You are on page 1of 16

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa


kahalagahan ng pagkamamamayan at pakiki-lahok sa mga gawaing pansibiko tungo
sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa, at may
pagkakaisa.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa


kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga
mamamayan sa kanilang sariling pamayanan.

Most Essential Learning Competencies: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng


aktibong pagkamamamayan.

PAKSA:
PAGKAMAMAMAYAN: KONSEPTO AT KATUTURAN

Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod:

1. Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan


2. Napahahalagahan ang papel ng isang mamamayan para sa pagbabagong
panlipunan

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng wastong sagot.
1. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng
isang indibiduwal maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong
digmaan.
2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang
Saligang-Batas na ito.

1
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay
Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang
gulang.
3. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987
ng Pilipinas maliban sa isa.
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. labing-walong taong gulang pataas
D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya
gustong bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan.
4. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay
sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at
piniling maging Pilipino.
5. Alin sa sumusunod na sitwasiyon ang HINDI nagpapakita ng lumawak na
konsepto ng pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa
pamahalaan.
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan.
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang
lokal na pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na
naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.
6. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang
karapatan bilang mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga
proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
7. Ang mga magulang ni Erin ay mga Pilipino pero siya ay ipinanganak sa Australia.
Ang kanyang pagkamamamayan ay Australian. Ang kanyang pagkamamamayan
ay nakabatay sa anong prinsipyo ng pagkamamamayan?
A. jus soli C. naturalization
B. jus sanguinis D. dual citizenship
8. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang
prinsipyong sinusunod sa Amerika.
A. jus soli C. naturalization
B. jus sanguinis D. dual citizenship

2
9. Ang mga nabanggit ay dahilan ng pagkawala ng bisa ng pagkamamamayan ng
isang tao MALIBAN sa isa.
A. Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa
B. Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
C. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon
D. Pagtatrabaho sa ibang bansa
10. Basahin ang sumusunod na mensahe:
“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for
your country.”
Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F. Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang
karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at
proyekto ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-
unlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa
pagkamamamayan.

Balikan Natin

Punan ang tsart batay sa nakaraang aralin na tumatalakay sa mga diskriminasyon at


mga karahasang nararanasan ng mga kababaihan, kalalakihan at mga LGBT.

Kababaihan Kalalakihan LGBT

Diskriminasyon

Karahasan

3
Tuklasin Natin

Sa pagsisimula ng aralin ay pagtutuunan mo ng pansin konsepto ng


pagkamamamayan. Kung paano ito nagsimula at kung paano lumawak ang
pakahulugan nito sa kasalukuyan.

Gawain 1: Awit-Suri: Pakinggan ang awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel
Cabangon. Maaaring basahin ang titik ng awitin sa ibaba.
Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong mga tanong.

Para sa online na video: https://www.youtube.com/watch?v=6E9yq1qJD9U

“Ako’y Isang Mabuting Pilipino”


Noel Cabangon

Ako’y isang mabuting Pilipino ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino


Minamahal ko ang Bayan ko Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin
Lagi akong nakikinig sa aking mga
Tumatawid ako sa tamang tawiran magulang
Sumasakay ako sa tamang sakayan Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
Pumipila at hindi nakikipag-unahan ‘di ako gumagamit ng bawal na gamot.
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan. O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di
Bumababa at nagsasakay ako sa tamang pumapasok.
sakayan ‘di na makahambalang parang
walang pakialam. Pingtatanggol ko ang aking karangalan
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa ‘Pagkat ito lamang ang tangi kong
kalsada kayamanan
Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula. ‘di ko binebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan.
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko Ako, ilang tapat at totoong lingkod ng bayan
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
Di ko binubulsa ang pera ng Bayan
‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay Ipinagtatanggol ko ang mamamayang
Ticket lamang ang tinatanggap kung Pilipino
binibigay Mga karapatan nila’y kinikilala ko
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno. Ginagalang ko ang aking kapwa tao
Pinaglalaban kong dangal ng bayan ko.
‘Di ako nagkakalat nga basura sa
lansangan. ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
‘di bumubuga ng usok ang aking sasakyan Minamahal ko ang bayan ko
Inaayos kong mga kalat sa basurahan Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Inaalagan ko ang aking kapaligiran. Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin.

