You are on page 1of 59

10

Araling

SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
Panlipunan
Quarter 1 – Module 2:
Araling Panlipunan – Ikasampu na Baitang
Unang Markahan – Modyul 2: SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Manunulat: Anna Mie A. Cantoria

Beverly R. Santiago
Editor: Ulysses A. Valera II

Tagasuri: Noel A. Aban

Belen M. Jazul

Evelyn B. Lee

Donna D. Relova

Tagaguhit: Em Jhun A. Fajel

Layout Artist: Yrroprem O. Yanson


ARALIN 1
Pamagat ng IBA’T-IBANG KALAMIDAD SA BANSA
Kagamitan/
Panimula Ang bahagi ng modyul na ito ay naglalaman ng mga konseptong
magpapaliwanag sa iba’t-ibang uri ng kalamidad na nararanasan ng
tao sa lipunan. Matatalakay dito ang pinagmulan ng mga
dumaragsang kalamidad sa buhay ng mga Pilipino. Inaasahang
maunawaan ninyo ang kahalagahan ng paksang nang sa gayon ay
magkaroon tayo ng paghahanda at agarang pagtugon sa pagdating
ng mga kalamidad na ito.

Mga Layunin

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

1. Naipaliwanag mo ang kahulugan ng kalamidad.


2. Natalakay mo ang iba’t-ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa
ating bansa.
3. Nakapagsulat ka ng masusing pagpapaliwanag ukol sa iba’t -
ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa ating bansa.

1
Talahulugan Bigyang-pansin ang mga sumusunod na salita:

Bagyo - ay ang namumuong sama ng panahon, may marahas at


malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan.

Baha - ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng


malakas at walang tigil na pag-ulan sa komunidad.

El Niño - tumutukoy ito sa abnormal na pag-init ng temperatura sa


ibabaw ng dagat na nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa rehiyon.

Kalamidad - tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng


malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na
tinatamaan nito.
La Niña - tumutukoy ito sa abnormal na paglamig ng temperatura sa
ibabaw ng dagat na nagdudulot ng maraming pag-ulan sa rehiyon.

Lindol - ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o pag-uga ng lupa


na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng
lupa.

PAGASA – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical


Services Administration.

Storm Surge - ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa


dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin.

Tsunami - ay serye ng malalaking alon na nililikha ng pangyayari sa


ilalim ng dagat.

Volcanic Eruption - ay nagaganap kapag ang magma


(nagbabagang tunaw na mga bato at iba pang materyales) na
nagmumula sa ilalim ng lupa ay umaangat patungo sa bunganga ng
bulkan dahil na rin sa pagkapal nito at sa pressure sa ilalim ng lupa.

2
Panimulang
Pagsubok

Hanapin sakahon ang mga tinutukoy na salita


sa bawat bilang
.

Kalamidad Lindol El Niño

Bagyo Tsunami La Niña

Storm Surge Volcanic Eruption

1. Ito ay serye ng malalaking alon na nililikha sa pangyayari sa ilalim


ng dagat.
2. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari o kaganapang nagdudulot ng

kapinsalaan sa tao
o sa komunidad na tatamaan nito.

3. Ito ay namumuong sama ng panahon na may kasamang malakas

na hangin at mabigat na ulan.

4. Ito ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa

dalampasigan kapag paparating ang bagyo sa baybayin.

5. Ito ay ang abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng

dagat na nagdudulot ng kakaunting ulan sa rehiyon/lugar.

3
Mga Gawain
sa Pagkatuto

Kalamidad
• Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang
nagdudulot ng malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at
komunidad na tinatamaan nito.
• Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan, subalit may
kinalaman din ang mga tao sa madalas at sa hindi maipaliwanag na
pagtama nito.
• Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng
climate change o pagbabago ng klima.
• Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha,
storm surge, paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, La Nino,
at La Nina.
• Iba’t ibang uri na ng kalamidad ang tumama sa Pilipinas. Labis
na humahanga sa mga Pilipino ang ibang lahi dahil sa kakayahan
nitong makabangon agad mula sa dagok ng matitinding kalamidad.

Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad


Pagbagyo
Ang Pilipinas ay isang kapuluang nakaharap sa Karagatang
Pasipiko. Malaki ang kinalaman ng lokasyon nito sa nararanasan
nitong palagiang pagbagyo.

• Ang bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, may isang


pabilog o spiral na sistema ng marahas at malakas na hangin at may

4
dalang mabigat na ulan, karaniwang daan-daang kilometro o milya sa
diyametro ang laki.

• Kadalasang nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kungsaan


nagtatagpoang mainit at malamig na hangin. Ang mainithangin
na ay
pumapailanlang dahilsa init ng dagat at habang ito ay umaakyat,
nagkakaroon ng Low Pressure Area (LPA) sa paligid. Dahil sa low
pressure na nabuo sa paligid, naaakit nito ang ibapang malamig sa
hangin sa ibang lugar hanggang sa ang ma
lamig na hangin ayiinit din
at bubuo ng mga ulap.
• Ang Pilipinas ay karaniwang nakararanas nghumigit kumulang20
bagyo kada taon. May apat nauri ng pagbagyo depende sa bilis ng
hangin. Ang PAGASA ang tumututok atnagpapangalan ng bagyo sa
Pilipinas at mauulit kada tatlong taon.
• Ilan sa mga bagyong hindi malilimutan ng
mga Pilipino ay ang mga
bagyong Ondoy (2009) at Yolanda (2013) na nagdulot ngmatinding
pinsala sa mga bayanat lalawigang tinamaan nito

Pagbaha

Kaalinsabay ng malakas na pagbagyo at ng pag-iral ng hanging


habagat ay ang malawak at malubhang pagbaha sa iba’t ibang
bahagi ng bansa.

•Ang baha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot


ng malakas at walang tigil na pag-ulan sa komunidad.

5
• Ang pagbaha sa Pilipinas ay pinalalala ng mga baradong daluyan ng tubig.
• Sa mga panahong ito, kahit kaunti o sandaling pag-ulan lamang ay agad nang
bumabaha. Ordinaryo na itong nararanasan sa Metro Manila at ilang malalaking
lungsod sa Pilipinas, gayundin sa ilang mabababang lugar o sa mga lugar na
malapit sa anyong tubig.
• Labis ding nakapipinsala ang pagbaha dahil sinisira nito ang mga gamit at ari-
arian. Nagdudulot din ito ng mga sakit gaya ng leptospirosis (nakukuha kapag
nababad
ang sugat
sa
maruming
tubig na
may ihi ng
daga).

