You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
DIVISION OF BUTUAN CITY
Southeast Butuan District-1
ALVIOLA VILLAGE INTEGRATED SECONDARY SCHOOL -ANNEX
Baan km 3, Butuan City

FILIPINO 10
Lagumang Pagsusulit 3
Unang Markahan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Hilig sa marangyang handaan at pagtitipon sa hapunan. May kahalintulad bang


kulturang ganito ang mga Pilipino? Oo sa
A. ilang rehiyon ng Pilipinas
B. mga katutubo ng Pilipinas
C. mga kasalan, kaarawan at piyesta
D. may malalaking pagawaan

2. Pagpapahalaga sa kanilang bansa at pamahalaaan. Nagagalit kapag nakarinig


ng negatibong komento tungkol dito. Alin sa sumusunod ang katotohanan ng
kulturang ito sa mga Pilipino?
A. Marami sa mga Pilipino ay hindi na kakikitaan ng nasyonalismo.
B. Ang mga Pilipino ay handang mamatay alang-alang sa pamahalaan.
C. Ang mga Pilipino ay nagagalit kapag may mga banyaga na pumunta
sa bansa.
D. Marami sa mga Pilipino ang nanilbihan sa ibang bansa upang
makatulong sa bansa.
 

3. Pagpapahalaga sa estilo at sopistikasyon, pagkilos at pamumuhay na tila


maharlika o mga mayayaman. May impluwensiya ba ang kulturang ito sa mga
Pilipino?
A. Oo, nakatago nga lang hindi lantaran.
B. Oo, kitang-kita sa pag-uugali at kilos ng mga Pilipino.
C. Hindi, tayo ay nasa ilalim ng impluwensiya ng mga Amerikano.
D. Hindi, sadyang katutubong Pilipino tayo sa kilos at pag-uugali.

4. Hilig sa mariringal na pananamit, gaya ng paggamit ng mga bandana at berets.


Alin ang totoo tungkol dito pagdating sa mga Pilipino?
A. Ganitong-ganito manamit ang mga Pilipino.
B. May iilang Pilipino na gumagamit nito ngunit kakaunti.
C. Hindi impluwensiyado ang mga Pilipino sa kulturang ito.
D.Talamak ang mga ito noong panahon ng Kastila.
5. Ang pangunahing relihiyon ay Katoliko, nagdiriwang ng mga piyesta, pasko at
Mahal na Araw. Alin sa sumusunod ang katotohanan ng kulturang ito sa buhay
ng mga Pilipino?
A. Wala itong katotohanan sa buhay ng mga Pilipino.
B. Lahat nang ito ay naging bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino.
C. May iilan dito na naging bahagi ng tradisyong Pilipino.
D. Ang pagiging Katoliko ay pangkalahatang relihiyon ng mga Pilipino.

6. Pinahahalagahan ang pagkakapantay-pantay, kalayaan, at kapatiran. Ito ba


ay bahagi ng mga nakagawian ng mga Pilipino?
A. Lahat ng ito ay bahagi ng pag-uugaling Pinoy.
B. Ito ay nasira na gawa ng pananakop ng ibat- ibang dayuhan.
C. Wala itong katotohanan sa buhay ng mga Pilipino.
D. Pinagsikapan itong ipatupad ng pamahalaan.

7. Pagsusuot ng mahahabang amerikana at terno ng mga kalalakihan. Naging


impluwensiya ba sa mga Pilipino ang ganitong pananamit? Oo sa
A. mga espesyal na okasyon at opisina
B. pang-araw-araw na pamumuhay
C. iilang bahagi ng Pilipinas
D. lahat ng pagkakataon

8. Pagdiriwang sa Araw ng mga Manggagawa tuwing Mayo 1. Alin sa


sumusunod ang nagpapakita ng impluwensiya nito sa mga Pilipino?
A. Walang klase tuwing Mayo 1
B. Nagwewelga ang mga tao tuwing Mayo 1
C. Nagra-rally ang mga manggagawa tuwing Mayo 1
D.Nagdiriwang ang pamahalaan tuwing Mayo 1

9. Alin sa sumusunod ang katotohanan tungkol sa hilig ng mga Pilipino sa sining?


A. May malaking impluwensiya ang France sa hilig ng mga Pilipino sa
sining
B. Impluwensiya ng Espanyol ang hilig ng mga Pilipino sa likhang sining
C. Mahilig sa mga likhang sining ang mga katutubong Pilipino noon pa
D. Walang hilig ang Pinoy sa mga likhang-sining hanggang ngayon
 

10. Bahagi ba ng nakasanayan ng mga Pilipino ang paghalo ng alak


bilang sangkap sa lutuin?
A. Oo, sa lahat ng pagkakataon.
B. Oo, sa iilang pagkakataon.
C. Hindi kailan man.
D. Hindi, iniinom lamang ito.
 

