You are on page 1of 5

ST.

MARK COLLEGE
Sta. Barbara, Baliuag, Bulacan
Tel. 308 – 9069

Pangalan : __________________________________________ Iskor: __________________


Baitang : ________________________________
Modyul : 6 KOMUNIKASYON AT
Petsa: ________________________ PANANALIKSIK SA WIKA AT
Guro: Bb. Manilyn R. Robles KULTURANG FILIPINO 11

________________________________________________________________________________________
Ang Ebolusyon ng Alpabetong Filipino

Ang Pilipinas noong panahong pre-kolonyal ay may sarili ng sistema ng pagsusulat na ginagamit ng
ating mga ninuno na tinatawag na baybayin na nangangahulugan sa Ingles na “to spell”.

Sa pagdating ng mga kastila sa bansa noong ika-16 na siglo, pinalitan nila ang baybayin ng mga
simbolo ng alpabetong Romano. Ginawa nila ang pagbabagong ito sa Sistema ng pagsulat upang mapadali
ang pagtuturo ng Doctrina Christiana. Tinawag ito bilang abecedario na binubuo ng 29 na letra. Itinuro ito sa
mga klase na tinawag na caton. Hindi nagging laganap ang pagtuturo nito sa mga Indio sapagkat ayaw nilang
malaman ng mga ito ang kanilang ginagawang panloloko sa kanila.

Noong 1940, ipinakilala ni Lope K. Santos ang Abakada na binubuo ng 5 patinig at 15 katinig. Ito ay
ang: a, b, d, e, g, h, i, k, l, m, n, ng, o, p, r, s , t, u, w, y. Tinatawag din ito bilang lumang alpabeto.

Noong 1976 ay nabago ang alpabetong Pilipino at binubuo na ito ng 31 titik na ang 11 dito ay mula
abecedario, Ito ang mga sumusunod na titk na kinuha: c, ch, f, j, ll, q, rr, v, x, z.

Ang Alpabetong Filipino noong 1987 ay nagbago din kasabay ng pagbabago ng konstitusyon. Ginawa
ito upang higit na payamanin ang wika at makasabay sa panahon. Mayroon itong 28 titik. Binubuo ito ng 23
katinig at 5 patinig na nakabatay sa Ingles ang pagbigkas. Ito ay ang mga sumusunod: a, b, c, d, e, f, g, h, i, j,
k, l, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z. Tinatawag itong Makabagong Alpabetong Filipino.

Ang Kahalagahan ng Intelekwalisasyon ng Wikang Filipino

Mahalaga ang intelekwalisasyon upang ilapit ang mga karunungang tuklas sa mga tao sa anumang
rehiyon ng bansa sa pinaka madaling paraan na kanilang mauunawaan. Kung iisipin, karamihan sa mga
kaalaman ay nasa Ingles at kung ang mga ito ay itinuturo rin sa Ingles ay may hatid itong negatibong
implikasyon sa ilang tao na hindi maalam sa wikang Ingles. Mas magiging mahirap ang pag- unawa sa mga
kaalaman kung ito ay maihahayag sa wikang hindi saklaw ng kaalaman ng mga mamamayan. Ang isang
nilinang na wika ay ang susi sa ganap na kaisahan ng bansa. Sa pamamagitan ng intelekwalissyon ng wika ng
ating bansa, masisiguro ang pambansang pagkakaunawaan, pagkakapantay- pantay, at pagkakaisa.

Mga Pananaw Ukol sa Kalikasan ng Komunikasyon

Komunikasyon: Ano ito?

Ito ay mailalarawan bilang isang aktibong proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga berbal o di-
berbal na simbolo na nakatutulong upang maisakatuparan ang mga binuong lyunin o hangarin. Ang
komunikasyon ay isa ring pangunahing paraan upang ilantad ang mga kaisipan at saloobin ng tao na maaaring
gawin sa ibat-ibang pamamaraan gayaa ng pagsasalita at pagsusulat.

Mga Mahahalagang Katangian ng Komunikasyon

1. Ang komunikasyon ay makapangyarihan.

Ang kapangyarihan ng komunikasyon ay masasabing tunay na malakas at walang hanggan. Magmula pa man
noon, ginagamit na ito ng taoupang maisakatuparan ang lahat ng kanyang hangarin.

2. Ang komunikasyon ay isang aktibong gawain na may proseso.

Isang aktibong gawain na may proseso ang komunikasyon. Hindi ito isang simple at ordinaryong sistema
lamang ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe.

3. Ang komunikasyon ay buhay.

Mahirap para sa isang tao ag mabuhay sa mundo kung walang komunikasyon. Bahagi ng kalikasan ng tao ang
pangangailangan nito na makipagtalastasan sa kanyang sarili, kapwa at sa alinmang nakapaligid sa kanya. Sa
araw- araw bahagi ng ating mga gawain ang pakikipagtalastasan.

4. Dinamiko at nagbabago ang komunikasyon

Maraming bagay sa mundo ang hindi permanente. Ang lahat ay dumadanas ng maraming pagbabago. Ang
lahat ay dumadanas ng maraming pagbabaago. Ang komunikasyon ay hindi rin maiiwas sa posibilidad ng
pagbabago.

5. Ang komunikasyon ay kalian may hindi maaaring iwasan.

Wala mang salitang lumalabas sa ating mga bibig, maaaring may mga kumpas tayong ginagamit para
magpadala ng malinaw na mensahe. Tunay nga na ang komunikasyon ay mahirap ialis sa ating Sistema.

Gawain

I. Panuto. Gamit ang mind map sa ibaba, mag-isip ng hindi bababa sa 5 salita na maaaring maglarawan at
magpahayag ng iyong mga nalalaman tungkol sa kalikasan ng komunkasyon.

KOMUNIKASYON:
Ano ito para sa akin?
II. Panuto. Sagutin ang mga tanong. (5 puntos bawat tanong)

1. Ano ang mahalagang kaisipan tungkol sa katuturan ng komunikasyon ang nais nilang ilantad?

Sagot:

2. Mayroon bang mga magkakapareho at magkakaibaang pananaw ang naihayag? Anu- ano ang mgaa ito?

3. Alin sa mga ito ang tunay mong sinasang- ayunan? Sa anong dahilan?

Sagot:

4. Pumili ng isang kasabihan. Ano ang pinakamalapit na pagsasalin o translation nito ang maaari mong ibigay?

Sagot:

You might also like