Pagdaluyong-bagyo oStorm Surge


Kahalubaybay pa rin ng malakas na pagbagyo ay ang
pagdaluyong
-bagyo.

6
• Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas
ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. Nakaaapekto
sa tindi ng dalúyong-bagyo ang lalim at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan ng
bagyo at ang tiyempo ng kati (mababa ang tubig sa dagat).
• Ang pagdaluyong-bagyo ay bago sa pandinig. Hindi ito pamilyar hanggang sa
naminsala ito kasabay ng bagyong Yolanda. Hindi ito napaghandaan ng mga tao,
kaya, maraming namatay.

7
• Mahirap iwasan ang pagdaluyong-bagyo dahil hindi ito
napipigilan. Ang maaari lamang gawin para makaiwas dito ay ang
paglikas tungo sa mas mataas na lugar kung may nakaambang
bagyo o pagtaas ng antas ng tubig mula sa dagat.

Pagnilayan:
Sa iyong palagay, natuto na ba ang mga Pilipino sa mga
karanasan mula sa malalakas na pagbagyo, pagbaha, at
pagdaluyong-bagyo?

Sagot:
_______________________
__________________________
_______________________
__________________________
.
Paglindol
Ang Pilipinas ay nasaPacific Ring of Fire
, ang paikot na hanay ng
mga aktibong bulkan sa Pasipiko. Ito ang dahilan kung bakit
nakararanas ang bansa ng mga paglindol.

• Ang lindol ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o pag-uga


ng lupa na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa
ilalim ng lupa kapag pinakakawalan nito ang puwersang naipon sa
mahabang panahon.

8
• Kung ang malakas na paglindol ay mangyayari sa lugar na maraming tao,
maaari itong kumitil ng maraming buhay at magdulot ng malawakang pagkasira ng
mga ari-arian.
• Isang malakas na lindol ang tumama sa Pilipinas noong 2013 kung saan ang
pinakanaapektuhan ay ang Gitnang Visayas, partikular ang Bohol at ang Cebu.
• Maraming bahay, gusali, kalsada, tulay, at iba pang estruktura at ari -arian ang
nasira ng lindol na ito.

• Ang tsunami o mga seismic sea wave ay serye ng malalaking alon na nililikha
ng pangyayari sa ilalim ng dagat tulad ng paglindol, pagguho ng lupa, pagsabog ng
bulkan, o pagbagsak ng maliit na bulalakaw. Ito ay maaaring kumilos ng daan-
daang milya kada oras sa malawak na karagatan at humampas sa lupa dala ang
mga alon na umaabot ng 100 talampakan o higit pa.
• Ang paghampas ng tsunami ay mapanganib din sa buhay, ariarian, at
kabuhayan ng mga nakatira sa malapit sa dagat.

• Naranasan ito sa Japan noong 2011 at nagdulot ng malaking pinsala. •


Nangyari ang isang mapaminsalang tsunami sa Pilipinas noong
1994, sa pagitan ng Batangas at Mindoro, kung saan umabot sa anim

9
na metro ang taas ng mga alon na dulot ng 7.1 magnitude na lindol
sa ilalim ng dagat.

• Ang bulkan ay isang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa,


karaniwang nasa anyong bundok o burol. Ang puwang o bunganga
(crater) ay nagsisilbing daanan ng iniluluwang materyales tulad ng
abo at lava na nagmumula sa ilalim ng lupa.
• Maaaring maging tahimik ang bulkan sa mahabang panahon
ngunit hindi nangangahulugang payapa ito. Sasabog ang bulkan
kapag nagsimula nang gumalaw ang lupa malapit dito. Makaririnig
ng dumadagundong na ingay mula sa ilalim ng lupa at makakikita ng
maitim na usok galing sa bunganga ng bulkan.
• Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang magma
(nagbabagang tunaw na mga bato at iba pang materyales) na
nagmumula sa ilalim ng lupa ay umaangat patungo sa bunganga ng
bulkan dahil na rin sa pagkapal nito at sa pressure sa ilalim ng lupa.
• Ang pinakamalakas na pagputok ng bulkan na naranasan sa
Pilipinas ay ang pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Ang

10
Bulkang Pinatubo ay isang aktibong stratovolcano na matatagpuan sa Kabundukang
Cabusilan sa Luzon, malapit sa Zambales, Tarlac, at Pampanga.
• Naging labis na mapaminsala ang pagputok ng bulkang ito. Nagbuga ito ng
sulfur dioxide, isang nakalalasong kemikal. Nagdulot din ito ng ash fall o pagulan ng
abo na umabot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Umagos din ang lahar (volcanic
mudflow).
• Malawak
Tinatayangumabot sa 800 ang namatay habang 100,000 katao ang inabot
na pinsala
ng
pagputok
ng Bulkang
Pinatubo.

naman ang
nawalan ng
tirahan at
kabuhayan
sa Gitnang
Luzon.

Pagnilayan:
Ano ang maaaring mangyari kapag pumutok ang bulkan at paano
natin ito mapaghahandaan?

Sagot:
_______________________
_____________________________
_
______________________
______________________________
.

Pagtama ng El Niño at La Niña


Ang Pilipinas ay nakaharap sa North Pacific Ocean. Ito ay nasa hilagang bahagi
ng ekwador. Dahil sa lokasyon nito, isa ito sa pinakanaaapektuhan ng El Niño.

El Niño
• Ang El Niño ay ang hindi pangkaraniwang penomenon sa Gitna at Silangang
Equatorial Pacific.

11
• Tumutukoy ito sa abnormal na pag-init ng temperatura sa
ibabaw ng dagat na nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa rehiyon.
• Ang pagtama ng El Niño sa Pasipiko ay tuwing ikalawa
hanggang ikasiyam na taon. Karaniwang nag-uumpisa ito sa pagitan
ng Disyembre hanggang Pebrero.
• Kapag tumama na, tumatagal ito hanggang unang hati ng
kasunod na taon; may pagkakataong mas tumatagal pa ito.

