You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Dipolog City Schools Division
Zamboanga Del Norte National High School
General Luna Street, Estaka, Dipolog City

LAGUMANG PAGSUSULIT
Filipino 8
Linggo 1 and 2

Pangalan: ________________________________ Taon/Seksyon: ___________________ Iskor: _________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng mga kaisipan at paniniwala na sumasalamin sa iba’t ibang
karanasan ng mga tao na nasa iisang kultura.
a.karunungang-bayan c.kasabihan o kawikaan
b.salawikain d. sawikain
2. Isang uri ng palaisipang nasa anyong patula.
a. bugtong c.kawikaan
b.kasabihan d,idyomatiko
3. Anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
a. dula c. matalinghagang pahayag
b. maikling kuwento d.tula
4. Isang salitang patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
a.tayutay c.sawikain
b.pabula d.talinghaga
5. Isang maikling makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing katangian.
a.salawikain c.pahayag
b.komunikasyon d.maikling kuwento
6, Ano ang simbolo ng salitang guryon?
a.laruan c.saranggola
b.kaibigan d.kapatid
7. Sino ang nagkukuwento sa tula?
a. ama c. kaibigan
b.tao d.eroplanong papel
8. Ito ang pahayag na kilala sa tawag na_______ .
a. expresyon c.konsepto
b.eupemismo d.kahulugan
9. Ano ang ipinahiwatig ng saknong?

Ang hiling ko lamang bago paliparin,


Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling

a.makipaglaban hanggang magwagi


b.matutong tumayo at lumaban kahit anumang mangyari sa buhay.
c. ang buhay ay puno ng kasiyahan
d.malalim na pahayag
10. Mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan.
a. matalinghagang pahayag c.hindi tuwiran
b.maikling kuwento d.malalim na pahayag
PERFORMANCE TASK

Sumulat ng tula ayon sa pangyayari sa kasalukuyan na napalooban ng salawikain at sawikain. (10 puntos)

PAMANTAYAN:
- apat na taludtod - dalawang saknong
- wawaluhing sukat - napapalooban ng salawikain at sawikain.

KRAYTIRYA Napakahusay Mahusay Kailangan ng Dagdag na


5 4 Kasanayan
3
Nilalaman Naibigay ang hinihingi ayon sa May kulang sa hinihingi ayon Hindi naibigay ang hinihingi
pamantayan. sa pamantayan. ayon sa pamantayan.
Gramatika Wasto ang pagkakagamit at May mga mali sa paggamit at Halos mali ang pagkagamit at
pagkabaybay ng mga salita. pagkabaybay ng salita. baybay ng salita

You might also like