You are on page 1of 1

ANG SALITANG DULA:

Talinghaga ng Di-nasupil na Diwa ng Paglaya Glecy C. Atienza


158Daluyan2014
Ano nga ba ang talinghaga?
Sa diksyonaryong Vocabulario de la Lengua Tagala ni Noceda at Sanlucar (1860),
nakatala ang talinghaga bilang “misterio: metafora” o inuugnay ito sa hiwaga, kubling
kahulugan,maligoy na pagpapahayag at mga salitang may taglay na aral (146-148).
Itinatapat din ito sa salitang tayutay na madalas maiugnay sa laro ng salita o bulaklak ng
dila (Noceda at Sanlucar 146-148; Almario 13). Mahalagang katangian ang mga itong
tumutukoy sa bisa ng salita upang kumatawan sa mga karanasang tiyak sa pang-arawaraw na buhay.

Ayon kay Lumbera ang salin ng karanasan at damdamin sa salita ay kailangang mahanapan ng
katapat na karanasan sa aktwal na buhay upang makalikha ng katumbas na karanasang nasa
salita. Kaya’t mahalaga ang katangian ng mga sinaunang panitikan na halaw sa tiyak na
karanasan ng araw-araw na buhay, payak, at sensory. Ganito rin ang katangiang naobserbahan
ni Wayne Shumaker sa mga sinaunang tula upang higit na madaling maisalin ang tiyak na
karanasan at damdamin sa mga salita (45-46).
Ganito ang talinghaga ipinagpapalagay ni Mendoza na ang maaaring mula sa dalawang salitang
“tali” at “mahiwaga.” Aniya, sa pamamagitan ng haraya, nagagawang masuri ang mga katangian
ng isang penomenon at magagawang ganap upang maiproseso at maiangat tungo sa isang
kaalaman. Sensory ang talinghaga at batay sa realidad at laging nahaharap sa hamon ng pagiging
buhay kung nagagawa itong maisalin sa kilos at salita. Dito nakasalalay ang taling mahiwaga. Ang
gamit ng talinghaga ay hamon sa paghahanap ng matalik na ugnayan ng mga bagay mula sa
pagturing na ang bawat isang pag-iral ng tao, bagay, lugar, pangyayari ay may kani-kaniyang
ugnayan at dahilan ng pag-iral na itinuturing bilang isang diskurso. Sa talinghaga, ang kabuuang
dinamiko ng lipunan ay maaaring basahin bilang tekstong dapat unawain sa kanyang
kahulugan.ugnayan.dinamiko at patutunguhan. Kaya’t kayang isilid ang daigdig sa isang tula
(Mendoza 13-17).

Tinuturing naman ni Almario ang talinghaga bilang utak ng paglikha at disiplinang


pumapatnubay sa haraya at pagpili ng salita.Aniya: “ (ang talinghaga) ay utak ng paglikha at
disiplinang pumapatnubay sa haraya at sa pagpili ng salita habang isinasagawa ang
tula. ..napaghaharian nito ang pagbukal at pagdaloy ng diwa gayundin ang kislap ng tayutay at
sayusay (sanaysay na mahusay) na isinasangkap sa pagpapahayag.Ayon kay Almario, may
panloob at panlabas na puwersang pumapanday sa
talinghaga. Isang pangyayaring labas sa katauhan ng tao ang kinakailangan upang
malangkapan ng kilos ng haraya o anumang panloob na lakas ng tao na sumisipsip at
humuhubog sa nasipsip tungo sa isang bagong anyo ng karanasan pagkatapos ipahayag.
Inilalarawan dito ni Almario ang pagbibistay ng karanasang nagluluwal ng dalumat mula
sa pagmamasid at pag-aaral ng mga angkin katangian ng isang bagay, ang matalisik na
pag-uugnay ng mga salik na ito sa ibang bagay na nasa paligid na nakapagbabakat ng
isang sistema ng pag-unawang lampas at labas sa literal nitong ibig sabihin.
Mahalaga ang kahiwagaan ng talinghaga. Makilos ang talinghaga – pabago-bago at hindi pare-
pareho ang pag-iral sa iba’t ibang pagkakataon (Almario, Taludtod at Talinhaga 149).

Glecy C. Atienza
Mahigpit ang ugnayan ng talinghaga sa nagbabagong karanasan ng panahon pagkat taglay nito
ang pagiging tanda ng isang karanasang hinuhubog ng nagbabagong kaligiran at kasaysayan.
Dito nakabatay ang binabanggit ni Almario na ang salita mismo ay bunga ng pananalinghaga
Ibig sabihin, nabubuo ang salita kasabay ng pagtining ng karanasan at ang pagtining nito ang
minamarkahan ng salita kasabay ng pagtining ng karanasan at ang pagtining nito ang
minamarkahan ng pagtatakda ng salita.

You might also like