La Niña
• Ang La Niña ay kabaliktaran ng sitwasyon o kondisyon ng El
Niño.
• Tumutukoy ito sa abnormal na paglamig ng temperatura sa
ibabaw ng dagat na nagdudulot ng maraming pag-ulan sa rehiyon.
• Sa Pilipinas, laging kakambal ng La Niña ang malalakas na
pagbagyo, pag-ulan, at pagbaha.
• Ang kondisyon ng La Niña ay nagiging dahilan ng pagdami ng
bagyo (cyclone) sa Western Pacificic.

12
Mga
Pagsasanay

Gawain 1: Analohiya

Buuin ang dalawang magkatulad na konsepto.

1. Pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat: El Niño;


Paglamig ng temperatura sa ibabaw ng dagat: ____________.

2. Pag-uga sa ilalim ng lupa: Lindol;


Pag-uga sa ilalim ng dagat: __________.

3. Di pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa


dalampasigan:_______; Malalaking serye ng alon: Tsunami.

13
14
Pangwakas Magbigay ng masusing pagpapaliwanag tungkol sa mga
na Pagsubok
sumusunod na katanungan. Dalawang puntos bawat isa.

1. Bakit nakararanas ng palagiang bagyo ang bansang Pilipinas?


_______________________________________________________

2. Ano ang dahilan ng agarang pagbaha sa ilang lugar sa


Pilipinas?
_______________________________________________________

noong 2020?
_______________________________________________________

4. Bakit nakararanas ng maraming paglindol ang Pilipinas?


_______________________________________________________

5. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng tsunami sa isang lugar?


____________________
___________________________________

3. Anong pinsala ang hatid ng pagsabog ng Bulkang Taal sa bansa


Karagdagang Takdang Aralin
Gawain Sagutan ang sumusunod na tanong:

1. Ano-anong paghahanda ang iyong gagawin upang makaligtas sa


mga sakunang darating? Magbigay ng 5 pamamaraan.

15
ARALIN 2
Pamagat ng MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
Kagamitan/
Panimula Isa sa mga isyung kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan ay ang
pagdagsa ng iba’t-ibang mga suliraning pangkapaligiran. Kasabay
ng pag-unlad ng pamumuhay ng tao ay ang pag-usbong rin ng mga
isyung pangkapaligiran na sa pagtagal ng panahon ay lubusang
nakababahala. Sa ikalawang bahagi ng modyul na ito matutukoy mo
ang iba’t-ibang suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa
kasalukuyan at kung ano ang epekto nito sa sambayanan.

16
Mga
Layunin

Sa aralinna ito inaasaahan sayo na:


1. Naisa-isa mo ang mga suliranin g pangkapaligiran na
nararanasan sa isang komunidad.
2. Natalakay mo ang bawat suliraning pangkapaligiran na
nararanasan sa isang komunidad.

Talahuluga Bago mo simulang ang iyong paglalakbay, bigyang-pansin mo ang


n
mga sumusunod na salita:

Deforestation - Ang walang habas na pagputol ng mga puno sa


kagubatan.

Kaingin System - Ang pagputol ng mga puno at pagsunog ng mga


kagubatan.
Mining - isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga metal,
dimetal, at mineral mula sa lupa katulad ng uling, ginto, pilak,
platinum, tanso, bakal, langis, likas na gas, at iba pa.

Polusyon - Ang pagiging marumi ng kapaligiran na nagdudulot ng


pagbabago sa natural na kalagayan ng kalikasan.

Quarry - isang proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin, at iba


pang materyales sa pamamagitan ng pagpapasabog, paghuhukay,
o pagbabarena.

17
Solid Waste - Tumutukoy sa anuman uri ng bagay na maaaring hindi
na kakailanganin pa at hindi na nararapat gamitin.

Suliraning Pangkapaligiran - tumutukoy sa anumang pangyayari,


kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng
kapaligiran at sa balanseng ekolohikal.

Panimulang Bilugan ang mga salitang binIgyang kahulugan sa mga aytem


Pagsubok sa ibaba.

Mga
Gawain sa
Pagkatuto

18
Pag-aralan Natin!

Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari,


kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal.

Mahalagang matukoy kaagad ang mga suliraning ito upang masolusyonan o


maagapan sapagkat sa kalaunan ay maaaring ikasira ng pamayanan.

Dahil sa patuloy na pag -unlad, kasabay ng pag -usbong ng


malalaking industriya at ng hindi mapigilang pag -unlad ng
ekonomiya, patuloy na nasisira angbiodiversityo ang pagkakaiba-
iba at pagiging katangi
-tangi ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo
sa kalikasan.

Mga halimbawa ng suliraning pangkapaligiran:

waste management
mining
quarrying
deforestation

Waste Management
Ang
waste

19
management ay ang akmang termino sa wastong pangungolekta, paglilipat,
pagtatapon o paggamit, at pagmo-monitor ng basura ng mga tao. Isinasagawa ito
upang mapangasiwaan nang maayos upang makaiwas sa masasamang epekto
ng basura sa kalusugan at kapaligiran.

Maaring mabawasan ang basura sa pamamagitan ng pagsunod sa prinsipyo ng:

20
Reduce - Ang susi sa pagbabawas (reduction) ng basura ay
pangangalaga o pagtitipid (conservation) – ang matalinong
paggamit sa mga pinagkukunan (resources), at ang paggamit ng
kaunti lamang upang maiwasan ang basura.

Reuse - Maaaring muling pakinabangan o gamitin ang mga gamit


kaysa sa itapon o kaya naman, ibigay o ipasa sa iba.

Recycle - Simple lamang ang panuntunan: Huwag itapon ang mga


bagay o gamit na maaari pang
i-recycle.

Pagninilay:
Magbigay ng mga pamamaraan kung paano malilimitahan ang
pagtapon ng basura sa ating kapaligiran.

Sagot:
1. ______________________________________
2. ______________________________________
3. ______________________________________

Pagmimina oMining

Ang pagmimina o mining ay isang proseso ng paghuhukay at


pagkuha ng mga metal,-metal,
di at mineral mula sa lupa katulad ng
uling, ginto, pilak, platinum, tanso, bakal, langis, likasas,naatg iba
pa.

Ito ay ginagawa sa pamamagitan na pagpipiga, paghahango, o


paghuhugot.

Ang pagmimina ay isa sa mga pangunahing industriyang


nakatutulong sa pagunlad ng ekonomiya ng bansa.

