You are on page 1of 8

INTRODUKSYON

Ang Filipino 3 ay pangatlo sa tatlong kurso sa Filipino sa pangkalahatang


edukasyon sa antas tersyarya. Ang Deskriptiv na pamagat ng kursong ito ay
Retorika o Masining na Pagpapahayag sa binagong kurikulum. Alinsunod sa
Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon (CHED), ang kursong ito ay pag-
aaral ng mga prinsipyo at proseso ng masining na pagpapahayag sa Filipino.
Nakatuon ito sa malayang pagtutuklas at pagpapakita ng sariling kakayahan at
talino sa pasalita at pasulat na pagpapahayag at sa pagbabahagi ng mga ito sa
komunidad, sa bansa at sa daigdig. Prerekwisit nito ang alinman sa Filipino 1 at
Filipino 2.

Sa pag-aaral ng kursong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. makatatalakay ng mga kalikasan, simulain at estratehiyang panretorika o


masining na pagpapahayag;
b. makagagamit nang wasto at angkop na pananalita sa pagpapahayag ng
kaalaman, karanasan at saloobin;
c. makasusuri ng istilo ng mga modelong akda tungo sa malay na pagbuo ng
sariling istilo sa pagsulat;
d. makasusulat ng iba’t ibang anyo ng pagpapahayag na personal at
malikhaing di-fiksyon na pagpapahayag ng mga ideya o kaisipan mula
personal patungong local at global at
e. makapagkikritik ng sariling likha, gayundin ng awtput ng iba.
PANIMULA
Tala: Hello! Kumusta ka na sa panahon ng pandemya? Okey lang iyan, tuloy pa rin ang
laban!
Tuloy ang laban sa bawat hamon ng buhay lalo pa nitong hamon ng edukasyon. Bilang
estudyante ng unibersidad, mhalagang makilala mo ang paaralang iyong pinapasukan at
kung ano rin ang inihanda ng unibersidad para sa iyo nang sa balang-araw magiging
mabuting mamamayan ka at tiyak maging proud din ang pamilya sa iyo.. Nawa’y
ihahanda mo ang iyong sarili para sa pagsasagawa sa mga gawain kong inihanda. Ano,
handa ka na?

Inaasahang Bunga ng Pagkatuto:

Pagkatapos ng malayang talakayan, kinakailangang naisasagawa mo nang may puso


ang bisyon, misyon at pangunahing valyus ng unibersidad at ng institusyon sa isang
personal na paghahamon tungo sa pagpapalawak ng kaalamang sosyal at intelektwal na
kaunlaran sa kabila ng krisis na ating hinaharap ngayon.

Kabanata 0: Ang Visyon, Misyon at Quality Policy ng Cebu Normal University

Panimulang Gawain:

Sa tulong ng iyong student handbook o video ng “Pagsugid”


(CNU_CentennialVideo_YouTube Sharing), basahin o tingnan ang misyon-bisyon ng
paaralan kalakip ang quality policy nito. Unawain ang kahulugan nito at damhin ang
kahalagahang layunin ng unibersidad sa paghubog ng iyong pagkatao. Kung maganda rin
naman ang iyong connectivity o internet connection, tingnan ang video na may pamagat
na Pagsugid para sa karagdagan mong pag-unawa. Gudluck sa iyo!

Gawin at Ipapasa: (20pts.)

Kumusta! May kakaibang kirot ka bang nararamdaman matapos mong nabasa ang
misyon-visyon o nakita ang video na bida ang iyong paaralan? Ngayon, gumawa ka ng
isang Refleksyong Papel bilang reaksyon mo sa iyong nabasa o nakita. Sundin sa ibaba
ang kahingian ng ipapasa.
 Bumuo ng limang (5) mapanghamong tanong mula sa napanood.
Hal. Kung ikaw ay mag- graduate na, sa paanong paraan mo maipakita sa
lipunan na ang kursong iyong kinuha ay nagiging kapakipakinabang at ang
itinuturo ng iyong paaralan ay tama at makatuwiran maging ang sarili mo’y
maipagmamalaki sa bayan?
 Bigyan din ng sariling kasagutan ang bawat tanong na naggawa na nasa anyong
talataan ang sagot
 Gawin ito sa ISANG LONG BONDPAPER LAMANG..

