You are on page 1of 17

Edukasyon sa

Pagpapakatao
5
Ikalawang Markahan – Modyul 1

Department of Education ● Republic of the Philippines


Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 - Module 1: Kapit-kamay sa Pagdamay
First Edition, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty
bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan
ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari
ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module


Author: Winalyn S. Bagonggong
Reviewers: Sesame C. Rubio, EHT-3
Fernando D. Sumundong, PSDS
Juliet M. Tagapan, EPS-EsP

Illustrator and Layout Artist: Julie B. Bustamante, Teacher-1


Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Juliet M. Tagapan, EPS-EsP
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Fernando D. Sumundong, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
5
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1

Aralin 9

Leksyon 1 - Unang Linggo

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teacher, school head, public schools district supervisor, and education program
supervisors of the Department of education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines


Talaan ng Nilalaman

Pangkalahatang Ideya…………………………...…………………………………………i
Nilalaman ng Modyul……………………………………………………………….……..i
Pangkalahatang Panuto…………………………………………………………………….ii
Icons na Ginamit sa Modyul……………………………...………………………………..iii

Aralin 9: Kapit-kamay sa Pagdamay

Leksyon 1:
Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kanyang tulong para sa
nangangailan tulad ng mga biktima ng kalamidad, pagbibigay ng
babala/impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol, at iba pa.

Alamin……………………………………………………………………..1

Subukin…………………………………………………………………….2
Balikan……………………………………………….……………….…....2
Tuklasin…………………………………………….……………………...3
Suriin……………………………………………………………………....4
Pagyamanin……………………………………………...…………….…. 5
Isaisip…………………………………………….…….…………….……6
Isagawa……………………………………………………..…………..…7
Tayahin…………………………………………………………..………..8
Karagdagang Gawain……………………………………………………..8

Buod……………………………………………………………………………..……..…8
Susi ng Pagwawasto…………………………………………………………….....…...…9
Sanggunian………………………………………………………………...……….…..…10
Pangkalahatang Ideya

Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kayang tulong para sa


nangangailangan
1. biktima ng kalamidad
2. pagbibigay ng babala/impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol at iba pa
(EsP5P- IIa-22)

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga


mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang pagtataya
ng kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim na antas ng Blooms Taxonomy ng
Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng
bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul
sa kasalukuyang modyul sa bahaging balikan

Ang bahaging Tuklasin ay tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aral tungkol
sa paksa na nakabatay sa kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling
kaalaman (misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Esensiyal na Kasanayang
Pampagkatuto (EKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Blooms
Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang


Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-
aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang ikalawang Esensiyal na
Kasanayang Pampagkatuto (EKP2), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension),
Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation) sa Blooms Taxonony.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman at


malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP. Tinutugunan ng bahaging ito
ang ikatlong Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (EKP3), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-
unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Blooms Taxonony. Gabay ito ng mga
mag-aaral sa pagsagot sa dalawang Gawain sa Pagyamanin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman kasanayan, at pag-unawa ng mga


mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng buhay.

i
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin
sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 5 kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular.
Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo ng tapat ang
sumusuod na tagubilin:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang


lugar na tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. Cellphone, tablet, laptop, computer) kung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan
munang gumamit o pansamantalang itabi ito upng maituon ang iyong buong
atensiyon sa pag-aaral.

3. Maglaan ng kuwaderno para sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa mga sagot


sa mga tanong sa mga gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa
Pagpapalalim. Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul bago tumuloy sa ibang bahagi ng


modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang


ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang
layuning matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-
aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan o sa


mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan.

ii
This provides answers to the different
activities and assessments.
Answer Key

Mga Icon ng Module na ito


Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin
Alamin o mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
Subukin
masususuri kung ano ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
Balikan mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
Tuklasin

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
Suriin pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
Pagyamani
mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
Isagawa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay isang tool sa pagtatasa para sa bawat


modyul upang masukat ang kaalaman at
Tayahin kasanayan na natutunan ng mga nag-aaral.

Sa bahaging ito, isa pang aktibidad ang


ibibigay sa iyo upang pagyamanin ang iyong
Mga Karagdagang kaalaman o kasanayan sa aralin na
Gawain natutunan. Ito rin ay nagpapanatili ng mga
natutunan na konsepto.

Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba't ibang


Sagot sa Key mga aktibidad at pagtatasa.

iii
Leksyon

1 Kapit-kamay sa Pagdamay

Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa Pilipinong mag-aaral sa Baitang 5. Ito ay upang
matulungan kang mabibigyang kahulugan ang pagkakawanggawa at pagkamahabagin sa
pangunguna sa pagtulong sa mga nangangailangan tulad ng mga biktima ng kalamidad,
pagbibigay ng babala o impormasyon kung may kalamidad at magagawa ang plano ng
pagkawanggawa.

Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magagamit ito sa maraming iba't


ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas
ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inaayos upang lubusang maunawaan at
mapadali ang pag-aaral.

Ang module na ito ay para sa

Aralin 9 – Kapit-kamay sa Pagdamay


Ikalawang Markahan-Unang Linggo

Matapos mong gamitin sa pag-aaral ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Leksyon 1
Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kayang tulong para sa
nangangailangan
1. biktima ng kalamidad
2. pagbibigay ng babala/impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol at iba pa
(EsP5P- IIa-22)

1
Subukin

Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagdamay sa kapuwa o hindi.
Isulat ang P kung Pagdamay at HP kung Hindi Pagdamay.

_____1. Nagtago ka nang makita mong uutusan ka ng iyong Tatay.


_____2. Pinagtawanan mo ang bata na nadulas sa pasilyo ng paaralan.
_____3. Lumapit ka at iniabot mo ang laruan ng iyong kapatid na nakalagay sa itaas ng
kama.
_____4. Nakipaglaro ka sa isang bata na nakita mong nag-iisang nakaupo.
_____5. Binasag mo ang pasong ginawa ng isa mong kamag-aral dahil galit ka sa kaniya.
_____6. Tinulungan mong magbungkal ng lupa ang isa mong kamag-aral sa dahil hindi niya
alam kung paano ito gagawin.
_____7. Tumanggi kang tumulong na makipag-away sa kaaway ng kapatid mo.
_____8. Pinagsabihan mo ang kaibigan mo na nakipagtalo sa kapuwa ninyo mag-aaral.
_____9. Tinulungan mong itulak ng iyong kaibigan ang inyong kamag-aral habang hindi
nakatingin ang inyong guro.
____10. Sinamahan mong manonood ng concert ang iyong kaibigan kahit alam mong may
pagsusulit kayo kinabukasan.

Balikan

Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, may pagkakataon na hindi naiiwasan na


siya ay nakagagawa ng pagkakamali. Napakahalaga na maging bahagi ng pagkatao ng bawat
isa ang katapatan. Ito ay moral na obligasyon ng tao sa kaniyang kapuwa at sa Diyos. Ang
taong matapat ay mapagkakatiwalaan at maasahan na gaganap ng kaniyang gawain nang
walang kahalong pandaraya o pagsisinungaling.

Sa nakaraang aralin, napag alaman natin na ang pagpapahayag ng katotohanan kahit


masakit sa kalooban gaya ng pagkuha ng pag-aari ng iba, pangongopya sa oras ng pagsusulit
at pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng pamilya, at iba pa ay nagpapakita ng
katapatan. Ang Katapatan ay kalagayan ng pagiging matapat o matuwid ng isang tao na
kung saan siya ay hindi nandaraya o nagsisinungaling

2
Gawain 1
Panuto: Isulat ang T sa patlang kung ang pahayag ay tama at M kung mali.

____ 1. Dapat na maging tapat sa lahat ng ginagawa.


____ 2. Ang sinungaling na bata ay hindi makakamit ang katahimikan.
____ 3. Minsan kailangan din nating magsabi ng katotohanan.
____ 4. Ang tiwala ng tao ay walang katumbas na halaga.
____ 5. Ang isang batang katulad ko ay wala pang bahagi sa buhay ng mga tao sa paligid.
____ 6. Ang kasinungalingan ay isang kasalanang hindi nahuhugasan.
____ 7. Ang pangongopya ng takdang aralin ng kaklase ay isang mabuting gawi.
____ 8. Marapat lamang na magsabi ng katotohanan kahit na ito’y masakit sa kalooban.
____ 9. Ang katapatan ay naipakikita sa isip, sa salita at sa gawa.
____ 10. Maluwag ang kalooban at malinis ang konsensya ng taong nagsasabi at
gumagawa ng totoo.

Tuklasin

Tungkulin ng bawat mamamayan ang makialam at makisangkot sa mga napapanahong


isyu tulad sa panahon ng trahedya maging ito man ay bunga ng natural na mga pangyayari tulad
ng bagyo, pagputok ng bulkan, lindol, o di kaya’y mga sakunang naranasan dahil sa
kapabayaan ng tao, tulad ng sunog, baha, at aksidente sa kalsada.

Sa gitna ng mga nasabing trahedya, ang dapat nating gawin ay tumulong sa abot ng
ating makakaya. Nilalang tayo ng Diyos na may mga kamay at paa, hindi lamang upang
magamit natin sa kabutihan kundi pati na rin sa pagtulong sa ating mga kapuwang nasa gitna
ng trahedya. Ang tulong na ito ay hindi nalilimitahan sa pagkakaloob ng material na bagay
tulad ng mga damit at pagkain. Maari rin kasing maipadama ang pagdamay sa pamamagitan
ng pagboboluntaryo o di kaya’y pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa sakuna.