21
Sa liderato ni dating Pangulong Noynoy Aquino, maraming
negosyante mula sa ibang bansa ang pinaunlakan upang
mamuhunan sa pagmimina.

Dahil dito, malaking dolyares ang pumapasok sa bansa.


Nagbubukas din ito ng mga bagong trabaho para sa mga Pilipino.

Dahil rin sa pagmimina, umuunlad ang ibang lugar sa


nas.
Pilipi

Pagku-quarryo Quarrying

Ang pagka-quarryo quarryingay isang proseso ng pagkuha ng


mga bato, buhangin, at iba pang materyales
sa pamamagitan ng
pagpapasabog,paghuhukay, o pagbabarena.

Madalas na ang kinu-quarry ay ang mga bundok at ilog na


pinagkukunan ng mga bato at ang tabindagat na pinagkukunan ng
buhangin.

Ang malalaking bato ay pinagpipira


-piraso sa nais na laki depende
sa pangangailngan. Tinatawag itong graba.

Ang mga graba, buhangin, at iba pang m


ateryales ay madalas
gamitin sapaggawa ng mga kalsada at estruktura.

Pagninilay:
Ang pagmimina at pagqua
-quarry ay may masamang dulot sa
kalikasan, ano-ano sa tingin mo ang epekto nito sa ating mga
tanawin at likas yaman?
Sagot:
1. ______________________________________
2. ______________________________________

22
3. ______________________________________
Paghahawan ng Kagubatan o Deforestation

Ang paghahawan ng kagubatan o deforestation ay tumutukoy sa


pagpuputol ng mga puno, pagtatabas ng mga damo, at pag-aalis ng
anumang sagabal sa pamamagitan ng pagsusunog hanggang
maging mahawang lupa o lugar para sa mga hangaring agrikultural o

komersiyal.

Kadalasan, ginagawa ito sa dalawang paraan–pagkakaingin a clear


t
cutting. Sa pagkakaingin, tinatabas at sinusunog ang mga

puno sa kagubatan upang pagtaniman. Sa clear cutting, pinuputol


nang walang habas ang mga puno sa anumang kadahilanan.

Hindi lahat ng deforestation ay sinasadya ng tao. Ang iba ay


t

kombinasyon ng gawa ng tao at likas na salik katulad


wildfires
ng a
tuloy-tuloy naovergrazingna humahadlang sa pagtubo ng mga puno.

Pagninilay:

Maaari bang isulong ang modernisasyon/industriyalisasyon nang


hindi nasasak
ripisyo ang ating mga kagubatan?

Sagot:

_______________________
_____________________________

23
_
____________________________________________________
_
____________________________________________________
_
____________________________________________________
_

24
____________________________________________________
_

Mga
Pagsasana
y

Pagsasanay1: Pagtambalin mo!

Pagtambalin ang mga konsepto


sa hanay A at kahulugannito sa
hanay B.

Hanay A Hanay B
1. Pagmimina A. Mga bagay na di na ginagamit
2. Deforestation B. Pagpuputol ng mga Puno
3. Solid Waste C. Pagkuha ng bato/buhangin
4. Pagqua-quarry D. Paghuhukay ng mga metal/di
-
5. Suliraning Pangka metal na bagay
E. Mga pangyaya
ri na nakasisira
sa Kapaligiran
Pagsasanay 2

Kumpletuhin ang tsart sa ibaba ng tamang pinsalang naidudulot ng


mga suliraning pangkapaligiran
sa ating likas na yama.

SuliraningPangkapaligiran Napinsalang Likas na Yaman


1. Kaingin System

25
2. Illegal Mining
3. Solid Waste
4. Deforestation
5. Oil Spill

Pagsasanay 3: What Goes Around, Comes Around.

Isulat sa ibaba ang sa tingin mo ay di-mabuting epekto ng mga

Suliraning Idinulot na Di -Mabuti sa Tao


Pangkapaligiran
1. Kaingin System
2. Illegal Mining
3. Solid Waste
4. Deforestation
5 .Oil Spill

suliraning pangkapaligiran na ito sa tao.


Pangwakas Tukuyin ang mga suliraning pangkapaligiran na naoobserbahan o
na nakikita mo sa iyong barangay/komunidad. Isa-isahin ito at
Pagsubok magbigay ng ilang pamamaraan upang ito ay malimitahan at
maiwasan.

1. ________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________

26
4. ________________________________
5. ________________________________

Karagdagan Magbalitaan tayo!


g Gawain Magbasa, making, o hindi kaya ay manood ka ng mga balita ukol sa
mga suliranin ng aying kapaligiran. Pagkatapos ay gumawa ka ng
isang “Status” na magbibigay paalala o babala ukol sa mga balitang
iyong nakalap.

27
ARALIN 3
Pamagat ng PILIPINO AKO! HANDA AKO!
Kagamitan/
Panimula
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang iba’t-ibang suliraning
pangkapaligiran, napag-alaman ang mga kadahilanan at epekto nito
sa pamumuhay ng bawat Pilipino. Ang masusing ugnayan,
pagtutulungan at pagbabalikatan ng bawat isa sa loob ng isang
bansa ay mahalaga upang makapagbalangkas at makagawa ng
nararapat gawin upang makatulong sa pagharap sa panganib na
dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

Mga Layunin

Sa pagtatapos ngaralinna ito, inaasahan na


:

1. Nakatalakayng mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng


panganib nadulot ng m
ga suliraning pangkapaligiran.

2. Nakapaglapat ng nararapat gawin upang makatulong sa pagharap


sa panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

3. Nakagawa ng poster
tungkol sa mga gawain at desisyon ng tao
sa pagkakaroon ng kalamidad
.

28
Talahulugan Bilang gabay sa iyong pagsagawa ng modyul na ito, bigyan mo ng
pansin ang mga salita sa ibaba.

Watershed ( tubigan)- ito ay ang lupa kung saan lahat ng tubig na


binuhos ng ulan ay umaagos sa lupa patungo sa mga ilog.

Ecosystem( ekosistemal)- ang pagtuon sa daloy ng enerhiya.

Extinct- tuloyan nang mawala.

Depressed area- mahihirap na lugar.

Masisilayan- makikita.

Stratosphere- himpapayaw

29
Panimulang E- Caption Mo!
Pagsubok

Suriin ang larawan. Bigyan ng Pamagat ang bawat larawan.