Ipapasa ito kasabay ng ibang aralin ayon sa takdang petsa na inilaan ng inyong guro.
Ang Retorika at Mabisang Pagpapahayag
( Yunit 1 )

Paalala: Laging tatandaan na ang paggawa at pagsakatuparan sa mga aktibiti gayundin ang
tapat na pagsagot at paggawa sa mga pagtatayang inihahanda ay nagpapatunay
lamang na ikaw ay handang matututo.

I.Panimula / Pangkalahatang-Ideya
Ang aralin ay nauukol sa kasaysayan, kahulugan, sining, saklaw at gampanin ng
retorika. Nakatutulong ito sa iyo sa lubos na pag-aaral sa kalikasan at kaligiran ng isang
pahayag na tinatawag nating retorika -masining na pagpapahayag : mapasulat man o
mapasalita.

II.Inaasahang Bunga ng Pagkatuto


Sa katapusan ng yunit, ang mga mag-aaral ay kinakailangang naipamamalas ang
kakayahan sa pag-unawa sa isang malayang pagpapahayag mula sa nabuong sulatin:
mapasulat man o mapasalita gamit ang mga matatalinghagang salita para sa paglinang ng
isang masining na pagpapahayag.

A. Layunin
Pagkatapos mong mapag-aralan ang aralin na ito, ikaw ay inaasahang:

 makakilala sa kalikasan at kahalagahan ng retorika;


 maibabahagi ang natutunan sa pamamagitan ng pahayag na pasalita o pasulat; at
 makagagawa ng isang diskors gamit ang retorika bilang isang sining.

Panimulang Pagtatasa
Isubok mo muna ang iyong sarili sa pagsagot sa pagtatayang ito bilang pagsusukat sa iyong
nakaimbak na kaalaman ukol sa pahayag.

Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI

_____ 1. Ang pagsulat ay isang paraan ng pagsasalaysay.


______2. Maituturing ang pagsulat bilang pangwakas na kasanayang pangwika.
_____ 3. Kalinangan at hindi kasanayan ang matatamo ng sinuman sa pagsulat.
_____ 4. Ang pagsulat ay isang sining.
______5. Nakapaloob sa sintaks ang istruktura ng pangungusap at hangganan
ng pagsulat.
______6. Ang pagsulat ay isang aktwal na paglalantad ng kahusayan ng sinuman.
______7. Ang malikhaing pagsulat ay ginagamitan ng imahinasyon.
_____ 8. Sa pamamagitan ng pagsulat ay nailalantad ng sumulat ang
kanyang emosyon.
______9. Ang mga panuntunan sa paggamit ng pandiwa, pang-uri, pangngalan at
______10. Ang pagsulat ay pagpapahayag ng iniisip o nadarama sa tulong ng mga
tunog ng salita iba pang bahagi ng pananalita ay nasa salik ng gramatika.
KUMUSTA: Kung sa palagay mo ang iyong iskor ay nasa 8-10, ibig sabihin madali
mo lamang matatapos ang aralin na ito. Ngunit kung ang iyong nakuha ay 0-7,
kinakailangan ang iyong masusing pag-aaaral sa araling ito para sa lubos mong
pagkatuto.

IKAW BA’y HANDA NA SA MGA GAWAIN NG PAGKATUTO?

III.Mga Nilalaman at Gawain ng Pagkatuto

-
Aralin 1 – Kasaysayan at Kahulugan ng Retorika

Matapos mong mapag-aralan ang araling ito, makilala mo ang pinag-ugatan ng


salitang retorika at ang iba’t ibang kahulugan nito.

BASAHIN AT PAG-ARALAN:

Basahin ang tekstong nakasulat sa ibaba na hango sa aklat nina Bernales


(2006) at Lachica (1999).

Background at Kahulugan ng Retorika. Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang


istema ng pakikipagtalo sa Syracus, isang isla ng Sicily noong ikalimang siglo bago dumating si
Kristo. Makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan
doo’y binigyang pagkakataong dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga
lupang inilit ng nakaraang rehimen. Ang marunong na Corax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa
mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento. Ayon sa kanya, upang makuha ang
simpatiya ng mga nakikinig kailangan ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga
katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang
mahahalagang elemento: ang proem o introduksyon; ang salaysay o kasaysayang historical; ang
mga pangunahing argumento; mga karagdagang pahayag o kaugnay na argumento at ang
perorasyon o konklusyon.
Naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang
pagkukulang sa mga konkretong katibayan. Makikita agad natin dito na sadyang ginagamit ang
retorika sa pag-apila sa emosyon at di gaanong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng
argumento. Ayon pa sa mga Sophist (mga matatalinong tao nuon) , ang retorika’y angkop sa
pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamagitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa
paksang ipinaglalaban at istilo sa pagbigkas. Mariing binatikos naman ito ni Socrates ( c, 470—
399 B.C.) sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang kanilang
tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng
pakikipagtalo at hindi sa sustansya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay
nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain.
Kinikilalang pinakamaimpluwensyang retorisyan noon si Iocrates (c, 436-338BC). Nagtatag
siya ng sariling paaralang nagtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang
pagkakatugma ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang kanyang sariling prosa
ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting pangungusap na mayaman sa historya at pilosopiya.
Sa Rhetoric ni Aristotle (384-322BC)sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat,
binigyan ng parehas ng empasis ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang isipan at
ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig . Ipinamana din niya sa larangan ng
oratoryo ang forensic na nagging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na
salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Ano ang nangyari? Iniwan din niya ang oratoryong
deliberative o politikal na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Anong aksyon an gating
gagawin? Dito nagsimula ang malayang pagkilos at talakyan o mga pagtatalong pampubliko.
Siya rin ang nagpasimula ng oratoryong panseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga
mabulaklak at madamdaming mga salita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito
ang tinatawag natin sa Ingles na declamation.
Si Cicero (c, 106-43BC) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay hayagan
ding nagtagubilin sa kaangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtalakay
sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpapasiya ng orador kayat sa isyu ng
moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting
mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap

Kahulugan . Narito ang mga iskolarling definisyon ng retorika halaw sa website.


Binigyang kahulugan at inilarawan ang diisplinang ito ayon sa mga pangunahing
awtoridad sa larawang ito sa iba’t ibang lokasyon at panahon. Pansinin ang ilan sa mga
ito:

1. Retorika ang faculty ng pagtuklas ng lahat ng aveylabol na paraan ng panghikayat


sa anumang partikular na kaso (Aristotle).
2. Retorika ang art of winning soul sa pamamagitan ng diskurso (Plato).
3. Ang retorika ay pagpapahayag na dinisenyo upang makapanghikayat (Cicero).
4. Ang retorika ay sining ng mahusay na pagsasalita(Quintillian).
5. Ang tungkulin ng retorika ay maiaplay ang katwiran sa imahinsayon para sa higit
na mabuting pagkilos ng disposisyon (Francis Bacon).
6. Ang retorika ay isang arte o talento kung saan ang diskurso ay ginagamit tungo sa
layuning maglinaw ng pag-unawa, umaliw ng imahinasyon, magpakilos ng
marubdob na pagnanasa o makaimpluwensya ng disposisyon. (George
Campbell).
7. Ang retorika ay isang sining ng pagbabalangkas ng argumento upang
mapahlagahan ng mga tagapakinig/mambabasa (Philip Johnson).
8. Ang retoirka ay isang sining, praktis at pag-aaral ng komunikasyong pantao
(Andrea Lunsford).
9. Ang pinakakarakteristik na konsern ng retorika ay ang manipulasyon ng
paniniwala ng mga tao para sa isang tunguhing pampulitika; ang salalayang
tungkulin nito ay ang paggamit ng mga saliat upang hubugin ang atityud at
pakilusin ang ibang tao (Kenneth Burke).
10. Ang retorika ay maaaring maiuugnay sa enerhiyang inherent sa komunikasyon:
ang emosyunal na enerhiyang nagbubunsod sa isang tao na magsalita, ang fisikal
na enerhiyang ganagamit sa pagsasalita, ang antas ng enerhiyang nasa likod ng
mensahe at ang enerhiyang nararanasan ng tagatanggap sa pageenkowd ng
mensahe (George Kennedy).
11. Ang retorika ay isang paraan ng pag-aalter ng reyalidad hindi sa pamamagitan ng
direktang aplikasyon ng enerhiya sa mga bagay-bagay, kundi sa pamamagitan ng
paglikha ng diskursong nakakapagbabago ng reyalidad ( Lloyd Bitzer).
12. Ang retorika ay disiplinang nakatuon sa pag-aaral ng lahat ng mga paraang
ganagamit ng mga tao upang makaimpluwensya ng pag-iisip at gawi ng iba sa
pamamagitan ng istratejik na paggamit ng mga simbulo (Douglas Ehninger).
13. Ang retorika ay isang instrumental na paggamit ng wika. Ang isang tao ay
nakikisalamuha sa ibang tao sa pamamagitan ng palitan ng mga simbulo tungo sa
isa o mga layunin. Hindi ito komunikasyon para sa kapakanan ng komunikasyon
lamang. Ang retorika ay komunikasyon na nagtatangkang ikoordineyt ang mga
panlipunang pagkilos. Dahil dito, ang retorikal na komunikasyon ay lantarang
pragmatic. Ang layunin nito ay impluwensiyahan ang paggpapasya ng mga tao
hinggil sa mga ispesifik na bagay na nangangailangan ng agarang
atensyon((Gerard A. Hauser).
14. Ang retorika ay proseso ng paggamit ng wika upang mag-organayz ng karanasan
at maikomyunikeyt iyon sa iba. Ito ay isa ring pag-aaral ng paraan ng paggamit ng
wika ng tao sa pag-oorganayz at pagkokomyunikeyt ng mga karanasan ( C.H.
Knoblauch).
15. Ang retorika ay isang pag-aaral kung paano ginagamit ng tao ang wika at iba pang
simbulo upang isakatotohanan ang mga layuning pantao. Ito ay isang praktikal na
pag-aaral na nagbibigay sa tao ng matinding kontrol sa kanilang mga simbolikong
gawain
( Charles Bazerman).
16. Ang retorika ay isang istratejik na paggamit ng komunikasyon; pasalita o pasulat,
upang makamit ang mga tiyak na layunin (The Art of Rhetorical Criticism).

