You are on page 1of 3

GE1805

Introduksiyon sa Pamamahayag

Paraan ng Pagpapahayag
Maaaring paraanin sa dalawa (2) ang pagpapahayag sa pamamagitan ng wika:
 Pasalita (Oral)
 Pasulat (Written).

Kaantasan ng mga Salita


May kaantasan ang mga salita; kaantasang isinasaalang-alang ng mga aral sa wika, nang sa gayon ay
ang mga salitang bibitawan o gagamitin ay bababagay sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook,
at sa okasyong dinadaluhan.
Sa ganang kabagayang ito ng mga salita, dalawa (2) lamang ang kaantasan nito: ang pormal na mga salita
at ang impormal o di-pormal na mga salita.
A. Pormal – Ito ay ang mga salitang istandard dahil ito'y kinikilala, tinatanggap, at ginagamit ng
karamihang nakapag-aral ng wika. Ang mga dalubwika ang nagpapasya kung ang salita ay dapat
gamitin, kung ito'y marapat na gamitin sa mga paaralan at sa iba pang may pangkaligirang-intelektwal
nang sa gayo'y tumaas ang uri kapag malaganap nang ginagaya.
1. Pambansa. Ito ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing sumisirkula sa buong kapuluan
at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga nagsisipag-
aral.
2. Pampanitikan. Ito ang tawag sa mga salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay at
sadyang matataas ang uri. Ito rin ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.
B. Impormal o Hindi Pormal – Ito ay mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-
araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan. Kabilang dito ang:
1. Lalawiganin. Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito. Hindi
ito ginagamit sa labas ng kinamulatang lalawigan, liban kung sila-sila'y magkakatagpo-tagpo sa
labas at, dahil kinagisnan, natural na siyang naibubukambibig. Kapansin-pansin ang mga
lalawiganing mga salita; bukod sa iba ang bigkas, may kakaiba pang tono. Ang lalawiganing salita
ang tulak ng mga makarehiyonal na kaugalian ng tao.
2. Balbal. Ang mga salitang ito'y tinatawag na slang sa Ingles. Ang mga salitang ito noong una ay
hindi tinatanggap ng mga magulang at may pinag-aralan dahil masagwa raw pakinggan. Sa mga
grupo-grupo nagsisimula ang pagkalat nito. Sila ang umimbento, para nga namang code, upang
hindi maiintindihan ng iba ang kanilang pag-uusapan. Pabago-bago rin ang mga salitang balbal.
Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal o agad nawawala. Ang mga
salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto, salitang lansangan, salita ng mga estudyante,
teenage lingo, at sa grupo ng mga bakla ay swardspeak o gay talk.
3. Kolokyal (Colloquial). lto'y pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar,
bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.

PORMAL IMPORMAL
Pampanitikan Pambansa Balbal Lalawiganin
Kapusod Kapatid Utol Tugang (Bikol)
Nasisirang-bait Baliw Buwang Buang (Bisaya)
Gahigante Malaki Tsimay Alila
Katuwang Katulong Kumanta Tumuga (Bikol)
Nagtapat Umamin

Kasaysayan ng Pamamahayag sa Pilipinas


Ang kabuuang anyo ng media sa Pilipinas ay produkto ng at umikot sa magulong kasaysayan na may
paulit-ulit na pangyayari: mga pagtatangkang pananakot—maging noong kolonisasyon ng Kastila o Amerikano,
pananakop ng mga Hapon o Martial Law ni Marcos—at ang kakayahan ng media na makabawi, na nakita sa
walang hupa, at kadalasang palihim na pag-uulat laban sa pamahalaan.
Isa pang tema ang pag-angat at pagbagsak ng iba't ibang panahon ng mga oligarka ng media na
nagkamit, nawala, at bahagyang nakamit muli ang kanilang kapangyarihan sa ekonomiya at pulitika, bago, sa
panahon ng, at pagkatapos ng panunungkulan ni Marcos.

01 Handout 1 *Property of STI


 student.feedback@sti.edu Page 1 of 3
GE1805

Naglatag ng pundasyon ang American-style na pamamahayag


Ang kolonisasyon ng Amerika (1898–1946) ay nag-iwan ng marka sa pamamahayag at naghubog ng
estilo tulad ng mabulaklak na wika, walang pinapanigan, at may kapares na kontribusyon mula sa matigas sa
sariling paniniwala at popular na mga kolumnista. Ang mga unang istasyon ng radyo sa Asya ay nabuo noon,
marahil bilang ang broadcast media sa Pilipinas ay hindi pagmamay-ari o mahigpit na kontrolado ng gobyerno
na siya ring sitwasyon sa natitirang bahagi ng kontinente. Noong mga 1930, ang pamamahayag ay naging
masigla at unti-unting napasakamay ng mga Pilipino; nag-umpisa na ang tradisyon ng mga makapangyarihang
pamilya na mamuhunan sa media para magkaroon ng impluwensya sa pulitika at ekonomiya.

