You are on page 1of 2

Pasulat na Pagpapahayag

Ang pasulat na pagpapahayag ay ang pagsasalik ng anumang simbolo s kahit na anong midyum
upang maghatid ng mensahe sa kapuwa. Maaring ito ay titik, numero, nota at iba pang sagisag
na may pinakakahulugan sa taong tumatanggap nito.

Kinakailangang maging maingat sa pagpili ng salita, sa pagbuo ng idea at diwa, damdaming nais
ilantad at layunin.

Ang pagsusulat ay mga kaisipang isinasaltik upang mailahad ang iba't ibang uri ng damdamin at
karanasang nagsasangkot sa tao sa kaniyang kapuwa, lipunan at kapaligiran.

Pasalita at Pasulat na Pagpapahayag

1) Pagsulat ng Paksa

-Tungkol saan ang nais mong isulat? (Karanasan, imahinasyon etc.)

2) Layunin

-(Maglibang, manuya, magpuri, magkritika, magpatawa.)

-Para kanino ang sinusulat? (Target na mambabasa)

3) Pag-ipon ng datos

-Inililista ang mga idea o konsepto na maaaring

Proseso at Hakbang sa Pagsusulat

4) Pagwawasto

-Ito ang muling pagbasa ng mga binuong pahayag, pagtanggal ng mga hindi mahalagang bagay,
pagsusuri ng mga ginamit na salita, pagkakasunod-sunod ng mga detalye, sinusunod na pormat
at gramatika.

5) Pagpapakritika

-Maaaring ipabasa muli o ipakritika sa iba ang isinulat upang makakuha ng fidbak dahil
maaaring makita nila ang kamaliang hindi mo napansin.

-Ang isang manunulat ay kailangang bukas sa mga puna at mungkahi upang lalong malinang ang
kakayahan sa pagsusulat

Higit na masaklaw ang pasulat na pagpapahayag. May akademiko, teknikal, reperensiyal,


propesyoal, journalistic at malikhaing pagsulat kung kaya't sinasabi nating higit na dapat
maingat sa paglalahad ng kaniyang kaisipan ang isang manunulat.

Sa pamamagitan ng pagsusulat, nagkakaroon ng malawak na kaalaman ang isang manunulat na


nagagamit niya sa pagpapalitaw ng kaniyang imahinasyon.

You might also like