_ _________________________

_________________________

_________________________

_________________________

30
_________________________

Mga Gawain
sa Pagkatuto

Sa tulong ng te
ksto at mga gawain na inihanda para sa
matutun
iyo, an
mo bilang mag
-aaral ang iba’t
-ibang suliraning pangkapaligiran, mga
paraan kung paano pangalagaan ang kapaligiran at ang mga
nararapat gawin sa harap ng panganib na dulotmga
ng suliraning
pangkapaligiran.

Ang mga sumusunod ay ang ilang halimbaw a ng Suliraning


Pangkapaligiran:

1. Climate Change

Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kaibahan sa klima. Ang mga


dapat at tipikal na nangyayari sa panahon at klima ay naiiba at
madalas ito ay lumalala.Halimbawa ay ang pagkakaroon ng mainit na
temperatura sa buwan na dapat ay malamig.

2. Polusyon
Ang polusyon ay ang presensya sa kapaligiran kung saan ito ay
nagdudulot ng masamang epekto. Ang halimbawa nito ay ang
31
polusyon sa tubig, sa lupa, sa hangin at sa liwanag , na madalas ay
dulot ng lubos na paggamit ng mga tao sa kayamanan o kagamitan
nang hindi inaaayos ang pagtapon nito.

3. Global Warming
Ang Global warming ay ang pagtaas ng temperature ng mundo.
Kada isang daang taon ay napansin ng mga eksperto na tumataas
ang tipikal na temperature ng mundo. Kapg ito ay nagpapatuloy sa
pagtaas, matutunaw ang mga yelo sa hilaga at timog na bahagi ng
mundo, tataas ang lebel ng tubig at maaring magkaroon ang mga tao
at hayop ng malalang sakit.

4. Problema sa solid waste


Ang problema sa Solid Waste ay dahil sa hindi wastong
pagsasaayos at pagtatapon ng mga basura. Hindi nahihiwalay ang
mga kagamitang pwede pang gamitin at ang mga basura ay
nakahalo sa isa’t isa. Maaring magdulot ito ng sakit at pagkahawa.

5. Pagnipis ng Ozone layer


Ang pagnipis ng Ozone Layer ay dahil sa labis na carbon dioxide sa
ating planeta. Kapag labis na naging manipis ang ozone layer ,
lalong tataas ang temperature ng planeta, magiging mas mainit at
maaring magkaroon ng sakit ang mga tao at hayop at tumaas ang
lebel ng tubig.

6. Pagkawala ng Biodiversity
Ang kaganapang ito ay epekto ng mga naunang suliraninng
pangkapaligiran. Dahil dito, maapektuhan rin ang ating mga pagkain
at tirahan ng mga hayop. Maaring mas maraming hayop ang
maging extinct o tuluyan nang mawala sa mundo.

32
7. Pagkasira ng Lupa
Ang pagkasira ng lupa ay maaring dulot ng kakulangan sa puno, sa polusyon at iba
pang mga suliraning pangkapaligiran. Dahil dito maapektuhan ang halaman at ang
ecosystem.
8. Urbanisasyon
Ang urbanisasyon ay tumutukoy sa pagiging urbanidad ng isang lugar. Ito ay
nagbunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng paglaki ng populasyon,pagdami
ng mahihirap na lugar o depressed areas at may mga pamayanan na may mataas
na
insidente
ng

Mga Gabay na tanong:

1. Anu- anong mga suliraning pangkapaligiran ang inyong


nararanasan sa inyong komunidad? Ipaliwanag kung bakit nangyayari
ito?
2. Sa tingin mo ba, apektado ka sa mgairaning
sul ito?

Pangangalaga Sa Kapaligiran

Alinsunod sa isinasaad ng ating Konstitusyon:


“ Dapat pangalagaan ng estado ang yamang dagat ng bansa sa mga
karagatang pangkapuuan, dagat teritoryal, at ekslusibong sonang
pangkabuhayan nito at dapat ilaan ang ekslusibong paggamit at
pagtatamasa nito saga
mmamamayang Pilipino”

pagkakasakit at iba pang panganib sa kalusugan.

33
Nagtulong-tulong ang iba’t-ibang ahensiya ng ating pamahalan upang maipatupad
ang nakasaad sa ating Konstitusyon. Kailangang makibahagi rin sa mga gawing ito
ang mga mamamayan at ibang samahan. Dapat tayong makilahok sa ibang
proyektong ito upang mapangalagaan natin ang ating kapaligiran. Narito ang ilang
paraan:

• Pangalagaan ang mga gubat laban sa illegal na pagputol ng kahoy at


pagkakaingin.

• Pagsasagawa ng reforestation o muling pagtatanim ng mga


punong kahoy sa ating mga gubat.
• Pagbabantay sa ating mga gubat upang hindi masira ng mga
mapagsamantala sa pamamagitan ng pagsusumbong ng illegal
loggers at nagkakaingin sa mga kinauukulan.
• Pagbibigay-suhestiyon sa pagpapabuti sa pangangasiwa ng
mga industriyang pagmimina.
• Pagkampanya sa wastong pangangalaga ng mga isda at iba
pang yamang dagat.
• Pagbibigay impormasyon sa mga mamamayan tungkol sa mga
batas sa pangangalaga ng mga isda at iba pang yamang dagat. •
Pagbibigay impormasyon sa mga mamamayan tungkol sa mga
batas sa pangangalaga at preserbasyon ng mga likas na yaman.
• Pagbibigay- suhestiyon sa teknikal na pagsasaayos at
pangangasiwa ng mga yamang gubat para mapanatili ang wastong
paglinang ng yaman nito.
• Pangangalaga ng mga lupain at minahan
• Pangangalaga at pangangasiwa nang maayos sa mga
watershed at kapaligirang pangkatubigan.
• Pangangalaga sa mga natatanging hayop
• Pagtatag ng mga samahang mangangalaga sa ating
kapaligiran, tulad ng Bantay Dagat at Bantay Kalikasan.

34
Mga
Pagsasanay

Pagsasanay 1: SURI-AWIT!

Maaring pamilyar ka sa awiting ito. Suriin at unawain ang bawat linya


ng kanta. Sa sagutang papel, hanapin ang linya ng awit na

35
nagpapakita ng suliraning pangkapaligiran. Pagkatapos, itala ang mga suliraning
pangkapaligiran na nakita mo sa bawat saknong ng awit.