Biglang naputol ito nang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pananakop of mga Hapon (mula 1941)
Ang mga pahayagan ay naging biktima, at ang karamihan ng mga patnugot ay sapilitang ikinulong o
ipinatapon. Ang panahon ng maliit na tanggapan ng media ay natapos. Nang sumunod na dalawang (2) dekada,
pinatatag ng mga oligarka ang kanilang posisyon bilang pangunahing may-ari ng mga kumpanya ng babasahin
at brodkas. Pinagsama sa imperyo ang higit isang uri ng media o cross-media (sa oligarka ng media ngayon at
noon). Ang mga imperyong ito ay unti-unting naging konsentrado. Bago naging pangulo si Marcos, ang media
ay kahawig ng ibang mga institusyon sa Pilipinas sa isang (1) paraan: sa ilalim ng telon ng demokrasya ang
mga taong nabibilang sa mataas na lipunan ay malayang nagagawa ang pang-ekonomiya at pampulitikang
adyenda nang halos walang pumipigil na anumang tunay na pananagutan sa publiko.

Rehimeng Marcos: Sensura at mga crony


Iniutos ni Ferdinand Marcos, pangulo mula 1965, ang pagsasara ng lahat ng pahayagan at istasyon ng
brodkas nang ideklara niya ang Martial Law at buwagin ang Kongreso noong 1972. Nais niyang alisan ng
kapangyarihan ang mga oligarka ng media, at sapilitang dinala ang mga mamamahayag at tagapaglathala sa
kulungan. Nang muling buksan ang ilang kumpanya ng pahayagan, ang mga ito ay isinailalim sa mahigpit na
pamamahala ng gobyerno. Habang nawala ang mga oligarka, ang media ay naging pag-aari ng kamag-anak ni
Marcos o kanyang mga kaibigan na kilalang kilala sa tawag na mga crony—isang mas konsentradong grupo.
Ang pangangalap at pag-uulat ng balita ay sinusuring mabuti ng mga sensor na militar at inutusan, sa
pamamagitan ng tinatawag na Mass Media Council, na huwag pansinin ang kontrobersyal at kritikal na mga
istorya na maaaring makagambala sa "katahimikan ng kapaligiran."

EDSA: ‘Di marahas na People Power, pinanood sa buong mundo habang nangyayari
Taong 1983, ang pangunahing karibal ni Marcos na si dating senador Benigno Aquino Jr. ay pinatay
pagdating mula sa Estados Unidos matapos ang ilang taong pagkaka-distiyero. Nagresulta ito sa mga protesta
sa kalsada at gutom para sa balita na naggatong sa mga umusbong na media ng oposisyong nag-ulat tungkol
sa pataksil na pagpatay at iba pang-aabuso ng rehimen.

Nanawagan ang mga mamamayan ng boykot ng "crony press" (media na pag-aari ng crony), habang
ang mga media na laban kay Marcos ay nagpaigting ng hinanakit sa gobyerno at tumulong magpakilos ng
suporta ng publiko para kay Corazon C. Aquino, na naging pangulo matapos mapatalsik si Marcos sa isang
mapayapang rebolusyon noong Pebrero 1986. Ang pag-aalsa ay kilalang kilala bilang EDSA People Power
Revolution—ipinangalan sa highway (Epifanio de los Santos Avenue) kung saan higit isang milyong tao ang
nagtipon-tipon sa harapan ng mga kampo ng militar at pulis para suportahan ang mga opisyal na nag kudeta.

Ang mga kritikal na sandali sa EDSA ay binigyang-buhay ng media at nai-brodkas sa buong mundo.
Mula sa pag brodkas ng aktuwal na bakbakan sa pag-agaw ng pangunahing istasyon ng telebisyon hanggang
sa biglang pagputol sa talumpati ni Pangulong Marcos, ang buong mundo ay nanonood.

Pagbagsak ng sistema at ang pag-angat ng mga dating nabibilang sa mataas na lipunan


Sa pagbagsak ng rehimeng Marcos, ang labing apat na taong sistema ng kontrol sa media ay
bumagsak sa isang magdamag. Sa nabakanteng espasyo, nagkumahog at pumasok ang mga bagong
pahayagan at mga istasyon ng radyo at telebisyon habang ang mga kumpanya ng media na pag-aari ng mga
crony ay inilit ng bagong gobyerno. Sa siksikan at lumalaking merkado ng media pagkatapos ng pagbagsak ni
Marcos, ang mga organisasyon ng media na nakagawa ng pinakamabentang pormula ang lumabas na
nangingibabaw. Ang mga kumpanya ng media ay napunta na sa kamay ng pribadong sektor, maliban sa mga
himpilan ng telebisyon at radyo na naging pag-aari na ng gobyerno. Ang ilan sa mga oligarka bago pa maging

01 Handout 1 *Property of STI


 student.feedback@sti.edu Page 2 of 3
GE1805

pangulo si Marcos ay nabawi ang kanilang mga kumpanya ng media na kinuha sa kanila ng pamahalaan,
katulad ng pamilya Lopez.

