You are on page 1of 7

Department of Education

Negros Island Region


Division of Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod City

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5


Unang Markahan
ARALIN 1
Batayang Pagpapahalaga: Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng
Pamilya- Unang Markahan

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng


pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at
pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa sarili at
sa pamilyang kinabibilangan.

Pamantayang Pagganap: Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin


sa kung ano ang dapat at di-dapat.

Pamantayang Pagkatuto: Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng


pagsusuri sa mga:

1.1. Balitang napakinggan


1.2. Patalastas na nabasa/ narinig
1.3. Napanood na programang pantelebisyon
1.4. Nabasa sa internet

I. Mga Layunin:

Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga balitang


napakinggan, patalastas na nabasa/ narinig, napanood na programang
pantelebisyon o nabasa sa internet. (EsP5KPK-Ia-27)

II. A. Paksa/ Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip ( Critical Thinking)

B. Mga Kagamitan: Computer, video-clips, manila paper, pentel pen,


masking tape, krayola

C. Integrasyon: Information and Communication Technology,


Araling Panlipunan

D. Nakalaang Oras: Dalawang (2) oras at tatlumpung (30) minuto

1|Edukasyon Sa Pagpapakatao 5-Division of Negros Occidental


Panimula:

Maraming paraan ang pagkuha ng impormasyon sa kasalukuyang panahon ngunit


dapat tayong maging mapanuri.

Ang anumang impormasyon na ating nakukuha sa pakikinig sa radio, napanonood sa


telebisyon, nakikita sa patalastas at sa paggamit ng internet ay dapat sinusuri nang lubos
upang maiwasan ang maling pag-unawa.

Ang pagiging mapanuri ay ang pagiging masiyasat at mapagtimbang sa mga bagay-


bagay upang magkaroon ng tamang pagpapasiya.

Ang media ay may malaking bahagi sa ating pamumuhay ngayon ngunit kaakibat
nito ang responsableng paggamit upang maging positibo ang epekto nito sa ating buhay.

Ano ang magiging epekto kung maling impormasyon ang nakuha?

Ano ang dapat gawin upang maiwasan ito?

III. PAMAMARAAN

ALAMIN NATIN
______________________

A. Pagganyak

- Sino ang nakikinig, nanonood o nagbabasa ng balita? Saan natin maaaring


makuha ang mga balita na ating napanood, narinig o nabasa?

B. Paglalahad

Ipabasa ang isang kwento

Mungkahing kuwento:

Sa isang liblib na lugar sa isang probinsya, usap usapan ng mga tao ang
napabalitang darating na bagyo na may kasamang malakas na hangin at ulan. Ayon
sa mga eksperto ito ay tinatawag na daluyong o storm surge na maaring magdulot
ng matingding pinsala katulad ng nangyari sa mga probinsya ng samar at Leyte. Nag
iwan ang kalamidad na ito ng isang nakakalumong pangyayari dahil sa maraming
buhay ang nabuwis at malaking bahagi ng mga probinsyang nabanggit ay nasira ang
mga ari-arian at malaking bahagi ng agrikultura ang nawasak.

2|Edukasyon Sa Pagpapakatao 5-Division of Negros Occidental


C. Mga Tanong:
1. Ano- ano ang mga pangyayaring base sa kwentong iyong binasa?
2. Ano naman ang naiulat ng reporter?
3. Sa iyong palagay, tama ba ang naiulat ng reporter? Bakit?
4. Ano ang maaring ibunga ng maling pagbabalita?
5. Ngayong nasuri mo na ang mga balita ay mali, ano ang iyong gagawin?
6.

A.M ________________________ D.P__________________________

ISAGAWA NATIN
______________________

Gawain 1: Laro: Ipakita Mo, Hulaan ko

Bumuo ng 5 pangkat Bigyan ng envelope ang bawat pangkat na may laman


ng sumusunod na mga simbolo o salita. Bawat pangkat ay gagawa ng 3 tanong tungkol sa
simbolo o salita na magsilbing gabay para mahulaan ng buong klase ang salita o simbolo .

1. Ano ang mga simbolong ito?


2. Saan natin ito nakikita?
3. Ano-anong impormasyon ang nakukuha natin ditto?
4. Paano mo sinusuri ang mga impormasyon nababasa mo rito?

GAWAIN 2:

Pangkatang Gawain

1. Ipangkat ang mga bata sa magugustuhan o mapipiling personalidad na


reporter o taga pag ulat. Bawat pangkat ay binubuo ng 8-9 na miyembro.

3|Edukasyon Sa Pagpapakatao 5-Division of Negros Occidental


2. Halimbawa: pangkat 1: Karen Davila
Pangkat 2: Bernadette Sembrano
Pangkat 3: Jessica Sojo
Pangkat 4: Julius Babaw
Pangkat 5: Erwin Tulfo

3. Ibigay ang “ Activity Sheet”

Pangkat I- Karen Davila


Magtala ng balitang napanood mo sa telebisyon kagabi, sumulat ng
tatlo hanggang 5 pangungusap tungkol dito. Sabihin kung may katotohanan ang
nasa balita. Ipakita ito sa klase sa pamamagitan ng RAP.

