You are on page 1of 120

INTRODUKSYON

ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA


MAS MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA

Alam mo ba na ang wika ay integral na bahagi ng tao pagkapanganak niya? Integral dahil
kakambal niya ito noong nasilayan niya ang liwanag sa mundong ating ginagalawan. Ang wika
ay sadyang napakahalaga sa buhay ng tao. Ito ang kaniyang instrumento o kasangkapan sa
pagbabahagi ng kaniyang nadarama at opinyon. Sa pamamagitan din ng wika ay nasasalamin ang
kultura ng mga tao na gumagamit nito. Kaya, mapalad tayo dahil may sarili tayong Wikang
Pambansa na daluyan ng karunungan-daan tungo sa pag-unlad ng bayan.
Sa araling ito, layunin ng pag-aaral na:

Pangkaalaman:
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng Wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.

2. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay


ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.

Pangkasanayan:
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba't ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Filipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal
at modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon
at analisis na akma sa iba't ibang konteksto.

Halagahan:
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino
sa iba't ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitang idea.
Paunang Gawain: Panoorin ang dokumentaryong may pamagat na Sulong Wikang Filipino:
Edukasyong Pilipino, Para Kanino?" ni Det Neri".

1
Talakayin:
1. Ano ang damdaming nasa likod ng dokumentaryo? Ipaliwanag sa pamamagitan ng
paglilimi sa kahulugan ng pamagat.

2. Itala ang kahalagahan ng wikang pambansa bilang mabisang wika sa


kontekstwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad at buong bansa, ayon sa dokumentaryong pinanood.
3. Sino si Dr. Patricia Licuanan?
4. Ano ang tinatayuan ng akronim na CHED at CMO?
5. Anong CHED-Memo ang itinuturing na Anti-Filipino at bakit
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Ang Wikang Pambansa
Ang Filipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa mundo na binubuo ng
mga mamamayang may iba-ibang nasyonalidad at iba-ibang wikang katutubo. Itinuturing ang
wika na isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang pagkakaroon ng isang
wikang pambansa, sa gayon, ay para sa pambansang pagkakaunawaan Sa wikang ito sumisibol
ang damdamin ng pagkakaisa ng mga mamamayang may iba-ibang wikang katutubo. Katulong
ito ng pambansang watawat, pambansang awit, at iba pang pambansang sagisag sa pagtatag ng
isang pambansang pamahalaan (Almario, 2014).

Dagdag pa ni G. Virgilio S. Almario, Alagad ng Sining sa Literatura at Tagapangulo ng


Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), malimit na hinihirang na wikang pambansa ang sinasalita
ng dominante at/o pinakamaraming pangkat. Maaaring maging dominante ang wika ng isang
pangkat na gumanap ng pangunahing tungkulin sa kasaysayan ng paglaya ng bansa. Maaari ding
maging dominante ang wika sa pook na sentro ng komersyo, edukasyon, kultura, at gawaing
pampolitika. Sa ganitong paraan lumitaw na wikang pambansa ng Pransya ang wika ng Paris, ng
Great Britain ang wika ng London, ng Tsina ang wika ng Beijing, ng Espanya ang wika ng
Castilla, ng Rusya ang wika ng Moskba, at ng marami pang bansa.

Maraming bansa sa Aprika at Timog Amerika ang nagpanitili sa wika ng kanilang


mananakop bilang wikang pambansa. Espanyol ang wikang pambansa ng Mexico, Cuba,
Bolivia, Argentina, Chile, at iba pang bansa kahit nagrebolusyon ang mga ito laban sa sumakop
na Espanya. Portuges ang wikang pambansa ng Brazil pagkatapos palayain ng Portugal. Pranses
ang wikang pambansa sa Algeria. Ingles ang wikang pambansa ng Timog Aprika. Portuges ang
wika ng Angola. Sa kabilang dako, hindi pinanatili ng Indonesia ang Dutch katulad ng hindi
pagpapanatili ng Malaysia sa Ingles, at tulad ng Filipinas na pinili ang pagbuo ng katutubong
wikang pambansa (Almario, 2014).

2
Ang Wikang Pambansang Filipino ay dumaan sa hindi mabilang na kontrobersya at
nagpapatuloy pa ito hanggang sa kasalukuyan. Hindi na ito bago sa atin, alam na natin ito. Dapat
nating maintindindihan na habang nagdaraan ang Filipino sa samo't saring mga pagsubok ay
lalong tumatatag ang pundasyon para lalo pa itong malinang at magamit sa mahusay at
malawakang pamamaraan.

Mga Isyung Pangwika


Narito ang kasaysayan ukol sa mga kontrobersyang pinagdaanan ng Wikang Pambansa.

● Una. Ang napagkaisahang pasiya sa 1934 Kumbensyong Konstitusyonal na pumili ng


isang katutubong wika upang pagbatayan ng Wikang Pambansa ay produkto ng
Nasyonalista at Kontra-Kolonyalista. Matatandaan na hindi nagkasundo ang mga
delegado sa 1934 Kumbensyong Konstitusyonal kung aling katutubong wika ang dapat
na ideklarang wikang pambansa. Sa unang diskusyon pa lamang, o sa pamamagitan ng
talumpati ni Felipe R. Jose noong 13 Agosto 1934, ay Tagalog na ang liyamadong
katutubong wika. Ngunit sinalungat ito ng mga delegadong nagnanais na wika nila ang
maiproklama Pangunahing naging kalaban ng mga Tagalista ang mga delegadong
nagpasok sa Sebwano at ilokano. Ang mga delegadong ito ang humati sa nasyonalismong
pangwika noong 1934, muli noong 1972, at hanggang ngayon, lalo na sa likod ng
panukalang Federalismong Pampolitika (Almario, 2015).
● Ikalawa. Ang paglapastangang ginagawa ni Gng. Arroyo sa wikang Filipino. Noong nasa
posisyon siya bilang Pangulo ng ating bansa ay inilabas niya ang Executive Order Blg.
210 na may pamagat na "Establishing the Policy to Strengthen the use of English as a
Second Language in the Education System". Nilayon ng naturang EO na palakasin ang
Ingles sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit nito ng
Ingles) bilang wikang panturo, bagay na kwinestyon sa Korte Suprema noong Abril 27,
2007.
Para sa mas malinaw na kabatiran, ilan sa pinakamahahalagang isinasaad ng EO 210 ay
ang sumusunod:
…ang wikang Ingles ay ituturo bilang pangalawang wika sa lahat ng antas ng Sistema ng
edukasyon, simula sa unang baitang,

…ang wikang Ingles ay nararapat gamitin bilang midyum sa pagtuturo ng asignaturang English,
Math at Science hanggang sa ikatlong baitang.

…ang wikang ingles ay gagamitin bilang pangunahing wika sa pagtuturo sa lahat ng institusyong
pampubliko sa antas sekundarya.

…at bilang pangunahing midyum sa pagtuturo, ang bilang ng oras na ilalaan sa mga
asignaturang ituturo sa Ingles sa antas ng sekundarya ay hindi bababa ng 70% ng kabuoang oras
na inilaan sa lahat ng larangan ng pagkatuto (learning areas).

3
…ang wikang Filipino ay mananatiling midyum ng pagtuturo sa asignaturang at Araling
Panlipunan.

Bakit ito ang ninais ni Gng. Arroyo, ano ang kaniyang naging batayan sa pag-uutos na
palakasin ang Ingles bilang wikang panturo? Ito ang katwiran. Mahina sa Ingles ang mga
estudyante, ayon sa taya ng noo y Pangulo. Nagulat siya nang malaman na maraming bakanteng
trabaho sa mga call center ang di napupunan dahil bumabagsak eksaminasyon sa Ingles ang mga
aplikante. Dagdag pa niya, Ingles ang wika ng Information and Communication Technology
ICT. Ang solusyon ng Pangulo sa problema ay ang agarang pagpapalakas sa Ingles bilang
wikang panturo.
Ang naging hakbang na ito ng noo'y Pangulong Arroyo ay itinuturing na hindi
makatwiran. Ito ay dahil sinalaula nito ang konstitusyong pangwika upang tugunan ang trabaho
sa mga call center. Ang pangangailangan sa mga kababayan nating mahusay mag-Ingles para
punan ang mga posisyon sa mga call center ay pansamantala at limitado lamang. Dahil ang totoo,
may 40,000 hanggang 60,000 trabaho lamang ang naghihintay sa mga call center. Hindi
makatwirang ibatay ang patakarang pangwika ng buong sistemang pang-edukasyon sa
kakarampot na trabaho lamang.

Bukod dito ay inihain ngayon sa Kongreso ang House Bill No. 5091 o "An Act to
Strengthen and Enhance the Use of English as the Medium of Instruction in the Educational
System" ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng Ikalawang Distrito ng Pampanga.

● Ikatlo. Ang panukalang pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa


Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution bilang mga asignatura sa
kolehiyo.

Narito ang mahahalagang pangyayari, petsa at mga taong kasangkot sa pagtatanggol ng


wikang Pambansa para sa mas mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa.

Taong 2011
Oktubre 3, 2011
Inilantad ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga asignatura sa Kolehiyo sa
pagtataguyod ni Dr. David Michael M. San Juan, convenor ng Tanggol Wika, Associate
Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila at sinimulan ang
pagpapalaganap ng isang petisyon na may layuning "urging the Commission on Higher
Education (CHED) and the Department of Education (DepEd) to consider issuing on immediate
moratorium the implementation of the senior high school/junior college and Revised General
Education Curriculum (RGEC) components of the K to 12 Program which might cause the
downsizing or even abolition of the Filipino departments in a number of universities (other
departments would surely be downsized too).

4
Agosto 29, 2012
Sa isang presentasyon ay inilahad ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M.CI Umali,
Esq. na walang asignaturang Filipino sa bagong Revised General Education Curriculum (RGEC)

Disyembre 7, 2012
Sa pamumuno ni Prop. Ramilito Correa, may-akda at noo'y pangalawang tagapangulo ng
Departamento ng Filipino ng DLSU, inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang
"Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum na may pamagat na isulong ang Ating
Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na karapatan ng Filipino, Ituro sa
Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas."

Mayo 31, 2013


Sa pagtataguyod ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor sa Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF), pinagtibay ng mga gurong delegado sa isang Pambansang Kongreso ng Pambansang
Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) ang isang resolusyon hinggil sa
"Pagtiyak sa katayuang Akademiko bilang Asignatura sa Antas Tersyaryo". Humigit kumulang
200 guro ang nakipagkaisa sa hangaring ito.

Hunyo 28, 2013


Inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa
bagong kurikulum sa antas tersarya sa ilalim ng K to 12: "Understanding the Self Readings in
Philippine History; The Contemporary World; Mathematics in the Modern World; Purposive
Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Society: Ethics. Kumpirmadong
walang asignaturang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12

Marso 3, 2014
Pagbuo ng panibagong liham-petisyon na naka-address sa CHED. Punamunuan ito nina
Dr. David Michael M. San Juan, convenor Tanggol Wika sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr.
Maria Lucille Roxas (kapwa mula sa DLSU). Kasama sina Prop. Jonathan Geronimo, Prop.
Crizel Sicat-De Laza ng University of Santo Tomas (UST), mga kaibigan at mga kakilalang guro
mula sa iba't ibang unibersidad. Nilahukan ito ng mga guro mula sa iba't ibang unibersidad gaya
ng UST, UP Diliman at UP Manila, Ateneo de Manila University, PNU, San Beda College-
Manila, PUP-Manila, National Teachers College, Miriam College (MC) atbp., at mga samahang
pangwika gaya ng PSLLF, Pambansang Asosasyon ng Mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS),
at Sanggunian sa Filipino (SANGFIL) at humigit-kumulang 200 pirma.

Mayo 23, 2014


Pinagtibay ng National Commission on Culture and the Arts-National Committee on
Language and Translation/NCCA-NCLT ang isang resolusyon na "HUMIHILING SA
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), AT KONGRESO AT SENADO NG

5
REPUBLIKA NG FILIPINAS, NA AGARANG MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG
UPANG ISAMA SA BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS
TERSYARYA ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO" na
nagsasaad na: “...puspusan lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon, at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang asignaturang Filipino...”

Hunyo 20, 2014


Inilabas naman ng KWF ang "KAPASYAHAN NG KALIPUNAN NG MGA
KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG 2014. NA NAGLILINAW SA TINDIG NG
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF) HINGGIL SA COMMISSION ON HIGHER
EDUCATION (CHED) MEMORANDUM BLG. 20, S. 2013." Iginigit nasabing kapasyahan ng
KWF ang "pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng
mga sabjek sa Filipino sa antas sekundarya, kundi naglalayong magamit at maituro ang wika
mula sa iba't ibang disiplina-na pagkilala sa Filipino bilang pintuan ng karunungan at hindi
lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektuwalisasyon ng
Filipino at pagtitiyak na "kalahati o apat (4) sa panukalang Core Courses, bukod sa kursong
Rizal, na nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20, s. 2013 ay ituro gamit ang Wikang Filipino."

Hunyo 2, 2014
Sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo sa 2 komisyuner ng
CHED na sina Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista ang mga
propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MCat Marinduque State University.

Hunyo 16, 2014


Sa pagtataguyod nina Dr. David Michael M. San Juan, convenor Tanggol Wika at Dr.
Antonio Contreras at paglahok ng mga guro, napagkasunduan sa diyalogo na muling sumulat sa
CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang Technical Panel/Technical Working
Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga
unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya.

Hunyo 21, 2014


Bienvenido Lumbera, Notional Artist Isa sa mga Tagapagsalita sa Forum at paglahok ng halos
500 delegado mula sa mga kolehiyo, unibersidad at organisasyong pangwika at pangkultura,
nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum sa DLSU-Manila. Hulyo 4, 2014
Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa mga naisin ng Tanggol Wika. Agosto 2014
Inilabas ang dokumentaryong gaya ng "Sulong Wikang Filipino" (panayam kay Dr. Bienvenido
Lumbera) at "Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Filipino, Para Kanino?"

Setyembre 2014

6
Inilabas ang dokumentaryong "Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang
Pambansa".

Abril 15, 2015


Nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr.
Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep.
Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba't
ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng ACT Teachers
Partylist), Atty. Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang
nasabing petisyon. (Ito ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na
nakatala bilang G.R. No. 217451 (Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, et
al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino lII, at Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong
Mataas na Edukasyon/Commissioner on Higher Education [CHEDJ Dr. Patricio Licuanan).

Abril 21, 2015


Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte
Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order
(TRO)

Hulyo 18, 2016


Lumabas ang CHED Memo na may paksang Clarification on the implementation of
CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 Entitled "General Education
Curriculum; Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies"

Setyembre 23, 2016


Sa pamumuno ng Departamento ng Filipinolohiya ng PUP na pinamumunuan ni Prop.
Marvin Lai, tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na organisasyong Alyansa ng
Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na naglalayon namang itaguyod ang
panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay wala nang
required na Philippine History subject).

Hulyo 11, 2017


Lumabas ang isa pang memorandum ng tagapangulo ng CHED Dr. Patricia Licuanan at
may paksang Clarification on the offering of Filipino at Panitikan Courses in All Higher
Education Programs), na hindi naman nila gaanong ipinalaganap.

Agosto 9, 2017
Natanggap ng Tanggol Wika ang isang "manifestation and motion" sa Korte Suprema ng
Office of the Solicitor General.

Agosto 25, 2017

7
Pormal na itinatag sa PUP ang kilos Na Para sa Makabayang Edukasyon (KMEd).

Anuman ang maaaring kahihinatnan ng mga naging pagkilos ng Tanggol Wika, mainam
nang mairehistro pa rin sa mga pahina ng kasaysayan ang mga susing argumento ng Tanggol
Wika para sa pagkakaroon ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Kailanman ay laging mananaig ang halaga ng Wikang Pambansa sa kalinangan ng mga


Filipino.
Para sa buong transcript ng mga susing argumento ng Tanggol Wika ay maanong i-access
ang

https://www.researchgate.net/publication/320558204_Alyansa_ng_Mga_Tagapagtanggol_ng_W
ikang Filipino TANGGOL WIKA_Internal na Kwento Mga Susing Argumento At Dokumento
2014-2017)

I. VARASUON AT REHISTRO NG WIKA


Varyasyon ng Wika
Ayon sa Biblia, noong pasimula ay ma iisa lamang wika ang mga tao. Sa paglipas ng
panahonnagkaroon ng halos hindi na mabilang na wika ang mga tao. Sa kasalukuyan, ayon sa
Ethnologue: Languages of the World, 15th ed. (2005) at CIA World Fact Book, ang mga
bansang Papua New Guinea, Indonesia at Nigeria ang tatlong nangungunang bansa na may
pinakamaraming lenggahe na sinasalita; 820, 742 at 516, ayon sa pagkakasunod.

Sa parehong tala, sinasabing ang Filipinas, sa ating bansa, ay may 180 lenggwahe na
pinagsasaluhan nating mga Filipino. At Filipino (ang ating Pambansang Wika) at Ingles ang
dalawang wikang opisyal sa bansa
Sa aralin na ito ay aalamin ang varyasyon at mga varayti ng wika.

Layunin sa paksang ito na:


Pangkaalaman
1. Maipaliwanag ang papel ng wikang pambansa sa gitna ng pagkakaiba-iba ng mga wika sa
isang bansa;
2. Mapagkontrast/Mapaghambing ang mga varayti at varyasyon ng wika.

Pangkasanayan
1. Magamit nang may kahusayan ang tumpak na rehistro ng wika sa pakikipagkomunikasyon sa
iba't ibang pangkat ng mga tao;
2. Mapagtatala ng iba't ibang terminolohiya sa iba't ibang rehistro ng wika.

8
Halagahan
1. Magamit at mabigyang halaga ang sariling wika at kultura bilang tatak ng pagka-Filipino;

2. Nagpapakita ng pagkukusa at pagsisikap na pag-aralan ang pagkakaiba-iba ng wikang Filipino


na sinasalita ng kasalukuyang henerasyon ayon sa lugar at pangkat na kinabibilangan.

Panimulang Gawain:
Panoorin ang dokumentaryong Filipino Lesson 201- A Brief History of the Filipino language.

Talakayin:
1. Ibigay ang mga pagkakatulad at mga pagkakaiba ng Tagalog, Filipino at Filipino.
2. Ano-ano ang negatibong epekto ng kawalan ng wikang pambansa sa panahon ng pananakop:
Panahon ng mga Kastila, Panahon ng mga Amerikano at Panahon ng mga Hapon?

3. Magbigay ng mga dahilan kung bakit sa Tagalog ibinatay ang pambansang wika (yaong
pambansang wika noong bago ito tawaging Filipino)?

4. Magbigay ng limang halimbawa ng regional differences sa loob ng wika na nakasasakop sa


inyo.

Alamin:
Ang Papel ng Wikang Pambansa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga Wika sa Bansa
Introduksyon
Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunan ngayon ng mga pag-aaral at
pananaliksik ang tungkol sa pagkakaiba ng wika o varayti at varyasyon ng wika. Kaugnay ng
mga pagpaplanong pangwika isinasagawa sa mga bansa na multilinggwal ang mga tao, may mga
isyung panglinggwistiko na kaugnay ng pagkakaroon ng varayti ng wika: paano nagkakaroon ng
mga pangkat ng mga tao na may isang varayti ng wikang sinasalita? Kailan sila nagkakaroon ng
karaniwang varayting wika? Ang mga teo(istang neo-klasikal (Tollefson, 1991) ay nagbigay ng
tepolohiya ng mga pangkat wika batay sa mga katangiang estruktural ng mga varayti ng wika sa
degri ng pagkamultilinggwal at sa gamit ng mga varyasyong ito (Keiman, 1971; Fishman, 1968;
Kloso, 1968). Nakabatay ang pagkakaroong varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga
linggwist ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika (Saussure, 1916) at "hindi
kailanman pagkakatulad o uniformidad ng anumang wika," ayon kay Bloomfield (1918). Dala
ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba't ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain,
pinag-aralan at iba Sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado ang mga gawain at tungkulin
ng tao at ito ay nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa
progreso ng tao (Roussean, 1950). Ang mga pagkakaibang ito ng/sa wika ay nagbunga ng iba't

9
ibang pagtingin, pananaw at atityud dito kaugnay ng di pagkakapantay-pantay ng mga wika pati
ng mga tagapagsalita, kultura at sibilisasyon (Constantino, 2000). Magsisilbing patnubay ang
pagtalakay na ilalahad sa papel na ito para sa mga propesor, estudyante, mananaliksik at mga
nagpaplano ng wika sa edukasyon partikular sa varayti ng Filipina na ginagamit ngayon sa iba't
ibang rehiyon ayon sa lugar ng taong nagsasalita (heograpiko) at ayon sa pangkat na
kinabibilangan (sosyolek).

Kahulugan at Uri ng Varayti ng Wika


Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa
particular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isang
partikular na varyasyon varayti ng wika. Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit
ng mga tao sa bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita.
Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay permanente para sa mga
tagapagsalita / tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago
sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga varayting permanente ay diyalekto at idyolek. Ang
diyalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa ica en divateatong dimension: espasyo,
panahon at katayuang sosyal. Maihahalimbawa rito ang mga sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng
pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita ng Tagalog na ayon sa iba't
ibang lugar ng tagapagsalita tulad ng Tagalog-Bulacan, Tagalog Batangas, Tagalog-Laguna,
Tagalog-Cavite, Tagalog-Mindoro, Tagalog-Rizal at Tagalog-Palawan. Samantala ang idyolek
ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng
partikular na indibidwal. Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko tulad ng
paggamit ng partikular na bokabularyo ng madalas. Ayon pa rin kay Catford, permanente nang
matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang
Ang pansamantalang varayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit ang wika.
Kasama rito ang register, mode at estilo. Ang register ay varayting kaugnay ng panlipunang
papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa nito ay:
siyentipikong register, panrelihiyong register, akademikong register at iba pa. Ang estilo ay ang
varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay maaaring formal,
kolokyal at intemeyt o personal. Ang mode ay ang varayting kaugnay sa midyum na ginagamit
sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat. Sa isang pangkat-wika o speech community
makikita ang varyasyon ng wika sa pamamagitan ng: a.)
a.) mga taong bumubuo rito;
b.) pakikipagkomunikasyon ng tao;
c.) interaksyon ng mga tao;
d.) sa mga katangian ng pananalita ng mga tao; at
e.) sa sosyal na katangian ng mga tao.

10
Mga Teorya at Pananaw sa Varayti ng Wika
Nasa kamalayan na ng mga pilosopo sa ika-18 siglo (Williams, 1992) ang pagkakaroon
ng mga uri o varayti ng wika na nakikita sa katayuang panlipunan ng isang indibidwal. Dito
nagsimula ang mga pag-aaral sa varayti ng wika na naging bahagi ng larangan ng
sosyolinggwistika. At sa pagdaan ng panahon, nagbunga ito ng mga teorya at konsepto kaugnay
ng Nangunguna sa mga teoryang ito ang sosyolinggwistikong teorya na batay sa palagay na ang
wika ay panlipunan at ang speech (langue) ay pang indibidwal. Ayon kay Sapir (1949), ang wika
ay
isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga ralasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala
ito. Para naman kay Saussure (1915), ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang indibidwal o
nagsasalita, nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat. Gayundin, makikita ang
paghahalo ng mga varayti ng wika, diyalekto at register sa dalawang paraan: a) code switching o
palit-koda at b) panghihiram. Sa palit koda, ang isang nagsasalita ay gumagamit ng iba't ibang
varayti ayon sa sitwasyon o okasyon, Halimbawa nito ay ang mga usapan ng mga kabataan
ngayon na nag-aaral sa mga kolehiyo: "0, how sungit naman our teacher in Filipino. "Hoy, na-
gets mo ba sabi ko sa text ko?" "It's so hard naman to make pila-pila her e." Ito ang tinatawag na
conversational code switching kung saan ang nagsasalita ay gumagamit ng ibang varayti o code
sa isang pangungusap. Dito naghahalo ang Ingles at Filipino. Mayroon ding palit koda na
sitwasyonal o ang pagbabago ng code ay depende sa pagbabago ng sitwasyon na kinalalagyan ng
tagapagsalita, Isang magandang halimbawa nito ay ang pagbabago ng code ng konduktor ng bus
patungong Baguio mula sa pakikipag-usap niya sa mga pasahero na nagmula sa Metro Manila
Pampanga, Pangasinan, Tarlac at sa mga pasaherong galling ilocos. Ginagamit niya ang mga
wika ng taong galing sa lugar na sumakay sa bus.

Ang panghihiram ay isa pang paraan kung saan nagkakahalo ang mga varayti. Sa paraang
ito, ang isang salita higit pa ay hinihiram mula sa isang varayti tungo sa isa pang varayti dahil
walang katumbas ang mga ito sa varayting ginagamit ng nagsasalita. Tinatawag itong lexical
borrowing. Halimbawa nito ay ang pangalan ng pagkain na narito ngayon sa bansa na may
kulturang dala mula sa pinagmulan nito (cultural color) tulad ng hamburger, pizza, taco, french
fries; mga salitang dala ng pagbabago sa teknolohiya tulad ng CD, computer, diskette, fax,
internet, e-mail at iba pa.

Kaugnay pa rin ng sosyolinggwistikong teorya ang ideya ng pagiging heterogeneous ng


wika o ang pagkakaroon ng ibat ibang anyo, mapalinggwistika, mapa-okupasyunal o mapasosyal
man ang anyong ito. Maidadagdag din sa pagkakaiba-iba ng anyo ng wika ang lokasyong
heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal at edukasyonal na katangian ng isang
partikular na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika. Ito ang nagbubunsod sa
pagkakaroon ng mga varayti ng wika tulad ng pagkakaroon ng Tagalog Filipino, Ilokano

11
Filipino, ilonggo Filipino, Singapore English, Filipino English at iba pa. Tinatawag itong
linggwistikong varayti ng wika.

Mayroon ding varayti na ayon sa register o sosyal na kalagayan tulad ng Filipino ng mga
nabibilang sa third sex, Filipino ng mga taong may iba't ibang trabaho tulad ng mangingisda,
magsasaka, mga taong pabrika, maging ang mga taong may iba't ibang dibersyon tulad ng mga
sugarol, sabungero, mga namamahala ng huweteng at karera. Gayundin may Filipino ng mga
kolehiyala, Filipino ng sosyal sayans, matematika, kemistry, at siyensiya na mga varayting pang
akademiko.

Ang pagkakaroon ng ibat ibang varayti / register / anyo ng wika ay nagreresulta sa


pananaw ng pagkakaroon ng herarkiya ng wika. Tinawag ito ni Bernstein (1972) na Deficit-
Hypothesis, na batay sa mga obserbasyon niya sa mga nag-aaral sa elementarya sa ilang paaralan
sa England. Nakita niya na may magkaibang katangian ang wika ng mga batang mula sa
mahihirap kalagayan. Nakita niya na may katangiang abstrak at nasusuri (elaborated code) ang
wika ng una at detalyado at deskriptibo (restricted code) naman sa huli. Ang pananaw na ito ay
hindi sinang-ayunan ni Labov (1972) sa dahilang nagbubunga ng pagtinging di pantay-pantay sa
wika ang ganitong pagtingin. Itinaguyod niva ang konseptong varyabilidad ng wika (variability
concept). Sa pangalan niya, natural na phenomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon
ng varayti ng isang wika. At mahalagang tingnan nang pantay-pantay ang mga Varayting ito -
walang mababa, walang mataas. Ang paniwalang ito aymakabuluhan sa pagtuturo/pagkatuto ng
Filipino kaugnay ng iba pang wika sa iba't ibang rehiyon.

Kaugnay ng pananaw ng varyabilidad ng wika ang Teoryang Akomodasyon


(Accomadation Theory) ni Howard Giles (1982). Kaugnay ito ng mga teorya sa pag-aaral /
pagkatuto ng pangalawang wika sa linguistic convergence at linguistic divergence. Nakapokus
ito sa mga taong kasangkot sa sitwasyong pangwika. Sa linguistic convergence, ipinapakita na sa
interaksyon ng mga tao nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng
kausap para bigyang-halaga ang pakikisa, pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya'y
pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Sa kabilang dako naman, linguistic divergence
naman kung pilit na iniba ang pagsasalita sa kausap para ipakita o ipahayag ang pagiging iba at
di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad. Mahalaga ang pananaw na ito sa pag-aaral ng
Varayti ng wikang Filipino lalo na kaugnay ng atityud sa paggamit ng inaakalang mas superior
na varayti kompara sa mas mababang varayti depende sa katayuan ng kanilang unang wika sa
lipunan.

Bahagi rin ng Teoryang Akomodasyon ang tinatawag na interference phenomenon at


interlanguage na nakapokus sa mga wikang kasangkot. Ipinapakita ang pagkakaroon ng
interference sa pagbuo ng mga varayti ng Filipino. Makikita ang impluwensya ng unang wika sa
pagsasalita ng Filipino ng mga kababayan natin sa iba't ibang rehiyon Tulad halimbawa ng
Cebuano Filipino na mapapansin ang di-paggamit ng reduplikasyon o pag-uulit ng pantig sa
salita. (Halimbawa: Magaling ako sa pagturo ng Filipino.) Maibibigay ng halimbawa ang

12
paggamit ng panlaping mag- kahit na dapat gamitin ng um- sa dahilang walang um- na panlapi sa
Sebwano. Halimbawa: Magkain na tayo sa halip na kumain no tayo. Ang interlanguage naman
ang tinatawag na gramar o estruktura (mental grammar) ng wika na nabubuo o nakikintal sa isip
ng tao sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Sa kalagayang ito nagkakaroon ng
pagbabago sa gramar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas o pagbabago ng mga
tuntunin sa wika. Halimbawa nito ang paglalagay natin ng mga panlapi sa mga salitang Ingles
kahit na ito ay wala sa diksyunaryong Ingles sa ating pang-araw-araw na interaksyon tulad ng
presidentiable, boarder, bed spacer, mailing. Gayundin, naririnig na ng mga salitang Turung turo
na ako, Sayaw na sayaw na ako na dati ay hindi tinatanggap bilang pang-uri.

Ang mga teorya, konsepto at pananaw na inilahad ay ilan lamang sa mga batayang
teoretikal sa pagtuturo / pag-aaral ng wika at sa pagtingin sa pagkakaroon ng varayti at
varyasyon ng wika (sa ating kalagayan ng wikang Filipino).

● Papel ng Filipino sa Pagkakaroon ng Magkakaibang Wika sa Bansa


● Ano naman ang papel ng Filipino sa gitna ng magkakaibang wika sa bansa?
● Kung ating babalikan ang kahulugan ng Filipino ayon sa KWF Resolusyon 96-1:

"Ang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa buong bansa bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at
di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang varayti ng wika para sa iba't ibang sitwasyon,
sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at
iskolarling pagpapahayag…

Sa pagkakaroon ng kaalaman sa mga varayti ng wika, magkakaroon ng pagbabago sa


atityud ng mga Filipino sa wikang Pambansa. Mabubuksan ang kamalayan ng bawat isa sa atin
na mayroon pala tayong bahagi o papel sa pagpapaunlad ng Filipino. Magiging aktibo ang
partisipasyon ng lahat sa gawaing ito at mas lalago at madedevelop ang isang varayti o sariling
varayti ng wika kung madalas gagamitin at tatangkilikin ang Filipino ng iba't ibang tagapagsalita
ng katutubong wika.

Isang bagong larangan din ito, na kakikitaan ng mga paksa at gawaing kailangang
saliksikin ng mga guro at mag-aaral sa anumang antas ng pag-aaral hindi lamang sa antas
gradwado. Mula sa simpleng paglilista ng mga salita at diskurso, isagawa ang mas malalim na
pagsusuri ng mga sinasalita at pasulat na anyo ng wika ng mga tao sa iba't ibang pangkat o
grupo, sa iba't ibang lugar.

Sa larangan naman ng pagtuturo, mahalaga ang pagkakaroon ng mga mag-aaral at guro


ng malinaw na pananaw tungkol sa konsepto ng varayti at varyasyon ng wika. Sa gayon,

13
makikita ng mga mag-aaral na bawat grupo, komunidad at rehiyon na gumagamit ng wika ay
hindi iba o naiiba kundi kasali at kabahagi ng pambansang wika at kultura. Mawawala ang
mababang pagtingin sa mga wika ng mga taong hindi kapangkat o karehiyon. Makikita rin ang
kontribusyon ng ibat ibang wika sa bansa sa pagpapaunlad ng Filipino. Mayamang balon na
mapagkukunan ang mga rehiyonal na wika ng mga kaalaman at datos mula sa kanilang
etnolinggwistiko, sosyal at komunidad na kinabibilangan. Dala-dala ito ng mga mag-aaral sa
kanilang pagpasok sa klase. At ibinabahagi nila ito sa mga interaksyon na nagaganap sa klase.
Nabibigyang halaga rin nila ang kanilang sari-sariling wika at kultura bilang bahagi ng
pambansang wika at kultura.

Bilang pagwawakas, isang paalala ang iniwan ko sa inyo, na huwag nating sayangin ang
yaman ng wika na nasa pintuan na ng ating mga silid-aralan. Huwag nating pabayaan na ang
mga dayuhan pa ang tumuklas nito. Tayong mga nagtuturo at nag-aaral ng wika sa ating bansa
ang magkusa at magsikap na pag-aralan ang pagkakaiba-iba ng wikang Filipino na sinasalita ng
kasalukuyang henerasyon ayon sa lugar at pangkat na kinabibilangan. Makatutulong ito sa
pagbuo ng isang patakaran sa wika na angkop sa lahat ng mga Filipino.

Rehistro at mga Varayti ng Wika


Ayon sa mga linggwista, ang rehistro ay simpleng varayti at/o baryasyon sa paggamit ng
wika partikular sa kontekstong panlipunan na gumagamit ng mga tiyak na salitang hindi madalas
ginagamit sa ibang konteksto. Sa lalong madaling salita, ang rehistro ay kung paano inuunawa o
binibigyang kahulugan ng isang larang ang isang partikular na salita o termino. Sa IT,
halimbawa, ang mouse ay nangangahulugang isang input device na ikinakabit sa kompyuter
upang mapadali ang pagmanipula rito, ngunit sa pagsasaka ay isa itong maliit, mapanirang hayop
kaya itinuturing na peste.
Tunghayan sa ibaba ang paghahambing sa mga varayti ng wika:

Wika laban sa Diyalekto

Wika Diyalekto

❖ Mas malawak at malaki kaysa sa ❖ Tinatawag ding wikain, lalawiganin,


diyalekto dayalek
❖ Mas marami ang gumagamit kaysa sa ❖ Varyant ng isang malaking wika
diyalekto ❖ Mas maliit, limitado ang saklaw, mas
❖ May cognate na maiintindihan ang kauntiang gumagamit kaysa sa wika
mayorya sa bansa ❖ Nakabatay sa heograpiya/maliliit na
❖ Walang mutual intelligibility lugar
❖ Wika ang Bikol, Tagalog, Bisaya, ❖ May mutual intelligibility

14
Kapampangan, Waray, Iloko/Ilokano ❖ May pagkakahawig ang ispeling/tunog
❖ May mayamang diksyunaryo ng mga salita
gramatika at gamit sa mataas na antas ❖ May stereotype
ng pagtuturo. ❖ May punto kaysa sa iba
❖ Maypretihiyo kaysa diyalekto

❖ May pagkakaiba ang isang diyalekto sa kapwa-diyalekto sa tatlong aspekto: pagbigkas,


❖ gramatika at bokabularyo
❖ Wika ang Ingles subalit diyalekto ang British English, Scottish English at American
English
❖ Gayundin ang yaya English, Taglish, Inggalog, carabao English, Philippine English,
kolehiyala English, bargirl English
❖ Mauuri sa dalawa ang diyalekto: rehiyonal at sosyal
❖ Rehiyonal na diyalekto: kung saan ka nanggaling
❖ Sosyal na dayalekto: saan ka nabibilang
❖ Madalas na pinagmumulan ng katatawanan at pagmamaliit.
❖ Mauuri din sa tatlo: diyalektong heograpiko (espasyo), temporal (panahon) at sosyal
(katayuan
❖ sa buhay)
❖ Diyalekto ang tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika.

Sosyolek laban sa Idyolek

Sosyolek Idyolek

❖ Varayti sa paggamit ng wika na nag- ❖ Ang ikinatatangi sa paraan ng


iiba-iba depende sa katayuan sa pagsasalita ng isang tao.
lipunan. ❖ Tumutukoy tin ito sa dalas ng
❖ Varayting nabubuo batay sa paggamit/pagbanggit ng
dimensyong sosyal, ibig sabihin salita/parirala/pahayag na ginagaya ng
nakabatay sa mga marami.
pangkat-panlipunan. ❖ Varayti ng wikang kaugnay sa
❖ Halimbawa ay pangkat ng mga bata, personal na kakanyahan ng isang
bakla, preso, abogado, inhenyero, nars, tagapagsalita.
doktor at iba pa. ❖ Anumang pekyulyaridad sa paggamit
ng wika.

Pidgin laban sa Creole

15
Pidgin Creole

❖ Varayti ng wika na nabuo/nabubuo ❖ Dati ay Pidgin na napaunlad o


dahil sa pangangailangan at nalinang sa pagkat inangkin ng isang
praktikalidad lehitimong grupo o pangkat
❖ Nangyayare ito sa pakipagkalakalan na ❖ Mas marami itong katutubong ispiker
hindi alam ang wika ng iba. kaysa Pidgin.
❖ Wala itong katutubong ispiker. ❖ Hindi na lamang ito wika ng “hilaw na
❖ Walang komplikadong gramatika at pakikipagkalakalan’ kundi’y naging
may limitadong talasalitaan. wika na ng isa pamayanang lipunan.
❖ Madalas na hango sa isang wika ang ❖ Kongretong halimbawa nito ang
usapan at ang estruktura naman ay iba Chavacano.
ring wika.
❖ Halimbawa “Suki, ikaw bili tinda
mura.”

Mga Karagdagan:

Punto laban sa Rehistro

Punto Rehistro

❖ Tinatawag ding accent ❖ Nakabatay sa kung ano ang iyong


❖ Lahat ng tagapagsalita ay may punto, ginagawa
mas halata nga lamang sa iba ❖ Sinasabi ring intelektwalisasyon ng
❖ Tumutukoy sa kung paano bumibigkas wika
ang isang tao. ❖ Nakabatay sa trabaho: abogado, pari,
❖ Iba ang punto ng isang Bikolano, sa isports, guro
isang Batanggenyo, sa isang Bisaya, sa ❖ Nakabatay sa gamit at hindi sa
isang Ilokano... gumagamit

Speech Community laban sa Communicative Competence

Speech Community Communicative Competence

❖ Grupo ng mga taong hindi kailangang ❖ Hindi man gamay ang paggamit sa
gumagamit ng iisang wika subalit may isang wika, naiintindihan naman kung
pinagsasaluhang mga istandard at ano ang ibig sabihin nito at anong
tuntunin sa paggamit ng wika mga pag-uugali ang akma para dito.

