You are on page 1of 5

4.

Paghahanda ng Tentatibong Balangkas

▪ Sa pamamagitan ng balangkas, mabibigyang-direksyon ang pananaliksik

sapagkat naisasaayos ang mga detalye mula sa inisyal na paghahanap.

▪ Ang pinakaepektibong ginagamit ng karamihan ay ang pakronolohikal, maaari

namang ayusin ang mga ideya mula sa pangkalahatan patungo sa ispesipiko.

Paksa:
Tesis na pahayag:
I. ___________________________________________________
A.______________________________________________
1.________________________________________
2. ________________________________________
B. _____________________________________________
1. ________________________________________
Pangangalap ng Impormasyon
▪ Gumamit ng index card sa pagtatala ng impormasyon at huwag kalilimutang

isulat ang sanggunian kung saan nakuha ang detalye.

▪ Sa pagtatala, maaaring sipiin nang direkta ang impormasyong mula sa

sanggunian. Makatutulong din ang kasanayan sa pagbubuod ng isang teksto.

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking

▪ Ang paraphrasing o hawig ay isa pang paraan ng pagtatala kung saan binabago

lamang ang estruktura subalit mananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

▪ Huwag kalimutang bigyang pagkilala ang mga pinaghanguan ng impormasyon


upang hindi makasuhan ng plahiyo o plagiarism.

PLAHIYA o PLAGIARISM

▪ Ito ay akto ng tuwirang pangongopya ng mga pahayag, datos, ideya, awit,

pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa at iba pa na hindi


kinikilala ang pinagkopyahan o pinagmulan.

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking

Maaaring gumamit ng tatlong uri ng tala:


1. Tuwirang sinipi- direktang sinipi mula sa isang sanggunian

2. Buod- pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Pinakamadalas gamitin sa


pagkalap ng tala.

3. Hawig-kung binago lamang ang mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig
sa orihinal.

HALIMBAWA
Inilahad naman nina Bernales (2003) na ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isa
ring maingat, kritikal, at disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba't ibang teknik
batay sa kalikasan at kalagayan ng suliranin tungo sa klaripikasyon at resolusyon.

6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline


Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung
may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin.

7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft


▪ Pinagsama-sama at inaayos ang kabuuan ng talang ibinatay naman sa

nagawang balangkas.
▪ Ang burador ay pansamantalang kabuuan ng pananaliksik.

▪ May tatlong bahagi ang sulating pananaliksik. Ang panimula o introduksyon,

katawan at kongklusyon.

PANIMULA

▪ Gawing maikli lamang dahil tiyak na magkakaroon pa ng pagbabago habang

isinusulat ang kabuuan ng pananaliksik.

▪ Ayon kay Badayos et al. (2011), sa bahaging ito inilalahad sanligan ng paksa,

ang suliraning pinagbatayan ng paksa, ang layunin ng pananaliksik at ang


kahalagahan ng paksa.
KATAWAN

▪ Pinakaimportanteng bahagi ng pananaliksik.

▪ Dito mababasa ang mas malawak at mas malalim na pagtalakay sa paksa.

KONGKLUSYON

▪ Dito matatagpuan ang lohikal na kinahantungan ng pananaliksik.

▪ Nagsisilbing buod ng lahat ng ideya na tinalakay sa katawan ng papel.

8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador


▪ I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa

iyong borador.

▪ Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay,

bantas, wastong gamit, pamaraan ng pagsulat at angkop na talababa o footnote.

PARA SA MGA AKLAT

▪ Apelyido ng Awtor,Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag) Pamagat. Lungsod

ng Tagapaglimbag: Tagapaglimbag.

▪ Arrogante, Jose P. (2007) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pagbibigay Halaga ng

Panitikan. Quad Alpha Centrum Pinan Mandaluyong City: National Bookstore.

Para sa Mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin

▪ Apelyido ng Awtor,Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag) Pamagat ng

Artikulo. Pamagat ng Pahayagan o Magasin, Paglilimbag #. (Isyu #), pahina #.

▪ Moran, Emelita A. (2015) Kasaysayan ng Wikang Pambansa. J&O Inquirer, 17

(217), 8.
Para sa Mga Kagamitang Mula sa Internet
▪ Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo o Dokumento.” Pamagat ng

Publikasyon. Petsa kung kailan sinipi o ginamit mula sa buong web address
simula sa http://.

▪ Cusi, Megan D. (Oktubre 8, 2017) “Kahalagahan ng Wika.” Karunungan Official

Website. Marso 23, 2019.


http://karunungan.org.ph/kaalaman-corner/0217-kahalagahan-ng-wika.

9. Pagsulat sa Pinal na Sulating Pananaliksik

I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro.

You might also like