You are on page 1of 6

Name_________________________________________Grade and Section________________________

Date__________________________

Learning Activity Sheet: Week 5-6 Filipino sa Piling Larang

Mapanuring Pagsulat at Tekstong Akademiko

Background:

Narito ang ilang katangian ng mapanuring pagsulat. Bagama’t naayon sa disiplina o kurso ang mga
katangian ng akademikong pagsulat, may mga pangkalahatang katangian ang mapanuring pagsulat sa
akademiya

1. Layunin- Karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito sa mga konsepto o katuwiran.


Halimbawa:
Sa problema ng environmental pollution o pagdumi ng kapaligiran, ang magagandang intensiyon sa
isang larangan ay nagkakaroon ng masamang epekto sa ibang larangan.

2. Tono- Impersonal ito, hindi parang nakikipag-usap lang. Hindi rin ito emosyonal.
Halimbawa:
Impersonal:
Ang pagkamatulungin natin ay nahahaluan ng pagkamaawain, pagkamakialam, pagkausyoso,
pakikipagkapuwa, pakikisama, at marami pang iba.
Personal:
Matulungin k aba? Maawain? Pakialamero? Usisero? Di marunong makipagkapuwa-tao? Di marunong
makisama?

3. Batayan ng Datos- Pananaliksik at Kaalamang masusing sinuri upang patunayan ang batayan ng
katuwiran ditto.
 Obhetibo ang posisyon- Batay ito sa pananaliksik. Iniiwasan ditto ang anomang pagkiling.
Makikita ang paka-obhetibo sa paksa, organisasyon, at mga detalye.
 Katotohanan (Fact) vs Opinyon- Kailangan ang pruweba o ebidensyang mapagkakatiwalaan o
talagang nangyari, hindi haka-haka o gawa-gawa lamang.

Opinyon- batay sa sariling damdamin, karanasan at paniniwala.

4. Balangkas ng Kaisipan (Framework) or perspektiba- Ito ang piniling ideya o kaisipan na gustong
patunayan ng sumulat. Binibigyang pagkakataon dito ng sumulat na ipokus ang atensiyon ng
mambabasa sa ispesipikong direksyon o datos at konsepto upang paunlarin ang argumento.
Halimbawa:
Paggamit ng teoryang Innnateness ni Noam Chomsky para patunayang kailangan idkita sa bata ang mga
salita para matuto; sa halip at matututuhan niya ito sa kaniyang normal na kapaligiran.

5. Perspektiba- Nagbibigay ng bagong perspektiba o solusyon sa umiiral na problema.


Halimbawa:
Ang kasaysayan ay hindi kapalaran. Maraming pagkakamali ang kasaysayan na hindi dapat maulit at mga
krimen ng mga tao at gobyerno na hindi dapat hayaang maganap muli.

1
6. Target na mambabasa- Kritikal, mapanuri, at may kaalaman din sa paksa kaya naman mga akademiko
o propesyonal ang target nito. Tinatawag silang mga diskursong komunidad.

Estruktura at Proseso ng Mapanuring Pagsulat


Ang isang akademikong akda ay karaniwang may tatlong pangunahing estruktura: introduksiyon,
katawan, at kongklusyon. May proseso upang matamo ang epektibong pagsulat sa bawat bahagi.

1. Introduksiyon
Ito ang pinakatesis o pokus ng pagaaral ng paksa. May gustong patunayan ang paksa at makakatulong
kung sa bahaging ito ay nalilinaw na ang nais patunayan sa pamamagitan ng paksang pangngusap o tesis
sa pangungusap. Dito, napakikitid ang isang malawak na paksa. Kailangan itong mapag debatehan sa
dahilang kung wala namang problema, ano ang magiging tunguhin o patutunayang ng paksya?

Halimbawa: Masama sa kapaligiran ang polusyon (hindi na padedebatehan).

Narito ang magandang puntos sa pagsulat ng introduksyon:

a. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pagaaral


May iba’t ibang puwedeng patunayan kaugnay ng paksa. Narito ang ilang anyo at halimbawa.
1. Fact o Opinyon
Halimbawa: Ang global warming ay penomenong pang-Asya
2. Sanhi at Bunga
Halimbawa: Ang popularidad ng SUV ay nagpalala sa polusyon sa bansa.
3. Halaga
Halimbawa: Mahalagang kasangkapan sa pagkatuto ang unang wika ng bata.
4. Solusyon at Patakaran
Halimbawa: Sa halip na K to 12, ang kahirapan muna ang dapat pagkaabalahan ng gobyerno.

b. Paksang Pangungusap
Ang pagkakaroon ng malakas na paksang pangungusap o tesis na pangungusap ang magpapalakas din ng
mga argumento at batayan o datos.
Maliban sa tesis na pangngusap na naglalahad ng suliranin o problema, mahalaga ring ilahad nito ang
layunin, rasyonal o kahalagahan ng paksa, at sa pamamaraan at datos na ginamit bilang overview.

c. Atensiyon na simula
Upang makuha ang atensiyon ng mambabasa, magkaroon din ng estrahiya kung paano sisimulan ang
introduksiyon. Narito ang ilang halimbawa:

1. Tanong
Halimbawa: Bakit kailangan ipagpatuloy ang pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo sa ilalim ng programang K
to 12?
2. Impormasyon, Pigura
Halimbawa: Pinatunayan ng estadistika ng NEDA na 13 sa 17 rehiyon sa buong bansa ang nakaranas ng
kahirapan noong 2012 kompara sa 2009.
3. Depinisyon
Halimbawa: Ang terminong malinaw na ikinakabit sa pagkalalaki ay ang machismo (mula sa Espanyol,
ginagamit upang bawasan ang pangangailangang ipagyabang ang pagkalalaki)

2
4. Sipi
Halimbawa: Di gaya ng istorya sa bibliya ng Ebreo kung saan ang lalaki ang unang nilikha kaysa sa babae,
at ang babae ay nilikha sa kaniyang tadyang, na naglalahad ng kultural na pagkiling sa dominansya ng
lalaki.
2. Katawan
a. Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata. Mahalaga rito ang tuloy-tuloy, organisado,
maayos, at makinis na daloy ng ideya kung saan:

1. Ang unang pangungusap ng talata ay kaugnay ng naunang talata


2. Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata

b. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang tesis.


c. Kaayusan ng talata- Maaring batay ito sa kronolohikal na ayos, kahalagahan ng ideya, hakbang-
hakbang, o serye.
d. Pagpapaunlad ng talata- Maliban sa malakas na argumentong magpapatunay sa isinasaad ng talata
ang ebidensya batay sa pananaliksik.

1. Ebidensya- May dalawang uri ang ebidensya batay sa pananaliksik: Pangunahin at di-pangunahin
Pangunahin- Interbyu, karanasan, sarbey, anekdota,eksperimento
Di-pangunahin- mga teksto, libro, artikulo, pahayagan, website
2. Argumento- Ito ang magpapaliwanag kung bakit sumusuporta ang datos sa gustong patunayan o tesis.
Sapat at angkop ba ang datos o ebidensya para pangatiwiranan ang paksa? Lohikal ba ito?
3. Pagbubuo- Ilang element sa pagbubuo ng talata ang dapat bigyan ng diin gaya ng:
 Pagsisimula ng talata
 Mga transisyon sa bawat talata at sa loob ng talata
 Haba ng talata: Introduksyon- 5 Pangungusap; Katawan- 5+5+5 pangungusap sa bawat talata
 Konklusyon- 5 pangungusap

e. Pagbuo ng pangungusap
ilang mga dapat tandaan sa pagbuo ng pangungusap upang maging higit na malinaw, tiyak, at
mauunawaan ang teksto.
1. Iba-ibahin ang uri at anyo ng pangungusap upang bigyang-tuon ang ideya at hind imaging kabagot-
bagot ang pagbasa sa sinulat na akda.
2. Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap (payak, tambalan, hugnayan, at iba pa.)

f. Paggamit ng pang-angkop na salita


Ang mga salitang ginagamit sa akademiko at mapanuring teksto ay sumusunod sa ilang pamantayan at
panuntunan gaya ng sumusunod:
1. Lebel ng pormalidad
2. Pormal kaya hindi pinaikli o dinagdaglat ang salita
3. Hindi nakakasakit sa o nirerespeto ang kalagayan, kultura, relihiyon, kasarian, trabaho, pinagaralan,
pamilya at iba pa.
4. Gumagamit ng mga salitang maiintindihan ng mambabasa, hindi ng isang particular na gurpo lamang
5. Umiiwas sa yupemismo o pailalim na gamit ng salita upang itago ang katotohanan.

3 Kongklusyon
Ito ang huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod, pagrebyu ng mga
tinatalakay, paghahawig (paraphrase), o kaya’y paghamon o pamumungkahi, o resolusyon.

3
Learning Competencies:

-nakakasusulat nang maayos na akadamikong sulatin S_FA11/12PU0d-f-92


-nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin S_FA11/12PU0d-
f-93

Direction: Gamitin ang natutunan upang masagutan ang mga aktibidad na nasa baba

Activity: Sagutan ang mga sumusunod na tanung

1. Ipaliwanag ang katuturan, kalikasan at kabuluhan ng mapanuring pagsulat sa akademiya.

2. Magbigay ng limang pangungusap na magsisilbing panimula ng isang mapanuring pagsulat.

4
3. Magbigay ng tatlong ideya o patunay na magbibigay ng suporta sa isinulat na panimula.

4. Bumuo ng tatlo hanggang limang pangungusap na maaring maging kongklusyon ng isinulat sa bilang 2
at 3.

5
Guide Questions:

1. Anu ang impotansya ng akademikong sulatin?


2. Ano ang mga halimbawa ng akademikong sulatin?

Rubrics:
5 3 1
Content
Kahanga-hanga, orihinal na Organisado ang report at Magulo ang mga pangungusap
ideya pangungusap
Composition
Maganda ang pagkakasabe May mga hindi maintindihan sa Magulo ang pagkaka-ugnay ng
sinasabe mga salita

Self-reflection

Naintindihan ko na____________________________________________________________________

At gagamitin ko ang aking natutunan sa ___________________________________________________

References:

Constantino, Zafra (2017); Filipino sa Piling Larang; Rex Bookstore, Inc.

Prepared:

JAYSON R. DIAZ, DBA


SUBJECT TEACHER

Checked:

ROWENA AYALA-LIZARDO Ed.D


SHS COORDINATOR

Approved by:

GERONIMO MATEO GUILALAS JR.


PRINCIPAL

You might also like