Sagutin ang tanong:


Paano mo maisasakatuparan ang pagkakawanggawa sa iba’t ibang pagkakataon?
Magbigay ng halimbawa ng iyong mga gagawin.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3
Suriin

Basahin ang sumusunod na balita kung paano naghahangad na makatulong ang


dalawang kabataan sa kapwa nila Pilipino.

Tulong Para sa mga Biktima ng Bagyong Yolanda


Constancia Paloma

Ang paggawa ng gomang bracelet ay isang aliwan para sa maraming mga bata, subalit
hindi ito ang dahilan ng dalawang kabataan na sina Malaya David 10 taong gulang at ng
kaniyang 13 taong gulang na kapatid na si Tala, parehong ipinanganak sa Berkeley, California,
USA sapagkat ipinagbibili nila ito at nakalikom sila ng pondong 100 libong dolyar para sa
mga biktima ng bagyong Yolanda.
Ang kanilang pondong naipon ay ibinigay na donasyon upang makapagpatayo ng
paaralan na may apat na silid sa Maribi, Tanauan, Leyte, isa sa mga lugar na nasalanta ng
malakas na bagyong Yolanda na may international name na Haiyan noong Nobyembre 2013.
Ang rehabilitation czar na si Panfilo “Ping” Lacson ang nagkuwento ukol sa dalawang
kabataang ito sa isang panayam sa radyo.
“Noong nakita nila sa CNN yong naganap na pagkasira sa Leyte, nagsabi ang
dalawang bata sa lolo nila habang naghahapunan na “Lolo, gusto naming makalikom ng
$100,000 o halos P 4,578,000 upang ibigay sa Tanauan, Leyte. Kasi nakita nila yung
sitwasyon,” sabi ni Kalihim Lacson.
Kaya ang ginawa nila, nagbenta sila online
Ang Desisyon ng rubber band bracelet na uso sa mga
ni Lisa
bata. Ang nalikom nila ay $100,000 o halos P 4,578,000.
Ayon din sa kalihim, sa isang text message, ang Malaya-Tala Fund ay nakalikom ng
$135,000 o halos P 6,180,300 na ginamit din pambili ng school supplies bilang donasyon sa
ibang mga paaralan – San Roque at Sto. Nino Elementary Schools, parehong nasa Tanauan,
Leyte.
Dagdag pa ng kalihim na ang lolo ng mga bata na si Amado David ay personal na
nagtungo sa probinsiya upang dumalo sa groundbreaking ceremony ng paaralan kung saan
ikinuwento niya kung paano nakalikom ng malaking pondo ang kaniyang mga apo.
“Ang pakikinig sa kuwento ng lolo tungkol sa dalawang bata ay nakakapanindig-
balahibo,” sabi ng kalihim Lacson.
Ayon sa kaniya, ang kuwento ng dalawang bata ay dapat magsilbing inspirasyon o
motibasyon sa lahat upang tumulong sa mabilis na rehabilitasyon ng mga lugar na nasira ng
bagyong Yolanda.
Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Sino ang dalawang bata sa USA na gumawa ng maraming bracelet na goma?


_______________________________________________________________

2. Ano ang dahilan nila sa paggawa ng maraming bracelet na goma?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4
3. Kung ikaw ay magbabalak tumulong sa mga nasalanta ng bagyo, ano ang susubukan
mong gawin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Ang pagkakawanggawa ba ay dapat lamang gawin sa panahon ng sakuna?


Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Sa paanong paraan masusukat ang pagkakawanggawa ng isang tao?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6. Dapat bang agad-agad ang pagtulong sa mga taong nangangailangan? Bakit?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Ang Pagkakawanggawa at Pagkamahabagin

Ang pagkakawanggawa ay ang kilos ng kabutihan at awa sa mga mahihirap at


nagdurusa, ayon sa World Book of Encyclopedia. Sa mas malawak na kahulugan, ito ay ang
pagkakaroon ng mabuting hangarin para sa buong sangkatauhan. Sa kalahatan, ayon sa World
Book Encyclopedia, ang pagkakawanggawa ay dimensiyon ng pilantropiya, isang
boluntaryong kilos para sa kabutihan ng lahat.
Isinasaalang-alang ang pagkakawanggawa sa mga nangangailangan at mga
kaawa-awa dahil sa kaisipan na kapag nabigyan ng benepisyo ang mga nangangailangan,
uunlad din ang buong lipunan.

Ang Pagpapanatili ng Pagkakawanggawa at Pagkamahabagin

Ang tunay na pagkakawanggawa at pagkamahabagin ay hindi dapat natapos sa


pagtulong sa panahon ng sakuna. Ang pagkakawanggawa at pagkamahabagin ay kambal.
Kapag ang isang tao ay mahabagin, iniuudyok ng kaniyang puso na siya ay magkawanggawa.