 
11. Namutla ang asawa dahil ang kanyang naipon ay ipambibili sana niya ng baril
pang-ibon sa nalalapit na tag-araw. Anong bahagi ng katauhan ang
inilalarawan ng may-akda?
A. panloob na anyo C. panlabas na anyo
B. larawang pisikal D. reaksyon ng ibang tauhan

12. Alin sa mga sumusunod ang simbolo o hudyat na salita sa paglalarawan ng


tauhang si G. Loisel?
A. namutla C. nalalapit
B. asawa D. tag-araw

13. Isa siya sa mga magagandang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay


isinilang sa isang angkan ng mga tagasulat. Anong salita o mga salita ang
naging hudyat ng paglalarawang pisikal ng tauhang si Mathilde?
A. Isa C. magagandang babae
B. pagkakamali ng tadhana D. tagasulat

14. Anong paraan ng paglalarawan ang ginamit ng may-akda kay Mathilde sa


salaysay na nasa bilang 3?
A. panloob na anyo C. panlabas na anyo
B. katangiang pisikal D. pasalaysay

15. Masasalamin ba kay Mathilde ang pag-uugali ng babaeng taga-France?


A. Oo, sapagkat mahilig siya sa moda.
B. Oo, sapagkat mahilig siyang manghiram ng alahas.
C. Hindi, sapagkat tanggap niya ang pagkakamali.
D. Hindi, sapagkat natuto na siyang magpakumbaba.

16. Alin sa mga sumusunod ang kultura ng taga-France na nakaimpluwensiya na


rin sa ating mga Pilipino sa larangan ng pananamit?
A. bandana C. amerikana
B. berets D. terno

17. Anong aral o pagpapahalaga ang hatid sa atin ng katauhan ni Mathilde?


A. Ang paghahangad ng labis ay nagdudulot ng kapahamakan.
B. Gaano man kataas ang paglipad ay siyang bigat ng pagkabagsak.
C. Kung ano ang itinanim ay siya mong aanihin.
D. Laging nasa huli ang pagsisisi.

18. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa panloob na anyo ng tauhang
inilalarawan?
A. damdamin C. isipan
B. kilos D. mithiin
19. Masasabi mo bang isang mabuting kaibigan si Madame Forestier?
A. Oo, sapagkat walang pag-aalinlangan na pinahiram niya si Mathilde
ng alahas.
B. Oo, sapagkat lagi siyang handing tumulong ninuman
C. Hindi, sapagkat tinanggap pa niya ang napakamahal na alahas
D. Hindi, dahil ang kuwintas na ipinahiram ay nagdulot ng kapahamakan

20. Bakit napabilang sa Kuwento ng Tauhan ang kuwentong “Ang Kuwintas”?


Dahil ito’y _
A. nagsasalaysay at naglalarawan ng katangian ng pangunahing
tauhan.
B. nagpapakita ng kultura ng bansang France
C. naglalarawan ito sa samahan ng mag-asawang G. Loisel at Mathilde
D. ipinakikita rito ang pagpapahalaga ng asawang lalaki sa kanyang
Kabiyak

21. Ano ang pangunahing relihiyon ng France?


A. Katoliko C. Protestante
B. Islam D. Judaism

22. Bakit hindi lahat ng Pranses ay nagsasalita ng wikang French? Dahil sa iba-
iba ang _
A. kanilang paniniwala
B. lahing nakatira sa France
C. pagkakahati ng mga bansa sa mga rehiyon at probinsiya
D. sumakop sa kanilang bansa

23. Ano ang pagkakatulad ng Pilipinas at France sa usaping wikang opisyal


ng bansa? Dahil ang mga ito ay parehong
A. French ang wikang pambansa
B. Filipino ang wikang ginagamit
C. may pagkakaiba-iba ang mother tongue ng mga tao
D. may letrang F nagsimula ang opisyal na wikang gamit

24. Ano ang pagkakatulad ng Pilipinas at France sa usaping relihiyon?


A. Katoliko ang pangunahing relihiyon ng France at Pilipinas
B. Ilan sa mga kadugo ay Islam, Protestante, at Judaism
C. May mga lugar na iba ang paniniwala at relihiyon
D. Naniniwala sa tatlong persona ng Panginoon

25. Aling kultura ang taglay ng France na naging isyu para sa mga turista?
A. Pagpapahalaga sa pananamit
B. Pagpapahalagang nasyonalismo
C. Hilig sa mararangyang handaan
D.Tradisyunal na mga Pagdiriwang
 
 

26. Aling kultura ng taga-France ang nagpapakita na sila ay may mataas na


pagpapahalaga sa kanilang sarili?
A. Sopistikado manamit
B. Katoliko ang relihiyon
C. Wikang French ang ginagamit
D. Nagsasagawa ng tradisyunal na mga pagdiriwang

27. Sa anong tradisyon at pagdiriwang nagkakatulad ang France at Pilipinas?


A. Pasko at Araw ng mga Puso
B. Mahal na Araw at Pasko
C. Araw ng mga Manggagawa at Araw ng Bastille
D. May Day at Araw ng Tagumpay

28. Alin sa mga sumusunod na pag-uugali ang hindi kabilang sa kultura ng mga taga-
France?
A. sopistikado manamit
B. mahilig sa masasarap na pagkain
C. mahilig dumalo sa kasayahan
D. mapanghusga sa kapwa

29. Alin sa mga sumusunod ang kultura ng mga Pilipino na masasabing hindi
magandang impluwensiya ng mga Pranses?
A. Sopistikado kung manamit
B. Nagpapahalaga sa bansa at pamahalaan
C. Pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa
D. Hilig sa mararangyang handaan sa kabila ng kahirapan

30. Alin sa mga sumusunod ang magpapaliwanag sa hilig ng mga Pranses na dumalo
sa mga kasayahan?
A. Sila ay mahihilig sa masasarap na pagkain at alak.
B. Sila ay mga Katoliko na mahilig magdiriwang ng piyesta.
C. Sila ay nagpapahalaga sa kanilang bansa at mamamayan
D. Sila ay may magarang pananamit na gustong ipakita sa kasayahan

5
 
 

You might also like