16
❖ Halimbawa ay nga blogger na Filipino, ❖ Nakasalalay sa kakayahang ito ang pili
mga Parloristang Filipino, ang wika sa kung ano ang sasabihin, gayundin
mga tabloid. kung paano at kailan ito sasabihin.

I. Pagkilala. Tukuyin kung ano ang binabanggit sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa laang
patlang.
___________1. Ito ang naiwang maliliit na varyant o pagkakaibaba sa loob ng isang wika.

___________2. Ang halimbawa nito ay wika ng mga blogger na Filipino, mga parloristang
Filipino, at maging ang wika sa mga tabloid.

___________3. Sa kakayahang ito nakasalalay ang pagpili kung ano ang sasabihin, gayundin
kung paano at kailan ito sasabihin.
___________4. Tinutukoy nito kung paano bumigkas ang isang tao.
___________5. Ang Chavacano ang kongkretong halimbawa nito.

___________6. Ito ay varayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal, ibig sabihin nakabatay sa
mga pangkat-panlipunan.
___________7. Tumutukoy ito sa anumang pekyulyaridad sa paggamit ng wika.
___________8. Ito ay varayti ng wika na nabuo/nabubuo dahil sa pangangailangan at
praktikalidad.
___________9. Tumutukoy ito sa ikinatatangi sa paraan ng pagsasalita ng isang tao.
___________10. Sinasabi o tinatawag din ito bilang intelektwalisasyon ng wika.

II. Magtala 5 teknikal na terminolohiyang may iba't ibang kahulugan batay sa


disiplina/propesyong paggagamitan.
Terminolohiya Disiplina Kahulugan
1._________________ 1. 1.
2. 2.
2.._________________ 1. 1.
2. 2.
3._________________ 1. 1.

17
2. 2.
4._________________ 1. 1.
2. 2.
5._________________ 1. 1.
2. 2.

II. PAGPROSESO NG IMPORMASYON


Gaano katalas ang iyong isip? Kapag ikaw ay nagbabasa, ganoon ba kadaling maimbak
sa iyong memorya ang mahahalagang impormasyon? O ikaw ay nangangailangan ng susulatang
papel upang doon itala ang mahahalagang impormasyon? Kapag nagpoproseso ng impormasyon,
mas gusto mo bang nakahiga o nakaupo upang maging mabilis ang daloy ng pag-iisip? O
nakakapagproseso ka ng impormasyon sa anumang paraan na naiisin mo?

Ang pagpoproseso ng impormasyon ay maihahalintulad sa kung paano inaayos ang


tahanan at opisina. Ginagamitan ito ng iba't ibang mahuhusay na estratehiya. Tulad ng pag-aayos
ng tahanan at opisina, inaaalam kung paano maoorganisa ang mga kasangkapan, kung saang
lugar ilalagay ang mga ito at kung paano iaayos ang mga ito sa lagayan. Sa pagproseso naman ng
impormasyon, nilalapatan nang maayos na sistema at organisasyon ang mga konsepto o mga
kaisipan upang maintindihan ito nang lubos at mapanatili sa kaisipan.

Pagpili ng Batis (Source) ng Impormasyon


Ang impormasyon ay anumang bagong kaalaman na natamo mula sa mga naririnig,
nababasa, napapanood o nararamdaman na napoproseso ayon sa sariling karanasan. Maaari ding
ang mga impormasyon ay mga kaisipang nabubuo sa isipan o representasyon at interpretasyon sa
mga bagay sa paligid sanhi ng kaayusan, laki, hugis, kulay o bilang ng mga ito.

Ang impormasyon ay maaaring ukol sa pananaw, kuro-kuro, kontrol, datos, direksyon,


kaalaman, kahulugan, persepsyon at mga representasyon. Ang kasingkahulugan ng salitang
impormasyon ay "katotohanan", "kaalaman at mga "datos".

Ang mga datos at kaalaman ay mga konseptong magkaugnay bagamat may tiyak na
gamit ang mga ito. Ang datos ay mga kaalamang kinokolekta, inuunawa at sinusuri upang
makabuo ng bagong impormasyon o kaalaman. Ang kaalaman naman ay mga kaisipang
natutuhan bunga ng pagproseso ng impormasyon o mga kaisipang natamo o natutuhan mula sa
maraming karanasan.

18
Panimulang Gawain
Pag-aralan ang larawan. Sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

1 llang taon na kaya ang larawan? Sa anong panahon kaya naipinta ang larawan?
2. Ano ang masasabi mo hinggil sa larawan?
3. Ano ang ginagawa ng lalaki sa larawan?
4. Paano mo mapatutunayan na tama ang mga naging sagot mo sa mga tanong hinggil sa
larawan?

Alamin
Ang unang tanong na lyong sinagot sa Panimulang Gawain ay tumutukoy sa mga
kasanay sa pagkuha ng impormasyon. Ang ikalawa at ikatlong tanong ay tumutukoy sa iyong
mga kaalaman interpretasyon o sa kung paano mo ginagamit ang mga kaalaman at karanasan mo
para makabuon bagong impormasyon. Samantalang ang ikaapat na tanong ay hinggil sa pagpili
ng batis n impormasyon

Pagproseso ng impormasyon
Ang pagproseso ng impormasyon ay tumutukoy sa pagkuha, pagtatala, pagpapakita, pag
intindi at pagpapalaganap ng impormasyon. Ito ay isang paraan ng paglikha ng mga bagong
kaalaman mula sa mga narinig, nakita, nabasa at napanood na napalalawak dahil sa karanasan.

Karaniwan, ang impormasyon ay tumutukoy sa mga katotohanan at opinyon na


ibinibigay at natatanggap sa pang-araw-araw na buhay. Ang impormasyon ay nakukuha nang
direkta mula sa pakikisalamuha sa kapwa tao at sa mga bagay-bagay sa paligid. Sa kasalukuyan,
ang impormasyon ay maaaring tumukoy sa mga kaalamang hatid ng mass media o kaya'y ng
mga electronic data banks tulad ng sa internet. Maaari ding ang impormasyon ay mga pangyayari
o mga phenomena sa ating kapaligiran.

Ang paggamit ng kaalaman mula sa mga impormasyong natamo ay nagbubunga ng


kadalubhasaan at patuloy itong lumalawak dahil sa pag-iisip nang analitikal at pag-aangkop ng
karanasan. Nagiging marunong ang isang tao kapag nakakaproseso ng maraming impormasyon.

19
Maraming impormasyon ang natatamo mula sa iba't ibang larangan ng kaalaman. Sa lahat
ng klasipikasyon ng kaalaman na kinabibilangan ng pilosopiya, relihiyon, agham panlipunan,
siyensya at teknolohiya, applied sciences, wika at literatura, sining, kasaysayan ay malalaman
ang samo't saring kaalaman na maaaring matutuhan. Ngunit paano ba napoproseso ang mga
kaalamang ito?

Gamitin natin ang ating mga sarili upang intindihin ang pagproseso ng impormasyon.
Kapag inaayos ang isang problema, gusto mo bang pag-usapan ito o mas gusto mong sumulat ng
listahan ng mga hakbang kung paano malulutas ang suliranin? Nakikisabay ka ba sa isang
musika sa pamamagitan pag hum o pag-tap ng iyong kamay o paa upang masabayan ang awit?
Gusto mo bang tumingin sa mapa, o mas gusto mong basahin na lamang ang mga
direksyon kapag magmamaneho? Gusto mo bang mag-aral sa isang art class o pumasok sa klase
ng pag eehersisyo? Kapag ikaw ay masaya, ngumingiti ka lamang ba o tumatalon dahil sa
nararamdamang kagalakan? Ang iyong mga sagot ay nagpapahiwatig ng ilan sa mga paraan
kung saan naipakikita ang paraan ng pagproseso ng impormasyon

May mga kagamitang pang teknolohiya, halimbawa ay ng kompyuter, na naka


pagproseso rin ng impormasyon. Sa kompyuter, nangyayari ang pagproseso ng impormasyon sa
central processing unit (cpu) at ang lahat ng impormasyon ay nalalaman sa pamamagitan ng mga
titik na lumalabas sa monitor. Ang mga titik sa monitor ay binubuo ng mga byte. Sa kabilang
dako, ang tao ay nakapagpoproseso naman ng impormasyon sa kaniyang utak. Ang naprosesong
impormasyon sa utak ay naihahayag sa pamamagitan ng mga tunog, kilos, ekspresyon at ng
tinatawag na paralanguage. Ang dami ng napoprosesong impormasyon sa utak ng isang tao ay
nagreresulta ng maram kaalaman. Bawat tao ay kumukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng
kaniyang mga pandama. Ang limang pandama ang tanging paraan upang magkaroon ng
pakikipag-ugnayan sa mundo gayunpaman, napoproseso ang lahat ng impormasyon ayon sa sari-
sariling paraan.

Kategorya ng Pagproseso ng impormasyon


Ang iba't ibang pamamaraan sa pagpoproseso ng impormasyon ay maaaring sa
pamamagitan ng pandinig (aural), pampaningin (visual) at pagkilos (kinesthetic). Ang mga
estilong ito ay makakatulong nang malaki sa pag-unawa sa mga impormasyon.

Pandinig (aural o auditory)


Sa pamamagitan ng pandinig ay natatamo ang mahahalagang impormasyon. Karaniwan
sa mga indibidwal na nakakapagroproseso sa pamamagitan ng pandinig ay iyong may hilig sa
musika o iyong may hilig sa pakikinig ng talakayan o anumang gawaing may kaugnayan sa
paggamit ng tainga o pandinig.

20
Pampaningin (visual)
Ang mga mapa, tsart, dayagram, graphic organizer, mga pattern at mga hugis ay ilan sa
mga pinakamahusay na kagamitan para sa mga indibidwal na may kahusayang biswal. Ang mga
impormasyon ay kanilang napoproseso sa pamamagitan ng mahusay na pagpapakahulugan o
interpretasyon sa mga bagay na kanilang nakikita. Ang hugis, kulay, bilang, bigat at gaan, ayos
at ang pagkakabuo ng mga bagay ay ang basehan ng kanilang pag-unawa o pagbuo ng bagong
kaalaman.

Pagkilos (kinesthetic)
Ang salitang kinesthetic ay may kaugnayan sa salitang Griyego na nangangahulugang
pagkilos. Sa prosesong ito, nagaganap ang pag-unawa sa pamamagitan ng pagkilos o paggawa
ng isang bagay na pisikal. Nakauunawa ang mga indibidwal sa ganitong proseso sa pamamagitan
ng mga demonstrasyon, eksibit, pag-aaral ng kaso, at mga kongkretong aplikasyon. Ang mga
pelikula at video ay nakahanay sa estilo na kinesthetic. Ginagamit ng mga mag-aaral na
kinesthetic ang lahat ng kanilang mga pandama (panlasa, amoy, pandama, paningin, pandinig)
upang maging kapaki-pakinabang ang kanilang pag-aaral

Hakbang sa pagproseso ng impormasyon

4. Pagtatala at
Pagtukoy Pagsasaayos
(Defining) (Recording and
Organizing)

5. Paglalahad/
2.Paghahanap
Pagbabahagi
(Locating)
(Presenting)

3. Pagpili 6. Pagtatasa
(Selecting) (Assessing)

Nagsisimula ang pagproseso ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtukoy sa kung


anong impormasyon ang kailangan. Inihahanda ang mga kagamitan tulad ng aklat na

21
mapagkukunan ng impormasyon, taong mapagtatanungan, kagamitang mapapanood, usapan na
maririnig, panayam, at maaari ding hanguan sa media o internet. Mula sa mga kagamitang
nabanggit ay masusing pinipilt mga impormasyong kailangan, inihihiwalay at iniwan ang mga
impormasyong makapagdudulot kalituhan. Ang mga tiyak na impormasyon na maaaring
makatulong o magamit ang binibigyan pansin. Inililista, pinakikinggan o inimbak sa memorya
ang mga kinakailangang impormasyon. Ang mga impormasyon o kaalamang nakalap ay inaayos
upang mabilis itong maibahagi at matasa kung and mga ito ay nakatugon sa pangangailangan ng
impormasyon. Upang lubos itong maunawaan ay tunghayan ang halimbawa ng pagproseso ng
impormasyon.

Mga Halimbawa ng Pagproseso ng Impormasyon

Prinsipyo Halimbawa ng Gawain

1.Kurin ang atensyon ng mga Gumamit ng mga pahiwatig o cues kapag handa ka nang
mag-aaral magsimula.
Maglakad sa paligid ng silid-aralan habang nagsasalita.

Suriin ang mga aralin noong nakaraang araw ng pag-aaral.


2. Isipin ang bagong pag-aaralan. Magkaroon ng talakayan hinggil sa nakaraang paksang-
aralin.

Maghanda ng handouts.
3. Banggitin ang mahahalagang Maaaring isulat ang mga impormasyon sa pisara o
impormasyon gumamit ng kagamitang panturo para sa mga impormasyon

Ipakita ang mga impormasyon ayon sa pagkakasunud-


sunod ng mga konsepto at mga kasanayan.
4. Ibahagi ang impormasyon sa
maayos na paraan. Kapag magbabahagi ng bagong kaalaman, simulan mula sa
pinakasimple patungo sa pinakakomplikadong
impormasyon.

Maaaring gumamit ng teknik tulad ng keyword method.

5. Ipakita sa mga mag-aaral kung


paano gumamit ng coding sa
pagsasaulo ng mga datos. Ibahagi ang mahahalagang impormasyon ng ilang beses sa
pamamagitan ng iba’t ibang estratihiya.
6. Magbigay ng pag-uulit na pag-
aaral.

22
Ipakita ang mga impormasyong ayon sa pagkakapangkat-
pangkat.
7. Ibahagi sa mga mag-aaral ang
pagkakapangkat ng mga
impormasyon.

1.Bumuo ng pangkat na may 3-5 miyembro.


2. Magtalaga ng tatlong tauhan na ang gagampanang papel ay:
Tagapanayam
Kakapanayamin
Tagakuha ng video

3. Magsagawa ng panayam na hindi lalampas sa 5 minuto. I-video ang panayam at ibahagi ito
pamamagitan ng simpleng video presentation

Paksang tatalakayin:
Ang paraan ng pananamit ng mga bakla, bisekswal, emo, jejemon o iba pang katangi-tangi kung
manamit.
Ang pagkikilay ng kababaihan, metrosexual look at iba pang kaugnay na paksa.
Ang (abusadong) paggamit ng cellphone ng ilang) mga kabataan

Ang buhay kolehiyo, kuwento ng pag-iibigan, lihim na pag-iibigan o anumang karanasan sa


buhay sa kolehiyo.
Mga paniniwala, tradisyong kakaiba ng iba-ibang pangkat etniko.
*Iba pang paksa na isinangguni at inaprubahan ng guro

Pamantayan sa Pagmamarka

Pamayanan Aytem Iskor

Kaugnay sa paksa 10

Pagkamalikhain 10

Kaayusan 10

23
Kabuoan 30

Pagbasa at Pananaliksik ng impormasyon


Ang kasalukuyan ay tinatawag na Information age. Ga-iglap sa bilis ang pagdami at/o
pagbabahagi ng impormasyon dahil sa maunlad na teknolohiya. Ang mga impormasyon ay dapat
na masubaybayan upang makasabay sa mga kaalamang napapanahon. Iba-ibang kaalaman at
karanasan ang naipararanas ng siyensya at teknolohiya na maaaring matunghayan sa mga pahina
ng iba't ibang materyales tulad ng aklat, journal, magasin at mga elektronikong babasahin o e-
book. Sa kabila ng katotohanan na marami na sa kasalukuyan ang mga babasahin na sinasabing
nagsulputang parang kabute, maliit na porsyento pa rin ang ginugugol para sa paghahanap ng
mahahalagang impormasyon. Idagdag pa rito na sa kasalukuyang pamamayagpag ng
napakaraming babasahing limbag at di-limbag ay nakikisabay rin ang pagkalat ng maraming
impormasyon na walang katotohanan o fake news.

Sabi nga sa wikang Ingles, "The more you read, the more you know, the more you know
the smarter you grow, the stronger your voice when speaking your mind and making your
choice" katotohanan ang pahayag na ito. Sa nakalipas na panahon, maraming mga indibidwal
ang nagtagumpay dahil sa paggamit ng mahuhusay na impormasyon.

Gawain
Isahan. Pananaliksik hinggil sa pamamahala ng kasalukuyan at mga dating Pangulo ng
Filipinas. Palabunutan ang sistema ng pagbabahagi ng paksa. Tulat sa klase ang nasaliksik.
Talakayin ang paksa, gawing gabay ang sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang adhikain ni Pangulong _________ sa bansa?
2. Paano nakatulong ang mga adhikaing ito sa bansa?

3. Anong mga isyu ang pinagdaanan ni Pangulong _____________? Napatunayan ba ang mga
ito?

4. Sa iyong palagay, masasabi mo bang naging matagumpay ang pamamahala ni Pangulong


___________?
Patunayan.

Pamantayan Indikasyon Pts


1 napakahusay 2 mahuasay 3 di gaanong mahusay

Boses Maliwanag ang sinasabi mula sa simula hanggang sa


matapos

24
Kaalaman sa Ulat Maalam sa paksang iniulat/Nasali ang ulat.

Pagpapaliwanag Naipaliliwanag nang detalyado ang paksa.

Gamit sa Pag-uulat Nilapatan ng estratehiya at kagamitan ang pag-uulat


(larawan, web o balangkas)

X factor Tindig, tikas o angas, pagganyak, appeal at estilo ng


pananalita.

Alamin
Ang mga produkto ng makabagong teknolohiya ang siyang pinakamabilis na hanguan ng
kaalaman. Bukod dito, ang mga ito'y siya na ring pinakamabilis na midyum ng komunikasyon
kung saan ay naibabahagi o naipapalaganap ang mga impormasyon

Mahalaga ang komunikasyon para magkaunawaan ang mga tao sa mundo. Sa


pakikipagkomunikasyon natin naipapahayag ang ating mga saloobin hinggil sa ating mga
nakikita at nadarama. Ang komunikasyon ang nagpapanatili ng kapayapaan sa lipunan.

Likas sa isang tao na makisama, makihalubilo at makipagtalastasan sa kapwa. Ito ang


dahilan kung bakit patuloy na pinauunlad ang teknolohiya sa larangan ng komunikasyon.
Magkagayunman, hindi sapat na alam ng tao na gamitin ang komunikasyon nang mabisa at
mapanghikayat, higit na mahalagang matuto siya mula mahahalagang impormasyon na sa
mapupulot sa pakikipagkomunikasyon.

Pagbasa ng impormasyon
Ang pagbasa ay proseso ng pagkuha at/o pag-unawa ng/sa nakalimbag o nakasulat
Impormasyon o idea. Kadalasan, ang mga impormasyon ay nakalahad sa isang wika sa anyo ng
mga simbolo (tulad ng alpabeto) na inayos upang magkaroon ng idea. Sinusuri ng utak o
nagkakaroon ng interpretasyon sa utak kaya nauunawaan ang mga limbag o nakasulat na
impormasyon. Maaaring hindi nakasalig sa wika ang ibang uri ng pagbasa, katulad ng notasyon
sa musika, kahulugan ng kil ng pagsayaw o kaya'y ng mga larawan. Kung palalawakin pa, sa
computer language, matatawag ding pagbasa ang pagkuha ng datos mula sa ilang uri ng imbakan
ng kompyuter.

Ang ating lipunan ay dumaranas ng mabilis na pagbabahagi ng maraming maraming


impormasyon. (Dahil ito sa patuloy na pagdami ng limbagan at dahil sa komersyalismo.) Kaya
nararapat lamang na tayo ay patuloy na magbasa upang makaagapay at makaangkop sa mabilis
na pagbabago. Malaki ang ginagampanan ng pagbasa sa kasalukuyang panahon sapagkat kung

25
hindi ito gagawin ay hindi rin tayo makauunawa at makapagbabahagi ng ating kaalaman sa
lipunan na ating ginagalawan.

Kahulugan ng pagbasa
Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga idea mula
sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa
mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa ay nahahasa ang iba't ibang kasanayan ng isang
indibidwal. Kapaki-pakinabang ang gawaing ito sapagkat ito ang huhubog ng kaniyang pagkatao
ang tutugon sa kaniyang pagnanais na makapagtamo ng mas malawak na kaalaman hinggil sa
kaniyang kapaligiran, hinggil sa kaniyang bansa at daigdig na ginagalawan, at sa marami pang
iba na kailangan niyang matutuhan.

Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na dapat malinang sa mga estudyante
sapagkat ito ang tulay tungo sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ang pagbasa ay may malaking
kaugnayan sa makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood. Sa pagbabasa
ay napapahusay ang kanilang kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng
damdamin sa iba't ibang disiplina o larangan. Sa kabilang banda, ang mga kaisipang nakukuha at
nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin
upang maibahagi sa iba.

Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing pangwika


at pangkaisipan na kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto.
Ipinaliwanag ni Johnston (1990) na ito'y isang kompleks o masalimuot na gawaing
nangangailangan ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan gaya ng
paglutas ng suliranin upang makabuo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor. Bilang isang
kompleks na prosesong pangkaisipan, ang mambabasa ay aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at
nag-uugnay ng mga kasanayan at estratehiyang nakatutulong sa pag-unawa.

Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o


ng anumang wikang nakasulat. Ayon nga kay Baltazar (1977), ang pagbabasa ay kasangkapan sa
pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba't ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa
napag aralan ng tao ay mula sa kaniyang karanasan sa pagbasa.

Kahalagahan ng pagbabasa
Ang isang estudyanteng palabasa ay may mas malaking posibilidad na makapasa sa mga
pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa isang hindi palabasa. Posible ito sapagkat sa kaniyang
pagbabasa ay mas nadaragdagan ang kaniyang kaalaman, mas lumalawak ang kaniyang
talasalitaan mas dumarami ang kanyang mga karanasan Kumapara pa sa Isang hindi palabasa,
mas hasa ang kaisipan ng estudyanteng palabasa sa pag-unawa ng malalalim na idea o ng mga

26
argumentong pangangatwiran at batid niya ang implikasyon ng kanyang binabasa. Sa ganitong
paraan, masasabing ang pagbasa ay isang masalimuot na proseso sapagkat nasasangkot dito ang
maraming kasanayan. Sa pamamagitan ng pagbasa ay nakatutuklas ng maraming kaalaman at
karunungan na tutugon sa pangangailangang pangkabatiran sa iba't ibang disiplina tulad ng
agham, panitikan, teknolohiya, at iba pa. Higit sa lahat, napakahalaga ng pagbasa upang hindi
mapag-iwanan ng nagbabagong panahon na dulot ng rumaragasang makabagong teknolohiya.

Pananaliksik ng Impormasyon
Iba-iba ang katangian at kakayahan ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkuha ng
impormasyon gayundin sa kanilang pagkatuto. Ang bawa't isa ay may unique o natatanging
kahusayan, kaalaman at kakayahan upang mapagtagumpayang maunawaan ang mga paksa at
kaalaman na nais maintindihan at maibahagi rin sa kaniyang kapwa.

Ano-ano ang maaaring gawin ng isang mag-aaral upang magkaroon ng sapat na kaalaman
sa isang paksa? Paano niya gagamitin ang kaniyang sariling karanasan upang lubos na
maunawaan ang kaniyang mga binabasa? Ang pananaliksik ay isa sa mabisang paraan upang
magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa paksang nais malaman. Sa pamamagitan ng
pagsasaliksik ay makatutuklas ng mga bagong kaalaman na makasasagot sa mga tanong na nais
alamin

Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na


humahantong sa pagtamo ng bagong kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit at
pag uugnay ng sariling karanasan at kaalaman hinggil sa isang paksa. Matatanggap ang
karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga
pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin
o obserbasyon. Ang pananaliksik ay binibigyang kahulugan din na isang prosesong mapagsuri,
sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang kinikilingan (obhetibo). Nararapat na
masagot ng prosesong ito ang isang katanungan, haka, hula o haypotesis. Sa ganitong paraan,
dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang
bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.

Layunin sa pagsasaliksik ng impormasyon


Bukod sa pagbibigay tugon sa mga tanong na nais patunayan, marami pang layunin sa
pagsasaliksik ng impormasyon. Isa sa mga ito ay ang makahanap ng solusyon hinggil sa isang
problema o suliranin. Dito, kailangang maghanap o tumuklas ng bagong kaalaman sa isang
piling larangan ng kaalaman. Sa pagsasagawa nito, halimbawa, karaniwang naghahanap ang
isang mananaliksik ng mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga
napatunayan nang katotohanan hinggil sa isang paksa; o kaya'y isa siyang empleyado sa isang

27
klinika at laboratoryo kaya't nais niyang magkaroon nang higit na kaalaman kung paano
mapahuhusay ang serbisyo. Mayroon ding mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para
mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral
hinggil sa mga hubog ng mga bato. Ang pananaliksik din ang dahilan kung bakit ang mga tao ay
nagkakaroon ng mahusay at matuwid na pag-iisip dahil sa mga katotohanan ng mga
impormasyong natutuklasan. Isa pang mabuting layunin sa pagsasaliksik ng impormasyon ay
nakagagawa tayo dahil dito ng mga bagay-bagay na nagpaparanas sa atin ng mga bagong
kasanayan at nakapagbabahagi rin tayo dahil dito ng mga kaalaman ayon sa mga karanasang
natutuhan.

Mga paraan
Ilan sa mga paraan upang makakuha ng bagong impormasyon o kaalaman ay ang sumusun

1. Pagpunta sa mga aklatan, museo, laboratoryo, paaralan at sa na-identify na lipunan upang


makakuha ng mga tiyak na impormasyon.

2 Pakikipanayam sa mga dalubhasa at/o sa mga tao sa lipunan na may mapapanaligan opinyon o
aktuwal na karanasan.

3. Pagbasa ng mga sanggunian na naglalaman ng pangkalahatang kaalaman may mga tiyak na


paksa, talahuluganan, encyclopedia, Yearbook, atlas, mapa, globo at indeks. Nagsisimula ang
isang mananaliksik na alamin muna o ganap na unawain ang kaniyano napiling paksa,
katanungan, o napiling suliraning ibig tugunin. Mula sa mga aklat sanggunian, inaalam niya ang
mga pang-alalay na mga paksang kaugnay ng pangunahing paksa.
4. Obserbasyon sa paligid at pagtatala ng mahahalagang detalye.

5 Paggamit ng kompyuter (o kagamitang panteknolohiya) o pangmedia upang magkaroon ng


kaugnay na kaalaman ukol sa isang paksa.
6 Pag-eeksperimento upang makatuklas ng bagong kaalaman.
7 Sariling pagmumuni o pag-iisip ayon sa sariling pagkaunawa na ibinatay sa karanasan.

Kahalagahan ng Pagsasaliksik ng impormasyon


Gaano ba kahalaga na matuto ang bawa't mag-aaral na manaliksik?

Una, sa pananaliksik ay matututuhan nilang hanapin at alamin ang mga bagong kaalaman
o interesanteng mga bagay na sila mismo ang aalam o gagawa nito. Natututulungan ang sarili
upang maging masipag, matiyaga, malikhain at malayang magdesisyon, kumilos o gumalaw sa
paghahanap ng impormasyon

28
Pangalawa, sa pananaliksik ay makapagsasanay kung paano matuto nang mag-isa (self
learning). Sapagka't hindi lamang ang paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pakiramdam
ang ginagamit sa pananaliksik. Ginagamit dito pati ang malalim na pagsusuri at interpretasyon sa
bawat impormasyon na makukuha nila.

Pangatlo, ang pananaliksik ay isang kasangkapan para lalong mapahusay ang kakayahan
sa pakikipagtalastasan; lalong mapalawak ang magandang relasyon sa kapwa at lalo pang
mapalawig ang kaniyang kaalaman hinggil sa kapaligiran at lipunang ginagalawan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasaliksik ng impormasyon


1. Maging mapatmatyag sa buong kapaligiran, Itala ang mga detalyeng kailangan.
2. Tukuyin ang nakikinitang magiging suliranin o tinatayang balakid sa paksang nais saliksikin.
3. lahad ang posibleng solusyon ng suliraning nais bigyan ng solusyon.
4. Magplano ng isang maayos na pamamaraan para masolusyonan ang nasabing suliranin.
5. Kumilos o gumawa nang naaayon sa plano at pamamaraang nabanggit. Magtala ng mga datos
o mahahalagang impormasyon at suriing mabuti ang bawat detalye ng impormasyon at lapatan
ng angkop na gamit pang-estadistika para sa interpretasyon nito.

6. Sabihin o ilahad ang resulta. Ulitin ang pamamaraan nang maraming beses. Kung
kinakailangan, ilahad muli ang pangkalahatang resulta para masagutan ang mga tanong o
matugunan ang mga suliranin o balakid.

7. Ipahayag ang mga bagong impormasyon o epektibong solusyon ng nasabing suliranin para sa
mga mambabasa.

8 Laging banggitin ang pinanggalingan ng impormasyon kung ang pagtalakay ng awtor ay


gagamitin (sourcing and citations).

Panuto: Magsagawa ng library research para sa alinman sa mga paksang nakatala sa kahon.
Lapatan ng angkop na paglalagay ng citation. Ipasa sa guro ang hard copy ng nasaliksik na paksa
ayon sa panukalang format na makikita sa ibaba.

Pamagat
Pangalan ng mananaliksik
Introduksyon: ilahad ang paksa, liwanagin ang mga 10
usapin hinggil dito, bakit ito nararapat na maunawaan;

29
lapatan ng angkop na citation (estilong APA) ang mga
hahalawing kaisipan.

Talakay: ilahad ang kaligiran ng paksa sa pamamagitan 25


ng main at sub-topic, talakayin ang detalye ng paksa.

Buod at kongklusyon: llahad ang pinakabuod ng 10


tinalakay na paksa,magsaad ng sariling opinyon at
pangwakas na talataan.

Sanggunian: Ilista ang mga ginamit na sanggunian sa 5


APA format.

Paksang pagpipilian
1. Apnoea 6. Dementia 11. Paninigarilyo
2. Queer 7. Pamahiin 12. Spoken word poetry
3. Cancer 8. ZPD (Language) 13. Bermuda Triangle
4. Catcalling 9. Princess Diana 14. Florante at Laura
5. Relihiyon 10. EJK 15. Iba pa (isangguni sa guro)

30
MIDTERM
III. MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA FILIPINO
Bawat isa ay may karapatang magpahayag ng kaniyang kaisipan at damdamin. Bagamat
sa iba-ibang kontekstong kultural, iba-iba ang pamamaraan, gawi at ugaliin ng pagpapahayag
nito. Upang maging mabisa at malinaw ang pakikipagkomunikasyon, nararapat matutuhan ang
mga pamaraan, ugaliin at mga gawing pangkomunikasyon ng iba ibang pangkat.

Tayong mga Filipino ay mayroong kani-kaniyang natatanging pamamaraan, gawi at


ugaliin hinggil sa pakikipagkomunikasyon. Iba-iba ito sa bawat pangkat ng tagapagsalita ayon sa
nakagawiang konteksto ng kultura.

Paano ba tayo naghahayag ng ating mga kaisipan at nararamdaman? Angkop ba ang


paraan ng paghahayag sa mga sitwasyong kinasasangkutan?
Para sa araling ito, layunin ng pag-aaral ang sumusunod:

Pangkaalaman
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Filipino sa iba't ibang antas at
larangan.

2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontektwalisadong


komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.

Pangkasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba't ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Filipino

2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at


modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.

3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis


na akma sa iba't ibang konteksto.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa iba't
ibang antas at larangan
2 Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-idea.

31
Tsismisan, Umpukan, Talakayan, Pagbabahay-bahay at Pulong-bayan
Ang komunikasyon ay nauugnay at nararapat na umayon sa kontekstong kultural Iba-iba
ang mga pamamaraan, gawi at ugaliin ng pakikipagkomunikasyon sa bawat kultura. Katulad ng
mga mamayan sa iba-ibang bansa, ang mga Filipino ay mayroon ding natatanging kultural na
pamamaraan ng bansa. ng pakikipagkomunikasyon. Iba-iba ito sa bawat pangkat etniko na
naninirahan sa libo-libong kapuluan

Panimulang Gawain. Pakinggan ang awit na "Pitong Gatang" ni Fred Panopio.


Pagkatapos ay sagutin ang ilang tanong ukol dito. Mababasa ang mga tanong sa ibaba ng lyrics
ng awit.

“Pitong Gatang” - Fred Panopio


Halaw sa https://www.musixmatch.com/lyrics
Yodelehihoo... 2x
Dito sa Pitong Gatang, sa tabi ng Umbuyan
May kasaysayan akong nalalaman
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang.

May isang munting tindahan sa bukana ng Umbuyan


At sa kanto ng kalye Pitong Gatang
Dito ay nag-uumpukan ang ilang pilyong istambay
Na walang hanapbuhay kundi ganyan.
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Ngunit bakit mayroong tao na katulad kong tsismoso


At sa buhay ng kapwa'y usisero
Kung pikon ang iyong ugali at hindi pasensiyoso
Malamang oras-oras basag-ulo

32
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Yodelehihoo... 2x

Imposible ang maglihim, kung ikaw ay mayroong secret


Sa Pitong Gatang lahat naririnig
At kung ibig mong mabuhay nang tahimik na tahimik
Magpatay patayan ka bawat saglit
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Itong aking inaawit, ang tamaa'y huwag magalit


Ito naman ay bunga lang n'yaring isip
Ang Pitong Gatang kailanman ay di ko maiwawaglit
Tagarito ang aking inibig. Yodelehihoo... Yodelehi, yodelehi, oh ho yodelehihi

Talakayin
1. Hinggil saan ang pinakinggang awit?

2. larawan ang lugar na pinangyarihan ng "kasaysayang nalaman na binanggit ng awit. Mayroon


din bang ganito sa inyong lugar? Isalaysay
3. Batay sa awit, sino-sino ang nasa lugar na tulad ng Umbuyan at Kalye Pitong Gatang? larawan
sila.
4. Ano-ano kaya ang maaaring pinag-uusapan sa ganitong lugar? Magbigay ng halimbawa.
5. Ipaliwanag ang bahagi ng awit na:

"Imposible ang maglihim, kung ikaw ay mayroong secret


Sa Pitong Gatang lahat naririnig
At kung ibig mong mabuhay nang tahimik na tahimik
Magpatay-patayan ka bawat saglit"

33
6. Sa paanong paraan kaya maaaring maibsan o matigil ang tulad ng mga nangyayari sa Kalye
Pitong Gatang? Maglahad ng mga paraan at ipaliwanag.

Alamin
Iba-iba ang mga gawing pangkomunikasyon nating mga Filipino. Nag-liba-iba ito ayon
sa kultural na katangian ng isang pangkat at naaapektuhan ito ng ilang mga salik tulad ng lugar,
mga taong naninirahan sa lugar, sosyo- ekonomiko, edukasyon at kasarian.

Mga Salik na Nakaaapekto so Gawing Pangkomunikasyon


Lugar. Ang lugar ay tumutukoy sa lokasyon kung saan isinasagawa ang komunikasyon.
Malaki ang epekto nito sa gawing pangkomunikasyon sapagkat ito ang nagtatakda sa uri, paraan
at gawing pananalita. Isinasaalang-alang ang lugar sa pagsasakatuparan ng paghahatid ng
mensahe at kung paano maaaring isagawa ang daloy ng usapan, Ang salik na ito ay may
impluwensya sa paksa na pag uusapan. Bukod pa rito, may mga kultural na gawi at pamamaraan
ng pagpapahayag sa bawat lugar na tangi sa pangkat ng tagapagsalita. Halimbawa ay ang
paggamit ng mga Ilocano ng wen, win at wen na ang kahulugan ay "oo" sa mga Tagalog. Iba-iba
ang gawi at paraan ng pagbigkas ng salita sa iba ibang lugar ngunit ang kahulugan ay isa. Isa
pang halimbawa ay ang agalwad kayo o kaya ay agannad kayo na isang pahayag-Iloko na
maaaring mangahulugang sana'y maging ligtas kayo sa inyong pag uwi o simpleng ingat kayo.
Sa ilang lugar sa Ilokos, ang ogalwad kaya o agannad kayo ay babala sa kaanak, kaibigan o
kakilala sapagkat may hinihinuha na nakaambang panganib.

Mga taong naninirahan sa lugar. Napakalaki ang epekto sa gawing pangkomunikasyon


ang mga taong naninirahan sa lugar. Ito ay sapagkat sila ang humuhubog ng kultura sa lugar.
Ang kanilang mga paniniwala, kaugalian, gawi at uri ng pamumuhay, at maging ang kanilang
mga kaisipan hinggil sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid ang siyang nagtatakda ng paksa o
usapin. Ayon kay Davey (2018), ang kultura ay ang kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga,
mga palagay at karanasan na nabuo sanhi ng sama-samang pakikisalamuha ng mga tao sa loob
ng isang pangkat. Nakikisalamuha ang mga tao kaya nabubuo ang tanging paraan ng paghahatid
at pagtanggap ng mensahe na tinatawag na komunikasyon. Ang kultura ay sinasabing
komunikasyon sapagkat may malaking bahagi ito sa kung paanong ang mga mensahe ay
naihahayag at naiintindihan kaya nahuhubog ang natatanging kilos, ugaliin at pananalita at
gawing pangkomunikasyon ng mga indibidwal sa isang etnikong pangkat.