Pagyamanin

Pumili ng iyong balak gawin upang manguna para magbigay ng tulong para sa
nangangailangan, buuin ang iyong plano gamit ang gabay sa ibaba.

Gawaing pangungunahan_____________________________________________________
Mga magiging kasama sa pagkakawanggawa_____________________________________
Mga hakbang na isasagawa __________________________________________________
Mga samahang pupuntahan upang makipag-ugnayan_______________________________
Mga panukat upang masiguro ang tagumpay ng proyekto____________________________

5
Isaisip

Gawain1:
Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Ipakita ang pagdamay sa kapwa sa pamamagitan
ng malikhaing pagsulat. Sundin ang ibinigay na graphic organizer sa ibaba.

Nasunugan ng bahay ang iyong kapitbahay na isa mong kamag-aral. Kasama sa


tinupok ng apoy ang mga damit ng buong pamilya kabilang na ang kaniyang uniporme.
Dahil dito, hindi nakapasok sa paaralan ang iyong kamag-aral. Nag usap-usap kayong
magkapamilya at napagkasunduan ninyong tumulong. Ano ang maari mong gawin upang
madamayan ang iyong kapitbahay?

Mga Gagawin Kong


Tulong

6
Gawain 2:
Panuto: Piliin ang angkop na mga salita sa kahon upang mabuo ang talata sa ibaba.
Isulat ang sagot sa patlang.

trahedya impormasyon makakaya


babala kalamidad

Mahalagang may mga __________________ at nagbibigay ng __________________

sa panahon ng sakuna o _________________________. Ang dapat nating gawin sa gitna ng

mga ____________________ ay tumulong sa abot ng ating _____________.

Isagawa

Gawain 1: Pagganap
Panuto: Magdrowing ng isang larawan na ang isang bata ay nagpapakita ng
kawanggawa. Sumulat din ng paliwanag kung ano ang maaaring nadarama
ng bata sa kaniyang pagkakawanggawa.

7
Tayahin

Panuto: Isulat ang P kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagdamay sa kapuwa


at HP kung hindi pagdamay sa kapuwa.

_______1. Nagtago ka nang makita mong uutusan ka ng iyong Nanay.


_______2. Pinagtawanan mo ang kamag-aral mo na nadulas sa pasilyo ng paaralan.
_______3. Lumapit ka at iniabot mo ang laruan ng iyong kapatid na nakalagay sa itaas ng
kabinet.
_______4. Nakipaglaro ka sa isang batang nakita mong nag-iisang nakaupo sa ilalim ng
puno.
_______5. Binasag mo ang pasong ginawa ng isa mong kamag-aral dahil galit ka sa kaniya.
_______6. Tinulungan mong magbungkal ng lupa ang isa mong kamag-aral sa
paghahalamanan dahil hindi niya alam kung paano ito ginagawa.
_______7. Tumanggi kang tumulong na makipag-away sa kaaway ng pinsan mo.
_______8. Pinagsabihan mo ang kaibaigan mo na nakipagtalo sa kapuwa ninyo mag-aaral.
_______9. Nakita mong itinulak ng kamag-aral ninyo ang nakababata mng kapatid habang
hindi nakatingin ang kanilang guro. Ipinaalam mo sa guro ang nakita mo.
______10. Sinamahan mong manood ng concert ang iyong kaibigan kahit alam mong may
pagsusulit kau kinabukasan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (/) ang angkop na
hanay kung ito ay Tama o Mali. Maging matapat sa iyong pagsagot.

Tama Mali
1. Ang pagkakawanggawa ay pana-panahon lamang.
2. Kambal ang pagkakawanggawa at pagkamahabagin.
3. Nauunang nararamdaman ang pagkamahabagin, kaya
nagkakawanggawa ang tao.
4. Ang pagbibigay ng benepisyo sa mga nasalanta ng
mga sakuna at iba pang nangangailangan ay
nakatutulong upang umunlad ang lipunan.
5. Ang tunay na pagkakawanggawa ay mula sa puso.

Buod
Dapat nating mabigyang kahulugan ang pagkawanggawa sa
pamamagitan ng pamumuno sa pagbibigay sa mga nangangailang ng tulong sa
abot ng ating makakaya. Ang pagkamahabagin ay nag-uudyok sa puso ng tao
upang magkawanggawa.

8
Susi ng Pagwawasto sa Aralin

Subukin Balikan

Tuklasin Suriin

Pagyamanin Isagawa

Isaisip

Gawain 1

Gawain 2

Tayahin Karagdagang Gawain

Sanggunian
 Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon Batayang Aklat 5
Aralin 9- pahina 61-67
May-akda: Zenaida R. Ylarde
Gloria A. Peralta, EdD
 Curriculum Guide

 ELC Grade 5

9
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education - Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

10

You might also like