4
Ako’y isang mabuting Pilipino Tutuparin ko ang mga tungkulin
Minamahal ko ang bayan ko Ng isang mamamayang makabayan
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Paglilingkuran ko ang aking bayan
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin Nang walang pag-iimbot at buong katapatan
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Sisikapin ko maging isang tunay na Pilipino
Sa isip sa salita at sa gawa.
Panatang makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas
Sanggunian: Cabangon, N. (Composer). (2009).
Ito ang lupang sinilangan Ako'y Isang Mabuting Pilipino. [N. Cabangon,
Ito ang tahanan ng aking lahi Performer] Manila, Philippines.
Ako’y kaniyang kinukupkop
At tinutulungan upang maging malakas
Maligaya, at kapaki-pakinabang
Bilang ganti diringgin ko
Ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tungkulin ang aking
paaralan

Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang katangian ng isang mabuting Pilipino ayon sa awitin?
2. Sino-sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino?
3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang kaniyang mga tungkulin
at pananagutan?
4. Paano makatutulong ang mamamayan sa pagsulong ng kabutihang panlahat at
pambansang kapakanan?

Aralin
Ligal at Lumawak na Konsepto ng
1 Pagkamamamayan

Sa araling ito ay ating pagtutuunan ng pansin ang konsepto ng


pagkamamayan. Tatalakayin natin ang dalawang pananaw ng pagkamamayan. Ito
ang Ligal at Lumawak na Konsepto ng Pagkamamamayan.

Ligal na Pananaw

Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto


ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na
tinatawag na polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado
lamang sa kalalakihan. Ang pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung
saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na si
Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan

5
ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis
tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay
maaaring politiko, administrador, husgado, at sundalo.

Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming pagbabago ang


konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen. Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang
citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-
estado. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang
indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang
indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng
mga karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang
tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.

Dito rin makikita kung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at
ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen. Bilang halimbawa,
tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa ikaapat na artikulo ng Saligang
Batas ng1987 ng Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan.
Iniisa-isa rito kung sino ang maituturing na mamamayan ng Pilipinas.

ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN

Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:


( (1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng
saligang-batas na ito;
Seksiyon (2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
1 (3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga
ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit
sa karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan


ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang
Seksiyon gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos
2 ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya
na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talaan 3 nito
ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.

Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling


Seksiyon 3 matamo sa paraang itinatadhana ng batas.

Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan


ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa
Seksiyon 4
kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng
batas, na nagtakwil nito.

Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa


Seksiyon 5 kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

6
Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal sa
pamamagitan ng sumusunod:
1. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas ng ibang bansa;
2. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan,
3. nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan

Jus Sanguinis Jus Soli o Jus Loci

• Ang pagkamamamayan ng isang tao • Ang pagkamamayan ay nakabatay sa


ay nakabatay sa pagkamamamayan lugar kung saan siya ipinanganak. Ito
ng isa sa kaniyang mga magulang. ang prinsipyong sinusunod sa
Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
Pilipinas.

Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang link online: https://www.youtube.com/watch?v=w3QlVN30gjk


https://www.youtube.com/watch?v=zaQ0YaqKoEY

Gawain 3: Suriin Natin: Pilipino o Hindi


Sino sa kanila ang mamamayang Pilipino? Tukuyin kung ang
mamamayang Pilipino o hindi batay sa sitwasyon. Ipaliwanag ang sagot

Kasagutan
Sitwasiyon (Pilipino o Paliwanag
Hindi)
1. Si Marcus ay anak ng isang
Ilokano at Igorot. Ang kanilang
pamilya ay naninirahan sa
Laguna.

2. May kompanyang naitayo sa


Pilipinas si Xandrei na isang
Pranses at tatlong taon nang
naninirahan sa Pilipinas.
https://images.app.goo.gl/nihf3FZXX6apbSj26

4. Nagbabakasyon sa Pilipinas si
Marcus uwing tag-lamig sa
Korea.

5. Si Kapitan Kitoy ay isang


sundalong Pilipino na naka-base
sa Mindanao. Siya ay tumakas
kasama ang kaniyang pamilya
namg sumuklab ang labanan ng
Abu Sayaf at militar.

7
Talakayin Natin

Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan

Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan.


Tinitingnan ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa
lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga
tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at
sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat.

Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating


matukoy ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan. Ayon kay Yeban
(2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang makabayan, may
pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi sa
mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may
disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.

Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing


maaaring makatulong sa ating bansa. Ang mga gawaing ito ay maituturing na mga
simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa sa atin. Ngunit sa kabila ng
pagiging simple ng mga ito ay maaaring magbunga ang mga ito ng malawakang
pagbabago sa ating lipunan.

1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.