Sosyo-ekonomiko Ang antas ng pamumuhay ng isang tao o ang kaniyang estadong sosyo
ekonomiks ay nauugnay sa gawing pangkomunikasyon. Minsa'y iniaayon ang gawi ng
komunikasyon sa iba-ibang antas ng pamumuhay ng mga tao. Halimbawa, sa mga pelikula ay
napapanood ang mga sitwasyong kinasasangkutan ng tauhang mayaman na karaniwang mababa
ang tingin sa mga kasambahay. Naiiba ang gawi ng pananalita ng mayamang amo sa pananalita
ng aping kasambahay.
Edukasyon. Ang gawing pangkomunikasyon, pamamaraan at nilalaman ng pahayag ay

34
naiimpluwensyahan ng edukasyon ng isang tao. Ang paggamit ng antas ng mga salita ay may

kaugnayan sa edukasyon. Saan ba madalas marinig ang mga salitang balbal at kolokyal? Sino
ang madalas gumagamit ng mga salitang pormal? Ang mga guro sa kanilang pagtuturo at
tagapamahala ng kumpanya ay higit na gumagamit ng mga salitang pormal. Ang impormal na
salita ay maririnig naman sa mga pangkat ng indibidwal na nasa palengke, umpukan ng
magbabarkada at iba pa. Ang gawi ng pananalita ng isang doktor ay pormal, higit itong
malumanay at nagtataglay ng mataas na uri ng bokabularyo samantalang ang barker sa isang
paradahan ng dyip ay gumagamit ng impormal na salita at malakas na boses sa pagtawag ng mga
pasahero.
Kasarian. May mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag ginamit ng lalaki ay
hindi ayon sa kaniyang kasarian. Gayundin, may mga salitang ginagamit ang mga lalaki na hindi
akma kapag ginamit ng isang babae. Kung gayon, ang paraan at gawi ng komunikasyon ay
apektado dahil sa kasarian. Halimbawa, ang paggamit ng mga salitang besh o kaya ay beshie na
higit na angkop gamitin ng mga babae sa kapwa babae at ang bro o brod na malimit namang
gamitin ng mga lalaki sa kapwa lalaki. Bagama't sa kasalukuyan, ang ganitong kalakaran sa
paggamit ng mga salita bilang bahagi ng gawi ng komunikasyon ay hindi na rin batayan kung
sino ang kausap at kung ano ang kasarian ng kausap sanhi ng usapin hinggil sa gender awareness
and development kung saan tanggap ng lipunan ang paggamit ng alinmang salita na hindi na
mahalaga ang sekswalidad ng nagsasalita. Maging lalaki, babae, tomboy o bakla ay malayang
nakagagamit ng mga salitang naisin upang magpahayag ng kaisipan at damdamin.

Mga Gawing Pangkomunikasyon


Tsismisan
Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na "chismes". Karaniwan, kapag sinabing
tsismis ay mga kuwento o pangyayari na maaaring totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi
ng kuwento o pangyayari ay maaaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito ay maging
usap usapan hanggang tuluyan nang magkaroon ng iba't ibang bersyon. Nangyayari sapagkat
mabilis itong nagpapasalin-salin mula sa isang tao tungo sa iba pang indibidwal. Intriga,
alimuom, sagap, sabi-sabi, bali-balita o kaya ay bulong-bulungan at alingasngas ito kung
tawagin. Kadalasa'y hindi kabutihan ang dulot nito dahil nakasisira ito sa ugnayang pantao,
reputasyon at nagbubunyag ng mga lihim na maaaring wala naman talagang katotohanan.

Umpukan
Ang umpukan ay gawing pangkomunikasyon na tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat ng
isang pamilya o magkakapatid, magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada, magkakatrabaho
o nmagkakakilala na may magkakatulad na gawi, kilos, gawain at hangarin. Ito ay nangyayari
dahil ang isang paksa, usapin at hangarin na karaniwan sa bawat isa ay nais talakayin at bigyang
linaw. Nagsisilbi rin itong pagkakataon sa pangkat upang lalong mapatatag ang kanilang
samahan at lalo pang mapabuti ang pagtrato sa isa't isa. Naiiba ang umpukan sa tsismisan

35
sapagkat higit na mabuti ang tunguhin ng usapin sa umpukan. Napakaimpormal na gawain ang
umpukan, madalas itong nangyayari na hindi binalak. Sa isang pamilya o magkakapatid,
karaniwan na nagaganap ito sa mga oras matapos ang tanghalian, bago magtakipsilim o matapos
ang hapunan bilang pampalipas-oras at pinag-uusapan ang tungkol sa mga bagay-bagay na
natapos o mga nais pang gawin. Minsan, sa umpukan ay walang paksang tinatalakay kundi
biruan lamang. Sa mga magkakaibigan, magkakaklase at magbabarkada, karaniwang nangyayari
ang umpukan dahil mayroon silang nais talakayin ukol sa kanilang mga gawaing sa paaralan
tulad ng pagsasagawa ng proyekto, pag-aayos ng schedule, mga gawain sa akademya at iba pa.
Sa mga magkakatrabaho, nangyayari din ang umpukan pagkatapos ng oras ng trabaho upang
pag-usapan ang mga kaugnay na gawain sa trabaho na dapat umpisahan at tapusin, mga nais
maisakatuparan at iba't ibang personal at interpersonal na pakikipag-ugnayan.

Pagbabahay-bahay
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing panlipunan. Tuon nito ang pakikipag-usap sa
mga mamamayan sa kanilang mga bahay. Karaniwan, may mga isyu sa barangay na nais ipahatid
kaya ang ilang piling opisyal ay nagtutungo sa mga kabahayan ng isang baranggay upang
ipagbigay-alam ang isyu o mga isyu. Sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay, ang mga
mamamayan ay nagkakaroon ng impormasyon hinggil sa mga gawain at layuning nais
isakatuparan sa lugar.

Pulong-bayan
Usaping politikal ang karaniwang paksa ng pulong-bayan. Ito ay nauukol sa mga gawain
at layuning pambarangay at pambayan. Kinabibilangan ito ng pangkat ng mga namumuno sa
isang barangay o bayan kasama ang mga mamamayan upang pag-usapan ang mga layunin,
proyekto at/o mga batas na isasakatuparan sa lugar. Higit itong pormal kapag ang mga opisyal ng
barangay o bayan ang kasangkot at sama-sama sa pagpupulong dahil ang mga na-uusapan at
napagkakasunduan ay tinatalakay sa inihandang lugar at inilalahad sa pamamagitan ng katitikan.
Ang pulong-bayan din ay di-gaanong pormal kapag ang pinuno ng bayan ay nagsasagawa
lamang ng anunsyo sa pangkat ng mamamayan sa pamamagitan ng pamaraang pasalita.

Komunikasyong Di-Berbal
Kapag nakikipag-usap tayo sa ibang tao, natural ang paggamit ng pagpapahayag na hindi
ginagamitan ng salita. Hindi natin ito napapansin sapagkat ang paggamit ng mga kilos,
ekspresyon at mga paralenggwahe ay umaayon sa bugso ng nararamdaman sa oras ng
pagpapahayag. Ang tawag dito ay mga uri ng komunikasyong di-berbal. Ang mga uri ng
komunikasyong di-berbal tulad ng paraan ng pag-upo, bilis ng paggalaw ng mga kamay,
pagbilog ng mga mata, pag-iling at maging paggalaw ng bibig, pagtapik at iba pa ay nadsasaad
ng iba't ibang mensahe na nabibigyang kahulugan ng kausap. Kahit na kapag tayo ay hindi
kumikilos o tayo ay hindi nagsasalita ay mayroon pa ring mga mensaheng inihihiwatig. Minsan
din, ang mga salitang lumalabas sa ating bibig ay hindi umaayon sa kahulugan ng mga ikinikilos

36
natin. Sa mga sitwasyong ito, kinakailangang mapag-ugnay ng nakikinig ang kahulugan ng kilos
at ng salita at mahusay na mapili kung alin sa berbal at di-berbal na paraan ng komunikasyon ang
kailangan niyang paniwalaan.

Ang sumusunod ay halaw mula sa pagpapaliwanag sa artikulo nina Hans at Hans (2018)
hinggil sa tatlong aspekto ang komunikasyong di-berbal. Kabilang dito ang kinesika (kinesic
behavior), pandama (haptics) at proksemika (proxemics). Bagamat nakaugnay sa tatlong ito ang
dalawa pang mahahalagang uri ng di-berbal na komunikasyon na batay sa pagpapaliwanag ni
Heathfield (2018) tulad ng paralengguwahe (paralanguage) at mga bagay (object language):

1. Kinesika (Kinesics)
Ang kinesika ay tumutukoy sa komunikasyong di-berbal na may kaugnayan sa paggalaw
ng katawan tulad ng tindig (posture), kumpas (gestures), ekspresyon ng mukha (facial
expression) at oculesics na tumutukoy sa paggamit ng mata (eye contact) sa pagpapahayag ng
mensahe.

Tindig. Isinasaalang-alang dito ang idea kung paano naaapektuhan ang ibang tao sa
paraan ng pag-upo, paglakad, pagtayo, o kaya ay pagkilos ng ulo. Kung paano igalaw ang
katawan o tumindig ay nagkapagpapahayag ng iba't ibang kahulugan. Ang bilis at bagal
ng paggalaw ay mayroon ding kahulugang inihihiwatig. Halimbawa, sa isang panayam sa
telebisyon, ang pag-upo nang nakakrus ang paa at maayos na pagtindig ng katawan ay
nagpapahiwatig ng pagiging handa ng guest artist sa mga tanong at sa iba pang mga
ipagagawa sa kaniya sa kabuoan ng panayam. Samantalang ang hindi pag-upo nang
maayos at pagbaluktot ng katawan sa parehong sitwasyon ay nagpapahiwatig naman ng
hindi kahandaan.

Pagkumpas. Ang pagkumpas ay bahagi na ng pang-araw-araw na pagpapahayag ng


kaisipan at damdamin ng isang tao. Ang pagkaway ay maaaring mangahulugan ng
pagsasabi ng "kumusta" o kaya ay "paalam". Ang pagturo (point) ay maaari ding
mangahulugan ng galit o kaya ay simpleng pagtukoy lamang ng mga bagay na
nagugustuhan. Ang ilan pa sa mga ginagamit na kumpas ay kapag kinukuyom ang palad
bilang kahulugan ng pagpigil ng matinding emosyon at paglalahad ng palad paharap sa
kausap na ang ibig sabihin ay pagpapahinto. Bilang paglalagom, ang (paggamit ng)
kumpas ay may iba-ibang kahulugan sa konteksto ng iba-ibang lahi at bansa.

Ekspresyon ng mukha. Binanggit nina Hans at Hans (2015) na ang mukha ay isa sa mga
bahagi ng katawan na nakapagpapahayag ng maraming ekspresyon at kahulugan. Ang
mukha ay nagpapahiwatig ng kaligayahan at saya, ng kalungkutan, ng galit, ng takot at
maging ng kabiguan

Oculesics/Pagtingin. Mabisang gamitin ang mata sa pagpapahayag. Kung paano


tumingin sa iba ay nakapagpapahayag ng maraming kahulugan. Ito ay maaaring
makapagpakita ng pagkawili, pagmamahal o pagsinta, poot at maging pagkagusto. Ang

37
pagtingin ay napakahalaga rin sa pagpapanatili ng daloy ng usapan at sa kung paano
maaaring tumugon ang kausap. Ayon pa rin kina Hans at Hans (2015), maaari tayong
makipag-usap sa pamamagitan ng ating mga mata:

2. Pandama (haptics)
Ang pandama, tulad ng paghawak, ay nakapagpapahayag din ng iba't ibang kahuli. Daan-
dang taon na itong ginagamit bilang isa sa mga anyo ng komunikasyon. Nagkakaroon ng ibang
kahulugan ang paraan ng paghawak. Halimbawa, ang mariing pakikipagkamay at pagtapik
balikat ay may magkaibang kahulugang inihahatid. Maaaring may galit, nakikiramay,
nagmamahal nambabastos ang kahulugan ng paghawak. Samantala, iba-iba ang kahulugan ng
paghaplos, pagpisi pagpindot at paghipo sapagkat ang diin sa pagsasagawa nito ay naghahatid
magkakaibang mensahe ayon sa pandama ng tumatanggap nito.

3. Proksemika (Proxemics)
Tumutukoy ito sa espasyo o agwat na maaaring may kaugnayan sa dalawang taong nag-
uusap Ang pagiging malapit, malayo o kaya'y malapit na malapit ng mga taong nag-uusap ay
naghahatid ng iba't ibang kahulugan ayon sa kung sino ang mga nag-uusap. Karaniwan, ang
espasyo ay di gaanong napapansin na nakapaghahatid din ng kahulugan. Halimbawa, naranasan
mo na bang makadama ng pagkairita kapag ang taong kinakausap mo ay napakalapit sa iyo? Ang
espasyo ay nakapaghahatid ng mga kahulugan tulad ng kapalagayan ng loob, pagkamapusok o
pagiging agresibo, pangingibabaw (dominance) at pagmamahal o pagsuyo.

4. Paralengguwahe (Paralanguage)
Ang paralengguwahe ay higit na tumatalakay sa kung paano nasabi o kung ano ang
paraan ng pagkasabi ng isang salita kaysa sa kung ano ang kahulugan ng mga nasabi. Halimbawa
nito ay ang bilis o bagal ng pagsasalita, tono, impleksyon ng boses, pagtawa, paghikab, buntong-
hininga, pag ungol at kahit na ang pananahimik o hindi pag-imik, Halimbawa, iba-iba ang
naipararating ng simpleng pagngiti sa lakas ng pagtawa. Iba rin ang kahulugan kapag ang isang
tao ay humahalakhak sa karaniwang pagbungisngis. Ang pagngiti, pagbungisngis, pagtawa at
paghalakhak ay iba-ibang ekspresyon na naghahatid ng iba-ibang mensahe. Isa pang halimbawa
ng paralengguwahe ay kapag ang isang tao ay pahinto-hinto o pautal-utal sa kaniyang pagsasalita
na naiiba rin kapag ang karaniwang paghinto (pause) sa pagsasalita ay ginagamit para maging
maayos na maiparating ang mensahe.

5. Bagay (Object language)


Malimit itong tawaging material culture. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kahulugan sa mga bagay-bagay na nakikita sa paligid
tinatawag ding material artifacts). Karaniwan, nauukol ito sa arkitektura tulad ng disenyo ng
gamit, damit, mga sasakyan at iba pa. Ang pagkakaayos ang mga kagamitan sa isang bahay o
opis ay nagtataglay rin ng mensahe na nabibigyang kahulugan ng tumitingin nito. Kaugnay nito,

38
ang pananamit at uri ng pananamit ay ginagamit din bilang isang paraan ng pagsasaad ng
mensahe tulad ng lahi, kalagayan, antas at uri ng pamumuhay at kalagayang ekonomiko.
Kaugnay nito, sa ibang kalagayang kultural, mayroon ding iba pang mga uri ng di-berbal na
komunikasyon tulad ng oras (chronemics, simbolo (iconics) at kulay (color).

Oras. Binibigyang pansin ang pagkakaiba-iba ng umaga, tanghali, hapon, takipsilim, gabi,
hatinggabi at madaling araw. Sa ibang kultural na kalagayan, ang mga ito ay may kaugnayan sa
trabaho at pagpapahinga ngunit sa iba naman ay walang takdang oras ang pagtatrabaho at
pagpapahinga. Kaugnay nito, maaaring nakaugnay ang kaisipan na ang mga Filipino ay maaaring
pumasok sa trabaho na lampas sa takdang oras ng pagpasok samantalang ang mga Amerikano ay
dapat pumasok sa trabaho ayon sa oras na itinakda. Sa ibang bansa ay may winter, summer,
spring at fall, ngunit sa Filipinas ay tanging tag-ulan at tag-araw lamang ang mayroon tayo.

Simbolo. Malinaw ang mga mensahe na inihahatid ng mga simbolo. Makikita ang mga ito sa
mga pamilihan, daan, palikuran, sasakyan at iba iba pa. Halimbawa rito ang mga simbolo ng na
No-U Turn, No Smoking, No Parking at Male / Female sa mga palikuran.

Kulay. Maraming kulay at iba-iba ang kahulugan nito. Halimbawa, ang pagsusuot ng puting
damit ng ikakasal na babae ay simbolo ng kabusilakan, ang itim na damit ay simbolo naman ng
pagluluksa. Ang pula ay karaniwang ginagamit sa mga fastfood chain sapagkat ito ay
sumisimbolo sa kulay ng pagkain at bukod pa rito ay nagdadala ito ng mainit na pakiramdam
katulad ng apoy. Maliban dito, noon, ang kulay ay nagpapahiwatig ng oryentasyong
pangkasarian. Ang asul ay para sa mga lalaki samantalang ang pula (o pink) ay para naman sa
mga babae. Ngunit sa pangkat ng LGBT community, ang kulay ng bahaghari ay simbolo naman
ng kalayaan nilang maging bahagi ng lipunan na walang diskriminasyon.

Mga Ekspresyong Lokal


Mayaman ang kulturang Filipino sa mga kultural na pagpapahayag tulad ng paggamit ng
mga salawikain, kasabihan, talinghaga at bulong. Ang mga ito ay mga uri ng pagpapahayag na
ginagamit para sa iba't ibang layunin tulad ng pangangaral, pagbibigay ng paalala, pagbababala,
paghahangad at pagpapahiwatig ng damdamin at kaisipan. Mga tao sa lipunan ang gumagamit ng
ganitong uri ng pagpapahayag Nabubuo at umuunlad ang kultura sanhi ng pakikisalamuha ng tao
sa kaniyang lipunan. Kaugnay nito, dahil iba-iba ang mga taong nakakasalamuha sa lipunan,
nahuhubog ang iba ibang ugaliin, paniniwala, gawi at kabilang na rin ang pagkakaiba ng mga
ekspresyon.

Tayo ay gumagamit ng mga ekspresyon na tangi sa lugar na kinalakhan. Iba-iba ang


ekspresyong ito ayon sa lugar na kinabibilangang pangkat ng tagapagsalita. Halimbawa, ang mga
Ilokano ay gumagamit ng palasak na ekspresyong tulad ng "Wen, Manong'o kaya ay "Win,
Manang Sa ibang lugar sa llokos, ang wen o win ay binibigkas na wen. Ang mga ekspresyong ito
ay katumbas ng "Opo, Kuya" at "Opo, Ate" na nagpapahiwatig ng paggalang sa nakatatandang
kapatid at/o kaya ay bilang pagrespeto sa mga kakilala. Samantala, may mga ekspresyon tulad ng

39
"Ating", "re" o "nire" (Cabanatuan). "Ala, eh" (Batangas), "Sus, Ginoo", "Alla naman" (Bataan)
na bukod-tangi rin sa nabanggit na lugar.

Ang mga ekspresyon, bilang bahagi ng gawing pangkomunikasyon ng mga Filipino ay


nag-iba dahil sa heograpiya o lokasyon ng tagapagsalita. Ito ang dahilan kung bakit may
varyasyon ang paggamit ng wika

Halimbawa:
Tagalog: Bumangon ka na, mataas na ang sikat ng araw. (nangangahulugang
tanghalina kaya dapat bumangon na sa pagkakahiga at magtrabaho na)

Ilocano: Bumtak ti sara't nuangin (o sa iba ay nuangen). sa literal na kahulugan ay


pumutok na ang sungay ng kalabaw. Kapag sinabi ang bumtak ti sara't
nuangin (nuangen) ay ipinakakahulugan na tanghali na at mataas na ang
sikat ng araw kaya bumangon na at magtrabaho na

Sa ibang tagapagsalita, ipinahahayag ito katulad ng "Tindig araw na'y di pa luto" na ang
kahulugan ay tulad din ng sa Iloko at sa Tagalog.

May mga ekspresyong lokal na karaniwan sa mga tagapagsalitang Filipino. Nahahati ito
sa tatlong pangkat. Ang una ay ang mga katutubong ekspresyon, ang ikalawa ay ang mga
ekspresyong makabago at ang ikatlo ay ang ekspresyong milenyal. Narito ang ilang halimbawa.
Maipaliliwanag mo ba ang ibig sabihin ng mga ito at kung paano ito ginagamit?

Katutubong Ekspresyon
1. Jeproks 6. Iniputan sa ulo
2. Para kang sirang plaka 7. Bugtong na anak
3. Kopong kopong 8. Topo-topo
4. Naniningalang-pugad 9. Makunat pa sa belekoy
5. Giyera patani 10. May pileges sa noo

Makabagong ekspresyon
1. Anak ng …..! 6. Diyos ko! O, Mahabaging Diyos!
2. Diyaske 7. Ikako
3. Susmaryosep 8. Mucho dinero
4. Bahala na o kaya ay sige lang 9. Totoy o Nene
5. Ganun? 10. Lutong Macau

Ekspresyong milenyal (Higit na makabagong ekspresyon)

40
1. Humuhugot 6. Lodi
2. Ansabe 7. E di wow!
3. Ligwak 8. Ginigigil mo ako
9. Petmalu 4. Havey
10. Pak! 5. Werpa

MIDTERM

Mga karagdagang Gawain


1. Pagsasaliksik at pangkatang pag-uulat. Bumuo ng grupo na may 5-8 miyembro. Saliksikin
ang mga paksang nakalista. Maghanda ng presentasyong powerpoint para sa 15 minutong
pagtalakay.

Rubrik Para sa Pangkatang Pag-uulat

Layunin: Natatalakay nang may kahusayan ang piniling paksa


Naipaliliwanag ang mga konsepto hinggil sa piniling paksa
Nakapagpapakita ng mahusay at mabisang pagpapahayag

41
Indikasyon ng Puntos ng Tagataya: Puntos ng Tagataya: Kabuoan
pagtalakay Mag-aaral Guro 10/2

Naaangkop at naaayon 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1
ang pagtalakay ng
kaisipan sa piniling
paksa

Nakapagpapahayag ng 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1
sariling kaisipan/ideya
hinggil sa paksang
tinatalakay

Natatalakay nang 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1
maayos at masistema
ang paksa

Nailalahad ang mga 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1


kaisipan nang wasto at
malinaw

Naipapasa ang sipi ng 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1


ulat (word format,
bibigyang pansin ang
nilalaman at kaayusan)

Kabuuan

Mga paksa (maaaring kumuha ang pangkat ng ibang paksa na wala sa nabanggit basta may
pahintulot ang guro):
"Sawsaw o Babad: Anong klaseng Usisero Ka?" ni J. Barrios
"Ituro Mo Beybi: Ang Improbisasyon sa Pagtuturo" ni G. Atienza
"Kasal-Sakal: Alitang Mag-Asawa" (saliksik na gumamit ng umpukan) ni M. F. Castronuev
Balba at E

"Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12)" ni


G. Zafra
"Bayan at Pagkabayan sa Salamyaan: ang Pagpopook ng Marikina sa Marikenyo" ni J. Petras
Kamalayang-bayang

42
"Pahiwatig" ni M. Maggay

2. Pagsasagawa ng pulong-bayan sa loob ng klasrum o role playing ng iba't ibang gawing


pangkomunikasyon.

Rubrik sa Pagtataya ng Pulong-Bayan / Role Playing


Layunin: Nakapaglalahad ng mga sitwasyon hinggil sa gawing pangkomunikasyon. Nagagamit
ang mga angkop na ekspresyon at mga mga salita ayon sa hinihingi ng sitwasyon.

NATATAN MAHUSAY KATAMTAM KAILANGAN


GI 3 AN PA NG
4 2 PAGSASANA
Y
1

Napakahusay ng
pagpapakita ng
sitwasyon ang mga
nailahad na
pangyayari ay
angkop at naaayon
(x2)

Nagamit ang mga


angkop na salita at
ekspresyon na ayon
sa sitwasyon,
maliwanag at
malinaw itong
inihayag. (x2)

Napakaayos ang
nailahad na bahagi
ng pulong-bayan
role play. Mayroon
itong simula
katawan, tunggalian
at wakas

Kabuoan

43
Interpretasyon:
10-12 Natatangi ang pagganap at paglalahad ng konsepto
7-9 May kahusayan ang pagganap at paglalahad ng konsepto
4-6 Katamtaman ang pagganap at paglalahad ng konsepto
1-3 Nangangailangan pa ng pagsasanay
3. Pagsasaliksik ng iba't ibang ekspresyon. Magsaliksik ng iba't ibang ekspresyon. Ilahad ang
kahulugan ng mga ekspresyon at kung sa anong sitwasyon ito nagagamit.

Rubrik sa Pagtataya ng Gawaing Pananaliksik

Layunin: Nakapagtitipon ng iba't ibang ekspresyong lokal.


Nailalahad ang mga hinihinging detalye kaugnay ng mga ekspresyong lokal.
Napahahalagahan ang iba't ibang mga ekspresyong lokal sa pamamagitan
ng pagiging aktibong kabahagi sa kultural na pagpapayaman ng/sa
wika/komunikasyon.

Indikasyon ng Pagtataya Puntos Aktwal

Nilalaman: sapat ang nasaliksik na 15


impormasyon at ang detalye ay masusing
nailahad; nalapatan ng angkop na paliwanag

Kaayusan: maayos ang pagkasunod-sunod ng 5


impormasyon at detalye sa paglalahad

Pagsangguni: inilapat sa papel ang wastong 5


pagsangguni/sanggunian

Pagpasa: naipasa sa guro ang papel sa 5


takdang orasna napagkasunduan (1 puntos
kabawasan sa indikasyong ito bawat araw)

Kabuoan 30

44
4. Pagsulat ng sosyo-kultural na papel. Sumulat ng sosyo-kultural na papel hinggil sa
gampanin ng wikang Filipino sa pagpapanatili ng pagpapahalaga at kulturang Filipino.
(Maaaring pumili ng iba pang paksa kung ipahihintulot ng guro.)

Rubrik sa Pagsulat ng Sosyo-Kultural na Papel

Napakataas ang Mataas ang Di-gaanong Kailangan pa ng


kasanayan kasanayan mataas ang pagsasanay
4 3 kasanayan 1
2

Presentasyon:
nakabuo ako ng
maaayos na
pangungusap at
talataan

Paggamit ng
salita: pili,
angkop, wasto at
naaayon sa paksa
ang mga salita na
aking ginamit.

Organisasyon:
nailalahad ko ang
aking mga
kaisipan nang
maayos, malinaw
at detalyado

Nilalaman:
nakapaglahad ako
ng mga
impormasyong
bago,
makakatotohanan
at kapanipaniwala

Pagsangguni:
sapat ang
sangguniang

45
ginamit ko at
inilapat ko sa
pagtalakay ang
wastong
pagsangguni

Estilo at
pamamaraan: may
sarili akong estilo
at pamamaraan sa
pagsulat

Pagpasa: naipasa
ko sa guro ang
papel sa takdang
oras na
napagkasunduan
(1 puntos
kabawasan sa
indikasyong ito
bawat araw)

Kabuoang Puntos
28/7

Interpretasyon
3.25 -4.00 Napakataas ang antas ng kasanayan sa pagsulat at lubos na lubos ang
kahusayan sa pagtalakay ng paksa

2.50 -3.24 Mataas ang antas ng kasanayan sa pagsulat at lubos ang kahusayan sa
pagtalakay ng paksa

1.75 -2.49 Di-gaanong mataas ang antas ng kasanayan sa pagsulat at nangangailangan pa


ng paggabay

1.00 1.74 Mababa ang antas ng kasanayan sa pagsulat at nangangailangan pa ng masusing


paggabay

IV. A. MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL


Pabahay, Pangkalusugan, Transportasyon, Edukasyon at Urbanisasyon

46
Mga Layunin: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1) Nakikilala ang iba't ibang isyu sa lipunan hinggil sa usapin sa pabahay, pangkalusugan,
transportasyon, edukasyon, urbanisasyon, pagkasira ng kalikasan, at kalamidad;
2) Natatalakay ang mga dahilan at bunga ng mga isyung panlokal at pangnasyonal; at
3) Nakapagmumungkahi ng mga solusyon sa iba't ibang isyung panlipunan.

Introduksyon:
Sa pagbabago ng panahon, umuusbong din ang iba't ibang hamong panlipunan na
kinakaharap ng isang bansa. Hindi maihihiwalay sa pag-unlad ng isang bansa ang pagharap sa
mga isyung panlipunan. Sinumang nagnanais na paunlarin ang kaniyang bansa o ang kaniyang
lipunan ay nangangailangan ng ibayong pagdalumat sa mga suliranin. Ibig sabihin,
kinakailangan na makilala at maunawaan ng isang lipunan ang mga hamong kinakaharap upang
matugunan ang mga ito at makasabay sa nagbabagong panahon

Ang Filipinas, bilang maunlad na bansa, ay hindi rin maitatangging nahaharap sa mga
isyung panlipunan. Sisipatin natin sa araling ito ang kalagayan ng bansa sa konteksto ng
serbisyong pabahay, pangkalusugan, transportasyon, edukasyon, urbanisasyon, pagkasira ng
kalikasan at kalamidad na nagbibigay-buhay sa iba't ibang isyung panlipunan.
❖ Paunang Aktibidad:

Hatiin ang klase sa walo hanggang sampung grupo. Magsagawa ng sarbey-panayam sa 10


piling mamamayan ng inyong barangay na nasa edad 18-65. Itanong kung ano ang mga
suliraning panlipunan na kanilang nararanasan at itala ito sa isang coupon bond (dokumento ang
gagawing sarbey-panayam.) Gamiting gabay ang talahanayan sa ibaba:

Suliraning Panlipunan Frequency (bilang ng beses Kabuoan


na ito'y nabanggit)

lulat sa klase ang resulta ng inyong aktibidad.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka sa Sarbey-Panayam at Pag-uulat

Pamantayan Deskripsyon Kabuoan

Komprehensibo ang naging

47
pagtalakay/pag uulat sa
resulta ng sarbey-panayam.
Malinaw na naisa-isa ang
Nilalaman iprinesentang mga suliraning 30 pts
panlipunan.
Mayroong ebidensyang
makapagpapatunay sa
nilalaman ng ulat
(dokumentadong larawan
ngisinagawang sarbey-
panayam).

Pag-uulat May tikas ang tindig;


malinaw at malakas ang 20 pts
boses, dinig sa apat na sulok
ng klasrum.

Kabuoan 50pts

Kalagayan ng iba't ibang Serbisyong Panlipunan: Pabahay, Pangkalusugan,


Tranportasyon at Edukasyon
Nanatill pa ring usapin sa bansa ang isyu sa mga serbisyong panlipunan na
kinabibilangan ng pabahay, pangkalusugan, transportasyon, at edukasyon. Isa-isahin nating
sipatin ang kalagayan ng mga serbisyong ito:

Pabahay
Sa inilabas na ulat ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala noong taong 2017,
pumapatak na humigit-kumulang sa 11.7 bilyong piso ang nakalaan na badyet sa pabahay at
Housing Amenities. Kasama rito ang mga benepisyong pabahay at mga probisyon para sa
malinis na pinagkukunan ng inuming tubig para mapagaan ang pamumuhay ng mga maralitang
Filipino.

Ang National Housing Authority (NHA) bilang ahensya ng gobyerno ay nasa tatlumpu't
siyam na taon na sa serbisyong pabahay ng masang Filipino. Ito'y nagbibigay tulong, serbisyo't
pagkakataon upang umangat at mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga benepisyaryo sa
isang bagong komunidad at kapaligiran. Patuloy itong nagpapatupad ng mga programa at
proyekto na higit na makakatugon sa tukoy na pangangailangan ng mga awardee ng lote/yunit.

48
Bagaman napopondahan ito ng pamahalaan, nanatili pa ring usapin sa serbisyong
pabahayang mabagal na implementasyon ng mga programa. Ang suliraning ito ay maaaring nag-
uugat sa mabagal na proseso ng pagtatamo ng lupa (land acquisition), pagbibigay ng lisensya ng
lokal na pamahalaan, urban planning at hindi malinaw na patakaran at tuntunin ng lokal na
pamahalaan, at hindi malinaw na polisiya ng pamahalaan.

Pangkalusugan
Ang Kagawaran ng kalusugan ay ang ahensya ng gobyerno na namamahala sa mga
serbisyong pangkalusugan para sa mamayang Filipino. Noong taong 2017, ang inilaan na pondo
ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala para sa Kagawaran ng Kalusugan ay 153.6 bilyong
piso. Binubuo ito ng mga gugulin sa mga serbisyong ospital, outpatient, kalusugang pampubliko,
seguruhang pangkalusugan, at pangkalusugang pananaliksik at pagsulong.

Pinagtutuonan ng pansin ng nasabing kagawaran ang sumusunod:


1) Health Human Resource. Ito ay tumutukoy sa pagkuha ng mga bagong health
personnel para matiyak ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan, lalo na
sa mga lilib na lugar.

2) Early Childhood Care and Development. Naglalayong bigyan ang lahat ng 9.3 milyong
bata na limang taon pababa ng mahahalagang bitamina at mineral

3) National Immunization. Pagsasagawa ng ganap na imyunisasyon sa 2.4 milyong bata


sa buong bansa laban sa mga sakit na kayang maiwasan sa pamamagitan ng bakuna tulad ng
dipterya, tigdas at rubella (German Measles)
4) Other Infectious Diseases. Naglalayong mabawasan ang epekto sa kalusugan ng mga
nakakahawang sakit, at palakasin ang paghahanda at pagtugon sa mga lumilitaw at papalitaw pa
lamang na mga sakit..
5) Tuberculosis Control. Naglalayong pigilin ang pagdami ng mga kaso ng Tubercolosis

6) Health Facilities Enhancement. Naglalayong makabili ng mga kagamitan para sa mga


ipapatayo, ipaaayos o plalawaking pasilidad pangkalusugan ng gobyerno. Binibigyang tuon din
dito ang pagpapagawa, pagpapaayos, at pagkukumpuni ng mga estasyong pangkalusugan sa mga
barangay, rural health units, ospital ng mga LGU at rehabilitation centers para sa mga drug
dependent na gustong magbago bukod sa iba pa

Transportasyon
Isa sa pinakamalaking suliranin na kinakaharap ng bansa ay ang suliranin sa trapiko.
Mayroong mahigit 520,000 sasakyan ang bumabiyahe sa EDSA sa parehong direksyon araw-
araw. Malaking bagay ang naidudulot ng pag-usbong ng trapiko sa bansa. Hindi lamang oras at
panahon ang nagugugol kundi pati na rin ang pagkasayang ng pera. Idagdag pa rito ang inip ng
bawat pasaherong naghihintay ng masasakayan. Ang problemang ito rin ay nagiging malala at

49
ramdam na ramdam ng karamihan sa tuwing sasapit ang mga peak season tulad ng Kapaskuhan
at Bagong Taon. Hindi rin maliwasan ang mga aksidente sa daan sa daan bunsod ng ganitong
penomena.

Ang pagdami ng mga pamilyang gumagamit ng mga sasakyan ay nakadaragdag din sa


problema ng trapik sa lugar. Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang bilang ng mga
mayroong kotse sa Manila ay tumaas mula sa 1.7 milyon noong 2008 hanggang sa 2.1 milyon
noong 2015108 sabihin, ito ay tumaas ng 26 porsyento sa loob lamang ng pitong taon.

Sa pag-usbong ng mga ganitong suliranin, naroon din naman ang pagtugon ng


pamahalaan sa mga ito. Sa kalsada, nariyan ang plano sa metro bus raid transit line at mga
integrated terminal. Sa tren, planong i-extend ang LRT-1 sa Cavite, ang LRT-2 sa Pier 4 at
Masinag, at ang PNR sa Pampanga at Laguna gayundin ang pagtatayo ng lima pang linya ng
tren. Sa pamamahala naman, nais na ireorganisa ng Pangulo ang Land Transportation Office
(LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila
Development Authority (MMDA) (http://www.manilatoday.net/top-10-isyu-na-hinihintay-natin-
ang-pagbabago/

Isang malaking tanong pa rin para sa lahat kung magiging epektibo ba ang mga
programang ito para masolusyonan ang problema sa trapiko. Gayunpaman, ang kaisipan na ang
gobyerno ay lumilikha ng mga programa para malutas ang nasabing suliranin ang siyang
nagbibigay pag-asa sa bawat Filipino na isang araw ay mababawasan kundi man ay ganap itong
malulutas

Edukasyon
Nangunguna ang Kagawaran ng Edukasyon sa mga ahensya na pinaglalaanan ng pondo
ng pamahalaan. Naglaan ang kagawaran ng Badyet at Pamamahala ng P648.2 bilyon para sa
edukasyon noong taong 2017. Sakop nito ang panimulang batayan at batayang edukasyon,
sekondarya at tersyaryang edukasyon, at maging mga gusaling pampaaralan, bukod pa sa iba.

Kinikilala ng pamahalaan ang edukasyon bilang isang matibay na instrumento sa


pagpapausbong ng pagbabago sa bansa kaya nabigyang buhay ang K to 12 Program. Ang K to
12 Program ay pinatibay ng RA 10533 o Enhanced Basic Education Act na may layuning
makalikha nang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi. Isa ring
katangian ng programang ito ang Education for All (EFA) o Inclusive Education na kung saan
ang lahat ay bahagi at tanggap sa harap ng sistema ng edukasyon.

Bagama't naisakatuparan ang nasabing programa, malaking bilang pa rin ng mga


kabataan ang hindi nakakapag-aral. Batay sa 2017 Annual Poverty Indicators Survey, siyam na
porsyento sa tinatayang 39.2 milyong Filipino na may gulang anim hanggang 24 ang kabilang sa
Out-of-School Children and Youth (OSCY). Ang OSCY ay tumutukoy sa mga miyembro ng
pamilya na may gulang anim hanggang 14 na hindi pumapasok sa isang pormal na edukasyon; at
miyembro ng pamilya na may gulang 15 hanggang 24 na kasalukuyang hindi nakatala sa

50
paaralan, hindi nagtatrabaho, at hindi pa nakatapos sa kolehiyo o alinmang post-secondary
courses.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga dahilan ng mga OSCY sa hindi
pagpasok sa paaralan ay mga isyung pampamilya (37%), kawalan ng interes sa pag-aaral
(24.7%), at mahal na bayarin sa edukasyon at iba pinansyal na usapin (17.9 %). Sa mga babaeng
OSCY, nangunguna ang problemang pampamilya (57%) bilang pinakadahilan ng hindi pagpasok
sa paaralan; sa kalalakihan aman, nangunguna ang kawalan ng interes sa pag-aaral (43.8 % ).

Gayunpaman, sa kabila ng datos na inilabas ng PSA, isang magandang balita para sa mga
mag-aaral ang Free Tuition Fee program ng pamahalaan para sa mga mag-aaral na nasa State
Universities at Colleges. Ang Free Tuition Fee na ito ay nangangahulugang libreng matrikula sa
pag aaral sa kolehiyo para sa mga mahihirap na mag-aaral. Ang hakbang na ito ng gobyerno ay
nagpapatunay lamang na kaya ng bansa na laanan ng maganda at mabuting edukasyong ang mga
mamamayang Filipino.

Iba't Ibang Usapin Hinggil sa Urbanisasyon


Ang urbanisasyon ay isang proseso kung saan ang mga bayan at mga siyudad ay
nagkakaroon ng paglobo ng populasyon sanhi ng patuloy na pagdami ng mga taong gustong
manirahan at makapagtrabaho sa lugar. Ang nagyayaring mabilis na urbanisasyong ito hanggang
sa kasalukuyan ang itinuturong dahilan ng paglago ng bilang ng mga slum a karaniwang tirahan
ng mahihirap sa ating mga lungsod.

