkalahatang impresyon sa teksto
gayundin ang lawak at sakop na ideya niyon , ang pagbasa ay nasa uring pahapyaw o
skimming. True
42. Kapag ang layon ng mambabasa ay kumalap ng komprehensibong detalye sa
sinasaliksik, ang pagbasa ay nasa uring masusi o scanning True
43. Kung ang layunin naman ng mambabasa ay makapagbahagi ng impormasyon o di kaya
ay makapagbigay-aliw sa harap ng tagapakinig, ito ay tinatawag na malakas na pagbasa.
True
44. Kung ang pakay ay maunawaang ganap ang teksto para sa pansariling kapakinabangan
sa pamamagitan ng higit na konsentrasyon, ito ay tahimik na pagbasa. True
45. Ang metacognitive na estratehiya ay higit pa sa kasanayang pampag-iisip. Ito ay
nagbibigay-daan sa bawat indibidwal na alamin, tingnan at pag-aaralan ang sariling
proseso ng pag-iisip. True
46. Ang kritikal na pagbasa ay naipakikita kung nasasagot ng nagbasa ang mga tanong na
ano, sino, saan, at kalian. False
47. Antas pagmamarka ang pagbuo ng salaysay, pagbibigay ng mungkahing solusyon,
paglalahad ng suhestyon sa pag-unlad ng nilalamang paksa. False
48. Ang yugto ng malawak na pagbasa ay para lanag sa mga mag-aaral sa sekondarya at
tersarya False
49. Ang nararapat lamang bigyang pansin sa mahusay na pagbabasa ay masagot ang
tanong pagkatapos magbasa. False
50. Kapag ang mambabasa ay nakauunawa ng literal sa kanyang binasa ito ay palatandaan
na siya ay mahusay na sa pagbasa. False
51. Ang SQ3R ay nangangahulugang Survey, Question, Read,Recall at Review. True
52. Kapag napipili at nababasa ang mga bahaging kagamit-gamit sa pananaliksik ang
mambabasa ay may kasanayang READ gamit ang SQ3R. True
53. Kasanayan sa pagsasalin ang tinataglay ng isang mambabasang mahusay na
nakapagsasaling wika sa kanyang pananaliksik. True
54. Kapag nailalahad nang payak ang orihinal na materyales na nabasa ang isang tao ay may
kasanayan sa paglalagom at pagpaparapreys. True
55. Ang isang taong palabasa at palaaral ay madaling magkakaroon ng kasanayan sa pagpili
ng paksa ng pananaliksik. True
56. Ang mahusay na pagkilala sa iskala, linyang vertical at horizontal, sukat o bilang na
kinatawan ng bawat bar, linya o larawan ay kasanayan sa pagbasa ng flow chart. False
57. Ang 3R sa SQ3R ay nangangahulugang Read, Recall, Rewrite. False
58. Ang Survey ay tumutukoy sa pagtatanong sa sarili at sa kapakinabangan ng
isinasagawang pananaliksik. False
59. Sa kasanayan sa pagpapakahulugan ang konotasyon/ konotatibo ay literal na
pagpapakahulugan. False
60. Ang S sa SQ3R ay nangangahulugang Sequence. False

You might also like