You are on page 1of 18

7

9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Katarungan para sa Lahat
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Katarungan para sa Lahat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng San Jose
Tagpamanihala:Johanna N. Gervacio PhD CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eldandy C. Videz
Editor: Jocelyn T. Leonardo
Haydee B. Cabie
Mario J. Atilano
Tagalapat: Eldandy C. Videz
Tagapamahala: Veronica B. Paraguison, PhD, CID Chief
Lordennis T. Leonardo, PhD, EPS - Edukasyon sa Pagpapakatao

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng San Jose
Office Address: Sto. Nino 1st ,San Jose City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 331-0285
E-mail address:sanjosecity@deped.gov.ph
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Katarungan para sa Lahat
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na tinatanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng
alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagpapahalaga at Birtud sa Kapwa
ay Ipagkaloob
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag- aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mga mag-aaral:
Malugod na pagtangga sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Pagpapahalaga at Birtud sa Kapwa ay Ipagkaloob
Ang modyul na ito ay sadyang isinulat para sa mga mag-aaral na katulad mo at
inaasahang magabayan ka sa paglinang ng iyong kaalaman na ang panahon ng puberty
(pagbibinata o pagdadalaga) ay parang pagsakay sa roller coaster, hindi nga lang laging
nakakatuwa.
Ang mga gawain at pagsasanay sa modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang maging
lubos ang iyong pag-unawa sa kahalagahan ng ng isang nagdadalaga at nagbibinata upang
lubos na maging ganap.
Ang modyul na ito ay may iba’t ibang bahagi at icon na dapat mong maunawaan at mas
mabilis mong masundan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modSyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa


konsepto ng katarungang panlipunan.

Pamantayan sa Pagganap: Natutugunan ng magaaral ang pangangailangan ng


kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang kasanayan ng mag-


aaral sa pamantayang:

1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan


(EsP9KPIIIc-9.1)

2. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga


tagapamahala at mamamayan (EsP9KPIIIc-9.2)

Subukin
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA
kung ang pahayag ay wasto at MALI kung ang ipinahahayag ay hindi wasto.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Ang katarungan ay tumutukoy sa katuwiran.


_____ 2. Ang katarungang panlipunan ay hindi mahalaga.
_____ 3. Makatarungan ka kung sinusunod mo ang Likas na Batas
Moral.
_____ 4. Ang batas sibil ay nararapat na nakabatay sa batas moral.
_____ 5. Nararapat iba-iba ng pagbibigay ng serbisyo sa katarungang
panlipunan.
Aralin
Katarungan para sa Lahat
1

Isa sa mga marapat na pagsumikapan upang makamit ang


kabutihang panlahat ay ang pagsasabuhay ng mga moral na pagpapahalaga na
magpapatatag ng lipunan. Pangunahin sa mga moral na pagpapahalagang ito ay
ang katarungang panlipunan.
Wika nga ni Fr. Eduardo Hontiveros, sa awitin niyang “Pananagutan”,
“walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Nangangahulugan ito
na ang tao ay isang panlipunang nilalang na may likas na pangangailangan sa
kapwa. Matutugunan ang pangangailangang ito kung may ugnayan sa atin at sa
mga taong nakapaligid sa atin at namamayani ang katarungan.

Balikan
Panuto: Suriin ang mga salita at tukuyin kung ito ay bolunterismo o
pakikilahok. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

_______________________ 1. Bayanihan
_______________________ 2. Pakikisangkot
_______________________ 3. Kawanggawa
_______________________ 4. Pakikiisa
_______________________ 5. Damayan
Tuklasin
Panuto: Gumawa ng pagsusuri sa iyong sarili kung anong katangian ang
iyong taglay bilang palatandaan na ikaw ay makatarungan. Isulat sa sagutang
papel ang tsek (√) kung ito ay iyong taglay at ekis (x) kung hindi mo taglay.

_____________ 1. Isinasaalang-alang ko ang mga karapatan ng mga tao sa


aking paligid.
_____________ 2. Inuunawa ko ang bawat situwasyon sa obhektibong paraan
upang makakilos nang makatarungan ayon sa hinihingi
ng situwasyon.
_____________ 3. Kahit alam ko kung ano ang nararapat para sa akin ay
maaari akong magparaya alang-alang sa nangangailangan nito.
_____________ 4. Handa akong tumulong upang mapabuti ang kapakanan
nang aking kapwa.
_____________ 5. Kinikilala ko ang mga karapatan ng bawat miyembro ng
aming pamilya.
_____________ 6. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng ibang
tao: sa paaralan, sa trabaho, sa aming baranggay, o sa bansa.
_____________ 7. Binibigyang-halaga ko ang mga kasunduang mayroon ako
at ang aking mga kaibigan.
_____________ 8. May kamalayan ako kung anong karapatan ang dapat kong
igalang lalo na kung ito ay may kaugnayan sa Likas na Batas
Moral.
_____________ 9. Tinutupad ko ang aking mga pangako at mga komitment
sa buhay.
_____________ 10. Nauunawaan ko na ang pagsalungat, pagbatikos at pagpuna
sa iba na kulang ng batayan ay kawalan ng katarungan.
Suriin
Ayon sa Wikipedia, ang salitang katarungan o hustisya ay
tumutukoy sa katuwiran, pagiging wasto, kawastuhan, katumpakan at
pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang
hukuman. Sa simpleng pangungusap, ang katarungan ay pagbibigay sa
tao ng dapat ay kanya. Ito ay nakabatay sa prinsipiyo na ang kayamanan
ng mundo ay para sa lahat at hindi para sa iilan lamang.