Ang paglipat ng mga mamamayan patungo sa sentro ng kalakaran ay hindi garantiya ng


isang marangya at maayos na buhay sa bayan o sa siyudad. Sapagkat sa kabilang banda, ito ay
maaaring makapagdulot ng mas malalang problema sa lipunan. Ang National Capital Region,
halimbawa, bilang sentro ng kalakalan sa bansa, ay nahaharap sa iba't ibang hamong panlipunan
na bunga ng urbanisasyon

Isa sa mga magagandang naidudulot ng urbanisasyon ay ang pagkakaroon ng lakas


paggawa para sa mga industriya at ilan pang pagawaan sa mga urban area. Gayunpaman, hindi
lamang nalilimitahan dito ang naidudulot ng nasabing penomena. Dahil sa kabilang banda, ang
mabilis na paglobo ng populasyon sa isang lugar ay nakalilikha ng polusyon. Hindi mailalayo na
dadami at dadami ang mga basura mula sa kabahayan at mga pagawaan. Ang pagdami ng basura
ay maaaring makapagdulot ng iba't ibang sakit sa mga tao.

Ang pagkakaroon din ng mga iskuwater sa mga lungsod ay isang malaking problema
para sa lugar. Malaking suliranin para sa mga nasa iskuwater ang sanitasyon at pagkukuhanan ng
malinis na tubig. Dahil na rin sa lumalaking populasyon, ang pinagkukunang yaman at ang
hanapbuhay ay hindi makatutugon sa pangangailangan ng mga tao kung kaya't mas lumalala ang
kahirapan sa bansa na siyang nagbibigay problema sa seguridad ng mga tao. Bunga nito, hindi
mailalayo ang mabilis na pagdami ng krimen bunsod ng kahirapang naidudulot ng urbanisasyon.

51
Upang higit namaunawaan ang iba pang naidudulot ng urbanisasyon, basahin ang
artikulo ni Fr. Anton Pascual sa ibaba:
KAPANALIG, napakabilis ng urbanisasyon sa ating bansa. Hindi lamang ito nakikita sa
National Capital Region, kuti sa ilan pang mga rehiyon sa bansa. Ang mabilis na
urbanisasyon ay may malaking implikasyon sa mga imprastruktura at serbisyo ng bansa,
gaya ng tubig at sanitasyon.

Base sa opisyal na datos, 45,3% ang antas ng ating urbanisasyon. Ibig sabihin nito, base
sa 2010 population census, 41.9 milyon ng ating 92.3 milyong populasyon ay nakatira na
sa urban areas. Noong 2007, nasa 42% lamang ang lebel ng ating urbanisasyon. Ang
mabilis na urbanisasyon ay nagdadala hindi lanang ng kaunlaran, kundi maging ang ilang
problema.

Ang mga siyudad sa ating bansa ay humaharap sa mga isyu ng pagsisikip, overcrowding,
mababang kalidad ng buhay at mga lumalaking informal settlements. At sa paglaki ng
problemang ito, ang probletna sa tubig at sanitasyon ay lumalaki rin.

Base sa datos ng 2014 Annual Poverty Indicators Survey (APIS), 85.5 percent ng 22.7
milyong pamilya sa ating bansa ay may access sa ligtas na supply ng tubig mula sa
community water system tungo sa kanilang sariling bahay, bakuran o sa mga
pampublikong gripo o balon

May natitira pang 14.5 porsyento ng pamilya na kumukuha ng kanilang water supply sa
mga 'di ligtas na pinagkukunan gaya ng mga napabayaang balon, mga bukal, ilog, lawa,
tubig ulan o sa mga nagbebenta ng tubig gamit ang mga trak

Pagdating naman sa sanitasyon, 94.1% ng mga pamilya ay may access sa sanitary toilet
facility o mga kasilyas na nafa-flush at nakasara. Anim na porsyento naman ng pamilya
ang gumagamit parin ng "open pit, drop or overhang at de-buhos.
Kadalasan, ang mga kulay o walang access sa tubig o sanitasyon ay ang mga tunay na
maralita. Sa urban areas, ang mga nakatira sa mga informal settlement ang karaniwang
walang access sa tubig at sanitasyon. At dahil nya sa congested ang mga lugar na ito, ang
mga pangangailangan sa ganitong batayang serbisyo ay nagiging mas matingkad.

Hindi na kailangang ulit ulitin pa na sa paghahangad natin ng modernisasyon at


kaunlaran, hindi tayo dapat mang-ipit o mang-iiwan ng ating mga kababayan. Kahit ano
pang linis ang gawin natin sa ating bakuran, kung madumi din ang ating lipunan, lahat
din tayo ay magkakamantsu Ang kakulangan sa tubig at sanitasyon ay hindi lamang
problema ng ilan. Ito ay problema nating lahat dahil public health, kapanalig, ang
nakataya rito. Ang malinis at maayos na access sa tubig at sanitasyon ay isang batayang
karapatan. Ito ay dapat nating itaguyod dahil ito ay isang pamamaraan ng panlipunang
katarungan al common good, mga prinsipyo ng ating pananalig bilang mga Kristyanong

52
Katoliko. Ayon nga sa Laudato Si "Underlying the principle of the common good is
respect for the human person as such, endowed with basic and inalienable rights ordered
to his or her integral development. It has also to do with the overall welfare of society...
The common good calls for social peace, the stability and security provided by a certain
order which cannot be achieved without particular concern for distributive justice."
(Laudato Si isang aklat mula sa Santo Papa na naglalaman ng kaniyang mensahe para sa
mga tao.)
Sumainyo ang katotohanan! (Fr. Anton Pascual)

Usapin Hinggil sa Malawakang Pagkasira ng Kalikasan at Pagkakaroon ng kalamidad


Hindi maitatanggi na ang Filipinas ay napakayaman sa likas na pinagkukunang yaman.
Tahanan ang bansang ito ng iba't ibang uri ng halaman at hayop. Sa halaman, ayon kay
Encarnacion (2016) humigit-kumulang ay may dalawang milyong uri ng mga ito ang
matatagpuan sa ating bansa-at karamihan sa mga ito ay dito lamang sa ating bansa matatagpuan.
Samantala, humigit-kumulang 1,200 naman ang uri ng mga hayop na matatagpuan sa Filipinas
(IBON Foundation Inc. 2006).

Sa inilabas na badyet ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala noong taong 2017,


naglaan ng 27.6 bilyon para sa proteksyon ng kapaligiran. Ito ay binubuo ng mga gugulin sa
waste management, pagpigil sa polusyon, proteksyon sa biodiversity at kalupaan, bukod pa sa
iba. Ngunit tila ba hindi ito kasama para panatilihin ang kalinisan at proteksyonan ang
kapaligiran.

Sa tala ng Nilad, Earth Island Institute, PAWS, et al. (2016) at binanggit din ni
Encarnacion (2016), ang lahat ng likas na yaman na ito ay unti-unting nawawala at nasisira.
Pitumpung porsyento (70%) ng bakawanan ang nasira na nitong nagdaang mga dekada. Ang mga
bakawan ang nagsisilbing tahanan ng mga hayop sa dagat. Ibig sabihin nito, kasabay ng
pagkaubos at pagkasira ng mga bakawan ay ang nakaambang pagkaubos din ng mga lamang-
dagat.

Unti-unti na ring nasisira ang kagubatan dahil sa malawakang pagpuputol ng mga kahoy
na ginagamit ng iba't ibang industriya. Ang malawakang pagkasira ng kagubatan ay
nagbubunsod ng iba't ibang sakuna sa mga mamamayan. Idagdag pa rito na mawawalan ng
tirahan ang mga hayop sa kagubatan kung patuloy ang pagkasira ng kanilang tahanan.

Isang nakikitang dahilan ng patuloy na pagkasira ng kalikasan ay ang hindi pagiging


mahigpit ng ating batas at tila ba sumasang-ayon ito sa mga pagpapahirap ng kalikasan. Ang
Executive Order malalaking industriya o ahensya na siyang lalong no. 79 na nagpapabilis sa
proseso ng pagkuha ng permiso sa pagmimina ay isang malaking hakbang tungo sa pagkasira ng
kalikasan. Kung magiging madali na para sa lahat ang magsagawa ng pagmimina, maraming
punongkahoy ang mapuputol sapagkat ito ang panimulang hakbang sa nasabing aktibidad.

53
Bukod sa pagkaputol ng maraming punong kahoy, nariyan din ang pagguho ng lupa sapagkat
hindi na matibay ang pundasyon nito.

Dahil sa malawakang pagkasira ng kalikasan at dahil sa heograpikong lokasyon ng


Filipinas na nasa Pacific Ring of Fire, umuusbong ang iba't ibang uri ng kalamidad. Mahirap
makalimutan ang Bagyong Yolanda na minsa'y humagupit sa ating bansa, ang bagyong ito ang
naitalang pinakamalakas na bagyo na naranasan sa buong kasaysayan ng ating daigdig.

Tatlong taon na ang nakakalipas simula nang hagupitin ang bansa ng pinamalakas na
bagyong iyon. Mahigit anim na libo ang namatay at milyon-milyong halaga ng mga ari-ariang
nawala. Dagdag pa rito ang trauma at hirap na dinaranas ng mga naiwang biktima.

Sa kabila nito, tila kulang ang naging suporta ng administrasyong Aquino sa mga
biktima. Maraming naging anomalya pagdating sa tulong na ipinaabot ng mga Filipino mula sa
iba-ibang panig ng bansa maging sa tulong ng mga dayuhan. Ang mga paunang relief good
hanggang sa mga proyektong pabahay ay hindi lubusang napapakinabangan ng mga biktima.

Pagdating ng administrasyong Duterte, ayon sa Commission on Audit report, nasa


mahigit 30 porsyento pa lamang ang nasisimulan sa programa ng rehabilitasyon, mahigit 30
porsyento rin ang malapit nang simulan at ang natitira ay wala pang usad. Sa pagpasok ng
ikaapat na taon matapos ang bagyong Yolanda, inaasahan ang mas mabilis at komprehensibong
pagtugon sa rehabilitasyong kinakailangan ng mga biktima (http://www.manilatoday.net/top-10-
isyu-na-hinihintay-natin-ang pagbabago/).

IV. B. MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT INASYONAL


Korapsyon, Kahirapan, Malnutrisyon, Kawalang Seguridad Sa Pagkain

Ang korapsyon, kahirapan, malnutrisyon at kawalang seguridad sa pagkain ay mga salitang


magkakaugnay na nagpapahirap sa ating bansa.

● Korapsyon!
● Kahirapan!
● Malnutrisyon!
● Kawalang Seguridad sa Pagkain!

Ano nga ba ang dahilan ng mga ito? Sino ang dapat sisihin hinggil sa nararanasang ito ng ating
bansa?
Sa internet, sa kasalukuyang panahon, madalas isisi ang mga ito sa maling pamamalakad
ng mga namamahala sa bansa. Ngunit ang tanong: "Sila nga ba ang may kasalanan at dapat
sisihin hinggil sa mga isyung ito? O tayong mga mamamayan mismo?" Ang argumento ng iba,
kaya sila nakararanas ng paghihirap ay dahil wala silang trabaho. Ang totoo, maraming trabaho
ang bukas sa mga manggagawa, mapili lang talaga ang ilan.

54
Sa bahaging ito ng pag-aaral ay lilinawin isa-isa ang korapsyon, kahirapan, malnutrisyon
at kawalang seguridad sa pagkain bilang napapanahong isyung lokal at nasyonal.
Layunin sa bahaging ito ng pag-aaral ang sumusunod:

Kaalaman
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba't ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Filipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.

3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis


na akma sa iba't ibang konteksto.

4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba't ibang


konteksto.
5. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na nakaugat sa mga
realidad ng lipunang Filipino.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa iba't
ibang antas at larangan.
2. Makapagbalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggamit ng iba't ibang porma ng midya.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang idea.

Paunang Gawain: Ang mga salita na makikita sa ibaba ay pawang pangangailangan ng tao para
mabuhay.

Pagkain Edukasyon
Pera Tubig
Damit Kalusugan
Bahay Sanitasyon

55
Ayon sa iyong sariling pagpapasya, ayusin ang mga larawan sa gusto mong hiyarkiya ng
kanilang kahalagahan. Pagkatapos maisagawa ito, ipaliwanag sa klase kung bakit ganoon ang
ginawa mong pagsusunod-sunod.

Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor sa Gawaing Pagpapaliwanag

Buo at Komprehensibo -10


May isa hanggang tatlong kakulangan -7
May apat hanggang limang kakulangan -5
Kulang na kulang -3

Mekaniks 10 7 5 3

Nilalaman - Naipaliliwanag nang buong linaw ang ayos ng mga


pangangailangan batay sa sariling karanasan.

Katatasan sa Paggamit ng Wika - Nailalahad ang idea gamit


ang wika at kayang manipulahin ang mga salita tungo sa
malinaw at epektibong pagpapahayag

Maayos ang Idea May kaayusan at wastong pagkasunod-sunod


ang mga idea tungo sa pagbuo ng mapanghikayat na pahayag
kaya kapani-paniwala ang paglalahad.

Kabuoang Puntos (30)

Korapsyon at Kahirapan
Alamin:
Tayo'y may iba't ibang pananaw o konsepto sa buhay batay sa ating kinagisnang uri ng
pamumuhay. Marahil ay malayong magkakaiba ang pagkakaayos ng hiyarkiya ng
pangangailangan dulot ng kinagisnan nating uri ng buhay ng pamilya. Karaniwan ay tatlo lamang
ang kinikilala na lalong mahalaga sa tao upang mabuhay ang mga ito ay pagkain, tirahan at
pananamit; ang iba ay hindi na abot ng ilan dahil sa kahirapan.

56
Ayon sa mga eksperto at mga pag-aaral, sa kabila ng ragasa ng mga modernong
kagamitan na produkto ng makabagong teknolohiya at sa kabila ng mga repormang ipinatutupad
sa gobyerno batbat pa rin ang kahirapan ng buhay sa nararanasan ng mga tao. Ang masaklap
lumala pa ito dahil sa kagagawan ng ilang tao.

Para lubos na maunawaan ay tatalakayin at lilinawing isa-isa sa bahaging ito ng pag-aaral


ang mga napapanahong isyung lokal at nasyonal na binabanggit sa itaas.

Una ay ang kahirapan. Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na


walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolutona kahirapan av
kalagayan o katayuan nang di pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang magkaroon ng mga
batayang pangangailangang ng tao tulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisvon,
pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan. Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan
ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa
ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa ibang mga tao sa ibang
lipunan o sa ibang bansa.

MGA SANHI AT BUNGA NG KAHIRAPAN SA FILIPINAS


ni: Roxanne Gregorio

1. Korapsyon
Maitututring ba itong sakit ng lipunan o distraksyon sa mga mamamayan? Gaano na nga
ba ito kalala? Ang korapsyon ay nakaugat na sa sistema ng politika dito sa Filipinas. Napakatagal
na panahon ng kaakibat ng salitang "politika" ang "korapsyon". Halos magkasingkahulugan na
nga ang dalawa. Hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang "politika" at
"gobyerno", pumapasok matatagpuan sa indibidwal na tao at pumapasok sa ating isip ang
salitang "korapsyon. Ang korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi matatagpuan sa
indibidwal na tao.
Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na ang Filipinas ang isa sa may pinaka-corrupt na
gobyerno sa mundo kung kaya't hindi komportable ang ibang bansa na mamuhunan o tumulong
sanbansa dahil kadalasan ay ibinubulsa lamang ito ng mga politiko. Ang pagiging korap ng mga
politiko ang isa sa mga dahilan kung bakit naghihirap ang bansa. Noong nakaraang bagyong
Yolanda, mahigit nlabinwalong bilyon ang ibinigay ng limampu't anim na bansa kagaya ng
Australia, Bahrain, Taiwan, at Amerika para sa mga nasalanta ng bagyo ngunit katiting lamang
ang napunta sa mga tao (Rappler, 2013).

Isa pa rito ang nangyaring pork barrel scam o mas nakilala yata bilang Priority
Developmentn Assistance Fund (PDAF) scam noong Hulyo ng 2013. Isa itong naging malaking
eskandalo sa Kongreso at Senado. Batay sa naganap na imbestigasyon, mahigit sampung bilyon

57
ang ibinulsa ni Janet Napoles na tinaguriang "ina ng scam" at ibang miyembro ng Kongreso at
Senado. Bukod pa roon, 900 milyong piso ang nawalang pera mula sa Malampaya Gas Field.
Ito ba ay namana natin? Kanino?

MGA AHENSYANG NILIKHA KONTRA KORAPSYON


Ang 1987 Saligang Batas ng Filipinas ay lumikha ng mga katawan na konstitusyonal o
mga ahensya upang sugpuin ang graft and corruption at epektibong maipatupad ang mga
probisyon ng pagpapanagot na pampubliko. Ang mga ahensyang ito ay pinagkalooban ng
kapangyarihang piskal upang masiguro ang kanilang kalayaan at ang kanilang mga aksyon ay
maapela lamang sa Kataas- taasang Hukuman.

● Ang Office of the Ombudsman (OMB) na nag-iimbestiga at kumikilos sa mga reklamong


inihain laban sa mga opisyal at empleyadong pampubliko at nagisislbi bilang mga
"people's watchdog" ng pamahalaan. Ang Ombudsman at mga diputado nito (Overall
Deputy Ombudsman, Deputy Ombudsman for the Military, One Deputy Ombudsman
each for Luzon, Visayas and Mindanao) ang mga "protektor ng mga tao". Ang opisinang
ito ay nangangasiwa sa pangkalahatan at ispesipikong pagganap ng mga katungkulang
opisyal upang ang mga batas ay angkop na mailapat. Ito ay sumisiguro sa patuloy at
maiging paghahatid ng mga serbisyong pampubliko. Ito ang nagpapasimula sa mga
pagpipino ng mga pamamaraan at kasanayang pampubliko at nag-aatas ng mga
sanksyong administratibo sa mga nagkakasalang opisyal at empleyado ng pamahalaan
atnaglilitis sa kanila sa mga paglabag sa batas. Ang nakaraang Ombudsman na si
Merceditas Gutierrez ay na-Impeach dahil sa kawalang pagkilos sa mga kasong inihain
laban sa korapsyon.

● Ang Civil Service Commission (CSC) ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na


inatasane magtatag ng isang serbisyo para sa mga kawani at magtaguyod ng moral,
kaigihan, integridad pagtugon, pagsulong at kagandahang loob sa serbisyong sibil. Ito ay
nagpapalakas din ne sistemang merito at mga gantimpala, pagpapaunlad ng
mapagkukunang pantao at pananagot na pampubliko. Ito ay may hurisdiksyon sa mga
kasong administratibo kabilang ang groft and corruption na kadalasan nagagawang
paglabag ng mga tiwaling kawani ng pamahalaan.

● Ang Commission on Audit (COA) ang bantay ng mga operasyong pangsalapi ng


pamahalaan. Ito ay binigyang kapangyarihan upang siyasatin, tasahin o i-audit at bayaran
ang lahat ng mga account na nauukol sa kinita o nalikom na buwis, mga resibo at mga
gastos o paggamit ng mga pondo at ari-arian sa ilalim ng kustodiya ng mga ahensya ng
pamahalaan at mga instrumentalidad. Ito ay magpapalaganap ng mga patakarang
accounting at auditing at mga regulasyon para sa pagpipigil at hindi pagpayag sa mga

58
regular, hindi kinakailangan, malabis, maluho o hindi makatwirang mga gastusin o
paggamit ng mga pondo at ari-arian ng pamahalaan.
● Ang Sandiganbayan ay isang hukumang anti-graft sa Filipinas. Ito ay may hurisdiksyon
sa mga kasong sibil at kriminal na kinasasangkutan ng graft and corruption practices at
iba pang mga paglabag na ginawa ng mga opisyal at empleyadong pampubliko. Ito ay
nangangasiwa sa pagpapanatili ng moralidad, integridad at kaigihan sa serbisyong
pampubliko.

2. Kasakiman
Dahil sa sobrang kasakiman ng ilang Filipino, mas pinipili nila na ipagbili ang kanilang
sarili sa mga taong may kapangyarihan. Minsan hindi na nakokontento ang ibang tao sa mga
biyayang natatanggap nila at sa sobrang gusto nilang yumaman o umakyat sa itaas, kadalasan ay
nandadamay at humahatak sila ng ibang tao pababa. Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang
tanim-bala-scam na hanggang ngayon (o hanggang ngayong sinusulat ito) ay laganap pa rin sa
Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa CNN, nagsimula ito noong Nobyembre ng
2015 pagkatapos magreklamo ang isang pasahero na wala siyang kinalaman sa natagpuang bala
sa kaniyang bagahe. Sinasabing may isang malaking sindikato ang nasa likod ng mga
kababalaghang nangyayari sa paliparang ito at kasabwat din ang ilang security guards. Mayroong
naitalang halos tatlumpung kaso nito noong taong 2015 (CNN, 2015)

3. Populasyon
Ang paglobo ng populasyon sa Filipinas ay isang malaking problemang matagal nang
kinakaharap ng gobyerno ng Filipinas. Isa itong problemang hindi mahanap-hanapan ng
solusyon. Kadalasan, kung sino pa ang mahihirap ay sila pa ang nagpapalobo ng ating
populasyon. Sa paglaki ng populasyon ay mas dumarami rin ang mga taong walang trabaho at
hindi nakatatanggap ng sapat na benepisyo mula sa gobyerno. Ayon sa data, noong 12 ng Mayo
2016 ay tinataya populasyon ng Filipinas at ang kalahati nito ay nakatira sa lungsod (Worldome
ng may 102031047 ters, 2016). Nasa top 12 din ang Filipinas pagdating sa mga pinakamaraming
populasyon. Ito marahil ay sanhi ng kahirapan sa bansa at kakulangan ng trabaho para sa mga
tao. Dahil sa kakulangan ng programa ng gobyerno sa Family Planning, kakaunti lang ang
impormasyong natututuhan ng mga tao tungkol sa epekto ng paglobo ng populasyon pati na rin
ang iba't ibang paraan upang kontrolin ang pagdami ng populasyon. Dahil dito, mas marami ang
mga taong nakatira sa lansangan dahil sa kakulangan ng pera, na isa ring sanhi kung bakit
maraming bata ang hindi nabibigyan ng tamang nutrisyon at edukasyon.

4. Edukasyon
Kadalasang napagkakaitan ang mga mahihirap ng oportunidad na makapag-aral dahil na
rin sa kahirapan. Karapatan ang edukasyon pero sa bansa natin, mas pinipili pa rin ng ibang mga
bata na tumulong sa kanilang mga magulang upang may makain sila araw-araw. Dahil dito, mas

59
nahihirapan silang makahanap nang maayos na trabaho dahil wala silang sapat na edukasyon
upang makapagtrabaho sa malalaking kompanya.

Bukod pa rito, dahil sa kakulangan ng edukasyon at matinding pangangailangan sa


buhay, may ibang tao rin na nagiging desperado. Kaya para lang may makain ay mas pinipili na
lang mabuhay sa kalye at magnakaw. Sa dokumentaryong, The Slum: Risky Business, makikita
natin kung papaano mag isip at mabuhay ang mga batang kalye na nakatira sa Lungsod ng
Tondo. Kadalasan, ang mga batang kalyeng nakatira sa ampunan ay mas pinipiling tumira sa
lansangan dahil sa tingin nila ay mas ligtas sila rito kumpara sa ampunan dahil ito ang kanilang
nakasanayan.
Ipinapakita ng bidyong Ang Larawan Ng Kahirapan (Poverty and Education) kung paano
pinagkaitan ng kahirapan ng eduksayon ang mga mahihirap. Minsan kasi kailangan munang
kumayod ng mga bata bagi sila makapag-aral. Kinakailangan nilang tumulong sa kani-kanilang
mga pamilya para may pangkain sa pang-araw-araw. Kung kayat sinasabi na “minsan hindi
“option” ang isandaan at dalawampu’t isang daang lib). Mas pinipili ng mga bata na magkaroon
muna ng laman ang tiyan bago ang kanilang mga kaisipan.

Ngunit hindi lang naman dito nagtatapos ang lahat dahil may iba pa ring mga
mamamayan na magawa ng paraan upang makatulong sa kanilang kapwa sa kanilang sariling
maliit na paraan. Sabi nila, ang pagtutulungan ay nagsisimula sa isang tao. Si Efren Penaflorida
ay isang mamayang pilipino na nanalo bilang CNN Hero of the Year noong 2009 (CNN, 2009).
Sinimulan niya ang pushcart klasrum na nagsilbing eskwelahan para sa mga batang nakatira sa
lansangan. Naglalayon itong mapabuti ang kalagayan ng mga batang walang kakayahang
pumasok sa eskuwelahan at para ilayo na rin sila sa paggamit ng droga. Sinabi niya sa kaniyang
talumpati na ang bawat tao ay may kakayahang tumulong sa ating kapwa, mahirap man o
mayaman. Kinakailangan lang nating magtulungan at maglingkod nang mabuti sa mga
mamamayan.

5. Kawalang Disiplina
Sabi nga nila, sa panahon ngayon sa Filipinas, opsyonal na lang ang pagsunod sa mga
batas. Maging ang mga kabataan ngayon ay hindi na natatakot sa batas. Kailangan nating maging
disiplinado at matakot sa mga awtoridad para matuto tayong sum patakaran. Marami nang
nagdaang matatalinong pinuno sa ating bansa pero kung hindi marunong sumunod ang mga tao
ay wala ring patutunguhan ito. Lahat ng tao ay gustong makamit ang pagbabago pero ilan lang
talaga ang handang magbago

6. Kolonyal na kahirapan
Ang ilan sa mga ugali ng mga Filipino na pumipigil sa pag-asenso ng mga mamamayan
nito ay ang "crab mentality," procrastination, "bahala na," pagiging ipokrito, ningas kugon,
Filipino Time, pagiging tsismoso, paninisi sa ibang tao, pagsasawalang-bahala ng mga
patakaran, at pagiging balat sibuyas (Abello, 2014).

60
"Walang identidad ang mga Filipino." Iyan ang maririnig mo palagi sa Amerika. Sa
sobrang tagal nating nasakop ng iba't ibang bansa, sadya nga talagang hindi na natin kilala kung
sino tayo. Pero talaga bang lyon ang dahilan para hindi tayo magkaroon ng malasakit sa ating
kapwa? Nakakatawa lang isipin na kahit tinawag tayong little brown brothers ng mga Amerikano
at ginawa tayong mga alipin (na makikita mo hanggang ngayon) napakalakas pa rin ng
impluwensya nila sa atin at minsan nga ay parang "sinasamba" natin sila na ginugusto nating
maging katulad nila. Hindi nga ba't sinasabi na kapag nag-i-ingles ang isang indibidwal ay sosyal
na siya at nakatataas na siya sa ibang mga tao. Hindi ba nila naiisip na ginagamit lamang tayo ng
mga Amerikano para pagsilbihan sila? Ang palusot naman ng ilang tao sa pagsasalita ng Ingles
ay para makakuha ng magandang trabaho. Pero kung susuriin ng mabuti ang ilan sa mga
pinakamaunlad na bansa ay hindi masyadong marunong magsalita ng Ingles kagaya ng Hapon,
Timog Korea, at Tsina. Dahil sa kadahilanang napakatapat nila sa kanilang bansa. Iningganyo
sila na tangkilikin ang kanilang sariling mga produkto kaysa sa mga produktong galing sa
Amerika. Sa Filipinas kasi, makakita lang tayo ng imported, eh nagkakagulo na kaagad at iyan
ay only in the Philippines, ha!

Pangkasalukuyang Lagay ng kahirapan ng Bansa


Marami pa rin sa mamamayang Pilipino ang nasa laylayan. Nanatiling mahigit 70
porsyento ng mga Filipino ang nasa ilalim ne poverty line noong 2016. Batay ito sa naging
pagsisiyasat ng IBON Foundation kung saan nagtanong sila sa mahigit 1,500 residente kung
itinuturing nilang kabilang sila mahihirap na hanay ng mga Filipino. Ang nakitang rason dito ay
ang noo'y unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o kulang ang kinikita
at mataas na bilang ng kontraktwalisasyon sa bansa

Ayon naman sa First Quarter 2018 Social Weather Report na isinagawa ng Social
Weather Stations, lumalabas sa resulta ng sarbey na 9.8 (42%) milyon ng mga pamilya ang
nagkokonsidera sa kanilang mga sarili na mahirap, 2 porsiyentong mas mababa kaysa sa huling
quarter. Ito ang kauna. unahang pagkakataon na bumaba ang self-rated food poverty ng 30 %.

Sanhi pa rin ng kahirapan sa bansa, ang pamahalaan din ay gumawa at nagpanukala ng


iba't ang programa upang matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap at natakin pataas
ang mga mamamayang nasa poverty line.

Sa ilalim ng Kagawaran ng kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD), nasimulan


ang programang Kapit-Bisig Laban sa kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of
Social Services NABARI-CIDSS) na naglalayong birang kapangyarihan ang mga komunidad sa
pamamagitan ng Vassal sa kanila sa pagbabalangkas, pagpapatupad, at pangangasiwa ng
kanilang mga gawaing Pagpapaunlad at naglalayong bawasan ang kahirapan. Naisakatuparan din

61
ang Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) na sumusuporta sa mga piling pamilyang nasa
laylayan. Mayroon ding Social Pensyon para sa maralitang matatanda na may edad 60 pataas.

Bilang tugon din sa kahirapan kaya naisilang ang RA 10963 o Tax Reform for
Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act na naglalayong magkaroon ng maayos, simple, at patas
na koleksyon ng mga buwis para may magamit sa pagpapatayo ng mga pampublikong gusali at
makalikha ng personal na kapital para sa mamamayang Filipino.

Bilang kabuoan, ang alinmang bansa na naglalayon ng pag-unlad ay kinakailangang


kumilala sa mga problema at gumawa ng mga komprehensibong solusyon para sa mga ito.
Nangangailangan din ng disiplina sa sarili upang magkaroon ng mas panatag na paghakbang para
sa inaasam na pagbabago

Mga Sangkap ng kahirapan


ni Phil Bartle, PhD
isinalin ni Dionisio R. Vitan I

Mga Sangkap, Dahilan at Kasaysayan:


Ang salitang "sangkap" at "dahilan" ay hindi magkapareho. Ang "dahilan" ay ang bagay
na nakakaragdag sa pinagmulan ng isang suliranin tulad ng kahirapan. Samantala, ang "sangkap"
ay maaaring bagay na nakakaragdag sa patuloy na pagkakaroon ng suliranin matapos na ito ay
lumitaw.
Upang malinawan, narito ang limang malalaking nagtataguyod ng kahirapan

Mga Nagtataguyod ng Kahirapan

Karamdamn

Kamangmangan Kawalan ng Interes

Kahirapan

Kawalan ng Katapatan Pagka-Palaasa 62


1. Kamangmangan
"Ang kaalaman ay kapangyarihan," ayon sa kasabihan. Ang malungkot lamang, alam ito
ng kalamangan sa ibang tao. ibang mga tao ngunit mas ninanais nila na sarilinin ang kanilang
kaalaman upang mapanatili ang

2. Karamdaman
Kahit saang lugar man, ang pag-iingat ay mas mainam na panangga sa mga sakit kaysa sa
mga gamot. Ito ay isa sa mga pangunahing isinusulong ng PHC (primary health care o
pangunahing pangangalaga sa kalusugan). Ang ekonomiya ay mas masagana kung ang mga tao
ay malulusog; mas higit kaysa kung ang tao ay nagkakasakit at kailangang gamutin.

3. Kawalan ng Interes
Ang kawalan ng interes ay nangyayari sa tao kapag nawalan na sila ng pakialam, o kung
pakiramdam nila ay wala silang kapangyarihan upang mabago ang mga bagay sa paligid nila, na
itama ang isang kamalian o pagkakamali, o kaya ay gawing mas mainam ang ayos ng kanilang
pamumuhay.

4. Kawalan ng katapatan
Ang halaga ng salapi na sapilitang kinuha o kaya ay winaldas ay ang halaga ng
pagpapababa ng kayamanan para sa isang pamayanan. Sinasabi ng mga Ekonomista ang tungkol
sa "multiplier effect" o epektong-pangmaramihan. Kung hindi tapat ang mga namumuno sa
bayan/bansa ay lalo itong maghihirap.

5. Pagka-Palaasa
Isang ugali, o paniniwala na kung ang isang tao ay napakahirap at walang kakayanan at
hindi niya kayang tulungan ang kaniyang ay kailangang uma lamang siya sa tulong mula sa
ibang tao. Ganoon din ang nangyayari sa isang lugar na may kahalintulad na ugali o paniniwala.
Ang malungkot, ang ganyang ugali at ang magkakaparehong maling paniniwala ang siyang
pinakamalaking katwiran sa sarili upang mapanatili ang antas ng tao o grupo ng tao na umasa na
lamang mula sa tulong ng iba.

Ang solusyon sa pangkalahatang suliranin sa kahirapan ay ang pangkalahatang solusyon


sa pag-alis ng mga sangkap ng kahirapan

Malnutrisyon

63
Ang problema ng malnutrisyon ay patuloy pa rin na gumigimbal sa milyon-milyong tao
sa buong mundo partikular sa mga mahihirap na bansa kabilang na ang Filipinas. Patuloy itong
lumalala kasabay ng tumataas na kaso ng kahirapan at lumolobong populasyon. Ayon sa Food
and Agriculture Organization (FAO), ang kaso ng malnutrisyon sa Filipinas ay konektado sa
kakulangan ng sapat na masusustansyang pagkain o kaya'y dahil sa hirap na maabot ang mga
kinakailangang pagkain sa buong populasyon. Bukod pa rito, hindi rin daw sapat ang kaalaman
ng lahat tungkol sa kahalagahan ng nutrisyon.

Sinasabing ang kakulangan sa protina (protein-deficiency) ang pangunahing kaso ng


malnutrisyon sa Filipinas. Tinatayang aabot sa tatlong milyon ang dumaranas nito. Dahil dito,
laganap ang kakulangan sa timbang at pagiging bansot ng mga kabataan sa mga lugar na talamak
ang kaso ng malnutrisyon. Ayon sa FNRI, ang pagkabansot (stunted growth) ay problemang
matagal nang kinahaharap ng bansa at sadyang nakaaalarma, mula sa 16% rate ng pagkabansot
sa mga kabataan noong 2011, dumoble ito sa 33% rate sa sumunod na taon. Ayon naman sa
World Health Organization, 28 na milyong Filipino ang nanganganib na dumanas ng
malnutrisyon, dahil pa rin sa hindi maipaabot nang husto ang kinakailangang nutrisyon sa buong
populasyon.

Upang malabanan ang kaso ng malnutrisyon sa bansa, nagsasagawa ng ilang programa


ang pamahalaan upang ipaabot sa lahat ang impormasyon. Ipinaaabot ang kaalaman sa
kahalagahan ng nutrisyon sa mga kabataan sa mga pampublikong paaralan, kasabay din nito ay
mga feeding program para sa lahat.

Ayon pa sa mga pag-aaral ng ilang respetadong institusyon, ang mataas na kawalan ng


trabah sa Filipinas ay tinuturo ding salik kung bakit hindi sapat ang sustansyang nakukuha ng
bawat pamilya. Ang tinatayang 7.8 na porsyento ng kawalan ng trabaho sa bansa ay masasabing
dahilan kung bakit hindi nabibili ang mga wastong pagkain na kailangan ng bawat miyembro ng
pamilya. Dagdag pa rito ang mataas na presyo ng mga bilihin sa merkado. Ang mga pamilya na
biktima ng mga kalamidad ay nanganganib din na maging biktima ng malnutrisyon.

Sa huli, mahirap man malabanan ang malnutrisyon sa bansa, hindi pa rin dapat mawalan
ng pag-asa na darating at darating pa rin ang panahon na masusugpo ito sa bansa. Kinakailangan
lamang pag-ukulan ng pansin ang isyung ito, lalo na ng gobyerno. Kinakailangan din ang
pakikiisa ng lahat g sektor ng lipunan nang sa gayon ay makamtan natin ang layuning mabura
ang malnutrisyon sa mga Filipino.

MGA DAPAT GAWIN PARA MAIWASAN ANG MALNUTRISYON


Kahirapan ang pinakapangunahing dahilan ng pagkakaroon ng malnutrisyon ng mga bata
dito sa Filipinas. Walang sapat na pera kaya hindi makabili ng mga masustansyang pagkain.
Kahit mahirap, may paraan upang maiwasan ang malnutrisyon. Narito ang ilan:
1. Maging masipag at matalino ang mga magulang sa paghahanapbuhay nang sa gayon ay
tumaas ang kita para may ipambili ng mga masustansyang pagkain at ng mga food supplement

64
2.-breastfeed ang sanggol mula pagkasilang hanggang anim (6) na buwan

3. Purgahin ang mga bata. Ang bulate ay nagiging kaagaw ng bata sa sustansyang nakukuha sa
pagkain. Dalhin ang mga bata (1 to 6 years old) sa Health Center tuwing "Garantisadong
Pambata" (Abril at Oktubre) para mabigyan ng libreng pampurga. Para sa 6 hanggang 12 taon,
ang pampurga ay ibinibigay sa buwan ng Hunyo at Enero sa lahat ng pampublikong paaralan.

4. Pagkakaroon ng "initiative" ng tahanan, ng paaralan at ng komunidad sa pagtatanim ng mga


gulay at prutas at pag-aalaga ng mga hayop

5. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga tuntunin at mga programang nakakatulong sa pagbaba at


pag-iwas ng malnutrisyon:

 edukasyon tungkol sa nutrisyon


 livelihood programs
 micronutrient program (food fortification and micronutrient supplementation)
 pagsusulong sa masustansyang pagpapakain sa mga bata
 pagsusulong ng healthy lifestyle
 supplementary feeding sa mga buntis at 6 to 23-buwan na mga bata
 pagtatayo ng Sanitary toilet facilities
 pagtatayo ng mga ligtas na maiinom na supply ng tubig
 Nutrition in Disaster and Risk Reduction Management
 Nutrition-Sensitive Agriculture and Development Programs
 Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) programang nagbibigay-tulong (cash
assistance) sa mga mahihirap. Agrikulturang Pilipino o Agri-Pinoy programa ng
Department of Agriculture na pagpapaunlad ng sustainable agriculture, fisheries at ng
natural resource management.

6 Iwasan ang pagluluto at paghahanda ng pagkain na higit sa kinakailangan ng mga bata at


pamilya.
7. Patuloy na pag-aralan at gawin ang wastong nutrisyon.

Kawalang Seguridad sa Pagkain


Ang kawalang seguridad sa pagkain ay isa sa pinakamalalang suliranin na kinakaharap
ngayon sa ating bansa. Tayo ay umaangkat ng tone-toneladang bigas sa ibang bansa partikular na
sa bansang Vietnam at Thailand. Paano nangyari na ang bansang nag-i-export ng bigas noon ay
nag-import na gayon? Paano nangyari na ang bansang kinalalagyan International Rice Research
Institute (IRRI) masa los Baños Laguna ay isa sa mga bansang umaangkat ng bigas mula sa mga
bansang nabanggit sa itaas? Bakit ang mga bigas na mula sa National Food Authority (NFA) na
galing sa ibang bansa ay may ibang amoy? First class ba ang binibili o yung last class na?