Ang pagbagsak ni Pangulong Estrada – isang rebolusyon na inilunsad sa pamamagitan ng text message
Ang magulo at maingay na media, ang paglalarawan sa pamamahayag sa Pilipinas pagkatapos nitong
mabawi ang kalayaan, ay laging nagpapahirap sa mga may kapangyarihan. Sina Pangulong Corazon Aquino
at Fidel Ramos ay maaaring hindi naging komportable pero nagawa nilang pagtiisan ang pagbabantay ng media
dahil alam nila ang papel nito sa demokrasya. Pero si Pangulong Joseph Estrada ay hindi gaano naging
mapagparaya.

Nagalit si Estrada sa mga balita tungkol sa kanyang umanong katiwalian. Ginamit niya ang
kapangyarihan ng estado sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasong libelo laban sa isang pahayagan. Batid
na ang mga patalastas ang bumubuhay sa mga kumpanya ng media, kaya naglunsad siya ng kampanya para
huwag mabigyan ng patalastas ang pahayagang ito. Pinagbantaan din niya ang mga may-ari ng media ng pag-
odit sa kanilang buwis. Ipinakita nito kung paano maaaring takutin ang media sa marami at bagong mga paraan
nang hindi hayagang nilalabag ang umiiral na konstitusyonal at legal na garantiyang sa teorya ay nagbibigay
proteksyon sa malayang pamamahayag.

Ang mga tangkang pagsakal ni Estrada sa mga kumpanya ng media ay nanumbalik sa kanya. Ang
popular na pagkilos na humantong sa pagbagsak ni Pangulong Estrada noong Enero 2001 ay napabilis gamit
ang makabagong teknolohiyang pangkomunikasyon. Ang unang maliit na grupo ng mga aktibista at pulitikong
kasapi ng oposisyon ang nag-umpisa ng kampanya na ilantad ang mga kamalian ng panguluhang Estrada.
Walang gaanong boses sa mga pangunahing media noong umpisa. Napilitan silang gumamit ng mga e-mail,
website, at magkalat ng impormasyon at mga biro sa pamamagitan ng SMS.

Nang tumaas ang kamalayan ng publiko kaugnay ng kanyang mga krimen, ang mga mambabasa at
manonood na mismo ang humiling ng mas maayos na pangangalap at pag-uulat ng balita na siyang nagpalakas
sa malayang pamamahayag sa lahat ng mga silid-pambalitaan sa buong bansa. Sa huli ay napilitan ang mga
pangunahing media na sundan at ibalita ang paglilitis ng isinampang kasong impeachment laban kay Estrada
noong 2000.

Ang media sa ilalim nina Pangulong Arroyo, Aquino, at Duterte

Sa ilalim ng pamumuno ni Gloria Arroyo, ang pag-atake sa media ay ginawa ng kanyang asawa na si
Jose Miguel T. Arroyo, sa pamamagitan ng mga kasong libelo laban sa 46 na mamamahayag. Ang mga kaso
ay isinampa ng Unang Ginoo sa loob ng tatlong (3) taon—mula 2003 hanggang 2006—at humingi ng kabuuang
P140-milyon bilang danyos. Lumaban ang mga mamamahayag at nagsampa rin ng P12.5-milyong class suit
laban sa Unang Ginoo. Kinalaunan, iniurong ni Arroyo ang mga kasong libelo na isinampa niya noong Mayo 3,
2007, sa paggunita ng World Press Freedom Day.

Si Pangulong Benigno Aquino III ay hindi tinupad ang kanyang pangako noong kampanya na isulong
ang pagpasa ng Freedom of Information Law na makatutulong sa pagpapalawig ng transparency at
pananagutan sa pamumuno.

Sa unang buwan sa panguluhan, naglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order para sa
Freedom of Information sa kagawaran ng ehekutibo. Gayunman, mayroon itong 166 exemptions o mga
sitwasyon na hindi saklaw ng kautusan.

PINAGMULAN:

Vera Files. (n.d). Kasaysayan. Retrieved from https://philippines.mom-rsf.org/fil/konteksto/kasaysayan/

01 Handout 1 *Property of STI


 student.feedback@sti.edu Page 3 of 3

You might also like