Ano ang isang makatarungang tao? “Isa kang makatarungang tao


kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan
ng kapwa”-Andre Comte-Sponville (2003). Isinasaalang-alang mo rin ang
pagiging patas sa lahat ng tao. Itinatalaga mo ang iyong sarili para rito sa
kabila ng napakaraming hindi patas na situwasyon na maaaring
nararanasan mo at maaaring minsan ikaw rin mismo ang may gawa. Ang
pakikibaka para sa katarungan ay isang walang katapusang laban dahil
sa katotohanang mahirap kalabanin ang mismong sarili. Sa pamamagitan
ng pagiging makatarungan, sinusunod mo ang Likas na Batas Moral na
kung saan hindi mo kakasangkapanin ang iyong kapwa. Bagkus,
ituturing mong may pinakamataas na halaga at gagawin ang lahat upang
ingatan at payabungin.

Ang batas sibil ay nararapat na nakabatay sa batas moral. Ibig


sabihin na ang mga legal na batas ay kailangang nakaangkla sa moralidad
ng kilos. Kung hindi, ang legal na kaayusan ay mawawalan ng kahulugan.
Mahalagang sinisigurado ng batas legal ng bansa ang katarungan para sa
lahat. Sa mata ng batas nararapat na walang mahirap o mayaman,
mahina at makapangyarihan. Sa batas, ikaw at ako ay magkapantay.

Ang katarungang panlipunan ay tumutukoy sa pagbibigay sa


kapwa at ng pangkalahatan ang nararapat sa kanya ng walang
kinikilingan o kinakampihan. Ito ay mahalagang pundasyon ng isang
lipunan kung saan: pantay-pantay ang pagbibigay ng parehong bagay o
serbisyo sa pangakalahatan, pantay-pantay ang pagtingin o pagdesisyon
sa isyung situwasyon ng bawat tao sa lipunan at may pagsaalang-alang
sa isyung panlipunan, isyung pampolitikal at isyung pang-ekonomiyang
aspekto ng tao upang magkaroon ng solusyon tungo sa kabutihang
panlahat.
Pagyamanin
Malayang Gawain Blg. 1:

Panuto: Tumukoy ng isang paglabag sa Katarungang Panlipunan ng mga


tagapamahala at ng mga mamamayan. Gawing gabay ang talahanayan sa
ibaba at gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga
Paglabag sa Epekto sa Epekto sa
Sanhi o Dahilan Paraan ng Paglutas
Katarungan Buhay ng Tao Lipunan
Panlipunan
A. TAGAPAMAHALA
Halimbawa:
Pananahimik sa Natatakot na Mawawalan ng Maaaring Harapin ang takot at
nakitang kamalian masangkot sa tiwala sa magpatuloy humanap ng taong
ng opisyal ng galit ng opisyal namamahala ang opisyal mapagkakatiwalaan
baranggay ng baranggay sa baranggay ng at makatutulong sa
baranggay sa paglantad ng
paggawa ng katotohanan.
katiwalian

B. MAMAMAYAN
Halimbawa:
Pagnanakaw Paggamit ng Sa nagkasala, Magulong Paigtingin ang War
Droga makukulong lipunan on illegal Drugs
ang may sala Program

Sa pamilya ng mawawalan
biktima, ng tiwala sa
Mawawalan ng kapwa
kasangkapan
Malayang Pagtatasa Blg. 1:

1. Ano-ano ang pagpapahalagang nararapat taglayin ng bawat isa upang


mapairal ang Katarungang Panlipunan? Ipaliwanag.

2. Bilang isang kabataan, ano ang iyong magagawa upang manaig ang
Katarungang Panlipunan sa ating bansa? Ipaliwanag.

Isaisip
Panuto. Piliin ang salita o mga salita mula sa loob ng kahon upang mabuo
ang konsepto. Gayahin ang pormat sa ibaba at isulat sa sagutang papel.

isyung panlipunan Katarungang panlipunan


serbisyo isyung pang-ekonomiya
pagdesisyon pundasyon

Ang _____________________________ ay mahalagang ___________________

ng isang lipunan kung saan: pantay-pantay ang pagbibigay ng ______________

sa pangkalahatan, pantay-pantay ang __________________________ sa isyung

situwasyon ng bawat tao sa lipunan nang may pagsaalang-alang sa

__________________________________, isyung pampolitikal at

__________________________________ aspekto nang tao upang magkaroon ng

solusyon tungo sa kabutihang panlahat.