65
Di naman natutulog ang gobyerno, dahil gusto ng kasalukuyang administrasyon na makaahon
Filipinas sa suliraning ito. Ngunit ang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang Modernisasyon ng
agrikultura. Narito ang buong transcript ng isang editorial.

MODERNISASYONG NG AGRIKULTURA ANG DAPAT UNAHIN


Ni: Magi Gunigundo
April 21, 2018

KAILANGAN ipamalas ang "political will ng Administrasyong Duterte para isulong ang
modernisasyon ng agrikultura at pangingisda para masugpo ang mga suliranin na humahadlang
sa pangarap ng mga Filipino na magkaroon ng seguridad sa pagkain o "food security"

Itigil na muna ang paglalaan ng pondo sa pagpapatayo at pagpapaganda ng basketball


courts sa atin bansa na hindi naman nakakapuksa ng kahirapan
https://businessmirror.com.ph/food insecurity-in-phl; binuksan ko nuong Abril 20, 2018). Ang
nakikinabang lang diyan ay mga politiko na walang alam sa problema ng bansa at puro yabang
lang ang pinaliral.

Pagsama-samahin ang pondong malilikom para sa Research and Development sa


agrikultura na ngayon ay .14% lang ng GDP upang tumaas ang ani, magkaroon ng de-kalidad at
ligtas na mga produkto na mabibili sa lahat ng palengke sa presyong kaya ng mamamayan. Sa
ganitong paraan, ang pagiging magsasaka at mangingisda ay magiging kaakit-akit na
hanapbuhay.

Sa kasalukuyan, abala ang Kagawaran ng Agrikultura sa budget call ng Department of


Budget and Management (DBM). Sana ay may programa sila na nakalinya para dito na maaaring
pondohan ng Kongreso

Nakalulungkot pagmasdan ang katayuan ng Filipinas bilang isa sa mga pinakamalaking


mag angkat ng bigas samantalang mayroon tayong IRRI at PHILRICE at mga dalubhasa sa
agricultural research.

Hindi natin makamit ang pangmatagalang food security dahil sa mga panandalian at
makikitid na "short-term Domestic Food Production Programs, pataas nang pataas na presyo ng
bilihin lalo na ngayong may TRAIN na tayo, pabawas na global food supply, mga kalamidad na
gawa ng tao at kalikasan na hatid ng climate change

Hindi solusyon ang pagsasauli ng NFA Council Chairman sa kagawaran ng Agrikultura.


Lalong walang katuturan ang debate kung mas mainam mag-angkat ng bigas sa pamamagitan ng
Government to Government arrangement o pagbibigay ng pahintulot sa pribadong sektor na
mag-angkat nito pagkatapos ng bidding sa kung sino ang bibigyan ng pahintulot ng NFA

Mahigit 3 milyong Filipino ang walang sapat na pagkain. 37% ng ating cereal
requirements (kabilang na ang bigas at mais), 98% ng gatas at iba pang dairy products. Bagama't
tayo ay net exporter ng isda batay sa halaga, umaangkat tayo ng mas maraming isda pagdating sa

66
timbang. Kumikita tayo ng U$3.14B sa pagluluwas ng mga produktong agrikultural, gumagastos
naman tayo ng doble ng halagang ito sa pag-angkat ng mga produktong agricultural
(http://opinion.inquirer.net/104490/food-security-required-national-security na binuksan ko
nitong Abril 20, 2018).

Kung hindi tayo kikilos ngayon, ang mga magsasaka at mangingisdang Filipino ang
masasaktan nang husto dahil sa kakulangan ng tubig, madalas na tagtuyot, pagtaas ng
temperatura, mga bagong peste sakit ng halaman, paikling panahon ng taniman sa mga
kabundukan at lupain na sahod-ulan lang ang inaasahang pagkukunan ng tubig. Tandaan natin na
60% ng kita nila ay ginagastos sa pagkain. Nakakabahala ito.
Ang ating baseline ay ang ika-79 pwesto ng Filipinas sa 2017 Global Food Security Index
(GFSI) sa 113 bansa.

Sa Asia Pacific na may 23 bansa na isinama sa GFSI, 17th lang tayo. Daig pa tayo ng Sri
Lanka at Pakistan. Ang sinisisi ng Economic Intelligence Unit na gumawa ng GFSI ay ang
kakulangan ng pondo na inilalaan sa Research and Development na wala pang 1% ng GDP.

Hindi dapat mag-aksaya ng panahon ang administrasyong Duterte. Paparating na ang "perfect
storm" na dulot ng pinagsama-samang epekto ng climate change, pataas na presyo ng pagkain,
krisis sa enerhiya, pagkapanot at paglaslas ng kalikasan, kawalan ng biodiversity at paglobo ng
populasyon. Ito ang pinakamalaking banta sa food security at global agriculture sa siglong ito.
Ito ang dapat pagtuunan ng pansin at ang buong bigat ng impluwensya at kapangyarihan ng
palasyo ang dapat gamitin para dito. Ito ang isang pamana na maipagmamalaki ng mga anak at
apo ng Pangulong Duterte.

IV. C. MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL


(Marhinalisasyon ng) Mga Katutubong Pangkat, Manggagawang Kontraktwal, Magsasaka,
Tindero at Tindera, Kabataang Manggagawa at Migrasyon

Maliban sa mga isyung natunghayan na, may ilan pang mga isyu na nararapat ding
mapagtuonan ng pansin. Ang mga isyung ito ay nabibilang ang marhinalisasyon, manggagawang
kontraktwal, magsasaka, tindero, kabataang manggagawa at migrasyon.

Ang mga isyung ito ay nakapagdaragdag din sa mga salik na nakaaapekto sa pag-unlad
ng bansa. Kung paanong ang mga isyung nabanggit ay nakaaapekto sa pagsulong ng bansa ay
siyang ilalahad at tatalakayin sa araling ito. Magiging layunin sa pag-aaral ang sumusunod:

Layunin ng Aralin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang mga salik na nagpapalawak sa kaalaman ng tao;

67
2. Naipaliliwanag ang papel ng tao sa kaniyang kinabibilangang pangkat; at
3. Napahahalagahan ang tunay na pakikipagkapwa.

 (Marhinalisasyon ng) Mga Katutubong Pangkat

Panimulang Gawain
Panoorin ang Aeta documentary film in the Philippines sa youtube
(https://www.youtube.com/watch?v=6dytjiYvVpl)

Sagutin
1. Ibahagi ang mga kaugalian at kultura ng mga Aeta (lta).

2. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga Aeta (lta) sa ibang pangkat etniko rito
sa Filipinas.
3. Ibahagi ang mahahalagang ambag ng mga Aeta (lta) sa lipunan.

 Alamin

Kilalanin ang mga katutubong Filipino.

Pangkat Etniko sa Filipinas


Ang yamang tao ng Filipinas ay ang kaniyang mga mamamayan. Filipino ang tawag sa
kanila. Ngunit iba't iba ang pangkat na kanilang kinabibilangan. At iba-iba rin ang tawag sa
kanila. Isa sa mga ninuno ang mga lta. Tinatawag din silang Negrito, Ayta o Baluga. Sa Luzon
sila karaniwang naninirahan, sa mga bundok ng Zambales, Quezon, Laguna at Cagayan. Ngunit
may naninirahan din sa mga bundok ng Panay at Negros.

Tulad ng mga lta, ang mga lfugao at Kalinga ay sa Luzon din naninirahan. Ang mga
lfugao ang nagtayo ng pamosong Hagdan-hagdang Palayan, dalawang libong taon na ang
nakakaraan.

Ang isa pang pangkat ng mga Filipino sa Luzon ay ang mga llokano. Nakatira sila sa
gawing Hilaga ng Luzon. Ngunit may mga llokano rin sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Napadpad sila roon upang maghanapbuhay (o makipagkalakalan), o dahil doon nakapag-asawa.
Matitipid at masisipag ang mga llokano.

Matatagpuan naman sa kalagitnaan at katimugang Luzon ang mga Tagalog. Sila ang
pangalawa sa pinakamalaking pangkat ng Kristiyano sa Filipinas.

Kilala rin ang mga Mangyan sa Luzon. Matatagpuan sila sa pulo ng Mindoro. Karamihan
sa kanila ay may payak na panlabas na anyo at payak na paraan ng pamumuhay na tulad pa rin
ng ating mga ninuno. Iba-iba rin ang pangkat ng Filipino sa mga pulo ng Visayas. Isa na rito ang

68
mga Cebuano na may pinakamalaking pangkat sa nasabing rehiyon. Kilala sila sa katutubong-
awit na "Matud Nila" at sayaw na "Rosas Pandan".

Taga-Visayas din ang mga llonggo. Kilala naman sila sa katutubong awit na
"Dandansoy" at sayaw na "Carinosa". Mga Waray naman ang pangkat ng Filipino sa Leyte at
Samar. Ang ilan sa mga ito ay ang mga Badjao, Maranao, Tausug, T'boli, at Manobo. Nakatira
sa baybay-dagat ang mga Badjao. Matatagpuan sila mula Zamboanga hanggang Sulu.
Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay nila.

Ang pangkat ng mga T’boli ay naninirahan sa Cotabato. Pagsasaka ang pangunahing


ikinabubuhay nila. Isa pang pangkat ay ang Katutubong (etnikong) Dumagat na di gaanong
nakilala sa dahilang ibinilang sila na katulad sa mga Aeta at Negrito sa Luzon. Ang pangkat na
ito ay naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Rizal, Bulakan, Laguna at Quezon na nasasakop
ng kabundukan ng SIERRA MADRE. Sila ay nahahati sa dalawang uri – ang una ay ang purong
Dumagat na nanatiling nakabahag at nakatira sa mga nabanggit na mga kabundukan at ang
ikalawa ay tinatawag na Redemtador o Lahukang Tagalog at Dumagat na kilala sa katawagang
katutubo, nakatira sa mataong lipunansa Rizal at bahagi ng Quezon. Ang katutubong Dumagat
ay isa sa natitirang lahi ng tao sa Filipinas na nabibilang sa uri ng taong India dahil sa
pagkakaroon ng kaugnayan ng mga salita at paniniwala nila sa matandang kabihasnan ng India.
Ang katawagan sa kanila na DUMAGAT ay maaaring nagmula sa salitang
RUMAKAT/LUMAKAT/LUMAKAD na isang maidadahilan na sila ang isa sa mga unang lahi
ng tao sa Luzon na nakarating sa pamamagitan sa pagtawid sa tulay na lupa na nakadugtong sa
Asya. Kung tutuntunin, ang isa sa sinaunang tahi ng tao dito sa Filipinas ay nagmula sa India,
pinatunayan ito ng Kasulatan sa Tanso (Laguna Copperplate Inscriptions, 822 AD). Ang ibayong
pag-aaral ng kultura at wika ng pangkat na ito ay magpapatibay sa pasusuring ito. Halimbawa ng
pangungusap sa Dumagat ay ang salin sa magandang umaga sa inyong lahat na – “Masampat
tabi abi di kitam mapesan!” Ayon sa kanilang pagkakaalam, ang salita nila ay nahahati sa dalawa
- isang pangkaraniwan at isang pangmatanda o pamitagan. Sa kasalukuyan, tinatawag ang mga
ito na “baybay” o pangkaraniwan at "Mangni" o pamitagan.

 Manggagawang Kontraktwal

 Alamin

Manggagawa Ka Ba? Regular o Kontraktwal?


(Usapang Manggagawa sa Araw ni Gat. Andres Bonifacio)
Posted: November 29, 2016
By: Makasaysayan

https://makasaysayan.wordpress.com/2016/11/29/manggagawa-ka-ba-regular-ka-ba-o-
kontraktwal-usapang-manggagawa-sa-araw-ni-gat-andes-bonifacio/

69
Ang totoo, halos walang masyadong kaibahan ang dalawang kalagayan kung ang usapin
ay ang katayuan sa ating mga trabaho kaugnay ng karapatan, seguridad at sahod sa ilalim ng
sistemang umiiral.

 Regular at Kontraktwal

Kung ikaw ay isang regular, mapalad ka nang kaunti dahil maaaring ipinapatupad sa iyo
ang labor standards na ayon sa ating batas-paggawa gaya ng minimum na sahod, walong (8) oras
na trabaho, over time pay, 13th month pay, SIL, holiday pay at rest day o isang araw na pahinga
kada linggo. At may katiting na alawans kung may unyon dahil may mga benepisyong lagpas sa
itinakda ng batas na maaaring makuha bunga ng mga "labanan," ng CBA, halimbawa.

Maaaring ipinapatupad? Bakit parang may duda? Dahil hindi nakakamit ng maraming
manggagawa sa kasalukuyan, naturingan mang regular, ang mga benepisyong binabanggit dahil
sadyang hindi ipinapatupad ng mga switik at gahamang mga employer. Hindi ipinapatupad dahil
maaaring hindi ito alam ng mga manggagawa, o kung alam man nila ay natatakot na mapag-
initan sila pag kinuwestyon nila ang kani-kanilang employer. Nandyan naman sana ang DOLE
upang siyasatin ang bawat pabrika sa nasasakupan ng kanilang satellite offices garnit ang
kanilang "visitorial power," ngunit hindi ito nagaganap. Kinakailangan pang sadyain muna sila
ng mga manggagawa upang magreklamo, na dahilan upang lalo pang· pag-initan ang mga ito at
tanggalin sa trabaho. Ganyan kalakas ang loob ng mga gahamang employer dahil alam nita na
kayang tapalan ng salapi ang mga corrupt sa pamahalaan. Bukod pa ito sa katotohanang
napakalaki ng reserbang manggagawa sa bawat isang regular na matatanggal. Ibig sabihin, may
mahabang pila ng manggagawang handang hugutin oras na may matatanggal na isang regular
employee.

Kung ikaw ay kontraktwal ay singhaba lamang ng ilang buwang nilalaman ng kontratang


iyong nilagdaan ang haba ng iyong magiging pagtatrabaho. Ibig sabihin, sa tuwing matatapos
ang kontrata at mawawalan ka na ng hanapbuhay, titigil din muna sa pag-inog ang iyong buhay
na nakatali sa kakarampot na suweldo. Ang "kakarampot" na iyan ay kung ipinapatupad sa iyo
ang minimum na pasahod na itinakda ng batas, na malamang ay hindi mo nga matatamasa dahil
bilang kontraktwal ay agency ang nagpapasahod sa iyo. Ang kita ng mga agency ay galing din
lamang sa porsyentong kinotong mula sa sahod at kulang na ito pagdapo sa iyong mga palad.

Sa umiiral na kalagayan, bago matapos ang isang kontrata, kinakailangang may tinatarget
nang malilipatan ang isang manggagawang kontraktwal.

Ngunit hanggang kailan? Araw-araw ay humihigpit ang kompetisyon ng mga


manggagawang patuloy na lumalago ang populasyon kumpara sa mga trabahong hindi naman
nadadagdagan, bagkus ay nababawasan pa nga dahil sa pag-usad ng makabagong teknolohiya.
Ibig sabihin, sasapit tayo sa edad na hindi na tayo kompetitib at wala nang laban sa papasok na
bagong henerasyon ng mga manggagawa. Paano na?

70
 Kulang at hindi kailanman sasapat ang Suweldo

Kung ikaw ay minimum wage earner o sumasahod lamang ng minimum, hindi kaila sa
iyo ang kakulangang ito dahil araw-araw natin itong kinakaharap. Aber, gumamit tayo ng
kaunting matematika upang linawin ito. Ang kasalukuyang salary rate para sa NCR ay P492.00.
Hatiin o i-divide natin ang P492 sa average na limang (5) myembro ng pamilya (tatay, nanay at
tatlong anak) at iluluwal ang halagang P98.40. Muli nating hatiin o i-divide ang P98.40 sa apat
(4) na kain (agahan, tanghalian, meryenda at hapunan) at iluluwal ang halagang P24.60. (Hindi
pa binabawas diyan ang tax, SSS, Philhealth na kinakaltas sa sahod bago pa man dumapo ito sa
ating mga palad.)

Malinaw na ipinakita sa ating simpleng kwenta na kulang na ang P492.00 na minimum


wage para sa NCR, sa pagkain pa lamang! Paano na ang iba pang pangangailangan tulad ng upa
sa bahay, tubig, ilaw o koryente, gamot pag may nagkasakit, damit at badget sa eskuwela ng mga
bata? Nakapagtataka pa ba kung bakit may mga manggagawang nakatira sa ilalim ng tulay?
Kung bakit may mga batang hindi makapag-aral? Kung bakit may mga sunog sa isang
urbanisadong lugar na ang sanhi ay napabayaang kandila? Karaniwan na rin ngayon ang sakit sa
bato sa mga bata dahil sa sobrang pagtitipid, alat ng noodles at sitsirya, na pinakamurang ulam at
meryenda ang nakahapag sa mesa sa tuwina. Ang pasahod pa lamang sa NCR ang ating pinag-
uusapan. Paano na kaya ang mga karatig probinsya at ibang rehiyon na mababang sahod ang
itinakda ng inutil na woge boards sa kabila ng reyalidad na kung hindi man pareho lang ay mas
mahal pa ang mga bilihin at serbisyo sa kadahilanang sa Kamaynilaan ang pinanggagalingan ng
mga pangunahing produktong ito.

Sumagad sa pag-oobertaym ang solusyon ng karamihang manggagawa sa malaking


kakulangang ito, upang humabol ng dagdag na kita - na sa dulo ay tutungo sa sobrang
produksyon kaya mauuwi rin sa forced leave ng mga manggagawa dahil "natapos nang gawin
ngayon ang gawain sana para bukas.”

Pilit namang aangkop sa sitwasyon ang iba sa paghahanap ng "sideline" o ekstrang


pagkakakitaan paglabas ng trabaho - mag-pedikab, maglako ng kung ano-ano, at iba pa, na
pangunahin nang trabaho ng napakalaking bilang ng mga wala talagang trabaho. Nangingibang-
bansa bilang OFW ang marami, samantalang natutulak ang ilan na pumasok sa mga anti-sosyal
at iligal na gawain.

 Ang solusyon ng Gobyerno

Positibo nang kinikilala ng gobyerno sa kasalukuyan ang kontraktwalisasyon bilang


pangunahing suliranin ng bansa. Nilalaman ito ng platforms ng halos lahat ng presidentiobles
noong nakaraang eleksyon, bagamat mababaw ang pagtalakay at tila ba simple lamang talaga
ang karamihan sa mga usapin. Kasama si Pangulong Duterte sa nagsabing masama ang
kontraktwalisasyon at nangakong ititigil ito.

71
Ngunit iba na ngayon ang tono, ang sinasabi na ni Sec. Bello ay ipatitigil ang "endo".
Ibig sabihin, tuloy-tuloy na ang mga trabaho at hindi na kinakailangang tumigil at mag-renew ng
kontrata ang mga manggagawang kontraktwal tuwing ika-limang (5) buwan. Nauna rito ay
inatasan ang mga agency na mag-comply sa sinasabi ng DO 18-A upang maging lehitimong job
contractor.

Aba, eh kanino ba ire-regular? Sa tinatakbo ng mga debelopment, malinaw na sa agency


ire-regular at hindi sa principal. Kung magkakagayon, napaka-vulnerable pa rin ang mga
kalagayan dahil sa oras na hindi na mabigyan ng kontrata ang principal ng agency ay wala na
ring mga trabaho. Co-terminus ang mga panunungkulan sa ahensya sa kontratang namamagitan
sa kanilang dalawa ng principal.

 Nasa ating mga kamay ba ang Solusyon?

Tunay na wala tayong maasahan kahit sino pa ang manungkulan sa Malacanang sa


kasalukuyang panahong malalaking kapitalista ang nangingibabaw. Ang tunay na pagkakamit ng
segurado, permanente at trabahong nakalaan at sasapat para sa lahat ay kung lilinangin at
gagamitin ng ating pamahalaan ang mga likas na yaman at lakas sa paggawa ng bayan para sa
pambansang industriyalisasyon. Hangga't wala sa atin ang mga medyor na produksyon na
magluluwal ng sigurado at maramihang trabaho, walang maaasahan na pag-unlad ang ating
bayan at ang mga mamamayang Filipino. Hangga't ang mga pangunahing industriya ay nasa
kontrol ng pribado at mga dayuhang kapitalista lalo't pinapayagan ang halos lahat nang gustuhin
nilang negosyo at patakaran kaugnay ng paggawa, nganga ang mga manggagawang Filipino.

 Pangungunahan ng mga Manggagawa ang Laban

Tama! Bilang pinakaabanteng uri sa lipunan, marapat na tingnan ng mga manggagawa


ang tungkulin ng pagpapalaya sa bayan. Bilang araw-araw na kaharap ng puwersa ng kapital sa
ating mga pabrika/planta, araw-araw nating tungkulin ang mag-organisa tungo sa
pagpapapalakas ng hanay. Organisahin natin ang mga manggagawa sa mga linya ng industriya,
mga unyon o asosasyon, at sa anong porma mang ipahihintulot ng sitwasyon. Organisahin natin
sila sa mga pabrika, sa mga linya ng gawain (trade skills), at susundan pati sa mga komunidad
upang buoin ang mga asosasyon.

Sa milyong bilang, kasanayan at determinasyon, at sa tamang panahon, kakamtin natin


ang kalagayang ang lahat ay may marangal na trabaho at may makabubuhay na suweldo,
pumapasok sa eskuwela ang mga bata, may sapat na pagkain para sa lahat at hindi na
kinakailangang iwan ng mga nanay ang sariling mga anak upang mag-alaga ng anak ng iba sa
ibayong dagat.

Pagsasanay
A. Paglinang ng Kaalaman

72
Garnit ang ilustrasyon sa ibaba, muling ilahad ang problema sa usaping manggagawa at ang
inihaing solusyon ng gobyerno para dito. Magsagawa ng pananaliksik upang makapaglahad ng
pagsusuri kung epektibo o hindi ang solusyon. (Gumamit ng short bond paper para sa
Pagsasanay A)

PROBLEMA

PAGSUSURI

SOLUSYON

B. Pangkatang Gawain
1. Gumawa ng plakard na naglalaman ng mga hinaing ng mga maggagawa sa kanilang employer
at/o sa gobyerno. Ang nilalaman ng plakard ay bibigkasin sa harap ng klase ayon damdaming
nakapaloob sa teksto. Ang mga tagapakinig (o ang mga kaklase) ang siyang sasagot sa mga
hinaing na bibigkasin.
2. Magmungkahi ng organisasyon para sa isang espesipikong sektor ng mga manggagawa
(halimbawa: mga barbero, mga tsuper, mga beautician). Pangalanan ang organisasyon,
magrekomenda ng magiging adhikain nito at mga benipisyong matatanggap ng mga
manggagawang magiging miyembro.

Rubrik Para sa lmumungkahing Organisasyon, Adhikain at Benipisyo

Pamantayan Puntos Aktuwal

Pangalan ng Organisasyon
Unique, makatawag-pansin at konektado sa sektor ang pangalang
10
inirekomenda ng aming grupo.

Adhikain ng Organisasyon

73
Malinaw at espesipikong naisa-isa ng aming grupo ang mga
15
adhikain ng inirekomenda naming organisasyon.

Benipisyo Para sa mga Miyembro


Malinaw at espesipikong naisa-isa ng aming grupo ang mga
benipisyong matatanggap ng mga miyembro na aanib sa 15
organisasyong aming inirekomenda.

Presentasyon
* Malinaw, magkakaugnay at maayos ang aming presentasyon na
naipakita sa pamamagitan ng powerpoint presentation 10
* Malinaw naming nasagot ang lahat ng ibinatong tanong hinggil sa
aming awtput

Kabuoan

 Magsasaka

REEL TIME PRESENTS 'BAGONG BINHI'


Tumatanda na ang populasyon ng magsasakang Filpino. Nasa 57 anyos ang average na
edad ng mga magsasaka sa bansa. Kakaunti na raw ang bilang ng mga kabataang sumusunod sa
kanilang yapak. Ang bagong henerasyon ng mga Filipino ay naghahanap na ng 'mas madali at
mas mabilis' na paraan upang kumita. Darating nga ba ang panahong wala nang matitirang
magsasaka sa Filipinas?
Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba mula 31 milyon noong 2013 sa 29.1
mllyon noong 2015 ang mga Filipinong nasa agrikultura. Ang isa raw sa dahilan ay ang kawalan
ng interes ng mga kabataan. Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), mula noong
2001-2012, bumaba ng mahigit 45% ang enrollees sa mga kursong agriculture, forestry, at
fisheries sa buong bansa.

Araw-araw, iba't ibang pagsubok ang kinakaharap ng mga magsasakang Filipino - mahal
na mga kagamitan sa pagsasaka, mga bagong uri ng peste, maliit o halos kawalan ng kita,
mahinang suporta ng gobyerno at ibang sektor, at climate change. Isa rin ang mga magsasakang
Filipino sa pinakamahirap na sektor sa bansa kaya naman hindi kataka-takang kakaunti ang mga
kabataang nagpapakita ng interes sa pagsasaka.
Sa ngayon, kung 57 anyos ang average na edad ng mga magsasaka at 70 anyos naman
ang average life span ng isang Filipino, maaari raw na magkaroon ng "critical shortage" ng mga

74
magsasaka sa Filipinas makaraan ang 15 taon. Kasabay naman nito ang paglobo ng populasyon
sa bansa. Ang hamon: Paano mapapakain ang mas dumaraming bilang ng mga nagugutom kung
bumababa naman ang bilang ng mga magsasaka?

Pero hindi pa naman daw huli ang lahat. Mayroon pa ring mga katulad nina Andrew Von
(16 anyos) at Kenjo (24 anyos) - mga kabataang buong pusong niyayakap ang pagsasaka sa
kabila ng paglaganap ng industriyalisasyon at teknolohiya. Sa kanilang edad, batid nila ang
pangangailangang ito ng Filipinas kaya naman ito raw ang kanilang paraan upang tumulong sa
bayan, ang pagyamanin ang ating sariling lupa.

 Ang Tindera at Tindero

Buhay ng mga Tindero’t Tindera


Tawad dito, tawad doon; Tawad ditto, tawad doon
Ni Arlyn Floro
http://www.seasite.niu.edu/tagalog/new_intermediate_tagalog/reading_lessons/LESSONS/buhay
_ng_mga_tindero.htm

Sa bansa natin ay pangkaraniwang tanawin sa isang palengke ang maiingay na tindero't


tinder; tawad dito, tawad doon ang mga mamimili. Sobrang dami ang matutunghayang iba't
ibang klase ng paninda na aayon sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Marami sa atin na umaga pa lang, ang unang destinasyon ay ang palengke. Totoo ito
lalong-lalo na sa mga ginang ng tahanan.

Sa palengke, iba't ibang klase ng mga tindero't tindera ang makakasalamuha. Mayroong
masungit, mataray, at ang iba naman ay sadyang mabait. Ang mga ito iyong kapag tinawaran mo
ang kanilang tinda ay ibibigay naman kahit pabalik lang. Hindi nakapagtatakang marami silang
nagiging suki.

Isa sa maagang nagigising para mamalengke ay si aling Violy dahil sa siya ay may
dalawang anak na nag-aaral sa kolehiyo at isa pang nasa high school. Maaga pa lamang ay
kailangan na niyang makapaghanda ng pagkain dahil nasanay ang mga anak na bukod sa baong
pera ay may baon pang pagkain.

Kung ang mga ginang ng tahanan ay maagang nagigising para pumunta sa palengke, ano
pa kaya ang mga tindero't tindera? Mas malaki ang sakripisyo nila sa buhay. Alam ito ni Riva
Careon, 16. Tinutulungan niya ang kaniyang ina na magtinda kapag tapos na ang klase, kasabay
na rito ang kaniyang pagre-review. Ayon sa kaniya, ipinagpatuloy lang ng kaniyang nanay ang
naiwang negosyo ng kaniyang lolo sa Monumento Market. Marami-rami na rin daw kasi ang
matagal nang suki ng kaniyang lolo noong ito ay nabubuhay pa. Idinagdag ni Riva na sa

75
katagalan, mga ilang beses na rin silang nagpapalit-palit ng tinda base sa kung ano ang mas
mabili.

Samantala, si Alice Aguila, 45, ay nagtitinda naman sa Marulas market sa Valenzuela.


Matagal na rin siyang nagtitinda ng gulay. "Naisipan kong gawin ito nang maagang mag-asawa
si Laine, ang panganay kong anak. Hindi nga siya nakatapos sa kursong nursing. Nagtitinda-
tinda na lang ako para ipangtawid-gutom naming mag-anak. "

Idinagdag niya na minsan, may kahirapan sa pamamakyaw ng gulay. Kailangan daw ay


mabilis ka at malakas ang "radar" mo kung saan makakapamakyaw ng gulay sa murang halaga
para maitinda din sa palengke nang mura. Kadalasan, sa Divisoria ay mura at maraming
mabibili.

Si Aling Sion, 65, tindera ng baboy sa Blumentritt market. Kahit matanda na siya ay
maslpag pa rin siya sa pagtitinda. Kahit pa nga ngayong ang kaniyang mga anak ay may asawa't
anak, todo kayod pa rin siya. Hindi niya alintana ang hirap ng isang tindera, ang bigat ng
kaniyang binubuhat at mga panganib na dala ng kaniyang trabaho. "Talagang ganoon ang buhay.
Ayokong matulad sa mga kasing edad ko na walang pinatunguhan ang kanilang katandaan. Hindi
ko matatanggap na mamatay ako sa gutom dahil aminado akong hindi ako ganun kasuwerte sa
aking tationg anak.

Nangagsipag-asawa na sila kaya ang mga baboy at baka na itinitinda ko na lang ang
itinuturing kong kapamilya," wika ni Aling Sion.

Si Toto naman ay isang kargador. Sa murang edad ay tumulong na siya sa kaniyang ina
sa pagtitinda ng lugaw sa Malinta market upang hindi na sila humanap pa ng makakatulong na
susuwelduhan pa nila. Wala nang tatay si Toto kaya siya na rin ang tumatayong padre de
pamilya sa kanilang tahanan. Ngayon, sa edad na 22, matatapos na siya ng pagiging guro. At
ipinangako niya sa kaniyang ina na pag-aaralin niya ang kaniyang mga kapatid para balang araw
ay huminto na ito sa pagtitinda.

Tuwang-tuwa naman ako nang makilala ko si Barang, 9. Siya ang tagakanta ng kaniyang
Tatay Doy sa kanilang tindahan ng damit. Ito ang maririnig kay Barang, "Bili na kayo, bili na
kayo. Dito na tayo, dito na kayo. Trenta y singko lang may saplot na kayo. Hoy ale… hoy,
mama, halika..." At tunay naming nakakaakit si Barang sa kaniyang style na pakanta sa
pagtawag niya sa mga customer. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa paaralang pang-elementarya
ng Karuhatan.

Grade 3 na siya roon. Aniya, hindi naman niya napapabayaan ang kaniyang pag-aaral sa
pagtitinda niya ng damit sa Karuhatan market. Isinasabay niya ang pagre-review kapag pagod na
siyang tumawag ng mga mamimili. Iba't iba ang dahilan ng tao kung bakit nila pinasok ang isang
klase ng trabaho. Basta ang mahalaga ay nakatutulong sila at hindi sila nagiging pabigat sa
lipunan.

76
Kunsabagay, ang pagiging tindero't tindera ay isang marangal na trabaho lalo na ngayon na ang
mga paninda nila ay inilalagay na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa
ayos. Sa ngayon nga ay may panukalang maging ang kasuotan nita ay iaayos din upang maging
kagalang-galang sila at maganda sa tingin ng mga mamimili.

 Kabataang Manggagawa

 Alamin

Editoryal – Dumadami ang mga Batang Manggagawa


(The Philippine Star) – June 28, 2012 – 12:00am

Nasa 5.49 milyon ang mga batang manggagawa sa bansa. Karamihan sa kanila ay
nagtatrabaho sa bukid, minahan, asinan, pabrika, construction at may nagbebenta ng "laman".
Nasa edad lima hanggang 17 ang mga batang manggagawa. Karamihan sa kanila ay dating nag-
aaral subalit dahil sa kahirapan ng buhay, napipilitan silang tumigil para tulungan ang kanilang
mga magulang sa paghahanapbuhay. Masakit man sa kanilang kalooban, kailangan nilang
magbanat ng buto para magkaroon ng laman ang kanilang sikmura. Ayaw man nilang tumigil sa
pag-aaral, wala silang magawa sapagkat mamamatay sila sa gutom pati ang kanilang pamilya.

Ayon sa National Statistics Office (NSO), mula lima hanggang siyam na taong gulang ay
nag-aaral pa ang mga bata (mga 90 percent) subalit habang tumatagal ay nababawasan na ang
kanilang bilang. Pagdating ng edad 15 ay 50 porsyento na lamang ang nasa paaralan. Iba-ibang
trabaho na ang kanilang pinapasok para matulungan ang mga magulang at hindi magutom.

Ayon sa International Labor Organization (ILO), dahil sa maagang pagsabak ng mga


kabataan sa pagtatrabaho, ninanakaw ang kanilang karapatan na mamuhay nang normal bilang
mga bata. Nawawala rin ang kanilang dignidad at potensyal. Bumabagsak sila sa pagiging alipin,
maaagang nawawalay sa kanilang mga magulang at nalalantad sila sa panganib ng pagkakasakit.
Ang masama pa, marami sa kanila ang nasasadlak sa masamang gawain. Dahil iba't ibang uri ng
tao ang kanilang nakakasalamuha, naaakit o naiimpluwensyahan sila na gumawa ng masama.
Ang ilan sa mga kabataang babae ay nasasadlak sa prostitusyon. Nakakasanayan na nila ang
ganoong klase ng trabaho na madaling kumita ng pera.

Kahirapan ng buhay ang ugat kaya parami nang parami ang mga batang manggagawa.
Ilang administrasyon na ang nagdaan subalit ang problema sa child labor ay hindi nabawasan
kundi dumami pa nga. Nararapat alamin ng gobyerno ang mga lugar sa bansa na maraming
batang manggagawa at tulungan silang makaahon sa pagka-alipin. Bigyan ng trabaho ang
kanilang mga magulang para hindi ang kanilang mga anak ang magbanat ng buto. Ang mga bata
ay nararapat na nasa eskuwelahan.

77
Alamin ang kuwento ng isang batang manggagawa; i-type sa YouTube ang CameraJuan
"Ang Batang Manggagawa".

 Usapin ng Migrasyon sa Filipinas

Ang migrasyon ay proseso ng paglipat sa isang bagong lokasyon upang doon tumira,
pansamantala man o permanente. May iba't ibang dahilan sa likod ng migrasyon. Ang
sumusunod ay ilan lamang sa mga ito.

 Economic Migration - Pangingibang bansa para makahanap ng trabaho o para sundan


ang propesyon.

 Social Migration - Paglipat tungo sa ibang lugar para sa mas magandang kalidad ng
buhay o upang makasama ang mga kaibigan at kapamilya.

 Political Migration - pag-alis patungo sa ibang bansa dahil sa pampolitikang pag-


uusig at/o digmaan.

 Environmental - Paglipat tungo sa isang lugar dahil sa mga natural na kalamidad


tulad ng pagbaha, paglindol, atbpa.

(http://www.bbc.co.uk/schools/gcsebitesize/geography/migration/migration_trends_rev2.shtml).

Sa Filipinas, naging normal na ang kultura ng migrasyon at marami na ang tumatanggap


at nagsasagawa nito. Sa pag-usad ng panahon, pataas nang pataas ang nagiging bilang ng mga
Filipino na nangingibang bansa. Dahil sa kawalan ng trabaho o mapagkikitaan sa bansa kaya
napipilitan ang mga Filipino na mangibang-bansa. Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas,
ang bilang ng mga OFW sa taong 2015 ay 9.1 milyon - 10 porsyento ng populasyon ng mga
Filipino.

Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa ekonomiya ng Filipinas. Noong 2015, 28 bilyon
US dollar ang naipadala ng mga Filipino sa bansa. Ang ganitong halaga ng remittances ay lubos
na tumutulong sa pag-usad ng ekonomiya ng bansa sapagkat ginagawa nitong estabilisado ang
piso laban sa dolyar. Sa ibang salita, kung mababa ang halaga ng piso, malaking pinsala ang
naidudulot nito sa mga kompanya na may· pagkakautang ng dolyar at maaaring makapagresulta
sa pagkalugi. Matatakot na rin ang mga namumuhunan na mag-invest dahil sa mataas na
posibilidad ng pagkalugi.

Gayunpaman, marami rin namang hindi magandang naidudulot ang migrasyon. Hindi
magiging madali ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Napakaraming hamon ang maaaring·
haharapin ng mga Filipino sa kanilang paghahanap-buhay at maging sa pagsisimula pa lamang
ng paglalakad ng mga papel na kinakailangan para makapangibang-bansa. Nariyan ang usapin
78
hinggil sa Illegal Recruitement, Human Trafficking, at kung nasa abroad na, ang hindi mabuting
pagtrato sa kanila ng mga amo. Kung pinalad man na magkaroon ng magandang trabaho, malaki
ang posibilidad na hindi na sila uuwi sa Filipinas at pipiliin nang tumira roon.

Sa konteksto naman ng pambansang kaunlaran, maaaring malaking halaga ng remittances


ang naibibigay ng mga Filipinong nasa ibang bansa, ngunit nawawalan naman tayo ng mga
propesyonal na nagtataglay ng kahusayan at kagalingan sa kaniya-kaniyang larangan o
espesyalisasyon. Malaki ang naibabawas sa bilang ng mga propesyonal na inaasahang
maglilingkod sa bayan at magtataguyod ng kaunlaran.

Sa iba’t ibang usapin sa migrasyon, may naidudulot man itong maganda at di maganda,
naroon ang pagsisikap ng gobyerno na pangalagaan at proteksyonan ang interes ng mga
Filipinong nangingibang bansa at palakasin o pagtibayin ang relasyon ng huli sa bansang
Filipinas.

Pangkatang Gawain. Paggawa ng Poster-Islogan

Hatiin ang klase sa limang grupo. Bawat grupo ay gagawa ng dalawang poster-islogan na
nagpapakita ng mabuti at di mabuting naidudulot ng migrasyon. Gawing gabay ang pamantayan
sa pagmarka na makikita sa ibaba.

Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Deskripsyon Puntos

Nilalaman Mahusay naming nailahad ang aming idea sa aming


islogan. Ito ay unique at napapanahon kaya makatawag- 25 pts.
pansin.

Estetikong Elemento Malikhain ang aming ilustrasyon; malinis, at may maayos


na pagkakaugnay-ugnay ang mga pansining elemento
25 pts.
tulad ng kulay at agwat o lapit ng mga icon. Sa kabuoan,
ito ay kaakit-akit sapagkat ito’y nagpapakita ng tiyak na
sitwasyong naidudulot ng migrasyon.

Kabuoan: 50 pts.