Hal.: Wala ka bang napapansin


Sa iyong mga kapaligiran?
Kaydumi na ng hangin
Pati na ang ilog natin.
1.Kaydumi na ng hangin - Polusyon at Problema ng Solid waste

MASDAN MO ANG KAPALIGIRAN


(Asin)

Wala ka bang napapansin


Sa iyong mga kapaligiran?
Kaydumi na ng hangin
Pati na ang ilog natin.

Hindi na masama ang pag -unlad


At malayu-layo na rin ang ating nararating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati’y kulay asul ngayo’y naging itim

Ang mga
duming
ikinalat natin

Sa langit huwag na nating paabutin Gitara ko ay aking


dadalhin upang
Sa ulap na lang tayo’y magkantahan

Mga batang ngayon lang isinilang


May hangin pa kayang matitikman? May mga puno pa
kaya silang aakyatin May mga ilog pa kayang
lalanguyan?

36
-isipan
Bakit ‘di natin pag
Ang nangyayari sa ating kapal
igiran
Hindi na masama ang pag
-unlad
Kung hindi nakasira ng kalikasan

Darating ang panahon mga ibong gala


Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo’y namamatay dahil sa ating kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa


Biyayang galing sa Diyos kahit nong ika’y wala pa
Ingatan natin at huwag nang sirain pa
Pagkat pag kanyang binawi, tayo’y mawawala na

SAKNONG/ Linya ng awit MGA SULIRANIN SA


KAPALIGIRAN
1.
2.
3.
4.
5.

Pagsasanay 2:HULAAN MO?

Tukuyin saloob ng kahon ang tamang sagot mula sa mga inilalarawan


na pahayag sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

Climate cha
nge Polusyon Pagnipis ng Ozone Layer

Deforestation KainginSystem Problema Sa Solid Waste

Urbanisasyon Global Warming Pagkawala ng Biodiversity

Pagkasira ng Lupa

37
__________1. Mga puno’y pinuputol at sinusunog ko, kaya sila’y
nagrereklamo. Dahil pagtubo at paglaki nila’y pinipigilan ko.

__________2. Kaaway ako ng mga tao dahil sa salot ang presensya


ko sa kapaligiran, lason ako sa hangin, sa lupa at maging sa
katubigan.

__________3. Ayaw kung manatili sa pook rural, gusto kong lumuwas


ng Maynila dahil marami akong kakaibang modernisasyong nakikita.

__________4. Sa sobrang taas ng temperatura ko,tinutunaw ko ang


yelo sa bandang hilaga at timog na bahagi ng mundo.

__________5. Maitim na usok ang binubuga ko,masamang epekto


ang dulot nito, suson ng stratosphere ay nasaktan ko.

__________6. Madalas na sinisira ang flora at fauna, ako ngayo’y


nangangamba pagdating ng panahon baka mauubos lahi nila,at di
niyo na masisilayan pa.

__________7. Bakit di mo magawang ilagay ako sa tamang


lalagyan?
Munting bagay lang ako di naman kabigatan, Pag ako’y bumara sa
kanal, libu-libong tao ang maapektuhan.

__________8. Lagi niyo akong inaabuso, ganung pinagtataniman


niyo ako,kung ano-anung kemikal ang tinatapon niyo, minsan sinisira
pa ako ng mga minero.

__________9. Nagbago ka na di katulad ng dati, mainit palagi ang


temperatura kahit sa gabi.Buong akala ko buwan ng taglamig
ngayon, bakit bigla na lamang pumalit ang panahon.
_________10. Wala kayong pagmamalasakit sa kagandahan ko,
dati’y kulay berde ang kapaligiran ko, punong puno ng pananim at
hayop ang makikita mo. Sa isang kisap mata’y lahat ito’y naglaho
dahil kinalbo mo.

38
39
Pagsasanay: 3

Basahin at unawain ang artikulong pinamagatang “ Mga Sakuna ng


Kalikasan, Iniuugnay sa Pagmimina at Pagtotroso” upang masagot
mo ang mga katanungan sa ibaba ng hindi babaa sa 20 salita bwat
tanong.

Global Voices in Filipino


Pilipinas: Mga Sakuna ng Kalikasan, Iniugnay sa Pagmimina at
Pagtotroso
Isinalin ang post na ito noong 20 Mayo 2012
Isinulat ni Karlo Mongaya Isinalin ni Schubert Malbas

Habang bumabangon pa lamang ang mga kababayan natin mula sa


kalunos-lunos na kalamidad ng Bagyong Sendong (international
name: Washi), na nagdulot ng malawakang pagkasawi ng buhay at
ari-arian, ilang probinsiya naman sa Pilipinas ang nakaranas ng
pagbaha at pagguho ng lupa sa loob lamang ng tatlong linggo.

Ilang araw matapos kinitil ng Sendong ang buhay ng 1,257 katao


noong Disyembre 2011 at winasak ang mga tirahan at kabuhayan ng
libu-libo, binaha naman ang mga lalawigan ng Cebu, Davao,
Bukidnon, Maguindanao, Compostela Valley, Negros, Leyte at Aklan
sa Katimugang Pilipinas. Isang matinding pagguho ng lupa naman
ang naganap noong Enero 2012 sa Pantukan, Mindanao, isang
bayan na umaasa sa pagmimina, kung saan 31 ang namatay at
daan-daan ang nawawala.

Habang dumagsa ang tulong na pinapaabot sa mga nasalanta ng


pagbaha at landslide, sumagi naman sa isipan ng maraming
Pilipinong netizen ang ilang katanungan. Bagamat sanay na ang
bansa sa mga pagbaha at pagguho ng lupa, naging kataka-taka ang
lawak ng mga kalamidad kamakailan: ano ang mga dahilan sa likod

40
nito, at bakit ito nagiging mas madalas at mas mabagsik? Ano ang
maaaring gawin upang maiwasan o mapaghandaan ito sa hinaharap?

- Ayon kay Antonio J. Ledesma, SJ, Arsobispo ng bayan ng


Cagayan de Oro, pagtotroso at pagmimina ay dalawa sa mga sanhi
ng nasabing delubyo: Last January 2009, the city had already
experienced severe flooding. Some old-time residents recalled that
this phenomenon happens every forty years. But barely three years
after that, Typhoon Sendong came with greater vengeance. Illegal
logging and irresponsible mining activities have contributed to the
degradation of the environment and the siltation of the river bed. The
erection of manmade structures may have also impeded the natural
flow of the waters.

