You are on page 1of 1

“Ang Mapagbigay na Punongkahoy”

Merong isang punongkahoy sa gilid ng gubat, na mahal na mahal


ang batang lalaki. Araw-araw dumarating ang bata para maglaro. Iniipon
ng puno ang kanyang mga dahon para gawing korona, upang maghari-
harian ang bata. Naglalambitin at nagduduyan ang bata sa mga sanga ng
puno. Masaya silang dalawa. At kapag napagod na sa kalalaro, natutulog
ang bata sa lilim ng puno.

Lumilipas ang panahon at lumalaki na ang bata. Bihira na


mapasyalan ang puno, kaya nalulungkot ito. Minsan dumating ang
lalaki, binatilyo na. Laro agad ang naisip ng puno. Pero wala ito sa plano
ng binata. Pinitas niya lang lahat ng bunga ng puno; ibebenta sa bayan
para magkapera. Natuwa rin ang puno na nakatulong siya sa mahal na
lalaki.

Matagal na naman hindi pumasyal ang binata. Isang araw bumalik


ito sa puno. Siyempre galak na galak ang puno na makakapaglaro sila.
Pero iba ang nasa isip ng lalaki. Sa pamamagitan ng palakol, sinibak
niya lahat ng sanga ng puno upang gawing bahay. Masaya pa rin ang
puno na nakatulong siya.

Muli mahabang panahon ang lumipas bago bumalik ang lalaki.


Nang dumating ito isang araw, tuwang-tuwa ang puno na makita siya, at
nag-isip agad ng laro. Pero ang pakay ng lalaki ay gumawa ng bangka
para lumakbay sa ibayong dagat. Nilagari niya ang trunk ng puno upang
ibuwal. Saka niya ito kinaladkad pauwi para gawing kasko ng bangka.
Bagamat tuod na lang, masaya ang puno na natulungan ang lalaki.

Ilang taon ang lumipas. Bumalik ang lalaki na uugud-ugod na.


Alam ng puno na hindi na niya kaya makipaglaro. Umupo ang lalaki sa
tuod para magpahinga. Hanggang sa huli masaya ang puno, na miski
tuod na lang ay natulungan pa rin niya ang lalaki. ARAWBIHIRA

You might also like