 Kultural, Politikal, Linggwistiko, Ekonomikong Dislokasyon / Displacement /


Bunsod ng Globalisasyon

Sa ating kontemporaryong panahon na ang usad ng modernong teknolohiya at


makabagong sistema ng lipunan ay daluyong na dumarating, hindi maitatangging may napag-
iiwanang panlipunang institusyon. Ang konseptong ito ay tinatawag na dislokasyon o isang
79
proseso kung saan ang isang panlipunang institusyon ay di nakatutugon sa mga hamong
idinudulot ng nagbabagong panahon. Ito rin ay ang pilit na pagsakop at pagpasok ng
internasyonal na konsepto na nagtataboy sa mga nakagawiang idea, kultura, at pagpapahalaga.

Isa sa umiiral na konsepto ng pamamahala sa pandaigdigang kaunlaran ay Globalisasyon.


Ito ay isang proseso ng muling paghuhugis ng buhay ng mga tao sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng isang pamantayan para sa pagpapahalaga: economic patterns na may kaugnayan
sa malayang kalakaran, produksyon, konsumpsyon at distribusyon; cultural pattern na may
kaugnayan sa entidad, Ienggwahe, at paraan ng pamumuhay; at political pattern na may
kaugnayan sa prosesong pangdemokratiko at karapatang pantao (Gazleh, 2001). Ito ang
nagbibigay pag-asa sa mga tao na magkakaroon ng isang mundong kakaunti ang mahirap at may
pagkakapantay-pantay sa harap ng mga prebelihiyong pangkabuhayan.

Isa ring layunin ng globalisasyon ay ang integrasyon ng iba't ibang kultura at sistema ng
pamamahala - sa politika man o sa ekonomiya. Itinataguyod nito ang pagbuwag sa mga cultural
barrier at sa mga negatibong dimensyon ng kultura (Rothkopt, 1997). Gayunpaman, ayon kay
Barlow (2001), maraming lipunan, partikular na sa mga indigenous people, ay tinitignan ang
kanilang kultura bilang pinakamayaman nilang namana. Kung wala ito, sila ay walang pinag-
ugatan, kasaysayan at kaluluwa. Ang halaga nito ay hindi mapapantayan ng kahit gaano mang
halaga ng pera. Ang globalisasyon ay pagkakaroon ng isang maluwag na daan para pasukin ng
mga naghaharing-uring kultura ang iba pang mga kultura ng maliliit na pangkat ayon na rin sa
perspektiba ng ibat ibang cultural group. Pinagtibay ni Al-Jazeera (2001) na ang mga lokal na
lengguwahe sa mundo ay inaasahang maglalaho. Ang globalisasyon ang magbibigay daan sa
pagkakaroon ng marhinalisasyon ng maraming local na kultura. Sapagkat ang wika ang
nakapagpapahayag ng kultura, ang paghaharing-uri ng Ingles ay maaaring makapaglipol sa mga
tradisyon, pag-uugali, at pagpapahalaga ng maraming lipunan at ang masaklap, magpapalaho sa
kanilang namulatang kultura. Sa Filipinas, hindi malayong mangyari ang dislokasyon na ito
sapagkat napakaraming maliliit na cultural group ang naninirahan at patuloy na nagpapanatili ng
kanilang kultura.
Ang dislokasyong ito ay hindi lamang nasa kultural na perspektiba, nangyayari din ito sa
ating ekonomiya. Ayon kay Gazleh (2001), ang globalisasyon ay siyang nagpasikat ng
"consumer culture" sa mga tao dahil sa malayang pagdaloy ng iba't ibang produkto. Sapagkat
hindi mamatay-matay ang pagnanais ng mga mamimili na gumamit at magkunsumo ng mga
produkto, sila ay nagiging alipin na ng kanilang sariling pagnanasa na nakapagdudulot ng
pagkawala ng espirituwal, moral, at intelektwal na dimensyon ng kanilang pagkatao. Ito ay dahil
sa mga business corporation na gumagawa ng maramihang produkto at paggamit nita ng midya
para i-advertise ang mga ito. Bilang resulta, ang aspektong ito ay makalilikha ng "homogenous
global culture" o ang iisang pandaigdigang kultura, na makapagdudulot ng pagkawala ng
pagkakaiba-iba at/o varyason ng mga tao. Bukod dito, nagkakaroon ng malaking agwat sa
mayaman at mahirap dahil sa integrasyon ng economic activities na nagbigay daan sa

80
marhinalisasyon sa ibang sector ng lipunan. Ang mga maunlad na bansa ang palaging nabibigyan
ng mas malaking benepisyo at prebelihiyo sa loob ng buong proseso.

Sa pagdami ng mga naiiwang kababayan sa laylayan, magkakaroon din ng isang


malaking impak sa politikal na usapin. Hindi malayong dadami ang mga terorista na
makikipaglaban para sa kanilang karapatan at makikibaka dahil sa di pagkakapantay-pantay na
nararanasan. Ang pagdami ng mga taong tutuligsa sa gobyerno ay hindi makapagdudulot ng
mabuti sapagkat nawawala ang katatagan at kapayapaan ng isang bansa. Bukod sa impak na ito,
mababawasan din ang kapangyarihan ng isang bansa na pamunuan ang kaniyang nasasakupan
sapagkat maraming mga internasyonal na polisiya ang naidudulot ng globalisasyon. Mawawala
ang kapangyarihan ng isang bansa na magdesisyon para sa kaniyang sarili sapagkat malaya nang
makikialam ang ibang mga bansa dahil sa malayang ugnayan nila sa isa't isa.

Upang higit pang maunawaan ang kaligiran at epekto ng globalisasyon sa sektor ng ating
lipunan, basahin ang artikulo sa ibaba - isang sipi mula sa Kalagayan Ng Sining At Kultura Sa
Panahon Ng Globalisasyon ni Jenifer Padilla.

SEMIS
Kultura ng Pangangayupapa
Ginagamit ng gobyerno ang islogang "culture of peace" para palubagin ang loob ng mga
nag-aaway na grupo. Ang iba't ibang cultural exchange programs na binubuo ng
immersion activities at mga pagtatanghal ay aktibo nitong sinusuportahan upang idiin ang
"esensyal na pagiging mapayapa at mapagkasundo" ng mga kultura. Subalit sadya itong
inihihiwalay sa konteksto. Halimbawa, ang mapanlabang tradisyon ng maraming
katutubo sa Cordillera ay pinahihina at pinipilit gawing masunurin sa pagpapaloob sa
development aggression projects ng pambansa at lokal na gobyerno. Isa pang halimbawa
ay ang giyera laban sa terorismo na isinusulong ng US, kung saan ang Filipinas ay
nagiging lunsaran na rin ng digmaang idinidiin ang pangkulturang katangian.
Binabansagan ang Islam bilang sibilisasyon ng mga barbaro at terorista. Ang "militanteng
Islam" ay ipinapailalim sa "mapayapang Kristiyanismo"; sa totoo'y binibigyan lang nito
ng katuturan ang sistematikong pagsasantabi sa mga karapatang pantao ng mga Muslim
sa Mindanao at iba't ibang bahagi ng bansa.

Kongklusyon at mga Resolusyon


Pinatitingkad ng globalisasyon, kulturang popular, korapsyon at panunupil at pasismo
ang dominanteng kulturang kolonyal, burgis at pyudal. Ang ganitong kalagayan sa
kultura ay sumasalamin sa malakolonyal na estado at malapyudal na ekonomya ng bansa.
Naisasalarawan ng kulturang ito ang tumitindi nt mas sopistikadong pagsasabwatan ng

81
imperyaIismo, byurukrata-kapitalismo at pyudalismo - ang tatlong ugat ng kahirapan sa
Filipinas.

V. MGA PROYEKTO NG PAMAHALAAN TUNGO SA KAGALINGANG PAMBAYAN


AT PAMBANSANG KAUNLARAN
Ang pamahalaan ay gumagawa ng mga hakbang upang makatulong sa lahat ng mga
mamamayang Filipino lalo na sa mga mahihirap. Ito ang isa sa mga nangungunang adhikain ni
Pang. Rodrigo R. Duterte, ang maiangat ang pamumuhay ng lahat.

Subalit ano ang magiging katungkulan natin upang makatulong sa adhikaing ito na hindi
lamang umaasa sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan? Tandaang tayong lahat ay mayroon ding
gampanin para sa kagalingan ng bayan. Tayo ay may malaking pananagutan upang
maisakatuparan ang bawat mithiin at adhikain ng pamahalaan tungo sa pambansang kaunlaran.
Paano natin ito maisasagawa? Ano ang mga dapat nating gawin upang makatulong? Sapat ba na
iparinig lamang ang ating karaingan o dapat na maipaintindi sa mga kinauukulan ang laman ng
ating puso't isipan? Kailangan bang isulat ang naiisip? O mas angkop na sabihin na lang upang
agad-agad ay kanilang marinig?
Sa araling ito, layunin ng pag-aaral na magawa ang sumusunod:

Pangkaalaman
1. Matukoy ang mga proyekto ng pamahalaan para sa kagalingang pambayan at
pambansang kaunlaran.

2. Maipaliwanag ang kahalagahan at benepisyong ibinibigay ng bawat proyekto ng


pamahalaan.

3. Maipaliwanag ang mga katangi-tanging kontribusyon ng mga ahensya ng pamahalaan


para sa pag-unlad ng mga mamamayan at ng bansa.

Pangkasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa pagpapahayag ng kaisipan sa iba’t ibang sitwasyong
pangkomunikasyon.

2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at


modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.

3. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa


iba’t ibang konteksto.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa
iba't ibang antas at larangan.

82
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-
idea.

 Mga Proyekto ng Pamahalaan Tungo sa Kagalingang Pambayan at Pambansang


Kaunlaran

Sa kabila ng iba’t ibang suliraning kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan, gaya ng


suliranin sa kahirapan, kalusugan, droga, pagkasira ng kalikasan, at iba pa, hindi rin naman
nagpapabaya ang pamahalaan upang isulong ang mga programa na tutuong sa mga mamamayan.
Libo-libong mamamayan ang nakikinabang sa mga proyekto ng pamahalaan upang kahit
papaano ay mabawasan ang suliraning nararanasan ng mga tao. Ang pamahalaan ay
nagbalangkas ng mga plano, mga programa, mga proyekto, mga patakaran at tuntunin upang
maisakatuparan ang pambansang kaunlaran.

Nagtutulungan ang iba't lbang pamayanan ng bansa at nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa
upang makamtan ang kaunlaran ng bansa. Nagtutulungan ang mga lokal na pamahalaan sa buong
bansa mula sa pinakamababang antas hanggang sa pinakamataas. Nabuo ang mga samahan ng
barangay, lungsod, munisipalidad at lalawigan sa ilalim ng Government Code of 1991 upang
magtulungan at magkaisa para mas maraming mapaglingkurang mamamayan.

May mga programa ang pamahalaan upang umunlad ang bansa sa mga aspektong gaya ng
sumusunod:

1. Programa sa Pabahay

Nagpapagawa ang pamahalaan ng mga bahay para sa mga mamamayan na


hindi makapagpatayo ng sariling bahay upang mabawasan ang mga nagkalat at
palaboy sa daan.

2. Pagpapaunlad ng Sakahan

Tinutulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka na mapaunlad ang kanilang


sakahan upang makapagbigay at makatulong din sa pag-unlad ng produksyon
ng bansa.

3. Edukasyon

Nagbibigay ng libreng edukasyon sa lahat ng mga mamamayan upang


mabawasan ang mga hindi nakapag-aral para matulungan sila sa kanilang
pamumuhay.

4. Kooperatiba

Tumutulong sa mga mamamayan na magkaroon ng trabaho upang kumita para


makatulong sa pamilya.

83
5. Transportasyon at Komunikasyon

Nagpapagawa ang pamahalaan ng mga tulay, daan at iba pang uri ng


transportasyon para mapadali ang komunikasyon sa bansa.

6. Elektripikasyon

Maraming imprastaktura ang ipinapagawa ng pamahalaan para magkaroon ng


elektrisidad at upang umunlad ang kabuhayan. (Baya, Juliana Marie.
https://www.slideshare.net/ARALPANG/programa-ng-pamahalaan-sa-
pagpapaunlad-ng-bansa-baya-slr)

Gawain. Basahin ang diyalogo na nasa ibaba. Pag-aralan ang daloy ng usapan ng magkaibigan.
Kumuha ng kapareha at basahin ang usapan ng dalawa at magbahagihan ng kaalaman
pagkatapos. Gamiting gabay ang mga tanong sa ibaba.

 Ano ang kanilang pinag-uusapan?


 Paano nila ipinahahayag ang kanilang saloobin?
 Ano ang iyong masasabi sa paraan ng pakikipagkomunikasyon nila sa isa't isa?
 Naipahayag ba nila nang maayos ang kanilang kaisipan?

Jomel: Daniel, napanood mo ba ang balita kagabi?


Daniel: Alin, iyong libreng matrikula para sa mga papasok na mag-aaral sa SUCs?
Jomel: 0o. Biruin mo, ngayon lang nila naisip iyon, samantalang maraming naghahangad na
makapasok sa paaralan pero walang pambayad. Sana, noon pa iyon ginawa para noon
pa’y natulungan na ang mga kagaya nating mahihirap.
Daniel: Pero kung iisipin mo, maganda na rin iyon dahil wala nang dahilan para hindi makapag
aral sa kolehiyo ang mga mahihirap. Magandang programa iyon dahil kung tutuosin, malaki ang
gagastusin ng gobyerno rito. Biruin mo, buong Filipinas makikinabang. Ang galing, ah. Ang mga
magulang ko kaya, tatanggapin kapag nag-aral sa kolehiyo? Naisip ko lang.
Jomel: Hindi na, matatanda na sila. Kung ano-ano'ng naiisip mo. Sa tingin mo, solusyon na ba
ito ng kahirapan?

Daniel: Alam mo, kahit libre ang matrikula at lahat ay puwede nang mag-aral, hindi ibig sabihin
na agad-agad nang masosolusyonan ang problema sa edukasyon o kahirapan. Mababawasan lang
ang kamangmangan, pero hindi ang kahirapan. Nasa sa atin na rin kung hindi natin ipupursige
ang pag-aaral, masasayang ang pondo na ibinigay ng gobyerno. Samantalahin natin ito habang
may ganitong programa. Balang-araw, alam ko, mapapakinabangan natin ito.

84
Jomel: Tama ka riyan. Ang mahalaga ngayon, nakakapasok tayo para makapagtapos ng pag-
aaral. Produkto tayo ng programa ng pamahalaan na libreng edukasyon. Mapalad tayo dahil sa
hirap ng buhay ngayon, malamang huminto na ako at nagtatanim na ng palay sa bukid.

Daniel: Tama ka riyan, kaya bago pa tayo mahuli sa klase natin, halika na at pumasok na tayo.
Mapapagalitan pa tayo niyan.

 Alamin

Ang pag-unlad ng bansa ay pag-unlad na rin ng mamamayan. Hindi dapat iniaasa sa


pamahalaan ang kapalaran ng sinuman, bagkus kailangang gumawa rin ng paraan upang
mapakinabangan ang mga programa ng pamahalaan. Bawat mamamayan ay may tungkulin na
kailangang gawin para sa pag-unlad ng bansa. Ang sama-samang pagtutulungan o pansariling
pamamaraan o pagkilos ay tiyak na may malaking kontribusyon sa ikagagaan ng buhay na
makatutulong para sa bansa. Hindi tamang papasanin ng pamahalaan ang lahat ng
responsibilidad kundi magiging katuwang ang mamamayan na balikatin ang anumang sagabal sa
pag-unlad. May mga ahensya ang pamahalaan na may iba't ibang programa para sa mga
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

 Kagawaran ng Kalusugan

Ang Kagawaran ng Kalusugan ang natatanging ahensya ng pamahalaan na nangangalaga


sa kapakanang pangkalusugan ng mamamayan. Ang ahensyang ito ang nagbibigay ng mga
impormasyon hinggil sa mga usaping pangkalusugan ng bansa. Nagbibigay ng mga datos at
tamang impormasyon sa mga mamamayan partikular na sa iba't ibang uri ng sakit na maaaring
maagapan at magamot kapag nabigyan ng agarang atensyon.

Ilan sa mga programa ng Kagawaran ng Kalusugan ay ang sumusunod:

1. Dengue Prevention and Control Program

Ang dengue ang pinakamabilis na uri ng sakit na kumakalat sa halos isandaang bansa sa
mundo. Nakukuha ito mula sa mga kagat ng lamok na may dalang virus na kung tawagin ay
aedes aegypti at aedes albopictus, naililipat ang nabanggit na virus sa mga taong makakagat nito
na nagiging sanhi ng dengue, na kung hindi maagapan ay maaaring ikamatay ng biktima.
Nagsasagawa ang kagawaran ng malawakang kampanya upang maiwasan ang pagkalat ng
maraming lamok na magdadala ng sakit na dengue. Gumagawa sila ng campaign ads at
nagbabahay-bahay sila upang magkaroon ng malawak na kamalayan ang mga mamamayan lalo
na sa mga liblib na lugar na hindi naaabot ng komunikasyon.

2. Prevention of Blindness Program

85
Sa Administrative Order No. 179 s. 2004 ay isinasaad ang mga panuntunansa
implementasyon ng National Prevention of Blindness Program; at sa Proklamasyon Blg. 40 ay
idineklara na ang buwan ng Agosto ay "Sight Saving Month." Bisyon nito na lahat ng mga
Filipino ay mabigyan ng karapatang makakita sa taong 2020. Kaya pinaiigting ng DOH at Local
Health Unit (LHU) ang pagkakaisa para matanggal at maiwasan ang pagkabulag ng mga tao sa
Filipinas; magkaroon ng puwang at tungkulin ang mamamayan na ipabatid ang kahalagahan ng
kalusugan ng mga mata upang maiwasan ang pagkabulag; mabigyan ng akses ang lahat para sa
de-kalidad na sebisyo para maalagaan ang mga mata; at pagsugpo ng kahirapan sa pamamagitan
ng preserbasyon at restorasyon ng paningin sa mga mahihirap na Filipino.

3. Philippine Cancer Control Program

Ang kanser ang itinuturing na pinakanangungunang sanhi ng kamatayan ng libo-libong


tao sa buong mundo. Tinatayang 14 milyon ang may malulubhang kaso at umaabot sa 8.2 milyon
ang naitalang namatay noong 2012 (WHO).

Sa kalalakihang Filipino, ang mga karaniwang sakit na nagiging sanhi ng kamatayan ay


ang kanser sa baga, atay, kolon/rectum, prostate, tiyan at leukemia. Sa kababaihan naman ay
dibdib, cervix, baga, colon/rectum, obaryo at atay. Ang datos na ito ay noong 2010. Kaya naman,
nagdebelop ang National Cancer Control Committee (NCCC) ng National Cancer Prevention
and Control Action Plan (NCPCAP) 2015-2020 upang magkaroon ng kamalayan ang mga
mamamayan hinggil sa nakamamatay na sakit na ito. Hindi lamang matutulungan ang mga may
sakit kundi mabibigyan pa ng sapat na impormasyon ang mga mamamayan tungkol dito.

4. HIV/STI Prevention Program

Layunin ng programang ito na pababain ang transmisyon ng HIV at STI sa mga may
matataas na populasyon at itinuturing na pinakapeligroso upang maipaalam sa kanila ang
maaaring idulot nito sa bawat indibidwal, pamilya, at sa komunidad. Upang mabawasan ang
sakit na ito, nagbibigay ang ahensya ng libreng konsultasyon at mga kampanya laban dito sa
tulong ng mga katulong na ahensya ng pamahalaan.

5. National Tuberculosis TB Control Program

Sa kasalukuyan, ang sakit na TB ay maaari nang maagapan at magamot. Hindi na kailangang


mangamba ang mga mamamayang kinapitan nito basta maagang maipakonsulta upang mabigyan
ng agarang lunas.
Ang programang ito ay may bisyon na "TB-free Philippines." Nagbibigay sila ng libreng
tulong at konsultasyon sa bansa upang matulungan ang mga mamamayan na kinapitan ng
ganitong klaseng sakit.

Ang mga nabanggit na programa ng kagawaran ng kalusugan ay ilan lamang sa mga


tinututukan ng gobyerno. Hindi mapapasubalian na seryoso ang pamahalaan na bigyan ng

86
priyoridad ang kalusugan ng mga mamamayan. Patunay ito sa naging tugon ng DOH sa
ipinalabas na balita:

Manila-Philippines - Tiniyak ng pamunuan ng Department of Health sa publiko na


ipupursige nila ang maayos na sistema ng pagbibigay ng health service.

Sa ginanap na turn over ceremony sa tanggapan ng DOH ay sinabi ni Health Secretary


Francisco Duque III na mayroon nang malaking pondo ang kagawaran para magampanan nito
ang tungkulin sa sambayanang Filipino.

Nabatid na mayroon kabuoang 165 bilyong piso na pondo ang kagawaran ngunit
hinamon ni Duque ang lahat ng kawani ng opisyal ng DOH na makiisa sa pagbibigay ng isang
de-kalidad na serbisyo sa taong bayan.

Giit ng kalihim na umaakyat na sa ikationg antas ng Performance Governance System


ang DOH pero naantala ito noong mga nakalipas na taon kaya ito ay muling bubuhayin ng
kagawaran at ipagpapatuloy ang lahat ng mga magagandang programa na sinimulan ni outgoing
DOH Secretary Paulyn Ubial.
(RMN News Nationwide: The Sound of the Nation, Nov. 6, 2017)

 Kagawaran ng Edukasyon

Si Kal. Leonor Briones, ang kasalukuyang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, ay may


maigting na kampanya para sa pagtatamo ng de-kalidad na edukasyon sa lahat ng mga mag-aaral
mula sa batayang antas ng edukasyon, pribado man o publiko. Ang kampanyang ito ay mahigpit
na ipinatutupad ng kagawaran upang matamo ang bisyon at misyon nito. Pinatutunayan ito ng
iba't ibang programa na nagbibigay ng sapat na atensyon at paghahanda sa mga mag-aaral upang
makalinang ng buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi.
Ilan mga programang ito ang sumusunod;

1. K to 12 Kurikulum

Alinsunod sa Batas pambansa 10533 na kilala rin sa tawag na Enhanced Basic


Education Act of 2013, na palawakin ang batayang edukasyon ng bansa sa pamamagitan
ng pagpapaunlad sa mga kurikulum at sa pagdaragdag ng dalawang taon sa batayang
edukasyon. Layunin ng batas na ito na mabigyan ang bawat mag-aaral ng pagkakataon na
makatanggap ng magandang edukasyon na maghahanda sa kanila upang makipagsabayan
sa pandaigdigang kompetisyon; mapalawak ang layunin ng edukasyong sekundarya
bilang paghahanda sa kolehiyo, kursong bokasyunal at teknikal man; at gawin ang mga
mag-aaral na sentro ng edukasyon na tutugon sa kanilang pangangailangan, kakayahan at

87
kalinangang kultural at pinagmulan sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na wika sa
pagtuturo at pagkatuto kabilang ang Mother Tongue Based - Multilingual Education
(MTB-MLE).

2. Oplan Balik-Eskwela

Ang programang Oplan Balik-Eskuwela ay isa sa napakagandang programa ng


Kagawaran ng Edukasyon sapagkat sa pamamagitan nito ay maagang malalaman ang
mga mag-aaral na nagpapatuloy ng pag-aaral. Isinasagawa ang maagang pagpapatala
upang maging basehan din ng bilang ng mga papasok na mag-aaral sa susunod na
pasukan. Ito ay paghahanda rin sa mga kakailanganin sa loob ng silid-aralan at sa
paghahanda ng pasilidad ng paaralan. Ginagawa rin ito bilang panghikayat sa mga mag-
aaral na magpatuloy sa kanilang pag-aaral.

3. Brigada Eskwela

Taon-taon isinasagawa ang Brigada Eskwela sa iba't ibang paaralan sa buong


bansa. lto ay bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan sa mga pampublikong paaralan.
Katuwang ng mga guro ang mga magulang sa paglilinis at pag-aayos sa loob at labas ng
silid-aralan, gayundin ang paglilinis sa buong paaralan. Kinukumpuni rin ang mga sira-
sirang bahagi ng silid-aralan upang gumanda ito. Ginagawa ito upang sa pagpasok ng
mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan ay nakahanda na ang buong silid-aralan at
buong paaralan para sa unang araw ng pagkaklase. Paghahanda rin ito upang mahikayat
ang bawat mag-aaral na mag-aral nang maayos at hindi ang paglilinis ang bubungad sa
kanila.

4. School-Based Feeding Program (SBFP)

Ang programang ito ng Kagawaran ng Edukasyon ay naglalayong makapag-


ambag para mapataas ang bilang ng atendans ng mga mag-aaral na pumapasok sa klase
upang gumanda ang kanilang performans sa loob ng silid-aralan. Sinisikap na matugunan
at mabawasan ang mahigit na 85% na problema sa malnutrisyon kada taon, at mahikayat
din ang mga mag-aaral na pumasok sa paaralan araw-araw.

Tinututukan ng SBFP ang lahat ng mga mag-aaral na kabilang sa mga


undernourished mula kindergarten hanggang ikaanim na baitang.

 Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA)

Ang PAMANA ay programa ng pamahalaan na tumutulong sa mga nasa lugar na may


kaguluhan upang mapanatili o maibalik ang katiwasayan para maiwasan ang mga labanan o
hindi pagkakaunawaan na maaaring magresulta sa tiyak na kapahamakan ng mga inosenteng
mamamayan na maiipit sa kaguluhan. Ito ay nasa ilalim ng Office of the Presidential Adviser on
the Peace Process (OPAPP).

88
Ang programang ito ay isinagawa sa ilalim ng administrasyon ng dating Pang. Benigno
Aquino bilang estratehiya para sa kapayapaan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga
ahensya ng pamahalaan na mapataas ang pagbibigay ng serbisyo, at masolusyonan ang mga
sigalot o problema sa mga lugar na apektado ng krisis pangkapayapaan. Ang disenyo ng
PAMANA ay nakasentro sa pagbibigay ng agarang solusyon at pagpapataas ng kapayapaan sa
mga apektadong lugar upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at paglalabanan.

Layunin ng PAMANA na abutin at tulungan ang mga nasa bukod, mahirap maabot, at
apektado ng labanan, para maipadama na hindi sila napapabayaan ng pamahalaan. Sa bilang ng
mga ahensya ng pamahalaan at mga katuwang sa implementasyon, manantili ang PAMANA
bilang programa ng pamahalaan na tumututok sa mga lugar ng bansa na may mga hindi
pagkakaunawaan at paglalabanan na nangangailangan ng mga usapang pangkapayapaan at
pakikipagkasunduan.

Isinasagawa ang PAMANA upang makamtan ang panghabambuhay na kapayapaan, at


makakamtan lamang ito sa pamamagitan ng reporma ng mga patakaran na magpapatatag sa
saligan ng kapayapaan, pagbibigay ng serbisyo sa mga sambayanan at sa komunidad, at
pakikipag-ugnayan sa mga apektadong lugar upang matulungan sa paghahanapbuhay.

Nakatutulong din ang ganitong programa ng pamahalaan para mabawasan ang kahirapan,
mapabuti ang pamamahala at mabigyan ng kapangyarihan ang komunidad na patatagin ang
kanilang kakayahan na pag-usapan ang mga isyu na nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan sa
pamamagitan ng mga gawaing magpapatatag sa pagsasamahan ng mga mamamayan sa lugar.

 ASEAN Economic Community (AEC) Blueprint 2025

ltinatag ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong 8 Agosto 1967. Ito
ay isang rehiyonal na organisasyon na binubuo ng mga bansang kasapi gaya ng Brunei
Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Filipinas, Singapore, Thiland
at Vietnam. Naitatag ito sa layuning mapabilis ang paglago ng ekonomiya, panlipunan at
pangkalinangang kaunlaran at kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Noong Disyembre 1997, pinagtibay ang ASEAN Vision 2020, na nagbabalangkas ng


isang estratehikong layunin upang magkaroon ng mas malakas na pagtutulungan ang mga
miyembro tungo sa pagbuo ng isang "komunidad ng mga mapag-arugang lipunan". Ito ang
nagbigay daan sa mga sunod-sunod na plano ng pagkilos upang isakatuparan ang mga layuning
naibalangkas sa ASEAN Vision 2020. Tinukoy ng mga nasabing plano ng pagkilos ang mga
patakaran at proyekto na siyang isasagawa ng mga kasaping bansa tungo sa layunin ng mas
mahigpit na pagtutulungan at pagiging komunidad. May haba itong anim na taon, at nirerebisa
tuwing ikationg taon. At una sa mga proyektong ito ay ang Hanoi Plan of Action, na ipinatupad
mula 1998 hanggang 2004. Ang kasalukuyang proyekto ay ang Vientiane Action Programme
(VAP) na sinimulan mula 2004 hanggang 2010.

89
Ang ASEAN Economic Community (AEC) ay isa sa mga haligi ng pinapangarap na
komunidad ng ASEAN na binigyang-hugis ng Bali Concord II. Naisakatuparan noong 2015 ang
hinangad ng ASEAN na iisang merkado at production base. Nangangahulugan na mula 2015,
ang luwas ng produkto, serbisyo, puhunan at mga manggagawa sa mga bansang kasapi sa
ASEAN ay naging bukas at naging liberal, at ang paglipat-lipat ng pumumuhunan ay mas
napadali. (Mayroon pa ring mga eksepsyon at restriksyon (lalo na sa pagdaloy ng pera at
puhunan) sa liberalisasyon, kaya ang mga kasapi na hindi pa handang buksan ang kanilang
sektor pangserbisyo ay piniling huwag munang buksan ang sector (ASEAN minus X Formula).)

Ang isang merkado at production base ay nangangahulugan lang na imbes na ang


pagtingin sa merkado at pinagkukunan nito ay nakakulong lamang sa mga pambansang
hanggahan, ang mga miyembro ay titingnan ito sa kabuoan. Nangangahulugan ito na ang mga
kasapi ay ituturing na pareho ang mga produkto at serbisyo na nanggagaling sa kahit saang
bansang kasapi sa ASEAN tulad ng sa kanilang mga lokal na produkto at serbisyo; ibibigay nito
ang parehong prebilihiyo at paraan ng pagpasok sa ASEAN na namumuhunan at kanilang mga
lokal na negosyante; at ang mga manggagawa at propesyonal ay malayang makakapagtrabaho
kahit saan sa loob ng ASEAN.

Upang mapadali ang pagkakaroon ng nag-iisang merkado at production base, ang AEC
ay nagbibigay ng priyoridad sa dalawang bahagi: sa priority integration sectors, at sa pagkain,
agrikultura at kagubatan. Mayroong labindalawang priority integrated sectors: agro-based na
produkto, sasakyan, electronics, isda, produktong goma, paglalakbay sa himpapawid, e-ASEAN,
healthcare, tourism, at logistics. Ito ang mga sector na kung saan lahat ng kasapi ay mayroong
interes, at kung saan sila magkakaroon ng kompetisyon. Ang kaisipan ay kung magiging malaya
ang mga sektor na ito, mas madali itong pag-ugnayin at ang mga kasapi ng ASEAN ay
makakaangat sa rehiyon sa mga sector na ito sa pag-akit ng intra-ASEAN na mamumuhunan at
pangangalakal (halimbawa ay ang outsourcing sa pagitan nila), at matulungang mapaunlad ang
mga produktong gawa ng ASEAN.
Ang pagbibigay ng pansin sa pagkain, agrikultura at kagubatan ay may kinalaman sa
kung paano papaunlarin ang sektor na sinasabing pinakasensitibo sa mga kasapi. Upang mabuo
ito para sa nag-iisang merkado, ang Blueprint ng AEC ay nakatuon sa kung paano gagawin ang
malayang kalakalan sa rehiyon, at kung gaano mapapataas ang pamantayan. Isa ring alalahanin
ang pagtutulungan at paglipat ng teknolohiya na tutulong ang mga internasyunal/pangrehiyong
mga organisasyon (tulad ng Food and Agricultural Organization) at ng mga pnbadong sektor. Ito
rin ay nananawagan para sa pag-uugnay ng mga Iumilikha ng mga produktong agrikultura sa
pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga kooperatiba sa agrikultura. Mahban sa pagnanais ng
iisang merkado, pinapangarap din ng AEC ang isang rehiyon na may matatag na ekonomiya at
ganap na pagkakawing nito sa kabuhayan ng daigdig. Sa pagtatalaga ng mga polisiya at
pagtatayo ng mga kinakailangang imprastraktura makakamit ang isang rehiyong may matatag na
kabuhayan. Upang makamit ito, pag-uugpungin ng ASEAN ang mga polisiya sa kompetisyon,
proteksyon para sa mga mamimili, intellectual property rights, pagbubuwis at ang e-commerce.

90
Magtatayo ito ng isang integrated transport network (panghimpapawid, pandagat, panlupa);
gagawa ng ICT sytems na magkokonekta at magagamit ng lahat ng bansa sa rehiyon; at
magsulong ng mga proyekto upang pag-ugnay-ugnayin ang mga electricity grids at gas pipelines;
isulong ang pagmimina sa rehiyon; at hikayatin ang mga pribadong sektor na pondohan ang mga
hangaring ito. Sa pamamagitan ng Initiative for ASEAN Integration (IAI), ang isyu ng
katarungan ay matutugunan sa pagtatayo ng mga small and medium enterprises (SMEs); at ang
paglalapit ng agwat sa pagitan ng mga mas mayayaman/ mas malalaki at mga mahirap/ mas
maliliit na bansa sa ASEAN. Ang IAI ay isang proyekto na kikilala sa mga pangangailangan sa
technical assistance and capacity building ng mga bansa sa ASEAN upang ganap na makasali sa
regional integration. Panghuli, nilalayon din ng AEC na iayon ang mga kasunduang ASEAN sa
rnga patakaran at alituntuning multi-lateral at magsusulong ng mga patakarang lalo pang mag-
uugnay ng rehiyon sa iba pang bahagi ng daigdig. (Isinalin sa Filipino ni Laya at Galileo Garcia,
in-edit ni Arcy Garcia para sa PAKISAMA mula sa panulat ni Jenina Joy Chavez, Philippine
Program Coordinator, Focus on the Global South. Editor: Ma. Estrella A. Penunia. Vol 3 No. 1.
February 2008).

 Iba pang programa ng Pamahalaan

Ang iba pang hakbang na ginagawa ng pamahalaan para sa pambansang kaunlaran ay ang
pagsulong sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng NPA, MILF at MNLF, edukasyon para sa
lahat, pagkakaroon ng automated elections; pagkakaroon ng maraming trabaho sa mga
mamamayang Filipino; pagsulong ng turismo sa bansa; pagbubukas ng Economic Zones sa
bahagi ng CALABARZON, Cebu, Pampanga at Subic, pagpapatayo ng kalsada, tulay, paliparan,
daungan, highway, expressway, plantang geothermal at hydroelectric; pagsulong sa ladderized
education program ng TESDA ng pang-vocational at pagkakaloob ng PHILHEALTH card para
sa mga kawani, manggagawa at mahihirap; pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot sa tulong ng
dangerous drugs board; at pagpapaunlad sa serbisyong pangkalusugan sa tulong ng mga
programa ng DOH (https://www.slideshare.net/ARALPANG/mga-hakbang-na.ginagawa-ng-
pamahalaan-para-sa kaunlaran).

Ayon sa artikulo ni David Damio Jr. na inilathala sa kaniyang blog, "hindi uunlad ang
isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa
pag-unlad ng bansa." Hindi lamang ang pamahalaan ang kumikilos para sa kaunlaran ng bansa
kundi katuwang din ang mga mamamayan. May gampanin din sila upang matamo ang
pambansang kaunlaran at kagalingang pambayan.

Pag-usapan. Sagutin ang sumusunod na tanong sa hindi hihigit sa limang pangungusap bawat
isa.

1. Paano nakatutulong ang mga programa ng pamahalaan para makamit ang pambansang
kaunlaran?

91
2. Ano-ano ang iba pang programa at proyekto ng pamahalaan na nagbibigay serbisyo sa
mga mamamayan? Sa tingin mo, malaki ba ang benepisyong ibinibigay ng mga
programang ito sa mga mamamayan?

3. Masasabi mo bang mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga ahensya ng pamahalaan


tungo sa kagalingang pambayan?

4. Kung hindi kaya nabuo ang mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Kagawaran ng
Kalusugan, Kagawaran ng Edukasyon, atbp., hindi na rin ba uunlad ang bayan? Hindi na
ba makakakilos ang pamahalan nang walang inaasahang ahensya na magpapatupad ng
kanilang mga proyekto?

5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang makamtan ang kaunlaran ng


bayan? Ano ang inyong kontribusyon para sa kagalingan ng bayan?

II. Pasalita. Bumuo ng pangkat na may 10 miyembro. Pumili ng isa sa mga balita na nasa kahon
at bigyang buhay / isadula ang pangyayari na pinaghugutan nito. Kailangang may gaganap na
tagapagpakllala sa tagapagsalita, reporter, pangulo ng samahan o organisasyon.

Sitwasyon: lsa kang kalihim ng kagawaran o ahensya ng pamahalaan na tinutukoy sa ibaba.


Naimbitahan ka bilang tagapagsalita sa isang pagtitipon upang pag-usapan ang mga programa ng
pamahalaan.

Balita 1:
Manila, Philippines - lsa ang usapin sa paglaban sa malnutrisyon sa mga naging agenda
sa katatapos lamang na ASEAN Summit, ito ang iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III.

Sa nasabing pulong, inatasan ang mga ASEAN Health leaders na tuldukan ang lahat ng
porma ng malnutrisyon sa rehiyon, kung saan magtutulungan ang mga kagawaran ng kalusugan,
agrikultura, social welfare at iba pang stakeholders.

Target ng ASEAN leaders na pagdating ng 2030, wala nang maitatalang malnourish sa


ASEAN region. (RMN News Nationwide: The Sound of the Nation)

Balita 2:
Manila, Philippines - Higit pang pagtitibayin ng Department of Education ang kanilang
affirmative action upang mapalawak pa ang pag-access sa kalidad na edukasyon sa kultura lalo

92
na sa rehiyon ng Mindanao.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na sa ngayon ay sinisikap ng DepEd na


magtayo ng mga bagong public school sa iba't ibang Lumad communities lalo na sa mga
itinuturing na geographically isolated and disadvantaged areas sa pakikipagtulungan ng Kalahi-
Cidss National Community-Driven Development Program ng Department of Social Welfare and
Development.

Aniya, ang kagawaran ay nagpasya na ng kahandaan na magtatag ng mga karagdagang


paaralan sa sarili nitong pangangailangan.

Ang naturang hakbang ay ginagawa ng ahensya bilang paggalang sa kultura at tradisyon


ng indigenous people.