Pangkat II- Bernadette Sembrano

Magtala ng balitang nabasa mo sa pahayagan kagabi o kahapon.


Sabihin kung ano ang iyong naramdaman dito. Ipakita sa klase sa pamamagitan
ng pag ulat.

Pangkat III- Jessica Sojo

Magtala ng balitang nabasa o napanood mo sa internet Magbuo ng


inyong opinion ukol dito at ipakita sa klase sa pamamgitan ng role- playing.

Pangkat 4: Julius Babaw

Magtala ng balitang napakinggan mo sa radio kagabi. Ipahayag

Ipahayag ang iyong opinion ukol ditto. Ipakita sa klase sa

pamamgitan ng pagguhit.

Pangkat 5: Erwin Tulfo

Magtala ng balitang napakinggan sa isang kamag-aral, ipahayag


ang iyong damdamin tungkol dito at ipakita sa klase sa pamamgitan ng
pagtula.

1. Saan tayo nakakakuha ng mga impormasyon ?


2. Ano ang dapat natin gawin sa mga balitang nalalaman natin dito?
3. Sa paanong paraan natin nasusuri ang katotohanan ng mga ito?
4. Mahalaga ba na suriin ang mga balitang nakukuha natin sa mga ito?
5. Ipagamit ang rubrics o pamantayan na gagamitin sa pagmamarka sa
pagtatanghal.

4|Edukasyon Sa Pagpapakatao 5-Division of Negros Occidental


PAMANTAYAN

1. Linaw ng Naipapahayag ng Naipapahayag nang Hindi malinaw na


pagpapahayag napakalinaw ang malinaw ang maipahayag ang
ng kaalaman kaalamang nais kaalaman nais kaalamannais
iparating iparating iparating
2. Pakikiisa Lahat ng kasapi ng 2 kasapi ng pangkat 3 o higit pa kasapi
pangkat ay ang hindi nakilahok sa pangkat ang hindi
nakilahahok sa sa gawain nakilahok.
gawain.

A.M_________________________ D.P ___________________

ISAPUSO NATIN ______________________

A. Pumili tatlong bata na magbibigay ng isang presentation hango sa


patalastas ng tatlong bata tungkol sa isang gatas. (Bonakid Commercial).
Suriin ang katotohanan ng patalastas.
B. Sumulat ng isang talata ukol sa kung anong uri ng palabas ang dapat
panoorin ng isang batang katulad mo.
C. Panoorin ang programa ng ABS-CBN na “ Ang Probinsyano” ngayong
gabi para sa talakayan bukas.

TANDAAN NATIN
Dapat maging mapanuri sa mga balitang napapakinggan, patalastas na nabasa/
narinig, mga programang napanood sa telebisyon at iba pang uri ng social media
tulad ng internet upang mapahalagahan ang katotohanan ng isang pangyayari.

A.M ________________________ D.P _________________________

5|Edukasyon Sa Pagpapakatao 5-Division of Negros Occidental


ISABUHAY NATIN
______________________

1. Ipaliwanag nang buong husay ang panuto sa mga bata ayon sa nakalaang
gawain.

Panuto: Inyong napanood ang episode kagabi ng programang pantelebisyon na


“Ang Probinsyano”. Unawain ang mga kaganapan sa bawat tagpo ng program at
suriin kung ang mga ito ay may mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at sa
pamilyang kinabibilangan.

MABUTING MAIDUDULOT DI-MABUTING MAIDUDULOT

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

A.M __________________________ D.P ______________________

SUBUKIN NATIN ______________________

May nabasa kang ganitong patalastas sa pook-pasyalan na


pinupuntahan ninyong mag-anak. Suriin mo ito kung makatotohanan.
Paano ito makatutulong sa iyong sarili at pamilya?

6|Edukasyon Sa Pagpapakatao 5-Division of Negros Occidental


Take nothing but photos,
Take nothing but pictures, Leave nothing but footprints
Leave nothing but footprints.

A. Sagutan ang tseklist.

KASANAYAN OO (3) MINSAN (2) HINDI (1)


1. Sinusuri kong mabuti ang nababasa
kong nakapost sa intenet bago
maniwala.
2. Inuunawa ko muna ang napakinggang
balita sa telebisyon bago magbigay ng
reaksyon
3. Inaalam ko sa tuwina ang positibong
epekto ng napanood kong programa sa
telebisyon.
4. Nababatid ko na hindi lahat ng aking
nababasa at naririnig ay may
katotohanan.

KABUUANG ISKOR

10-12 – Nakagagawa nang napakahusay na pagsusuri

7-9 – May kahusayan sa pagsusuri

4-6 – May kakayahang makapagsuri

0-3 – Nangangailangan ng gabay sa pagsusuri

A.M. __________________________ D.P __________________________

7|Edukasyon Sa Pagpapakatao 5-Division of Negros Occidental

You might also like