- Noong Enero 2009, nakaranas ang siyudad ng matinding


pagbaha. Maraming matatanda ang nagsabing nangyayari lang ang
ganitong klaseng pagbaha sa loob ng apatnapung taon. Subalit
tatlong taon lang ang nakalipas, dumating ang mas malupit na
delubyong hatid ng Bagyong Sendong. Dinulot ng iligal na
pagtotroso at iresponsableng pagmimina ang pagkasira ng kalikasan
at ang pagkaipon ng malambot na lupa sa ilalim ng mga ilog.
Nakaharang din siguro sa natural na daloy ng tubig ang ilang
istrakturang gawa ng tao.

- Gumawa ang Ateneo Physics Laboratories ng isang mapa


tungkol sa lawak ng pagbaha sa lungsod ng Cagayan de Oro.

- Sinisi naman ng blog na Dugo at Panulat [fil] ang pamahalaang


Aquino, dahil hinayaan nito ang pagtotroso at pagmimina ng ilang
malalaking kompanya sa ating bansa: Pinahihintulutan ng gobyerno
ang pagmimina at pagtrotroso ng mga naghaharing korporasyon at
ng kapatid nitong gahamang dayuhan.
Pinahihintulutan ng gobyerno na gahasain ng magkapatid ang ating
likas na yaman kapalit ng konting kita at pamumuhunan ng mga ito.

41
42
- Tinukoy naman ni Lisa Ito [fil] ang pagkasira sa mga natural na
kagubatan upang makapagtanim ang mga malalaking korporasyon
ng mga pangunahing produktong iniluluwas ng bansa: Laganap din
ang kumbersiyon ng kagubatan upang gawing plantasyon ng pinya,
jatropha, saging, at iba pang export crops, ayon sa maka-kalikasang
grupo na Panalipdan Mindanao. Ayon sa mga pag-aaral mula sa
National Institute of Geological Sciences, ang CdO ay lalong
nagiging bulnerable sa baha dahil sa kumbersyon ng 2,000 ektarya
ng kagubatan sa Upper Pulangi Watershed upang gawing taniman
ng pinya ng Del Monte Philippines—isa sa pinakamamaking exporter
ng pinya sa buong mundo.

- Hindi naman pinalampas ng mga maka-kalikasang grupo na


banggitin ang isang geo-hazard na pag-aaral na ginawa ng
Unibersidad ng PIlipinas, kung saan tinukoy ang mga kakulangan ng
gobyerno sa nangyaring trahedya ng Sendong. Ilang kabataang
aktibista ang bumatikos kay Pangulong Noynoy Aquino dahil hindi
nito nilagdaan ang P5 bilyong badyet na nakalaan sa paghahanda sa
mga sakuna, na maari sanang nagamit upang mabawasan ang
dinulot ng pagbaha: We reiterate that it is the Aquino regime which is
a manmade disaster, turning the unavoidable reality of heavy rains
into a tragedy: First, because Noynoy himself removed the funding
for disaster preparedness in the 2011 national budget. Not a single
centavo in the billion ‘Calamity Fund’ went to preparing Northern
Mindanao, or any other part of the country for that matter, for natural
disasters. Second, because he continues to allow massive, ‘legal’
logging by mining, agricultural, timber, and real estate corporations.

- Paulit-ulit naming sinasabi na isang sakuna ang rehimeng


Aquino, dahil hinayaan nitong mangyari ang nakaambang na
trahedya mula sa malalakas na pag-ulan: Una, dahil tinanggal mismo
ni Noynoy ang pondo sa pambansang badyet ng 2011 na nakalaan
sana sa paghahanda laban sa mga sakuna. Ni isang sentimo mula
sa P5

43
bilyong ‘Calamity Fund’ ang nakarating sa Hilagang Mindanao, o
kahit sa ibang rehiyon man sa bansa. Pangalawa, dahil patuloy
niyang sinusuportahan ang maramihan at ‘legal’ na pagtotroso ng
mga korporasyon.

- Binasura naman ng Politika 2013 ang taktika ng mga publisista


ng mga malalaking kompanya na ilayo at iligaw ang usapin mula sa
pagmimina at pagtotroso: Aside from sweepingly labeling all critics
as leftists, the pro-mining and logging publicity offensive likewise
attempts to confuse and dishes out lies: “The Mines and
Geosciences Bureau has confirmed that there are no large-scale
mining operations in Cagayan de Oro and Iligan…,” CMP President
Philip Romualdez said in a statement. Of course, the mining
operations are located in the very wide watersheds beyond the
boundaries of both Cagayan de Oro and Iligan.

- Meanwhile, Philippine Wood Producers Association (PWPA)


deputy executive director Maila R. Vasquez denied the presence of
commercial logging operations in northern Mindanao… So where did
the thousands of cut logs that destroyed houses and now littering the
coastline and clogging the rivers come from?

Maliban sa pagtawag sa mga kritiko bilang maka-kaliwa,


patongpatong ang ginagawang pagsisinungaling ng mga grupong
sang-ayon sa pagmimina at pagtotroso upang guluhin ang utak ng
mga tao:

“Kinumpirma ng Mines and Geosciences Bureau na walang


nagaganap na malakihang operasyon ng pagmimina sa Cagayan de
Oro at Iligan…,” ayon sa isang pahayag ni Phillip Romualdez,
Pangulo ng CMP.

44
Siyempre, sadyang malayo sa teritoryo ng Cagayan de Oro at Iligan
ang nagaganap na pagmimina, kung saan may malalawak na
imbakan ng tubig.

Samantala, pinasinungalingan naman ng deputy executive director


ng Philippine Wood Producers Association (PWPA) na si Maila R.
Vasquez ang pagkakaroon ng komersyal na pagtotroso sa hilagang
Mindanao…

Kung gayon, saan nanggaling ang libu-libong piraso ng kahoy na


dinaganan ang mga kabahayan at nakakalat ngayon sa
dalampasigan at nakabara sa mga ilog?