Tugon din ito ng ahensya para matulungan ang mga mag-aaral na Lumad para
magkaroon ng access sa magandang kalidad na edukasyon. (RMN News Nationwide: The sound
of the Nation)

VI. SINING AT KULTURA NG FILIPINAS SA PANAHON NG GLOBALISASYON


Perlas ng Silangan. Kilala ang Filipinas sa katawagang ito. Bukod sa ang bansa ay
mayaman sa rnga biyaya ng kalikasan, natatangi rin ang kultura nito. Maipagmamalaki ang
kulturang Filipino. Ang mga tradisyon, kaugalian at gawi ng mga Filipino ay namumukod-tangi
kahit na ito ay mula sa impluwensya ng iba't ibang katutubong kultura ng mga nandayuhan noon
sa bansa. Bagamat naipagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang pagsasabuhay ng mga Filipino
sa kulturang nakagisnan, ang modernisasyon ay nagiging hamon sa mabibilis na pagbabago nito.
Ang magagandang tradisyon, kaugalian at gawi ng mga Filipino ay hindi naman nakalilimutan,
ngunit ang mga ito'y nagbabago sanhi ng mabilis na pagbabago ng panahon na bunga ng
maunlad na teknolohiya.
Sa kasalukuyang panahon ay bakas na bakas ang mga pagbabago sa kultura ng mga
Filipino. Ang tradisyon, kaugalian at gawi ay naiimpluwensyahan na ng makabagong ideolohiya
mula sa iba-ibang bansa. Sanhi nito, ang mga prinsipyo, pag-iisip, pagtanggap at pamumuhay ay
hindi na purong Filipino kundi ito'y konsepto na ng maunlad at makabagong kulturang Filipino
na may halo-halong impluwensya mula sa mga dayuhan sa bansa.

Ano ang sining at kultura ng Filipinas sa panahon ng globalisasyon? Ito ang tutuklasin sa
bahaging ito ng pag-aaral.

Layunin sa bahaging ito ng pag-aaral ang sumusunod:

Kaalaman

93
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.

2. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong


bansa.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba't ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Filipino.

2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at


modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.

3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at


analisis na akma sa iba't ibang konteksto.

4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba't


ibang konteksto.

5. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na nakaugat sa


mga realidad ng lipunang Filipino.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa
iba't ibang antas at larangan.

2. Makapagbalangkas ng gabay-etikal kaugnay ng paggamit ng iba't ibang porma ng midya.

3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-


idea.

 Ang Konsepto ng mga Filipino sa Bayani, Pinuno at Manggagawa

Ano ang iyong sariling kaisipan kapag naririnig. Ang salitang bayani? Ano-ano ang
katangian nito upang siya ay maituturing na bayani? Dahil ba sa kaniyang taglay na lakas at
kapangyarihan? Dahil ba sa kaniyang impluwensiya at pagtulong sa nangangailanga? O dahil ba
sa pagbubuwis niya ng buhay para sa kabutihan ng nakararami?

Sino ang ituturing nating mga bayani?


Panimulang Gawain. Pumili ng isa sa ibaba. Isulat ang kaniyang katangian at ipaliwanag sa
klase kung bakit siya ang HIGIT na itinuturing mong bayani.
Si Darna ay bayani sapagkat …
94
Si Jose Rizal ay bayani sapagkat …
Ang aking ina ay bayani sapagkat …
Si Pangulong ___________________ ay bayani sapagkat …

 Alamin

Tayo ay may iba't ibang konsepto hinggil sa bayani. Ito ay dahil sa iba-iba rin ang ating
mga paniniwala at sariling ideolohiya sa buhay. Isama pa rito ang dahilang iba-iba rin ang ating
karanasan at panahon ng ating kamulatan mula pagkasilang. Basahin ang sanaysay sa ibaba
upang malaman kung ano ang konsepto ng mga Filipino sa pagiging bayani.

Bayani
Rodelio C. Gauuan

Ang salitang bayani ay karaniwang iniuugnay sa mga taong hinahangaan o iniidolo dahil
sa kaniyang taglay na lakas at katapangan, mabubuting gawain at katangian at di-mabilang na
pagtulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit maibuwis man ang kaniyang buhay.
Samakatuwid, ang bayani ay isang magiting na indibidwal na ang tanging hangarin ay ang
kabutihan ng lahat.

Kilala natin ang superheroes na sina Darna, Captain Barbell, Wonder Woman at
Superman. Sila ay mga bayani na iniidolo at hinahangaan ng lahat. Sila ay may iba't ibang
kapangyarihan upang ipagtanggol ang mga naaaping mamamayan at maging ang mga mahal nila
sa buhay. Bagama't nakatatak sa ating isipan ang kanilang kabayanihan, mulat tayo sa
katotohanang sila at ang kanilang mga kuwento ay likhang-isip lamang.
Sino ang mga bayani at paano maging bayani?

Ang salitang bayani ay mula sa salitang Griyego na "heros" na ang kahulugan ay


tagapagtanggol. Ang kahulugang ito ay katulad din ng salitang Latin na "seruare" na ang
kahulugan ay magbigay ng proteksyon. Sa Filipinas, ang bayani ay may iba-ibang katawagan.
Banuar ang tawag dito ng mga llokano, samantalang palbalani sa mga Pangasinensi. Sa
Hiligaynon ay baganihan, balani sa Tausug at bagani sa Maranao.

May iba-ibang konsepto hinggil sa pagiging bayani. Ang mga bayani ay unang nakilala
sa mga panitikang klasikal mula sa mga magigiting na tauhan ng mga epiko. Sa Filipinas, sa
panahong katutubo o lumang panahon, ang bayani ay kinikilala na nagtataglay ng kakaibang
lakas at kapangyarihan.

95
Tayong mga Filipino ay naniniwala sa mga bayaning may anting-anting. Ang anting-
anting ay isang kapangyarihang nagbibigay proteksyon upang hindi masaktan o kaya ay tablan
ng kahit na anong mapaminsala at nakamamatay na sandata. Sinasabing ang kapangyarihang ito
ng anting-anting ay mula sa kakaibang uri ng bato, kuwintas, singsing, pulseras, mga uri ng
metal na mula sa kalawakan tulad ng bulalakaw at maliliit na tipak ng bato sa "kalawakan, dagta
ng puno tulad ng sa puso ng saging, dugo o kaya ay buto ng hayop na binasbasan at dinasalan sa
panahon ng kuwaresma o sa araw ng pagkamatay ni Hesus, balat ng hayop at iba pa. Isa o
anumang kumbinasyon ng mga anting-anting ay nakasasapat na upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihan, tagabulag, kakayahang pagalawin nang kakatwa ang mga bagay sa paligid at
mag-anyo ng kahit na anumang naisin tulad ng sa hayop o ng anumang bagay sa paligid.

Ang kabutihan nito, naniniwala tayo na ang pagtataglay ng anting-anting ay kaakibat ng


responsibilidad ng paggawa ng kabutihan sa kapwa. Na ang sinumang may anting-anting ay
iyong nabibiyayaan ng kabutihan at kababang loob at ang tanging hangad ay ang pagtulong,
pagtatanggol at pagmumulat sa mga tao na ang kabutihan ay hindi kailanman masusupil ng
kasamaan. Ito ay mabubuting kaaralan na naikikintal sa isipan ng mga Filipino na nararapat
maging bahagi sa patuloy na pagtingin sa konsepto ng kabayanihan. Na ang kabutihan ng
kalooban ay siyang tunay na kapangyarihan.

Sa panahon ng pandarayuhan, kung kailan ang iba't ibang mga lahi tulad ng mga Kastila,
Amerikano at Hapon ay dumating at nangagsipanirahan sa ating bansa, namulat naman tayong
mga Filipino sa konsepto ng kabayanihan sa katauhan ng mga magigiting na mandirigma. Bago
pa dumating ang mga Kastila ay naipamalas na ang kabayanihan ng mga mandirigma. Sila ay
mga Filipinong malalakas at may pagmamalasakit sa bayan na handang magtanggol sa kanilang
pangkat at sa karamihan. Ang panahong ito ay ang panahon ng kabayanihan na kinabibilangan ni
Lapu-lapu. Natatangi ang konsepto ng kabayanihan sapagkat ang pangunahing katangiang taglay
ay lakas, kahandaan sa pakikidigma para sa layuning magtanggol sa bayan. Ang kabayanihan ng
mga mandirigma ay walang hininging kasunduan o kaya ay kasulatan sapagkat ang tanging
kuwalipikasyon lamang ay ang kaakuhan at kakusahan ng kalooban na humarap sa digmaan ng
kalasag at kumintang para sa kabutihan ng bayan. Sa mga mandirigma natin natutuhan ang
konsepto ng kabayanihan na hindi anting-anting ang makapagtatanggol sa sarili at sa kalahatan
kundi ang pag-ako at pagkukusaupang ihayag ang responsibilidad na ipagtanggol ang bayan.
Isang kaaralan na nararapat nating matutuhan sa kasalukuyan.

Samantala, sa panahon pa rin ng pandarayuhan kung kailan mahabang panahon ang


pananatili ng mga Kastila, natutuhan nating mga Filipino ang konsepto ng kabayanihan na ayon
sa pagpapakasakit, pakikipaglaban at pagbubuwis ng buhay para sa bayan. Hindi ang
pagkakaroon ng anting-anting o kapangyarihan at lakas ang katangian ng pagiging bayani kundi
ang kakayahan upang ipreserba ang kultural na kalagayan, pagkaisahin ang mga mamamayan at
pagtatanggol sa bayan. Ito ang panahon ng mga panulat nina Rizal at del Pilar bilang mga
propagandista at pakikidigma ni Bonifacio sa layuning makamtan ang kasarinlan. Napapaisip
tayo kung ang ganitong konsepto ng kabayanihan ay maaari nating gawing batayan ng pagiging

96
bayani sa kasalukuyan. Ang magbuwis ng buhav para sa bayan ay maiisip nating kalabisan. Lalo
tayong mapapaisip na kaya nga ba bayani ang mga sundalo ay dahil itinataya nila ang kanilang
buhay para sa bayan? Paano ang mga guro, kawani, abugado at maging ang mga streetsweepers
na naglilingkod sa bayan? Hindi ba't sila rin ay naglalaan ng kanilang buhay para sa bayan?

Ang pandarayuhan ng mga Amerikano at Hapon hanggang sa panahon ng kasarinlan ay


nag-ambag din ng natatanging konsepto ng kabayanihan sa ating mga Filipino. Ang panahong ito
na naglaan ng pagpapahalaga sa edukasyon, paggawa at paglilingkod ay nag-iwan ng marka na
ang kabayanihan ay maaaring makamit kung mayroong mabuting edukasyon sapagkat
makatutulong sa paggawa at makapaglilingkod sa kapwa. Hindi "Bayan Muna Bago ang Sarili".
Ito ang panahon kung kailan pinahahalagahan ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon. Ang
pagkakaroon ng edukasyon ay susi upang makapaglingkod sa bayan. Panahon ng mga
manggagawa na naglilingkod sa bayan. Ang makapaglingkod sa bayan ay tunay na kabayanihan.

Ngayon ay nalalaman natin sa radyo, pahayagan at telebisyon ang kabayanihan ng mga


OFW o mga Filipinong manggagawa sa ibang bansa. Ang kanilang pagsasakripisyo para sa
kanilang pamilya ay itinuturing na kabayanihan. Sa kanilang pagsasakripisyo, may ilang pasakit
ang natatanggap. Ang lalong masaklap, sa ilan ay ito pa ang nagdulot ng kanilang kamatayan.

Namamalasak din ang pahayag ng kabayanihan sa tuwing may ‘laban’ si Manny


Pacquiao. Ang kaniyang lakas, liksi, estratehiya at buong kahusayan sa boksing ay nagdadala ng
pagkilala sa bansa at itinuturing itong kabayanihan. Ang pagtuturo ni Efren Penaflorida sa
lansangan kasama ang kaniyang kariton ay kinikilala ring kabayanihan dahil itinataguyod niya
ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga maralita. Maging ang isang mamamayan na
nakapulot at nagsauli ng malaking halaga ng salapi ay kinakabitan ng salitang bayani. Ang
pagtataguyod kaya ng isang guro ng libo-libong mag-aaral at ang pag-aaruga kaya ng ama at ina
ay maituturing ding kabayanihan?

Sa kataliwasan, nakamamanghang pag-isipan kung ang mga konsepto ng kabayanihan ay


itutuon sa mga pangyayari tulad ng pag-ibig ni Darna o ni Superman na sadya nilang bibitawan
kapalit ng kanilang mga misyon bilang superhero. Katulad din ito ng sitwasyong
kinasasangkutan ng isang ama na nagnakaw ng malaking halaga ng salapi upang maisalba ang
anak sa bingit ng kamatayan. Maituturing ba ang mga iyon na kabayanihan? O kaya,
kabayanihan din bang maituturing ang pagpayag ng isang ina na isakripisyo ang kanyang buhay
para mabuhay ang sanggol sa kaniyang sinapupunan?

Ngunit sa katotohanan ay araw-araw nating nakasasalamuha ang mga bayani. Hindi natin
sila kilala. Hindi natin alam kung saan ang adres nila o kung ano ang itsura nila kusa silang
darating at gagawin ang lahat upang mapatunayan na sa ating mundo ay laging may mga
bayaning sasaklolo sa oras ng ating pangangailangan.
IKAW, paano ka magiging bayani sa iyong sariling paraan?

97
 lsyung Pangkultural ng Filipinas

Tayong mga Filipino ay kilala sa buong mundo dahil sa pagtataglay ng mabubuting


kaugalian at katangian. Mayroon tayong kulturang bukod-tangi na bumibighani maging sa mga
dayuhan. Marami sa mga kaugaliang ito ay unti-unti nang nalilimutan sanhi ng mabilis na
pagbabago ng panahon at iba pang salik tulad ng enkulturasyon at migrasyon. Nararapat lamang
na mapanatili sa kulturang Filipino ang mabubuting kaugalian. Gayunpaman, nararapat ding
isaalang-alang na ang ilang kaugalian ay hindi na umaangkop sa lipunang ating ginagalawan sa
kasalukuyan.

Kaugnay ng kultural na usapin, kasalukuyang nakararanas ang ating lipunan ng


maraming isyung sumasagabal sa pagsulong ng bansa. Ang mga isyung ito ay kailangang
matalakay nang sa gayon ay malapatan ng angkop na aksyon para sa ikasusulong ng bansa. Kaya
sa bahaging ito ng pag-aaral ay tatalakayin ang mga isyung pangkultural ng Filipinas.

 Alamin

Ang mga Kaugaliang Filipino at mga lsyung Kultural


Rodelio C. Gauuan
"Ang bawat bansa ay may sariling kultura, may sariling pambansang identidad na
madaling pagkakakilanlan ng bawat isa" (Arrogante, 2005).

Sa mga nakalipas na daang taon ay nabuo ang kulturang Filipino. Isang kulturang
naimpluwensyahan ng iba't ibang kultural na pangkat ng mga dayuhan. Ang bayanihan, harana,
pagmamano, pagsasabi ng po at opo sa mga nakatatanda, masayahing pagtanggap (Filipino
hospitality) at pamamanhikan ay ilan lamang sa mga kilalang kaugaliang kultural nating mga
Filipino. Ang mga ito ay manipestasyon ng mahabang panahong pangkasaysayan ng bansa na
dapat lamang mapanatili bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng bawat Filipino. Sa
ngayon, nakalulungkot na ang mga kaugaliang kultural na ito ay dumadaan sa krisis at unti-unti
nang nalilirnutan. Lumipas na ang panahon ng mga matatandang nagsabuhay ng mga ito noon.
Ang pagpasa ng mga kaugaliang ito sa bagong henerasyon ay literal na dumadaan sa butas ng
karayom dahil sa impluwensya ng agham at teknolohiya.

"Sharks, milenyal kase!" Noon, ang karanasan ng mga kabataan ay nakakamit sa


pamamagitan ng aktuwal na pakikisalamuha at pagsasagawa samantalang sa kasalukuyan, ang
mga kabataan ay nakararanas ng pagtuklas sa pamamagitan ng megabytes at gigabytes sa harap
ng mga kompyuter. Hindi maikakaila na karamihan sa mga kabataan sa kasalukuyan ay wala na
ring sapat na kaalaman hinggil sa sinaunang kultura. Higit na pipiliin ng mga milenyal ang
tumutok sa kanilang mga gadget kaysa ang makipaglaro at makipagkuwentuhan sa mga
kaibigan. Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay abala sa pakikipag-usap sa facebook, twitter,

98
messenger at iba pang aplikasyon ng social media. Mas pinagkakaabalahan nila ang pagsi-selfie
nang sa gayon ay may mai-upload sila sa instagram. Ito ang buhay at ang mundo na nakagisnan
ng mga milenyal. Nakapanghihinayang na ang kanilang mga Karanasan ay hindi nagmumula sa
mga espasyo ng totoong mundo at sa halip ay sa mga aplikasyong virtual.

"I am so glad, I had a childhood before technology took over." Naranasan ko ang
magpatintero. Naging masaya ako sa pagtataguang pung sa ilalim ng maliwanag na buwan,
maglaro ng trumpo, teks ot holen. Nakapaligo ako sa ulan habang naglalaro ng bangkang-papel,
nagluksong- tinik, luksong-baka at naglambitin sa mga dahon ng saging at sanga ng bayabas.
Naranasan ko ring umiyak dahil sa mga palo ni inang sanhi ng kakulitang magtampisaw sa
malinaw na tubig ng ilog. Naranasan kong matakot dahil sa asaran kasama ang aking mga
kaibigan na minsa'y nauuwi sa mga away-bata, magsumbong, magtago sa likod ng pinto,
manood ng mga aninong karton sa karilyo ni kuya kapag madilim na at makinig sa mga
kuwentong kababalaghan at katatakutan ng aking lola. Ang lahat ng iyon ay nakapagparanas sa
akin ng masayang kabataan. Ang mga iyon ang nagturo sa akin na maging malakas; na
magkaroon ng kababaang loob; na tanggapin, pagsisihan at huwag nang ulitin ang kamalian; ng
matapat na pakikisama; ng mabuting pagdedesisyon; at higit sa Iahat, natutuhan ko ang
kahulugan ng disiplina, ang magalang na pagsunod sa mga magulang at ang dalisay na
pakikipagkapwa.

"The youth is the hope of the motherland." Paano kung ang mga kaasalang nabanggit ay
hindi nga naipasa sa mga kabataan sa kasalukuyan? Huhugot ba tayo ng mga ito sa virtual na
mundo? lyon nga lang, hindi kasimbilis ng megabytes at gigabytes maaaring makuha ang mga
ito. Daan taon ang ginugol upang ang mga kaasalang ito ay maranasan at/o matutuhan mula sa
mga aktuwal na karanasan. Kung maaari tamang pabalikin sa kasalukuyan ang ating mga ninuno
upang tayo ay pangaralan, paluin ng tsinelas at paluhurin sa bilao na puno ng mga buto ng
monggo nang magtanda tayo sa ating mga kamalian, malamang titiklop tayo at susunod sa
kanilang mga sasabihin o ipapayo.
Paano pamumunuan ng kabataan ang kapwa kabataan na salat sa karanasan? Paano
magpapakita ng mabuting halimbawa kung ang mga kabataan ay naghahanap din ng mga
kaasalang dapat matutuhan? lsasagot ba natin dito ang pamunuan ng Sangguniang Kabataan sa
kasalukuyan? Nawa, ito'y pag-isipan dahil sabi nga ni Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

"Mana-mana lang.” Kung ano ang pinagkabataan, siya ring pinagkatandaan. Mayroon pa
bang hihigit na isyung kultural kung pati ang mga nakatatanda ay maging asal milenyal?
Nakatutuwang isipin sapagkat ang literal na kahulugan nito ay nag-iisip at kumikilos milenyal
ang mga dapat namumuno sa mga kabataan. Iyong nakalilimot sa mga kutural na nakagawian at
sumusunod sa agos ng pagbabago ng teknolohiya. Nakalilimot sa pagkakaiba ng wasto at dapat,
tanggap ngunit hindi naayon at naaayon ngunit hindi tanggap. Ano ba ang higit na dapat
paniwalaan, ang ipinakitang halimbawa ng mga nakatatanda ay dahilan ng kaugalian ng mga

99
kabataan? O sadyang may sariling paniniwala at desisyon ang mga kabataan kaya anuman ang
isipin ay walang kinalaman ang mga nakatatanda sa anumang kaasalang mayroon sila?

"The real score." Ang totoong isyu ay harapin natin. Pag-usapan natin. Ang ating bansa
sa kabila ng mga mabubuting kaugaliang kinikilala ng marami ay nababahiran ng iba't ibang
isyu. Sa aking kabataan, natutuhan ko sa aking paglalaro kung paano maging matapat sa aking
mga kalaro. Gaano rin kaya katapat ang mga namumuno sa ating bansa? Ang totoo, isa itong
bukas na aktat sa ating lahat, ang mga nakaraang pamunuan ng bansa ay laging nadidikit sa
korapsyon. Kung mayroon man, ano ang nibel ng katapatang ipinamalas nila kaugnay ng
kanilang pamumuno sa bansa?
Natutuhan ko rin ang makipagkapwa sa aking kabataan, ngunit gaano ba ito kahalaga
upang makapaglingkod nang mahusay para sa bansa? Ang disiplina at matapat na pagsunod sa
nakatatanda ang dalawa sa pinakamahahalagang values na ipinagmamalaki kong natutuhan ko
mula sa aking kabataan, ngunit gaano ito kahalaga sa political agenda? Ang pagtanggap sa
nagawang pagkakamali at kababaang loob ay nakintal sa aking isipan, paano ito nakaaapekto sa
mga namumunong nakasakit o nakasira ng buhay ng mga mamamayan na nawalan ng tahanan,
namatayan dahil sa isyu sa droga at pabahay, at sa pakikipaglaban sa mga karapatan ng mga
manggagawang Filipino sa ibang bansa? Higit sa lahat paano maaaring makaagapay sa
pagsulong ng bansa ang natutuhan kong mabuting pagdedesisyon? Kaya nga tayo may
kaugaliang kultural upang may makaagapay sa paghahanap ng pangmatagalan o kung hindi man
ay permanenteng lunas para sa mga isyung kinahaharap ng ating bansa, 'di ba?

Kaya isang tanong ang aking iiwan para makita mo ang iyong sarili bilang mamamayan.
Ikaw ba ay isang Filipinong nakakakilala sa mga kultural na kaugalian ng ating bansa?

VII. ANG PAKIKIBAHAGI NG KABATAAN SA USAPING PANLIPUNAN


Ang kasalukuyang henerasyon ay sinasabing panahon ng mga milenyal. Panahon ng mga
kabataan. Si Dr. Jose P. Rizal ay bumanggit na "Kabataan ang pag-asa ng bayan". Naniniwala
ang pambansang bayani na may mga katangian ang mga kabataan na gumawa ng mga bagay-
bagay para sa ikaaayos ng bansa. Ipinahihiwatig din nito na ang mga kabataan ay may kakayahan
na mamuno at umakay ng kapwa kabataan tungo sa ikabubuti ng kalahatan.

Gaano katotoo ang pahayag na ito ng pambansang bayani sa kasalukuyan? Paano


maisasagawa ng mga kabataan ang mga tunguhin at layuning nakaatang sa kanilang mga balikat?
Nagagampanan ba ng mga kabataan ang responsibilidad na nararapat nilang maipakita sa
kasalukuyang henerasyon?

Sa araling ito, tatalakayin ang pakikibahagi ng mga kabataan sa usaping panlipunan.


Higit sa lahat, ilalahad sa mga aralin kung paano maaaring maging bahagi ang mga kabataan sa
mga mahahalagang isyu ng lipunan upang maunawaan ang kanilang mga gampanin at ang

100
kanilang tungkulin para sa pag-unlad ng bansa. Sabi nga, hindi kailangang maging matanda ang
kabataan upang maging aktibong kasapi o miyembro ng kaniyang pamayanan.
Layunin sa pag-aaral na ito na:
1. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa.

2. Magamit ang wikang Filipino sa iba-ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa


lipunang Filipino.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipag-palitang-idea.

Talakayin
Tugon ng mga Kabataan sa mga lsyu ng Lipunan
Michaela E. Macan (Sabado, Setyembre 12, 2015)

Ito'y isang talumpating aking inihahandog sa mga Kabataang Filipino. Bago ko simulan
ang aking talumpati, tatanungin ko muna kayo. Kagaya ko bilang isang kabataan, may
kamalayan ba kayo sa mga nangyayari sa ating lipunan? Paano nga ba natin ito matutugunan at
mabibigyan ng solusyon?

Sa panahon ngayon, marami ang nagsasabing: kung hindi ka marunong sumabay,


maiiwan ka talaga. Ngunit ang karamihan sa atin ngayon ay parang napag-iwanan na ng
panahon. Marami na sa ating mga kababayan ang nalugmok sa kahirapan. Kahit anong sikap
nilang umahon ay hinihila pa rin sila pababa dahil sa pagiging makasarili ng ilan sa atin.

"Kakambal ng buhay ang paghihirap," ika nga ni Buddha. Simula pa noong tayo ay
sanggol, ang kahirapan ay nandyan na. Kahit iwasan natin ito, kahit magtago pa tayo saan mang
sulok ng mundo, hindi pa rin natin ito magagawang iwasan dahil ang kahirapan ay parte na ng
buhay ng tao.

Imbes na magalit tayo dahil sa naging ganito ang katayuan natin sa buhay, dapat nating
isipin at isapuso ang mga magagandang katangian na ipinagkaloob ng ating Panginoon. Ang mga
biyayang ito ay may kapalit na responsibilidad upang ito'y gamitin sa tamang paraan upang mas
mapaunlad pa ang ating mga sarili.

Ngunit taliwas ang tugon natin dito. Masakit isipin na dahil sa kahirapan ay maraming
tao ang naudyok na gumawa ng masasamang bagay para mabuhay.

Ang katotohanang ito na aking nasaksihan hinggil sa kahirapan na kinakaharap ng ating


lipunan ay taliwas sa nakikita ko sa telebisyon. Kasi sa TV, napapansin kong ang mga tao ay
puro sisi sa pamahalaan sapagkat para sa kanila ay napapabayaan na sila nito. Walang masama

101
ang pagiging dukha basta tayo ay nagsisikap na malampasan ang kalagayang ito. Ito ay isang
bagay na hindi nararapat na isisi kaninuman. Dahil tayo mismo ang may hawak ng ating
kapalaran. Ito ay maaaring sanhi ng kawalan ng pagsisikap, ng katamaran, ng kawalan ng
determinasyong mangarap at ng iba pang mga kahalintulad na dahilan. Bilang isang taong may
kakayahang magdesisyon at mangatwiran para sa sarili, nararapat lang na tayo ay maging
responsable at huwag umasa at maging reklamador sa pamahalaan lalo pa't mahirap ang kanilang
tungkulin sa ating lipunan. Mga kaibigan, sariling sikap po ang solusyon sa kahirapan.

Kayo namang mga nakaupo sa pamahalaan at sa mga nakakataas, huwag po nating


abusuhin ang kapangyarihan na hawak natin. Kaya nga pinili kayo ng sambayanan upang
maglingkod nang tapat sa bayan at hindi upang kupitin ang pondo ng bayan at gastusin para sa
sariling kapakanan. Ang mga taong naghihikahos at naghihirap sa buhay ay lalong naghihirap
dahil sa mga kalokohan na inyong ginagawa. Sana'y inyong mapagtanto ang inyong mga nagawa
para sa ikagaganda at ikalalago ng ating bansa.
Ako ay lubos na naghahangad ng pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong
lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating
makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit na ng ating pagkasilang. Nararapat lamang
na tayo mismo ang bumago nito at hindi lamang umasa sa pamahalaan. Dahil kung nakaya ng
ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang
bawat isa sa atin ay makikialam sa mga nangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais
na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos nang mabuti at nang may
katwiran. Mag-aral nang mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating
bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo habang hindi pa huli
ang lahat. Kung may magagawa, simulan na. Huwag matakot harapin ang hamon sa buhay dahil
ang kahirapan ay di mawawakasan kung tayo mismo ay hindi marunong gumawa ng paraan.

Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulag-bulagan sa mga nagaganap
dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.

VIII. PAGLAHOK NG MGA KABATAANG FILIPINO SA ISYUNG PANLIPUNAN


MGA DAHILAN NG PAGLAHOK, EPEKTO SA SARILI AT LIPUNAN

Tinaguriang pag-asa ng bayan ang mga kabataan, sila ang mag-aangat sa kalagayan ng
bansa sa kasalukuyan. Katuwang ang pamahalaan sa pagsugpo sa anumang suliranin at mga
usaping pambayan. Maraming mga isyung panlipunan ang kinasasangkutan ng mga kabataan.
Sila ang nagsisilbing mga boses ng nakararami sa mga usaping may kinalaman sa mga kabataan.
Nakikilahok sila upang marinig ang kanilang mga munting tinig.
Sa gitna ng kasalukuyang itinatakbo ng ating lipunan, mahalaga pa ba ang pakikisangkot
ng mga kabataan? Ikaw bilang kabataan, naranasan mo na bang makilahok sa mga usaping

102
panlipunan. Ano-anong isyung panlipunan ang iyong sinalihan at sinubukang maging kabahagi.
Paano ka nakibahagi sa mga usaping ito?

Sa araling ito'y mailalahad at mauunawaan pang lalo ang mga paglahok ng mga kabataan
sa mga isyung panlipunan. Iisa-isahin ang mga dahilan ng paglahok, epekto sa sarili at lipunan.
Maipauunawa ang mahalagang tungkulin ng mga kabataan sa ating lipunan, at higit sa lahat,
paano nagiging rnakabuluhan ang pakikisangkot ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan sa
kinabukasan ng bansa?
Sa araling ito, inaasahan na matutugunan ang sumusunod na layunin:

Pangkaalaman
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon at sa buong bansa.

2. Matukoy ang mga isyung panlipunan na nilalahukan ng mga kabataang Filipino.

Pangkasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba't ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Filipino.

2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at


modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.

3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at


analisis na akma sa iba't ibang konteksto.

4. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter / multidisiplinaring diskurso na nakaugat


sa mga realidad ng lipunang ito.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa
iba't ibang antas at larangan.

2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-


idea.

Panimulang Gawain: Basahin ang blog na sinulat ni Karlo Basilio (2016) hinggil sa isyung
panlipunan.

103
Sanggunian: http:/karlobasilio13.blogspot.com/2016/08/solusyon-ng-kabataan-sa...
Nailathala noong Agosto 31, 2016

Solusyon ng Kabataan sa Isyung Panlipunan


Bilang isang kabataan, anak, mag-aaral, kaibigan, at mamamayan, mahalaga na tayo ay
mulat sa mga suliranin ng ating bansa. Ang pagkakaroon ng pakialam sa mga nangyayari sa
lipunan ay inaasahan sa ating mga kabataan, ang susunod na henerasyon na magtataguyod sa
matayog na bayan.

Kilala ang ating bansa sa gandang taglay nito, mula sa mga tanawing kaakit-akit, mga
pagkaing pagkasarap-sarap, at kasaysayang tumatak sa bawat bahagi ng bansa. Ang
pagpupunyagi at pagsisikap ng bawat Filipino ang nag-angat at nagpaganda ng kaniyang buhay.
Ipinagkaloob ng Diyos ang kaniyang pinakamagandang regalo na ating matatanggap, ang ating
kapwa at ang mundo. Tulad na lamang ng nakasaad sa bibliya, nilikha ng Diyos ang tao para
pangalagaan ang kalikasan at isa't isa. Nabuo ang mga pangkat ng tao, nagtatag ng mga lungsod
para sa maayos na pamamahala at pagtataguyod ng pantay-pantay na karapatan ng bawat
mamamayan. Likas na sa ating mga Filipino ang pagiging matatag sa anumang problema na
ating kakaharapin. Hindi tayo nagpapadaig sa mga taong pilit tayong hinihila pababa. Lumalaban
tayo kaysa nagpapatalo.

Bilang kabataan, may mga bagay na hindi natin kayang gawin, dahil hindi sapat ang ating
karanasan at kaalaman sa buhay na puno ng pagsubok, Gayunpaman, hindi dapat nawawala ang
ating interes na alamin ang mga suliranin ng ating lipunan. Mga problemang hindi
masosolusyonan at naghihintay lamang ng kasagutan at resolusyon. Hindi natin maitatago na
maraming suliranin ang kinakaharap ngayon ng ating bansa, tulad na lamang ng mataas na
kakulangan sa suplay ng mga pangangailangan ng bawat mamamayan, mataas na antas ng
korapsyon, kahirapan at talamak na paggamit o pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Ang mataas na kakulangan sa suplay ng pangangailangan ay suliraning maaaring


mabigyan ng solusyon. Ang hindi wastong paggamit o pag-aaksaya ng mga produkto ay
mayroong malaking epekto sa ating lipunan. Marami ang magdurusa dahil sa kakulangan ng
pondo na nakalaan para itustos sa mga nangangailangan. Hindi mabibigyan ng sapat na tulong
ang bawat pamilya. Kaya bilang isang kabataan, kailangan nating maging maingat sa mga bagay
na ating ginagamit. Higit itong makatutulong sa ating sarili at sa ating pamilya. Mabuti rin na
maging masinop sa mga bagay na ipinagkaloob sa atin ng kapwa at ng pamahalaan.

Ang mataas na antas ng korapsyon ay nadudulot ng kahirapan. Habang ang mga sakim na
politiko ay nahihiga sa limpak-limpak na pera na kanilang nanakaw sa taong-bayan na kanilang
niloko sa halip na pinaglingkuran, naghihirap naman ang mga mamamayan, kaya minsan ay
kumakapit na sila sa patalim para makaahon sa kahirapan. Lingid man sa ating kaalaman kung
paano nangyayari ang mga imoral na kilos na ito ng mga sakim na politiko, lubos naman nating
alam kung paano sila pagbabayarin ng Diyos, ang tanging may karapatang manghusga sa mga

104
may kasalanan. Ngunit hindi dapat tayo pumapayag na ang mga magnanakaw na ito ang
magtatakda ng ating kinabukasan, ipaglaban natin ang mga bagay na ipinagkakaloob at nakalaan
para sa atin.

Shabu, Marijuana, Heroine; ilan sa mga ipinagbabawal na gamot sa ating bansa. Ang mga
ito'y ilegal kaya hindi maaaring gamitin, ngunit marami ang pinipiling suwayin ang batas. Sa
katotohanan, halos daan-daang libong Filipino ang gumagamit nito. Nakakalungkot lamang na
marami ang pumili ng mali kaysa sa tamang tunguhin ng buhay. Nagdulot na rin ang problemang
ito ng maraming karahasan, tumapos sa buhay ng marami at nag-iwan ng mapapait na alaala.
Bilang isang kabataang alam ang dulot nito, nararapat na hindi tayo maging interesado sa
paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Tulungan din natin ang ating kapwa na maging bukas ang
isip sa suliraning ito. Mabuti na ipagbigay-alam natin sa awtoridad kung may kahina-hinalang
pangyayari sa ating kapaligiran.

Ang kabataang bukas ang isip sa mga suliranin ng lipunan ay isang mabuting tao. Ang
Filipinong may malasakit sa kaniyang bansa ay dapat ipagmalaki ng kahit sinuman. Isa siyang
kabataang mag-aangat sa kagitingan at kabutihan ng mamamayang Filipino, ipapakilala niya ang
Filipinas bilang isang maunlad at makapangyarihang bansa.

Pag-usapan:
1. Kanino isinasatinig ng nagsasalita sa teksto ang kaniyang mga saloobin?

2. Ano-ano ang nais iparating ng nagsasalita sa kaniyang kausap?

3. Ano/Ano-anong isyung panlipunan ang ipinararating ng nagsasalita?

4. Anong pagkilos ang hinihingi ng nagsasalita sa mga kabataan at sa mga nasa


pamahalaan?

5. Ano-anong solusyon ang ibinigay ng nagsasalita sa kaniyang mga kausap? Makabuluhan


ba ang mga ito? Ano ang magiging epekto nito sa lipunan?

 Alamin

Mahalaga ang pakikilahok ng mga kabataang Filipino sa mga usapin hinggil sa mga
isyung panlipunan. Nakikita sila sa mga iba't ibang pagtitipon, kumperensiya, rally sa lansangan
at telebisyon upang makilahok sa mga usaping panlipunan na may kinalaman sa mga kabataan
lalo na sa mga suliranin ng bansa, sa paaralan at sa lipunang kinabibilangan. Bawat kabataan ay
may mahalagang papel na ginagampanan tungo sa pag-unlad ng bayan. Mahina man ang tinig
nila ngunit kapag pinagsama-sama ay magdudulot ng matinding alingawngaw at
magmimistulang parang kulog sa lakas. Ganito kahalaga ang pakikilahok ng mga kabataan sa
mga isyung panlipunan.

105
Ayon sa ASEAN Children’s Forum (ACF) at Child Rights Coalition sa kanilang
publikasyon noong 2011 na Spaces for Children's Participation in ASEAN, ang partisipasyon ng
mga bata ay isang karapatang pantao. Ito ay nakalahad sa Convention on the Rights of the Child
(CRC), kung saan ang ating bansa ay isa sa mga signatories o pumirma. Ayon nga sa Article 12
and 13 nito, dapat masiguro ng mga estado ang Karapatan ng mga bata na kaya nang bumuo ng
kanilang mga ideya at opinyon na malayang maibahagi ang kanilang mga pananaw. Dapat ding
masiguro ng mga estado ang kalayaan ng mga bata na maghanap, tumanggap at magbigay ng
mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat, pagsasalita, sining, o sa kahit ano pa mang
paraan o medium na nais nila.

Ang mga bata ay maaaring aktibong makilahok sa paghulma ng kanilang buhay mula sa
kanilang tahanan pa lamang. Maaari din siyang makilahok sa kaniyang komunidad, at maging sa
lipunan. Kaya lamang ay maraming balakid dito, lalo na sa ating bansa. Unang una, ang child
participation o partisipasyon ng mga bata ay isang bago o malayong konsepto para sa maraming
pamilya. Tradisyunal na inaasahan kasi ang mga bata na susunod lamang sa magulang, at ang
mga paglahok sa mga gawaing labas sa pamilya ay extra lamang.

Pangalawa, ang kahirapan ay isang malaking balakid sa child participation. Maraming


mga kabataan ang napipilitang kumalas sa normal na daloy ng buhay ng bata dahil kailangan
nilang tumulong na maghanap ng pagkakakitaan para sa pamilya. Pangatlo, kulang din sa
kaalaman at kamulatan ang maraming mga magulang ukol sa karapatang pantao. Itinuro man ito
sa paaralan, hindi naman lingid sa ating kaalaman na marami sa maralita ang maagang iniwan
ang pag-aaral para maghanapbuhay.