2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay nasmuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin
ang gawang-Pilipino.
4. Positibong magpa hayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkod-bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon .
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak.
Sanggunian: Lacson, Alexander L. (2005). 12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country.
Alay Pinoy Publishing House

8
Ligal na Pananaw Lumawak na Pananaw

Pagkakatulad

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang pagkakaiba ng ligal na pananaw ng pagkamamamayan sa lumawak


na pananaw nito?
2. Ano naman ang mga pagkakatulad ng ligal at lumawak na pananaw ng
pagkamamamayan?
3. Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng mamamayan sa ating
lipunan?

Gawain 4: Ako Bilang Aktibong Mamamayan

Magsulat ng limang katangian ng aktibong mamamayan sa bawat pananaw ng


pagkamamayan. Magbigay ng maikling paliwanag kung bakit ito naging isang
katangian ng aktibong mamamayan.

Limang Katangian ng Aktibong Paliwanag

9
Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang iyong konsepto ng isang aktibong mamamayan?


2. Paano mo nasabing ang mga gawaing inilagay mo sa tsart ay nagpapakita ng
pagiging isang aktibong mamamayan?
3. Gaano kahalaga sa isang lipunan ang isang aktibong mamamayan?

Pagyamanin Natin

Think Aloud!
Isulat ang iyong naiisip o nararamdaman patungkol sa larawan.

_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
____________________

https://images.app.goo.gl/9mXnX8kKw671D7zZ9

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Tukuyin ang mga katangian ng mga nagpasimula at nagtatag ng mga
ganitong gawain.
3. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon upang makausap ang mga
gumagawa ng mga ganitong gawain, ano ang iyong sasabihin?

Tandaan Natin

Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng


isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay tinatayang nagsimula
sa panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen.

Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang
indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang

10
indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran
ng mga karapatan at tungkulin.

Ang ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng1987 ng Pilipinas ay


nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan. Iniisa-isa rito kung sino ang
maituturing na mamamayan ng Pilipinas.

Ang jus sanguinis at jus soli/jus loci ay dalawang prinsipyo ng


pagkamamamayan

Sa pinalawak na pananaw ng pagkamamamayan, ang pagkamamamayan ng


isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin
sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang
panlahat.

Isabuhay Natin

➢ Para sa mga Blended Learner (Online at Modular)


Bumuo ng pangkat na may walong miyembro at gumawa ng 3-4 na minutong
music video patungkol sa aktibong mamamayan.
PAALALA: Ang lahat ng pakikipag-ugnayan ng mga miyembro ay gagawin
online.

➢ Para sa mga Modular


Ipahayag ang iyong saloobin patungkol sa aktibong pakikilahok ng mga
mamamayan. Pumili ng isa sa mga gawain.

SPOKEN WORD POETRY SANAYSAY POSTER AND SLOGAN

11
Tayahin Natin

A. Panuto: Isulat ang wastong sagot sa bawat patlang bago ang mga bilang.

__________1. Pagkamamamayan ng isang tao na nakabatay sa pagkamamamayan


ng isa sa kaniyang mga magulang.

__________2. Pagkamamayan na nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.

__________3. Nakasaad dito ang mga maituturing na citizen ng estado ng Pilipinas


at ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen.

__________4. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ito ay ugnayan ng isang
indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang
indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng
mga karapatan at tungkulin.

__________5. Ito ay proseso kung saan maaaring mawala ang pagkamamamayan


ng isang indibidwal.

B. Panuto: Isa-isahin ang mga sumusunod.

Mga mamamayan ng Pilipinas ayon sa ligal na pananaw.

6.

7.

8.

Mga dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayan.

9.

10.

12
Gawin Natin

Gawain 5:
Gumawa ng photo collage na
Nagpapakita ng aktibong
pakikalahok ng mga
mamamayan sa kanilang
pamayanan.

MGA SANGGUNIAN

Modyul ng pagkatuto Grade 10 pahina 342-362


https://www.slideshare.net/jazzdaweyur/aralin-1-konsepto-at-katuturan-ng-pagkamamamayancitizenship

Larawan:
Video:
https://www.youtube.com/watch?v=6E9yq1qJD9U
https://www.youtube.com/watch?v=w3QlVN30gjk
https://www.youtube.com/watch?v=zaQ0YaqKoEY

13
Development Team of the Module

Writer: FRENCEL T. PASCUA


Editors:
Content Evaluator:
Language Evaluator:
Reviewer: JOSEPH R. SOGUILON

Illustrator: RODRIGO DEL ROSARIO JR.


Layout Artist: ROBERT M. VALERA

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS - AP
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Sa mga katanungan, maaring tumawag o sumulat sa…

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan


Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like