You are on page 1of 2

FILIPINO 10

Ikalawang Kwarter (Ika-3 at 4 na Linggo)

“Karanasan sa Covid 19”

Maraming naging karanasan ang mga tao ngayon panahon na ito. Dahil ito sa covid 19 na isang
sakit na sobrang nakakahawa sa tao, madaming tao ang nahihirapan dahil sa wala na silang trabaho o
kalahati nalang ang nakukuha nilang sahod. Estudyante ang isa sa pinaka nahihirapan ngayong panahon
na ito dahil bawal magpatuloy ang klase ngayong may pandemya dahil baka kumalat ang sakit at
madaming estudyante ang magkaroon ng covid 19.

Isa akong estudyante at ito ang mga naging karanasan ko, nung una hindi ako masyadong
nahirapan dahil sanay naman ako na hindi lumalabas ng bahay kaso nung tumatagal na nahihirapan na
din ako. Nahihirapan kami dahil kailangan naming magtipid kasi di naming alam kung kalian kami
mauubusan ng mga pagkain o pera, isa na din sa naging problema ng isang estudyante na katulad ko kung
paano kami makakapasok sa eskwelahan o makakapag aral dahil sa panahon ngayon hindi pinapayagan
na lumabas ng bahal yung edad 20 pababa. Halos lahat ng estudyante ay nasa edad 20 pababa kaya yun
yung isa sa naging problema ng kapwa ko estudyante, at nagkaroon ng (online class) kung saan makakapag
aral pa din yung mga estudyante sa pamamagitan ng internet. Bilang isang estudyante kailangan kung
subukan yun dahil mahirap naman kung titigil ako sa pag aaral ko, kaya madaming estudyante ang
pumapasok sa online class) ngayon dahil sa ligtas at hindi na kailangan lumabas ng bahay. Madami rin ang
hindi pumasok sa online class dahil hindi sapat ang kanilang pera upang makapag patuloy sa pag aaral,
nung una hindi ko alam kung makakapag patuloy pa ako sa pag aaral dahil hindi na nagiging sapat ang
pera ng aking mga magulang kaso pumasok parin ako sa online class kahit nahihirapan.

Ito ang aking naging karanasan bilang isang estudyante at isang tao na humaharap din sa hamon
ng buhay, madami tayong nagiging problema pero lagi natin tandaan na malalagpasan natin ito kaya
bilang estudyante katulad ko kailangan natin magpatuloy sa buhay kahit nahihirapan tayo. Nasulat ko ito
dahil madami akong naging aral dahil sa pagsubok na ito at madami akong naging karanasan na bumago
sa aking buhay.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang labis na nakaapekto sa lahat ng tao maging sa iba’t ibang gawain?
2. Anu-ano ang mga ipinagbawal nang lumaganap ang virus na ito?
3. Ilahad ang mga naranasan ng mga mag-aaral kaugnay ng pandemiyang Covid 19?
4. Marapat bang ipagpatuloy ng isang mag-aaral ang kanyang pag-aaral kahit modular o online class?
Ipaliwanag.
5. Magbigay ng mga bagay na natutunan ninyo kaugnay ng pandemyang ito.
FILIPINO 10
Ikalawang Kwarter ( Ika-5 at 6 na Linggo)

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin

Ang parabulang “Talinghaga tungkol sa Tatlong Alipin” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Mateo
kabanata 25 talata 14 hanggang 30 (Mateo 25:14-30).

May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo niyang alipin upang pamahalaan ng
kanyang ari-arian.
Binigyan niya ng pera ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan.
Ang unang alagad ay binigyan niya ng limanlibong salaping ginto, dalawang libong salaping ginto naman
sa ikalawang alipin, at isang libong salaping ginto sa ikatlo.
Pagkatapos nito ay umalis na ang kanilang panginoon.
Agad na kumilos ang binigyan ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal ang salapi. Siya ay
kumita ng limanlibong salaping ginto.
Pagkaraan ng mahabang panahon ay nagbalik na ang kanilang panginoon at pinag-ulat ang bawat
isa.
Lumapit ang unang alipin at sinabing, “Panginoon, tumubo po ng limang libo ang salaping ipinagkatiwa
ninyo sa akin.”
Natuwa ang panginoon at sinabi sa alipin, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa
kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa aking kagalakan!”
Sunod na lumapit ang ikalawang alipin at sinabi sa kanyang panginoon, “Panginoon, ito po ang
iniwan ninyo sa aking dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang dalawang libong salaping ginto
na tinubo nito.”
Sumagot ang panginoon at sinabing, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa
kaunting halaga, kaya’t pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa aking kagalakan!”
Huling lumapit ang ikatlong alagad na tumanggap ng isang libong ginto at sinabing, “Alam ko pong
kayo’y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo
inihasik. Natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto. Heto na po ang inyong
salapi.”
Nagalit sa kanya ang kanilang panginoon at sinabing, “Masama at tamad na lingkod! Alam mo
palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko itinanim at inaani ko ang hindi ko inihasik, bakit hindi mo na
lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahit paano’y may tinubo sana ito! Kunin ninyo sa kanya ang
isanlibong salaping ginto at ibigay sa may sampung libong salaping ginto. Sapagkat ang mayroon ay
bibigyan pa, at magkakaroon ng sagana; ngunit ang wala, pati ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.
Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan! Doo’y mananangis siya at magngangalit
ang kanyang mga ngipin.”

Mga Tanong
1. Sino ang tinutukoy sa kuwento na isang mahal na taong namigay ng tig-iisang salaping ginto?
2. Saan natin maaaring ihalintulad ang gintong salaping ibinigay ng panginoon?
3. Anong talento ang iyong taglay at paano mo ito mapahahalagahan?
4. Ibigay ang aral na iyong natutuhan sa parabulang iyong nabasa?
5. Kung isa ka sa mga pinagkalooban ng gintong salapi, ano ang gagawin mo dito at bakit? Ipaliwanag
ang iyong sagot sa tatlong pangungusap.

You might also like