- Inilista naman ni Dr. Giovanni Tapang ang 7 paraan upang


maibsan ang panganib sa mga sakuna na maaaring sapitin ng
bansa, at kasama na dito ang mga kaukulang paghahanda. Isa sa
mga mungkahi niya ang gayahin ang paghahandang ginagawa ng
bansang Cuba bago dumating ang mga bagyo.

- Iminungkahi naman ng Dekanong si Tony La Viña ang 10


hakbang matapos mangyari ang Sendong. Ayon sa kanya, dapat
iwasan ang sisihan at turuan, subalit dapat ring managot ang mga
responsable sa nangyari: Although this is certainly not the time for
blame games, accountability must be exacted. In other countries,
notably in Japan, officials take themselves out of the equation by
resigning and taking responsibility. Unfortunately, we do not have
that tradition here. And so I welcome the task forces created by the
President to investigate what happened, although I would have
preferred an independent commission to do this job to have more
objective findings. Nevertheless when they finish, I hope they will file
the appropriate criminal, civil and administrative cases against
accountable officials. I would especially want charged those officials
who abetted the activities that exacerbated the disaster, or those
which had the

45
information and the power to prevent it (but negligently did not do
so). Hindi man ito ang panahon para sa magsisihan, dapat matukoy
ang mga pananagutan. Sa ibang bansa, gaya ng bansang Hapon,
naging bukal sa loob ng mga opisyales na pasanin ang
responsibilidad at magbitiw sa tungkulin. Sa kasamaang palad, wala
tayong ganoong tradisyon. Pinapaubaya ko na sa mga itinalaga ng
Pangulo upang mag-imbestiga sa nangyari, bagamat mas obhektibo
sana kung isang hiwalay na komisyon ang gumagawa ng
imbestigasyon. Gayunpaman, anuman ang kanilang mahanap,
hinihiling ko na magsampa sila agad ng kaukulang kasong kriminal,
sibil at administratibo sa mga opisyales na nagpabaya. Nais kong
makitang maisuplong ang mga opisyales na nagbigay pahintulot sa
mga aktibidad kaya't lalong lumala ang naging pinsala, o di kaya
‘yung mga taong may impormasyon at kapangyarihan upang
maiwasan ang sakuna (subalit pinili na pabayaan ito).

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ayon sa artikulo ano ang epekto ng pagmimina at pagtotroso sa


mga nararanasang kalamidad ng bansa?

2. Bakit mahalaga ang tamang gawain at desisyon na ginagawa


ng mga tao upang maiwasan ang mga kalamidad? Ipaliwanag.

3. Ano ang pangkalahatang epekto ng ating mga desisyon sa


kinabukasan ng ating bansa?

4. Dapat bang ipagpatuloy ang mga gawaing pangkabuhayan


katulad ng pagmimina nagdudulot ng kalamidad? Oo o Hindi.
Patunayan.

46
Pangwakas Isaad kung ano ang iyong gagawin sa bawat sitwasyon: Kopyahin
na Pagsubok
ang sitwasyon sa sagutang papel. ( 5 puntos bawat
sitwasyon/bilang) Gamitin ang pamantayan sa ibaba bilang
pamantayan ng iyong paggawa.

Pamantayan:
Kawastuhan ng ideya batay sa paksa 2
Organisado at malikhain na paglalahad ng ideya 1
Pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang natutuhan sa paksa 2
KABUUAN- 5

1. May mga nagsusunog ng mga halaman at nagpuputol ng mga


kahoy sa kagubatan na malapit sa inyo.
_______________________________________________________

2. Laging nagbabara ang daluyan ng tubig sa gilid ng inyong


bahay dahil sa hindi wastong pagtapon ng basura
_______________________________________________________

3. Nabalitaan mong gumagamit ng dinamita ang iyong kapitbahay


na mangingisda.
_______________________________________________________

4. Nasisira ang kabundokan na malapit sa inyo dahil sa


isinasagawang pagmimina.
_______________________________________________________

5. May usok na bumubuga mula sa isang pabrika na itinayo


malapit sa kabahayan.
_______________________________________________________

47
Karagdagang Iba ang may Alam!
Gawain

Ngayon naman, kumuha ka ng isang malinis na papel gaya ng bond


paper. Pagkatapos ay gumawa ng Poster na nagpapakita ng mga
paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng
suliraning pangkapaligiran: Gamitin ang Rubrik bilang pamantayan
ng iyong paggawa.

POSTER

RUBRIK NG PAGMAMARKA

Kriterya Napakagaling Magaling May


15 10 kakulangan
5

48
Impormatibo Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
poster ay poster ay poster ay
nakapagbibigay nakapagbiga kulang ng mga
ng kumpleto, y ng wasto impormasyon
wasto, at na tungkol sa
mahalagang nagpapakita paghahandang
impormasyon na
ng mga nararapat gawin
nagpapakita ng
mga paghahandan sa harap ng
paghahandang g nararapat
gawin sa panganib na
nararapat gawin
sa harap ng harap ng dulot ng
panganib na
dulot ng suliraning

panganib na dulot suliraning pangkapaligira n


ng suliraning pangkapaligir
pangkapaligiran. an.

Malikhain Nagpakita ng Malikhain at May


pagkamalikhain at magaling ang kakulangan ang
napakagaling na element element ng
disenyo ng poster. ng disenyo ng
disenyo poster.
ng
poster.

49
50
PINAGMULAN NG MGA TEKSTO AT LARAWAN

Aralin 1

• https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcTThMZih8I5Bds
3kA_Qq6WIvdakd48-XbeZH8dYvS2ZVVVBJRD&usqp=CAU
• https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcTThMZih8I5Bds
3kA_Qq6WIvdakd48-XbeZH8dYvS2ZVVVBJRD&usqp=CAU
• https://www.sunstar.com.ph/article/1772990


Aralin 2

• AP10Learners Materia
l; Pahina 61
-74

Aralin 3

• https://www.nytimes.com/2019/10/30/world/asia/philippines -earthquakedavao-
mindanao.html
• https://blogs.agu.org/geospace/2017/04/26/new -study-challenges-long-
heldtsunami-formation-theory-plus-video/

51
• https.///.livescience.com.z
• https.//en.m.wikipedia.org
• https.//www.manilatimes.net.o
• https.//en.m.wikipedia.org
• https.//www.global change.gov
• Workteks Sa Araling Panlipunan 10 Kayamanan

52
For inquiries or comments, please contact:

53

You might also like