You are on page 1of 19

Bahagi ng Dula

1. Simula
2. Gitna
3. Wakas o Katapusan
1. Simula
 Makikilala sa bahaging ito ang
mga tauhan at ang papel na
gagampanan na maaaring bida at
kontabida.
 Makikilala rin dito ang tagpuan o
ang pangyayarihan ng mga
eksenang naghahayag ng panahon.
2. Gitna
 Makikita rito ang banghay o ang
maayos na daloy o pagkasunod-
sunod ng mga tagpo o eksena.
 Dito rin nakapaloob ang
pinakamahalagang bahagi ng
dula, ang diyalogo o ang usapan
ng mga tauhan.
 Kagaya rin ng nobela, sa gitna rin
ng dula makikita ang mga
sumusunod:
 ang saglit na kasiglahan
 tunggalian
 kasukdulan
 Saglit na kasiglahan – sa
bahaging ito ay
ipinakikita ang
panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang
masasangkot sa
problema
 Tunggalian – sa
bahaging ito ipinakikita
ang labanan o pakikibaka
ng tanging tauhang
maaaring sa kanyang
sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan.
 Kasukdulan – ang
bahaging ito ang
pinakamadulang bahagi
ng dula kung saan iikot
ang kahihinatnan ng
tanging tauhan, kung ito
ay kasawian o tagumpay.
3. Wakas
 Dito matatagpuan ang kakalasan at ang
wakas ng dula.
 May mga dulang hindi winawakasan sa
dalawang sangkap. Iniiwan na lamang itong
bitin sa kasukdulan at hinahayaan na
lamang ang mambabasa o manonood na
humatol o magpasiya sa dapat nna
kahinatnan. Mapanghamon ang ganitong
wakas sa isip ng mambabasa o manonood
 Kakalasan – dito unti-
unting bababa ang takbo
ng istorya. Makikita sa
bahaging ito ang kamalian
o kawastuan at pagkalag
sa mga bahaging kalagin
 Wakas – dito mababatid
ang resolusyon na
maaaring masaya o
malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.
Sa Pula Sa Puti
ni Francisco ‘Soc’ Rodrigo
Simula:
 Nag-umpisa ang kwento sa pagtatalo ng mag
asawang Kulas at Celing. Maaga palang ay
nanghihingi na si Kulas ng pera sa kanyang asawa
upang ipamusta sa sabong. Nangako siya sa
kanyang asawa na sa oras na matalo ito ay titigil na
ito sa sabong ngunit hindi naman ito tumupad.
Lingid sa kanyang kaalaman, ang asawa nyang si
Celing ay pumusta sa kalaban para makasiguro na
babalik din ang perang tinaya ng kanyang asawa. Si
Teban na katulong ng mag-asawa ang inuutusan ni
Celing na pumusta sa sabungan.
Gitna:
 Saglit na Kasiglahan:
Umuwi si Kulas nang talunan. Sa pagkatalo
niyang iyon, sinumpa niya kay Celing na hindi na
siya muli pang sasabong at ayaw na niyang
makita pa ang sabungan. Natuwa naman ang
babae sa sinabi ng kanyang asawa.
 Tunggalian:
Ngunit nang makaalis na si Celing at ang
kaibigan niyang si Sioning patungo sa tindahan ni
Aling Kikay, dumating si Castor sa bahay ng
mag-asawa at kinausap nito si Kulas. Sinabi ni
Castor kay Kulas ang pagpupusta nito sa manok
ng kalaban at ang ginagawa niyang pandaraya sa
kaniyang manok upang matalo. Dahil sa lubos
ngang namangha si Kulas sa estilong ito ni
Castor, ginawa niya rin ito sa kaniyang tinali.
Nakalimutan niya ang kanyang ipinangako sa
asawa na hindi na kailanman siya magsasabong.
 Kasukdulan:
Matapos pilayan ni Kulas ang kaniyang tinali, siya ay
humingi ng malaking pampusta kay Celing dahil
nangako siyang ito’y huling sabong na at kikita at
babawi siya sa lahat ng perang nawala sa kanila.
Idinagdag pa niyang kung matalo siya muli ay
ipapapatay na niya ang lahat ng kanyang tinali. Dahil
nga sa ayaw ni Celing na magtalo pa sila ni Kulas ay
ibinigay na nito ang dalawampung piso upang
makapagsabong na ito. Tulad ng nakasanayan ni
Celing, inutusan niya si Teban upang pumusta sa
kalaban ng manok ni Kulas. Hindi nila alam na sa
kalaban din pupusta si Kulas dahil tiyak niya nang
matatalo ang kaniyang tinali.
Wakas:

 Kakalasan: Umuwing galit si Kulas sa bahay nila at ibinalita


Kay Celing na natalo na naman siya. Noong pagkakataong
iyon ay nalaman ni Celing ang ginawang pandaraya ng
asawa. Inamin din niya kay Kulas ang ginawa niyang
pagpusta sa kalaban sa tuwing ito’y magsasabong.

 Wakas: Dahil tuwang-tuwa si Celing na hindi na


magsasabong kailanman ang kaniyang asawa, pinaimbita
niya ang kaniyang mga kaibigan dahil siya ay maghahanda.
Alin sunod sa sinabi ni Kulas na ipapatay na niya ang lahat
ng tinali niya pagkatapos ng huli nitong sabong, ito’y
ipinaihaw ni Celing lahat kay Teban at ‘yun ang kanilang
iuulam sa gabing iyon.
Iugnay ang iyong natutunan, napagtanto,
pananaw o perspektibo, at repleksiyon
sa pag-aaral sa anyo ng dula sa
balangkas at mga bahagi ng dula sa
bersikulong ito

Roma 12:4-5
4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng

maraming bahagi at magkakaiba ang gawain


ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang
katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi
ng isa't isa.
Ilahad ninyo ang inyong pag-
uugnay sa mentimeter.com.
I-click lamang ang link na ito:
https://www.menti.com/9od
1muykyy
Sanggunian:

https://www.youtube.com/watch?v=lbzq5De5_Uk
&t=349s

https://pdfcoffee.com/sa-pula-sa-puti-ni-francisco-
pdf-free.html

You might also like