You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Region IV-A CALABARZON


Division of Quezon
STA. CATALINA NATIONAL HIGH SCHOOL
Candelaria, Quezon
Pangalan : ______________________________________ Petsa:_______________

1. Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng salawikain, sawikain, bugtong, at kasabihan.


a. karunungang-bayan b. maikling kuwento c. sanaysay d. tula
2.Uri ng karunungang-bayan na kung saan kapupulutan ng aral, may tugma at sukat ito sa hulihan.
a. salawikain b. kasabihan c. sawikain d. bugtong
3. Alin sa mga uri ng karunungang bayan ang ginamit sa pahayag na“Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kainin.”
a. salawikain b. sawikain c. bugtong d. kasabihan
4. Uri ng karunungang-bayan na may idyoma na nagpapakita ng malalim na kahulugan tungkol sa iba’t ibang paksa.
a. salawikain b. kasabihan c. sawikain d. bugtong
5. Uri ng palaisipan na nasa anyong patula. Isang pangungusap o tanong na may nakatagong kahulugang nilulutas.
a. salawikain b. kasabihan c. sawikain d. bugtong
6. Alin sa mga uri ng paghahambing ang ginagamitan ng panlaping gaya ng magka, sing, sim, pareho at kapwa.?
a. magkatulad b. di-magkatulad c. Pandiwa d. Pamanahon
7. Ginagamit ito kung ang dalawang paghahambing ay may patas na katangian.
a. magkatulad b. di-magkatulad c. Pandiwa d. Pamanahon
8. Ito ay nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.
a. magkatulad b. di-magkatulad c. Pandiwa d. Pamanahon
9. Ito ay paraan ng pagsasalita na may lalim at tunay na pakahulugan bilang repleksyon ng tunay na nangyayari sa buhay ng tao.
a. talinghaga b. paghahambing c. bugtong d. salawikain
10. Alin sa mga hudyat ng sanhi at bunga ang hindi kabilang sa mga ito.
a. dahil b. sapagkat c. kaya d. tunay
11. Ito ay isang uri ng sulatin na nangangailangan ng mahabang panahon ng pagsasagawa, maayos na paghahanda, sistematikong
pagtatala at pagsulat at susundan ng malinaw na paglalahad.
a. pananaliksik b. sanaysay c. dula d. tula

You might also like