You are on page 1of 2

Villacorte, Bianca Ysabelle D.

GED0115 Section 14
FA 3
PANUTO:
1. GAMIT ANG KAALAMAN SA NABASANG TEKSTO NA BALANGKAS NG
MULTIKULTURALISMO NI DR. DEMITERIO, IPALIWANAG ANG UGNAYAN
NG BABASAHIN SA SITWASYON NG MGA INDIGENOUS PEOPLE SA
NAPANOOD MONG DOKUMENTARYO UKOL SA MGA IFUGAO TRIBES AT
ANG RELASYON NITO SA UNTI-UNTING PAGKAWALA O PAGKASIRA NG
RICE TERRACES.

Ayon sa teksto na Balangkas ng Multikulturalismo, ang salitang multikulturalismo


ay isang ideolohiya na ginagawa upang panatalihin ang pakakaiba ng kultura n mga tao at
maging pantay pantay ang lahat ng etnikong grupo sa bansa, ngunit dahil sa
modernisasyon, naging kaakibat nito ang madaming pagbabago sa kultura ng bansa. Dahil
dito nahirapan ang mga Ifugao na panatilihin ang pangangalaga sa Rice Terraces. Nag-iiba
ang kultura at hindi na nakakasunod ang mga modernong ifugao sa nakagawian ng kanilang
mga ninuno. Hindi na nila alam kung paano ito aalagaan at pananatilihin dahil hindi na nila
masundan ang kanilang nakagawiang kultura.

2. TINGNAN ANG SITWASYON O MGA PROBLEMANG KINAHAHARAP NG


MGA IFUGAO SA MGA TEMA O LENTE SA IBABA, PATUNGKOL SA
SITWASYON NG RICE TERRACES:

A. KULTURAL (CULTURAL);
Malaki ang kontribusyon ng kulturo para sa pagpepreserba ng Rice Terraces at
malaki rin ang bahagi ng kultura ang nawala kung kaya’t hindi ito napangalagaan nang
mabuti. Ang mga Ifugao sa bagong henerasyon at may mga ibang gaw, paniniwala at ugali
kung kaya ay maraming kaalaman na ang hindi naipasa sa kanila na dahilan ng pagkabigo
sa pagpapayaman ng Rice Terraces.

B. EKONOMIKAL (ECONOMICAL)
Ang Rice Terraces ay napabilang sa listahan ng UNESCO World Heritage
Sites, naging isa itong tourist attraction ng Cordillera dahil sa natatangi nitong ganda at
napapalabas nitongpagkakaisa ng mga Ifugao na bumuo dito. Pero kung titignan natin sa
aspetong agrikultural, nagiging malaki ang mga suliranin dahil ang klase ng palay na
tinatanim dito ay naaani lamang ng isang beses sa isang taon. Gumamit ang mga
modernong Ifugao ng ibang klase ng pananim kung saan nakakapagsaka sila ng dalawang
beses sa isang taon pero gantong sistema ng pagtatanim, hindi nagiging maganda ang lupa
at ang produkto nila dahil kailangan nilang gumamit ng artipisyal ng mga pataba. Problema
rin ang mga “giant earthworms” na hindi masolusyunan dahil hindi gumagana ang mga
pesticides dito. Kadalasan na nakokontrol ang mga peste sa pamamagitan ng “synchronized
planting” pero hindi na ito nasusunod ngayon ayon sa cultural landscape planner na si
Rachel Guimbatan.

C. POLITIKAL (POLITICAL)
Isa sa mga suliraning ng local na pamahalaan ng Cordillera ay ang kawalan ng
pondo para sa rehabilitasyon ng hagdan hagdang palayan. Mas nabibigyang importansiya
ang paglalaan ng pera para sa mga ibang pangangailangan ng komunidad. Isa ring problea
ang hindi pagkakaron ng matatag na samahang political na magpapanatili sa
pagpapayaman ng pamamaraan ng pagsasaka sa mga palayan at walang nagrerepresenta sa
gobyerno para gumawa ng mga programa para sa pangangailangan sa pagsasaka.

D. SOSYAL (SOCIAL)
Sa pagbabago ng panahon at pagtindi ng pangangailangan, mas pinipili ng mga
Ifugao na lisanin ang hanapbuhay ng pagsasaka. Umaalis sila ng kanilang lugar at n
iyayakap ang industriyalisasyon na taliwas sa kanilang kutura. Dahil dito unti unti silang
nauubos ang wala ng nagpapatuloy at nagpapayaman ng kultura nila para sa ikagaganda na
ng Rice Terraces. Ayon sa mayor ng Banaue, Ifugao na si Jerry Dalipog, ang tanging paraan
lang para maibalik sa dati ang hagdan-hagdang palayan ay payakap at pagbabalik ng
bagong henerasyon ng mga Ifugao sa kultura ng pagtatanim.

3. PAANO MAIUUGNAY ANG BALANGKAS NG MULTIKULTURALISMO


UPANG MAKATULONG SA PAGPRESERBA AT PAGKONSERBA NG RICE
TERRACES AT NG KULTURA NG MGA INDIGENOUS PEOPLE O NG MGA
IFUGAO?

Ang multikulturalismo ay nagsisikap at nanghihikayat na maapanatili ang iba’t


ibang kukltura at mga pagkakapantay pantay sa mga pangkat etniko sa bansa. At malaking
bagay ang hindi pagpatay sa rehiyonalismo upang makatuong sa pagpreserba ng hagdan-
hagdang palayan. Malaki ang bahagi ang pagbabaliktanaw sa kultura upang hindi ito
makalimutan at mapagpatuloy ito. Sa kalagayan ng ng rice terraces, nasisira ito dahil hindi
ito mapangalagaan dahil sa pagtalikod ng mga Ifugao sa nakagisnan nilang kultura. Hindi
dapat nating kalimutan ang ating sariling mga kultura at pagkakakilanlan kahit kalian.

You might also like