Bilang paglalagom, ang retorika kung gayon, ay isang teorya at praktika ng pagpapahayag o
elokwens, pasalita man o pasulat. Ang pasalitang retorika ay tinatawag na oratoryo.
Binigyang-kahulugan ng retorika ang mga tuntunin sa pagsulat ng komposisyon at
pagdedeliver ng oratoryo na dinisenyo upang makaimplwensya sa pagpapasya o sa
damdamin ng ibang tao.

Pagsasanay 1

Panuto: Sagutin ng TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at


MALI naman walang katotohanan.
______1. Ang retorika ay isang paraan ng pag-aalter ng reyalidad sa pamamagitan
ng direktang aplikasyon ng enerhiya sa mga bagay-bagay.
_____ 2. Protagorian ang tawag sa mga matatalinong tao nuon
______3. Tungkulin ng retorika ang paggamit ng teknik upang hubugin ang atityud
at pakilusin ang ibang tao.
______4. Ang retorika ay isang komunikasyon para sa kapakanan ng komunikasyon lamang.
______5. Ang retorika ay isang instrumental sa paggamit ng wika.
______6. Si Corax ang gumawa ng panukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng
argumento bilang sistema ng pakikipagtalo sa Syracus.
_____ 7. Naniniwala ang mga sophist na ang mabuting mananalumpati ay nakabatay sa
mabuting panlasa at pagpapasiya ng orador.
______8.Socrates ang nagbatikos sa ideya ng mga sophist ukol sa paggamit ng retorika
sa pagtamo ng kapangyarihang politikal.
______9. Ang salitang“rhetor” ay hango sa salitang rhetorician, ibig sabihin ay mamahayag.
_____10. Ayon sa kasaysayan, nagamit na ang Retorika kaya lang hindi pa nila ito nakilala.
. ____11. Ang retorika ay may layuning pagpupuno sa anumang pagkukulang sa
mga konkretong katibayan nuon.
_____12. Ang oratoryo nuon ay pareho lang sa tawag ngayong talumpati.
_____13. Ang pasalitang retorika ay tinatawag na oratoryo.
_____14. Ang retorika ay proseso ng paggamit ng wika upang mag-organayz ng karanasan
at mai-komyunikeyt iyon sa iba.
_____15. Ang retorika ay isang paraan ng paglikha ng diskursong nakapagbabago
ng reyalidad.
Pagsasanay 2 / Refleksyon

Alam kong naintidihan mo na ang kahulugan at kahalagahan ng masining ng


pagpapahayag sa iyo. Sa gawaing ito, subukang gumawa ng sarili mong pagpapakahulugan
ano ang Retorika sa iyo. Bakit ito ang iyong pagpapakahulugan? Patunayan ang iyong
pagpapaliwanag. Ang espasyo ay nakalaan para sa iyong pagpapakahulugan. (20pts.)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ang refleksyong papel at ang mga sagot sa Pagsasanay 1 at 2 ay sabay-sabay na ipapasa


sa darating na Agosto 31, 2021 sa pamamagitan ng aking gmail delatorren@cnu.edu.ph.

You might also like