Isagawa
Panuto: Gumawa ng isang akronim gamit ang salitang KATARUNGAN.
Punan ang bawat letra ng mga salitang mayroong kinalaman sa paksang
tinalakay. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

K-

A-

T-

A-

R-

U-

N-

G-

A-

N-

Rubrik para sa Akronim

KRAYTIRYA PAMANTAYAN PUNTOS


NILALAMAN Makabuluhan ang konsepto ng nabuong AKRONIM.
Mahusay na napagsama sama ang mga natutunan ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng malinaw at maayos na 10
pagbuo ng pangungusap gamit ang mga binigay na letra
para sa gawain.
KAANGKUPAN Akma o angkop sa konsepto ng aralin ang nabuong
SA TEMA AKRONIM 5
KALINISAN AT Malinis, maayos at malinaw ang pagkakasulat ng mga
KAAYUSAN pangungusap. 5
KABUUANG PUNTOS 20
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Sagutin ang mga
tanong sa ibaba. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya ay tinatawag na ____?


a. bukas palad c. mapagbigay
b. katarungan d. sakripisyo

2. Sino ang nagsabi na isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo


ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapwa?
a. Aristotle c. Fr. Eduardo Hontiveros
b. Manuel Dy Jr. d. Andre Comte-Sponville

3. Ang salitang katarungan o hustisya ay tumutukoy sa katuwiran,


pagiging wasto, pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas
ayon sa ________?
a. Diksyonaryo c. Encyclopedia
b. Dokumentaryo d. Wikipedia

4. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng parehas na atensyon o halaga sa


magkabilang panig ay matutukoy na ________?
a. Katarungang pangdagat c. Katarungang pangdagat
b. Katarungang panlipunan d. Katarungang pang ekonomiya

5. Alin sa sumusunod ang nakabatay sa batas moral?


a. Batas sibil c. Batas kalikasan
b. Batas ng dagat d. Batas ng himpapawid

6. Alin sa sumusunod ang maituturing na mahalagang pundasyon ng


isang lipunan?
a. Katarungang pangdagat c. Katarungang pangdagat
b. Katarungang panlipunan d. Katarungang pang ekonomiya

7. Alin sa sumusunod ang iyong sinusunod kapag ikaw ay naging


makatarungan?
a. Batas ng tao c. Batas ng kalikasan
b. Batas ng hayop d. Likas na batas moral

8. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang makatarungang tao?


a. May kinikilingan
b. May pinoprotektahan
c. Pagiging patas sa lahat ng tao
d. Aasikasuhing mabuti ang mayaman

9. Ang pagbatikos at pagpuna sa iba na kulang ng batayan ay kawalan ng


________?
a. ebidensya c. patunay
b. katarungan d. saksi

10. Isinasaalang-alang ko ang mga karapatan ng mga tao sa aking


paligid. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
a. Pagiging patas na tao c. Pagiging mabait na tao
b. Pagiging pantay na tao d. Pagiging makatarungang tao
Tayahin
1. B
2. D
3. D
4. B
5. A
6. B
7. D
8. C
9. B
10. D
Pagyamanin
Malayang Gawain 1
Ang sagot sa bahaging
ito ay maaring iba-iba
depende sa sariling
karanasan ng mag-aaral
Isaisip
Malayang Pagtatasa 1
Isagawa katarungang panlipunan
. Ang sagot sa bahaging
pundasyon
Ang iskor ng mag-aaral ito ay maaring iba-iba
serbisyo
sa bahaging ito ay depende sa sariling
pagdesisyon
nakabatay sa rubrik karanasan ng mag-aaral
isyung panlipunan
isyung pang-ekonomiya
Tuklasin Balikan
Subukin
Ang sagot sa bahaging 1. Bolunterismo
ito ay maaaring iba-iba 1. TAMA -
2. Pakikilahok
depende sa sariling 2. MALI
karanasan ng mag-aaral
3. Bolunterismo 3. TAMA
4. Pakikilahok 4. TAMA
5. Bol;unterismo 5. MALI
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Katarungan. https://www.tagaloglang.com/katarungan/.
February 21, 2021

Katarungan. https://tl.wikipedia.org/wiki/Katarungan.
February 21, 2021

Ziandykate. 2014. Katarungang Panlipunan.


https://brainly.ph/question/80029. February 21, 2021

Maria Fe. 2015. Katarungang Panlipunan.


https://www.slideshare.net/maflechoco/katarungang-
panlipunan-55600305?from_action=save. February 21, 2021

Doña, Mycz. 2015. Katarungang Panlipunan.


https://www.slideshare.net/prettymycz/katarungang-
panlipunan?next_slideshow=1. February 21, 2021

Dalupang, Christian. 2018. Katarungang Panlipunan.


https://www.slideshare.net/ChristianDalupang1/esp-9-
katarungang-panlipunan?qid=56e924c3-4ce6-4be8-95fa-
6d1179619ce3&v=&b=&from_search=5. February 22, 2021

Brillo, Leikhen. 2017. Katarungang Panlipunan.


https://www.slideshare.net/LeiraLagura/esp-9-
83294994?qid=8c14a819-2db2-44d9-9e43-
ce3e294fee5b&v=&b=&from_search=3. February 22, 2021

You might also like