Sa ating bansa kung saan maraming mga bata ang biktima ng karahasan at paglabag sa
karapatang pantao, ang partisipasyon ng kabataan ay napakahalaga. Base sa pagsasaliksik ng
Ecumenical Institute for Labor Education Research (EILER) noong 2015, kalat ang child labor
sa mga minahan at plantasyon, kung saan 22.5% sa mga kabahayan sa mga plantation
communities ay may child worker, habang ang child labor incidence naman sa mga komunidad
na may minahan ay nasa 14%. Ang karaniwang edad ng mga child worker ay 12, ngunit
mayroong nagsisimulang magtrabaho na limang taon pa lamang ang edad. Pitumpu't anim na
porsyento (76%) ng child laborers ang tumigil na mag-aral at marami sa kanila ay kumakayod ng
mga sampu o higit pang oras kada araw.

Kapanalig, ang karapatang pantao ay integral sa ating dignidad, na isa ring prinsipyong
itinataguyod ng panlipunang Turo ng Simbahan. Ayon nga sa Gaudium et Spes, ang anumang
tumatapak sa dignidad ng tao ay lason sa lipunan. Ang isang antidote o lunas sa lason na ito ay
ang makabuluhang pakikilahok sa paghulma ng lipunan, isang karapatan na dapat matamo ng
mga kabataan. (https://www.veritas846.ph/partisipasyon-ng-mga-kabataan-sa-kaganapan-ng-
kanilang-karapatan/)_Partisipasyon ng mga Kabataan sa Kaganapan ng Kanilang Karapatan/_
Posted March 31, 2016 Anton Pascual)

106
Ang kabataan ay may karapatang makisangkot sa anumang isyung panlipunan. Mas
magiging malaya silang magsitinig ng kanilang kaisipan at mas bukas ang kanilang mga mata sa
mga nangyayari sa kapaligaran.

Bilang kabataan, mahalaga na maunawaan ang mga isyung panlipunan upang malaman
ang mga epekto nito sa kanilang sarili at sa lipunan. Mahalaga na makatulong para makabuo ng
mga patakaran o polisiya na makatutulong sa pamahalaan para sa pag-unlad ng bansa sapagkat
mahalaga ang lipunan sa pagbuo ng mamamayang may malasakit sa kapakanan ng nakararami.
Sabi nga ni Mooney (2011), "ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap
ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan
ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay
makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kani-
kanilang tungkulin. Binanggit naman ni Charles Cooley na ang lipunan ay binubuo ng tao na
may magkakawing ng ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang
kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.
Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksyon ng mga
mamamayan (Mooney, 2011).

Basahin ang artikulo na pinamagatang "Kung Papaanong Makakaapekto sa Lipunn ang


Kawalang Layunin ng Tao," na hinango sa http.//tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/21575/kung-
papaanong-nakaka… Tingnan ang mga dahilan ng paglahok ng mga kabataan sa mga isyung
panlipunan, epekto sa sarili at sa lipunang kinabibilangan.

"Sa pangkasalukuyang panahon natin, ang tao ay lubhang may kakulangan o kawalan
mismo ng tunay na layunin sa kaniyang buhay (purpose of life). Halos lahat ay bulag na
tagasunod lamang sa isang pangkaraniwang pamamaraan ng pamumuhay o tinaguriang standard
way of living, o ang pamumuhay na naaayon sa kung ano ang nakagisnan kung kaya katanggap-
tanggap sa nakararami. Ang matugunan ang pangangailangang pangkatawan gaya ng pagkain at
ang magkaroon ng hanapbuhay ay mga mithiing higit na pinagtutuonan ng pansin at siyang
nararapat makamtan ng tao sa dahilang ang mga ito lamang ang sinasabing pinakamahahalagang
bagay sa buhay ng tao, gaya nga ng nakamulatan na. Sa ganitong kaparaanan, idinidikta na sa
buhay na ito, ang layunin ay natatapos na lang sa pagkakamit ng magandang estado sa buhay at
ng pamilya.

Karamihan sa mga tao ay may mababaw o limitado nang pananaw. Kadalasan, nasasabi
nilang may silbi na ang buhay nila o may kahulugan na ito basta patuloy silang nakakapanood ng
mga sinusubaybayang serye sa telebisyon o nakakapanood ng mga bagong pelikula sa mga
sinehan. Para sa tulad ng mga taong ito, ang mas mahusay na layunin sa buhay, kung mayroon
man, ay maaaring ang sumapi na lang sa isang samahang sosyal o social club.

Isa pang grupo naman ng mga tao ay yaong ang isipan at panahon ay abalang-abalang
nakatuon sa paghahanapbuhay o negosyo. Ang buong buhay nila ay umiinog lamang sa pagitan
ng opisina at bahay na tila wala nang katapusan ang pagtatrabaho para mabuhay. Madalas iyong

107
nagsimulang magtrabaho ng mula sa batang edad na 20 pataas ay makikita pa rin nating nas
pareho pa ring hanapbuhay pag-abot nila sa edad na 40 mahigit. Ang mga taong ito ay walang
hinintay kundi ang pagdating ng Biyernes (kaya nga bantog sa mga empleyado ang kawikaang
"Thank God it’s Friday"). Ang kanilang mga pangunahing ambisyon ay ang matapos ang buwan
nang walang problema sa pananalapi, ang may maipambayad sa buwanang renta ng bahay at ang
may malabing pera na maiipon para sa kinabukasan ng mga anak. Tila bagang ang anumang
kaganapang pambansa o pandaigdigan man ay hindi alintana. Lubhang ang pinakikialamanan
lamang nila ay yaong mga bagay na makakaapekto sa kanilang hanapbuhay. Walang kabuluhan
sa kanila ang mga kaganapang pangkalahatan dahil basta nasa ayos ang lagay (status quo) ng
sarili at ng pamilya, wala silang nakikitang problema rito. At kung anuman ang nangyayari sa
labas, basta walang masamang epekto sa kanilang kabuhayan ay tanggap lang nila ito.
Makakaramdam lang sila ng pagkakabagabag kapag may mga isyung patungkol sa kalagayan ng
pinagkukuhanan ng kanilang ikakabuhay. Para iparating ang kanilang tinig tungkol sa mga
usaping ito, makikilahok lang sila sa mga programang pantelebisyong may diskusyon o ang
makipag-usap hanggang abutin ng madaling araw, subali’t natatapos ang lahat ng walang
matibay na solusyon o kongklusyon. Kinabukasan, siya ay magsisimula ulit ng isang panibagong
araw gaya ng nakagawian, at tila balewala na lang lahat ang naganap ng nakalipas na araw.

Ang mga kabataan din ay nagdurusa dahil sa kawalang-layunin at sa kakulangan sa mga


mahahalagang bagay na sa ngayon ay hindi man nakikilala ang mga lider ng kanilang bansa,
kasama na ang mga politikal na desisyong ginagawa ng mga ito, ang epekto ng mga desisyong
ito sa pagtatanggol sa bansa, ang ekonomiya, o mga sistemang pang-edukasyon at panghukuman.
Dahil Iubusang hindi alintana ang mga pangunahing pangyayari at pagbabago sa mundo, sila ay
patuloy na nagugulo lamang sa mga maliliit na bagay na pawang walang halaga o saysay. Bagay
na nagiging sanhi upang magkaroon ng kakulangan sa kakayahang umunawa sa kahalagahan ng
maraming kaganapang umuukit sa kasaysayan ng mundo. Ang kanilang pag-uusap ay madalas
na limitado sa computergames, internet chat, pakikipag-date, mga walang kabuluhang
pangyayari sa paaralan, pandaraya sa pagsusulit, mga planong gawin para sa katapusan ng
linggo, mga usong damit o mga laro gaya ng football. Sa survey na ginawa para sa isang
magasin, humiling ito sa mga tinedyer na bigyang ranggo (ranking) ang mga "pinakadakilang
layunin sa buhay na nararapat na ipagpursigi, at dito makikitang nagunguna ang resulta na
maging isang sikat na modelo o artista at ang paglalaro ng gitara kagay ng 'guitarist' sa isang
sikat na banda.

Ang kawalan ng layunin sa buhay at ang pagkilos na halos walang pakialam sa iba pang
mga realidad o kaganapan sa buhay ay isang napakalaking banta sa sangkatauhan. Gayundin,
higit pa sa mga nabanggit, may mga klase ng taong may lubhang makasariling hangad o
kagustuhan at karamihan sa kanila ay nagtataglay ng pananaw na salat sa tunay na
pagpapahalaga (values) na sadyang mapaminsala sa kalagayan ng sangkatuhan. Sila ang
masasabing higit na mga banta. Ang mga lider o tagasulong ng ganitong mapanganib na
adbokasiya ay madaling nakakapasok sa mga ordinaryong mamamayan o sa masa kung saan ang

108
karamihan ay walang sapat na kakayahang makabatid ng tunay na panganib sa likod ng mga
bagong ideya, kung kaya madadaling matangay o bukas agad na tumatanggap sa anumang
bagong pananaw nang walang independyenteng pagsusuri sa katotohanan ng mga ito."

Malaki ang epekto ng pakikilahok ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan, hindi
lamang sa sarili kundi sa lipunang kinabibilangan. Maaaring makabuti o makasama ang
pakikilahok sa mga usapin subali't nakadepende rin ito sa kung papaano makikibahagi at
magbibigay ng mga kalutasan sa mga suliranin ng bansa. Hindi sa pamamagitan ng pagra-rally
makikilahok ang mga kabataan kundi sa pagbuo ng mga programa, patakaran at mga gawain na
magsusulong sa kahalagahan at kabuluhan ng mga kabataan sa lipunan.

Pagbabahagi ng Kaalaman:
1. Ano ang epekto sa buhay, sa pagkatao at sa lipunang kinabibilangan ng mga kabataan
ang kawalan nila ng layunin sa pakikilahok sa mga isyung panlipunan?

2. Paano nakikisangkot ang mga kabataan sa mga usapin hinggil sa mga isyung panlipunan?

3. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang papel ng mga kabataan sa pakikisangkot sa mga


isyung panlipunan? Bakit?

4. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang pinakamainam na pamamaraan upang marinig ang
tinig ng mga kabataan?

5. Solusyon ba ang pakikilahok ng mga kabataan sa mga rally upang mapakinggan ang
kanilang tinig? Bakit?

IX. MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA


Ginagamit ng tao ang wika sa kaniyang pag-iisip, sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao at
maging sa pakikipag-usap sa sarili. Samakatuwid, wika ang behikulo ng kaniyang ekspresyon at
epektibong komunikasyon sa iba't ibang sitwasyon lalo't higit sa akademikong larangan.
Pinag-aaralan ang wika upang Iinangin ang dalawang kakayahan: ang kakayahang
Iinggwistika o ang makabuo ng mga pahayag o pangungusap na may wastong kayariang
pambalarila (linguistic competence); at kakayahang komunikatibo o ang kakayahang maunawaan
at magamit ang mga pangungusap na may wastong pambalarilang kayarian sa angkop na
panlipunang kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon (communicative competence). Bagama't
pangunahing sagabal sa proseso ng komunikasyon ang pagkakaroon ng suliranin sa wika. Wika
ang nagsisilbing midyum upang maihatid ang mensahe sa kapwa. Ito rin ang nagsisilbing
midyum upang maintindihan ng nakikinig ang mensaheng nais maipaabot. Bagamat may mga
komunikasyong di-berbal, pangunahin pa rin ang paggamit ng wika sa paghahatid ng
impormasyon at kasanayan. Ang hindi ganap na pagkaunawa o pagkaalam sa paggamit ng wika
ay nagsisilbing hadlang sa mabisang komunikasyon. Paano magkakaroon ng epektibong
komunikasyon sa iba't ibang sitwasyon? Paano makakalikha ng angkop na pahayag sa tiyak na

109
sitwasyon? Sa ano-anong paraan maaaring magamit ang wika upang ang mga kaalamang
kinakailangan ay matamo?

Sa araling ito, tutukuyin at tatalakayin ang iba't ibang sitwasyong pangkomunikasyon


garnit ang wika. Layunin sa araling ito ang sumusunod:

Kaalaman
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Filipino sa iba't ibang antas at
larangan.

2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa


kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.

3. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga


komunidad at sa buong bansa, batay sa pananaliksik.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba't ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Filipino.

2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at


modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.

3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at


analisis na akma sa iba't ibang konteksto.

4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba't


ibang konteksto.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa
iba't ibang antas at larangan.

2. Makapagbalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggamit ng iba't ibang porma ng midya.

3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-


ideya.

4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at


mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang lunsaran sa
mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa.

 Pasalitang Pag-uulat, Forum, Lecture, Seminar at Workshop

110
Ang wikang Filipino ay may mahalagang gampanin sa pagpapahayag ng mga damdamln,
kaalaman, mithiin at layunin ng mga Filipino. Ito ang susi upang magkaunawaan ang bawat isa
at susi rin sa pagtamo ng mga layuning pambansa.

Ang mahusay na paggamit ng wikang Filipino ay nagdudulot ng kapakinabangan sa


pagkamit ng mga pangangailangan ng mamamayan at sa paghahayag ng mga saloobin sa
lipunan. Sapagkat ang wikang Filipino ang pinakamalawak na gamitin sa pagpapahayag at
komunikasyong pambansa, ito ay nararapat na magamit sa iba't ibang larangan at mga gawain na
nauukol sa mga sitwasyong pangkomunikasyon, pormal man o di-pormal. Kapag ito'y
naisakatuparan, magkakaroon ng kaisahan sa pagpapahayag at sa gayo'y makakamit ang mga
hangaring pansarili, panlipunan at pambansa.

 Alamin

Ang mga pagpapangkat at mga usaping nabanggit sa gawain ay ilan lamang sa mga tiyak
na sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ginagamit ang wikang Filipino. Marami pang ibang
sitwasyon ang matatalakay sa araling ito. Tuklasin ang mga tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon at gawin ang mga pagsasanay upang malinang ang kasanayan sa mahusay na
pagpapahayag.

 Pasalitang pag-uulat

Ang pasalitang pag-uulat ay isang gawaing sumasaklaw sa pagtalakay ng isang tiyak na


paksa sa maliliit at malalaking pangkat na karaniwang natatapos sa loob lamang ng labinlima
hanggang dalawampung minuto. Isa itong paraan upang tasahin ang kaalaman ng isang
indibidwal hinggil sa isang piling paksa at isa rin itong mahusay na gawain upang tayahin ang
kasanayan sa pasalitang pagpapahayag. Sa isang maliit na pangkat na may lima hanggang
sampung katao o kaya sa malaking pangkat na binubuo ng labinlima hanggang dalawampu't
limang katao ay tinatalakay ng piling tagapagsalita ang paksa. Layunin nito na maipakita ang
pagkakaiba-iba ng kahusayan ng bawat tagapagsalita na nakatuon sa kaalaman sa paksa, sa
kasanayan at sa pamamaraan ng pagtalakay.

Ang mga nalilinang sa pasalitang pag-uulat ay ang malawak na pagkakaroon ng


kaalaman sa paksa / nilalaman. Tumutukoy ito sa maayos na paglalahad sa mga detalye ng
paksang tinatalakay. Ang kaugnayan ng mga halimbawa ay nabibigyan ng kaukulang pansin
sapagkat ito ang tuon ng talakay. Nalilinang din nito ang kasanayan sa pagsasalita. Naisasaalang-
alang dito ang kaisipan na ang komunikasyon ay isang tambingang kilos kung saan may ugnayan
sa pagtalakay ang nagsasalita at mga nakikinig. Matagumpay ang tagapagsalita kung ang
atensyon ng mga nakikinig ay kaniyang nakukuha; gayundin, matagumpay ang mga nakikinig
kung ang mga impormasyon na nailahad ng tagapagsalita ay kanilang nauunawaan.

111
Dapat tandaan na sa pagsasagawa ng pasalitang pag-uulat, ang tagapagsalita ay dapat
maalam sa paksang kaniyang tatalakayin. Kailangang handa ang tagapagsalita sa alinmang
tanong na maaaring ipukol sa kaniya pagkatapos ng pag-uulat. Nakatutulong din ang kahusayan
sa pagsasalita at ang kalinawan ng pagbigkas ng mga ito. Maging mabuti sa pagsagot sa mga
tanong at iwasan ang pakikipag-argumento sa mga nagtatanong. Maging magalang sa mga
kasamahan at maging wasto at makatwiran sa pakikibahagi sa anumang talakayan.

 Forum (Pangkatang Pagpupulong)

Ang forum (o pangkatang pagpupulong) ay pagtitipon ng isang pangkat na may


magkakatulad na katangiang sosyal, edukasyunal at maging kultural, at may layuning magplano
at magkausap-usap hinggil sa isang mahalagang paksa na karaniwan sa bawat isa. Tumutukoy
din ito sa pampublikong pagtitipon ng mga samahan, organisasyon o grupo ng mga indibidwal
na may layuning matalakay ang napapanahong paksa ayon sa kanilang mga interes. Sa
kasalukuyan, tinatawag ding forum ang mga pagtitipong virtual ng mga indibidwal sa
pamamagitan ng internet kung saan ay tinatalakay nila ang mga napapanahong isyu, o kaya'y
nagsasagawa sila ng mga proposal at/o nagpaplano ng mga gawaing ayon sa mga layunin ng
pangkat.

Dalawang panlahat na uri ng forum


Mauuri sa dalawa ang forum. Maaari itong pampubliko (Public) o di kaya'y di-publiko o
eksklusibo (Non-public). Ang pampublikong forum ay pagtitipon na walang eksklusyon na
maaaring maisagawa sa isang lugar na karaniwang para sa lahat. Ang lugar na ito ay maaaring sa
isang bahagi ng daan (street), parke (park) o maging sa maliliit na kalye (sidewalks). Maaaring
ang mga sangkot dito ay maramihan at maaari ding isang partikular na bilang lamang ng isang
pangkat. Halimbawa, maramihan kung ang isang kilalang politiko ay maglalahad ng layuning
politikal sa mga mamamayan ng isang barangay at pangkatan kung ang ilang mamamayan ng
isang barangay ay nagpupulong para sa isang proyektong pambarangay.

Ang di-publiko o eksklusibong forum naman ay mga pagpupulong ng isang pangkat na


maaaring limitado lamang sa mga miyembro ng isang organisasyon o samahan. Dito ay
eksklusibong pinag-uusapan ang mga layunin, gawain, proyekto at mga tunguhin. Ang mga
halimbawang maituturing na di-publikong forum ay iyong mga isinasagawa sa mga itinalagang
lugar tulad ng sa mga presinto, paaralang publiko, kampo ng mga military, pribadong opisina at
iba pa. Ang mga usapin sa mga di-publikong forum ay limitado, mahigpit na tinatalakay sa mga
miyembro ng pangkat at natatakdaan ng mga impormasyon na para lamang sa pangkat at sa mga
miyembro.

Iba pang uri ng forum

112
Ang kasalukuyang pagbabago at mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at paglikha ng iba't
ibang platforms na pang-media ay nakapagdulot ng modernong uri ng forum. Ang mga
aplikasyon pang-social media tulad ng facebook, messenger, twitter, instagram at iba pang mga
eksklusibong aplikasyon ay nakapagsasagawa ng mga forum at ito ay tinatawag na internet
forum. Ang internet forum ay isang uri ng sistema ng computer conferencing kung saan ang
guests, members, administrators at moderators ay pangkatang nagsasagawa ng pag-uusap o
pagtalakay hinggil sa isang paksa, o isang layunin at/o kaya'y mga gawain. Ito ay karaniwang
eksklusibo o di-publiko. Sa pamamagitan ng aplikasyong gamit ng pangkat, ang forum ay
maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng mga posts (mensaheng isinusumite o ipinapaskil
na naglalaman ng mga ideya, sagot sa tanong, panukala o iba pang mahalagang impormasyon) o
kaya ay sa pamamagitan ng video na mas kilala bilang video conferencing. Ang mga naipon na
posts na nagiging thread o conversation thread ay karaniwang nakapaskil at nababasa at
nagsisilbing reference ng mga usapan sa forum (bagamat ang mga ito ay maaaring burahin kung
nanaisin ng kasama sa internet forum).

Ang mga guest ay ang mga indibidwal na nagnanais maging miyembro ng pangkat
bagamat hindi pa nabibigyan ng buong access at karapatan o kalayaan na magbukas ng usapin o
paksa. Ang kanilang partisipasyon ay limitado lamang sa paghahayag ng mga post. Ang mga
miyembro naman ay iyong mga indibidwal na nabigyan ng buong access, kalayaan at karapatan
na maging bahagi sa usapin anumang oras na kanilang naisin. Ang administrator ang
kumakatawan bilang pinakapinuno ng forum. Siya ang gumaganap bilang tagatanggap ng mga
miyembro at moderator na rin ng forum. Sa mga internet forum, kadalasang ang naisasagawa ay
pagtatanong, pakikipagtalakayan, pagsasagawa ng sarbey, paghingi ng opinyon tungkol sa isang
paksa at pakikipagdebate.

 Seminar, Lecture at Workshop

Madalas ay naipagkakamali ang seminar sa lecture, lecture sa workshop at workshop sa


seminar. Ano-ano ba ang katangian ng mga ito? Ano-ano ang kanilang pagkakatulad-tulad at
pagkakaiba-iba?

 Seminar

lto ay isang uri ng instruksyong akademiko na karaniwang isinasagawa ng iba't ibang


pribado at publikong organisasyon. Layunin nito ang pagtalakay sa mga natatangi o piling paksa
ayon sa natukoy na pangangailangan ng isang pangkat. Ito ay ginagamit bilang isang paraan ng
pagtuturo upang matalakay ang napapanahon at mahahalagang paksa na makatutulong sa
pagtamo ng mga bagong kaalaman sa iba't ibang larangan at paraan din upang mailahad ang mga
kaalaman mula sa mga isinagawang pananaliksik at pag-aaral.

113
Ang seminar ay maaaring uriin sa dalawa. Ayon sa pangkat ng nagsasagawa nito at ayon
sa saklaw. Ang ayon sa pangkat ng nagsasagawa ng seminar ay mauuri sa tinatawag na tutor
facilitation at student facilitation. Ang tutor facilitation ay tumutukoy sa seminar na
pinamamahalaan ng eksperto na siyang namumuno sa daloy ng talakayan at ang student
facilitation naman ay tumutukoy sa seminar na pinamamahalaan ng mag-aaral.

Ang ayon sa saklaw ng seminar naman ay maaaring mini, major, pambansa at pandaigdig
na seminar. Ang mini seminar ay sumasaklaw lamang sa mga paksang tiyak at di-gaanong
malawak. Hindirin malaki ang bilang ng pagdalo sa seminar na ito, madalas na sampu hanggang
dalawampu lamang. Ang uring ito ay nauugnay sa pag-uulat sa maliit na pangkat kung saan
maaaring maisagawa sa loob ng klasrum o kaya ay isang silid na maaaring ang interaksyon ay di
na nangangailangan ng paggamit ng mikropono. Ang mini seminar ay isang mahusay na
pagsisimula bilang paghahanda sa mga seminar na may maliit na saklaw ng pagdalo tulad ng
seminar ng isang departamento. Ang major seminar naman ay iyong mga isinasagawa ng isang
institusyon o ng isang departamento na may higit na bilang ng pagdalo kaysa sa mini seminar.
Ang halimbawa nito ay ang mga seminar na maaaring daluhan ng mga guro at mag-aaral upang
talakayin ang mga paksa na mahalaga sa larangan ng pagtuturo. Sa mga institusyong pribado,
maaaring ang major seminar ay maisagawa upang talakayin ang mga layunin, tunguhin at mga
gampanin ng mga miyembro ng institusyon. Isa pang uri ayon sa saklaw ay ang pambansang
seminar. Ito ay isinasakatuparan ng mga samahan, pangkat o organisasyon na ang pagdalo ay
hindi lamang mula sa isang rehiyon kundi pagdalo ng mga sangkot na indibidwal mula sa iba't
ibang bahagi ng bansa. Sa ganitong uri ng seminar, isang tiyak na paksa ang inilalatag upang
tatalakayin ng mga pili at kuwalipikadong tagapagsalita. Ang pandaigdigang seminar ay
tumutukoy sa mga seminar na isinasakatuparan na dinadaluhan ng mga organisasyon mula sa
iba't ibang dako ng daigdig. Higit na malawak ang saklaw ng seminar na ito na karaniwang
global ang tinatalakay.

May apat na mahahalagang elemento ng seminar. Ito ay ang papel, presentasyon,


talakayan at kongklusyon.

PAPEL

KONGKLUSYON SEMINAR PRESENTASYON

114
TALAKAYAN

Apat na elemento ng seminar

Ang mga nabanggit na elemento ng seminar ay nagkakaugnay-ugnay at nagkakatulong-


tulungan para sa kaayusan nito. Ang papel ay tumutukoy sa maayos na paghahanda ng sipi na
naglalaman ng paksang tatalakayin. Kasama rito ang paghahanda ng programa at poster na
karaniwang pasulat. Ang presentasyon ay ang pamaraan, estilo, kahusayan at kawilihan ng
tagapagsal}ta sa paglalahad ng paksa. Sa presentasyon naipakikita ang kahusayan at kasanayan
ng tagapagsallta sa pagtalakay ng papel na inihanda. Ang talakay ay kumakatawan sa mga
pagpapaliwanag ng mahahalagang kaisipan kasama na ang pagsagot sa mga tanong hinggil sa
paksa at ang kongklusyon ay tumutukoy sa pagbuo ng mga bagong kaalaman mula sa mga
pagtalakay.

 Lecture

Ang lecture ay kasingkahulugan ng panayam. Ito ay isang pamaraan ng pagtalakay sa


isang tiyak na paksa na maaaring karaniwang gawain, isang kalakaran o pamaraang nakaugalian.
Isa itong proseso ng pagtalakay sa paksa na nangangailangan ng mga estratehiya, pamaraan at
dulog na iniaayon sa mga katangian ng tagapakinig. Sa katunayan, ang lecture ay nauugnay sa
seminar sapagkat ang mga ito ay magkatulad sa pamamaraan ng pagtalakay. Naiiba lamang ang
seminar sa lecture sapagkat ang lecture ay maaaring isakatuparan ng isang eksperto (hinggil sa
paksa) anumang oras at araw na naisin para sa mga tiyak na tagapakinig samantalang ang
seminar ay nangangailangan ng ibayong paghahanda at isinasagawa ito ayon sa
pangangailangan. Halimbawa, ang lecture ay maaaring isagawa araw-araw ng isang guro sa
harap ng kaniyang mga mag-aaral at tinatalakay ang mga konsepto ng isang aralin alinsunod sa
kaniyang inihandang silabus. Ang seminar naman ay isinasagawa ng isang tagapanayam na
eksperto sa isang tiyak na larangan hinggil sa napagkasunduang paksa, sa napagkasunduang
araw at lugar sa harap ng mga tagapakinig na may magkakatulad na katangian at hangarin.
Apat na bahagi ang dapat maisaalang-alang sa pagsasagawa ng lecture. Una ay ang
malawak na kaalaman sa paksa. Ang tagapagsalita, gayundin ang mga tagapakinig, ay
nakauunawa kung ano ang paksa at kung bakit ang paksa ay kailangang talakayin. Ang
tagapagsalita ay nararapat na magkaroon ng malawak kaalaman sa paksa at naiuugnay ang
kahalagahan nito sa iba pang larangan. Ang mga bagong usapin, isyu, siyentipiko at panlipunang

115
pagkakaugnay ng paksa ay nararapat maipaliwanag upang maunawaan nang husto ang paksa at
maiaangkop sa sarili ang kahalagahan nito. lkalawa ay ang kahusayan at kasanayan sa
pagsasalita. Kung ang kaalaman sa paksa ay mahalaga, higit na mahalaga ang kasanayan sa
pagsasalita dahil anumang kaalaman mayroon ang tagapagsalita kung hindi naman nito
maihahatid nang maayos ay wala ring halaga sa mga tagapakinig. Lalong-lalo na kung ang mga
tagapakinig ay maraming tanong ukol sa paksang tinatalakay sapagkat ang pagtatanong at
pagsagot ay nakadaragdag at nakapagpapalawak ng pag-unawa sa paksa. Ikatlo ay ang
kasanayan sa pamumuno. May kakayahan ba ang tagapagsalita na pamunuan ang pangkat upang
siya ay pakinggan? Nakahihikayat ba ang tagapagsalita na makinig ang mga dumalo? Ang mga
katangian tulad ng pagkakaroon ng mahusay na pagpapasya, pagkukusa, pagtitiyaga,
pagkamahikayatin at kasanayan sa pakikibagay sa mga dumalo ay ilan lamang sa dapat taglayin
ng tagapamuno. Ikaapat ay ang mga katangian at ugaliin ng pangkat ng tagapakinig. Kung
marunong makibagay ang tagapamuno, kasabay nito ang pag-ayon ng mga tagapakinig. Kung
ang taga pagsalita ay may kakayahang magpatawa sa panayam, nahihikayat nito ang kalooban at
pakikibahagi ng mga dumalo. Samakatuwid, ang tagumpay ng isang lecture ay nakasalalay sa
apat na bahaging ito.

 Workshop

Ang workshop ay isang pagpupulong o pagtitipon ng mga indibidwal na may iisa o iba-
ibang katangian ngunit may isang tunguhin. Ang mga indibidwal na kasangkot ay binibigkis ng
layuning makapagsagawa ng detalyadong pagtalakay sa isang paksa na susundan ng masinsinan
o matinding pagsasanay para sa pagbuo ng isang proyekto. Ang workshop ay kasingkahulugan at
nauugnay sa salitang pagsasanay o training. Dalawa ang mahalagang layunin ng pagsasagawa ng
workshop - maglahad at makapagbigay ng mga impormasyon ukol sa piniling paksa at magsanay
ng mga indibidwal upang maisakatuparan ang isang proyekto. May kabutihan ang pagsasagawa
ng workshop dahil sa pamamagitan nito'y nakapagsasanay ang mga delegado na bumuo ng mga
plano at magdisenyo ng mga proyekto bukod sa natatamo rin ang mga kaalamang kinakailangan
ng pangkat.

Hindi tulad ng seminar at lecture na dinadaluhan ng mga indibidwal na may


magkakatulad na katangian, ang workshop ay maaaring daluhan ng pangkat na may iba-ibang
katangian o heteregenous group. Gayunman, tulad ng seminar at lecture, ang workshop ay
tumutungo sa isang layunin na maunawaan ang isang tiyak na paksa. Lamang, ang workshop ay
higit na nakatuon sa maaaring maging output pagkatapos ng pagsasanay. Ang isa pang mabuting
katangian ng workshop ay maaaring magkaroon ng tuwirang interaksyon ang mga facilitator at
mga dumalo kaya napananatili at napagtitibay ang ugnayan ng bawat isa. Dahil dito,

116
napapamahalaan nang mabuti ang mga pagtalakay, ang mga halimbawa at ang mga pagsasanay
kaya natatamo nang may pagpapahalaga ang mga layunin.

Seminar, workshop, lecture at training, ano ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba? Katulad


ng nabanggit na, ang seminar, lecture at workshop ay magkakatulad sa dahilang ang ilan sa mga
layunin ng mga ito ay ang maglahad ng isang tiyak na paksa, magpaliwanag ng mahahalagang
konsepto at magbigay ng sapat na impormasyon ayon sa mga pangangailangan ng mga dumalo.
Nagkakaiba-iba ang mga ito sa mga pamamaraan ng pagsasagawa. Halimbawa, ang workshop ay
maaaring nakapaloob lamang sa isang seminar at hindi ito maaaring makapag-isa sapagkat
pangangailangan ang pagtalakay sa paksa bago ang pagsasanay at pagbuo ng output. Ang
training ay isang pagsasanay. Nangangahulugan na tuon nito ang pagtamo ng mga kasanayan
samantalang ang workshop ay nakatuon sa kaalaman at pagtamo ng kasanayan. Ang proseso ng
workshop ay ang pagkakasunod ng pagtalakay sa paksa, pagsasanay at pagbuo ng output. Sa
training, ang proseso ay maaaring magkasabay na pagtalakay ng paksa at pagbuo ng output.
 Symposium. Ito ay isang interaksyon o talakayang pangkatan hinggil sa isang tiyak at
napapanahon isyu. Mauuri ito sa dalawa, pormal at di-pormal na symposium.
Kadalasana, pormal ang gamiting anyo ng symposium lalo na sa mga paaralan o
uniersidad. Ito ay tinatawag ding pagpupulong bayan. Isang pangkat na karaniwa’y
binubuo ng apat anggang anim na dalubhasang tagapagsalita na inanyayahan upang
talakayin ang iba’t ibang aspekto ng ilang mahalalagang isyung pampubliko.

 Kumperensya. Isang sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ang tagapagsalita o


eksperto sa piling latangan ay inaanyayahan upang magbahagi ng kaniyang mga pananaw
sa iba’t ibang mga paksa sa mga delegado. Ito ay nakikita sa konsultasyon o talakayan sa
pagitan ng mga esttudyante at ng kanilang tagapayo. Ito ay tumutukoy sa isang pormal na
pulong kung saan ang mga kalahok ay nagkakaroon ng pagbabago sa kani-kanilang
pananaw sa iba’t ibang paksa. Maaari itong maganap sa iba’t ibang larangan kaya
maaaring magkaroon ng kumperensya ng mga guro, magulang, doctor, mga atleta at sa
anumang larangan ng pampalakasan, mga mangangalakal, mamamahayag, mgaiskolar sa
pananaliksik at ibp.

 Roundtable at Small Group Discussion. Ito ay kadalasang isang impormal na talakayan


na karaniwang binubuo ng mula lima hanggang sampung tao. Ito ay pinamumunuan ng
isang tagapangulo subalit aktibong lahat ang mga kalahok kaya hindi nasasarili ng
tagapangulo ang pagsasalita.

 Pagsasagawa ng Pulong/Miting/Asemblya Ang pulong o miting, lalo na ang business


meeting, ay bahagi na ng buhay ng tao sa kasalukuyan. Ito ay pangkaraniwang gawain sa
loob ng mga samahan,organisasyon, kompanya, paaralan, institusyon, at iba pa. Halos
araw-araw ay may nagaganap na pulong sa opisina, pag-uusap ng mga opisyales ng mga

117
sub-organization ng mga paaralan, lingguhang board meeting sa kompanya, seminar, at
maging ang pagdaraos ng malalaking kumperensya.

 Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong.

Bago ang pulong. Basahin ang agenda ng pulong upang madali na lamang sundan ang
magiging daloy ng mismong pulong. Managlap ng mga impormasyon tungkol sa mga
layunin ng pulong.

Habang nag pupulong. Hindi na kinakailangang itala lahat ang mga salitang nadidinig sa
pulong.

Pagkatapos ng pulong. Repasuihin ang isinulat. Magtanong sa iba pang nagsidalo sa mga
bagay na hindi unawaan.

 Mga Sitwasyong Pangkomunikasyong Pangmedia. Ang mabilis na pag-unlad ng


teknolohiya ay nakapagdulot ng malaking pagbabago sa sitwasyong pangkomunikasyon.
Bagamat arw-araw ay malawak pa rin ang paggamit ng oral at personal na
komunikasyon, hindi maikakaila na ang media ay may Malaki nang epekto sa buong
mundo. Sa Pilipinas ang social media ay ginagamit na rin ng mga Filipino anumang edad,
kasarian, ekonomikong mapumumuhay at etnikong kinabibilangan. Nagpapatunay
lamang na ang bawat isa ay nakararanas na ng pagbabago sa sitwasyong
pangkomunikasyon.
 Komunikasyon sa Social Media
Ang salitang social media ay tumutukoy sa isang paraan ng interaksyon na
nagaganap sa mga indibidwal kung saan ang mga impormasyon ay nalilikha,
naibabahagi at natatalakay sa pamamagitan ng pamaraang virtual at sa sistemang
networking o network. Ayon kay Bhamare (2018), ang social media ay isang uri
ng online communication na ang layunin ay magkaroon ng interaksyon,
kolaborasyon at pagbabahagi ng mga kaalaman gamit ang iba’t ibang channel o
website.

Ang proseso ng komunikasyon sa social media ay hindi naiiba sa personal o “face


to face” na komunikasyon. Ang pagkakaiba lamang ay ang mga instrument na
maaaring gamitin sa pagpapahayag ng tagapagsalita (encoder)bat tagapakinig
(decoder). Ang encoder ang bumubuo ng (encoding) at pinagmumulan ng
mensahe. Ang mga mensahe ay ang mga impormasyon na nais ihatid ng encoder.
Isinasagaw ng encoder angpaghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng kaniyang
napiling aplikasyong pang media na maaaring katulad ng aplikasyong gamit ng

118
decoder,gaya ng Facebook, Tweeter, Istagram, email, snapchat at messenger,
ayon kay Willis (2017). Maaaring wireless o signal.

 Epekto ng Social Media sa Komunikasyon


Ayon kay Reider (2014), sa pamamagitan ng social media ay nakakalikha ng
paraan upang mapabilis ang pakikipag ugnayan at paghahatid ng mga
impormasyon. Ang social media ay nakapagdudulot ng mga suliraning
nakakaapekto sa tao. Ang fake news ay isa din sa masamang naidudulot.

 Video Conference
Ito ay isang live at koneksyong biswal sa pagitan ng ilang tao mula sa magkaiba
at magkalayong lugar na ang layunin ay makipag-ugnayan at makipagtalakayan.
Naisasagawa ito sa paggamit ng full motion video kasabay ng paglalahad ng
teksto, larawan at video upang talakayin o pag-usapan ang piling paksang
pagkakasunuduan.
Iba’t ibang Uri ng Video Confrence:

1. Video Conferencing point to point. Nasasangkot sa dalawang site.


2. Video Conferencing multipoint. Higit sa dalawang sites, na nangangailanagn ng central
unit na nagsisilbing tagahatid.

 Komunikasyon sa Radyo at Telebisyon

Ang imporamasyon ay inilalahad sa iba’t ibang paraan sa mga programa sa radio


at telebisyon. Ang mga programa sa radio na ipinahahatid sa mga nakikinig. May
DJ na nagsasalita. Sa telebisyon ay paraan ng paghahatid imporamasyon sa
pamamagitan ng mga tunog at visual images.
Mga gawain:

1. Talk show kung may tagapanayam at kakapanayamin.

Pamantayan Puntos Aktwal


Nilalaman 10

1. Ang mga tanong ay naaayon sa katangian at layunin ng


gawain/talk show.

119
2. Maayos ang pagkakasunod sunod ng mga tanong 5

5
3. Makabuluhan at makatotohanan ang mga tanong.
10
4. Humihimok ng kritikal nap ag-iisip ang mga tanong
10
5. Nasasagot nang mahusay ang mga tanong ng tagapanayam
5
6. Kawili-wili ang pagtatanong at pagsagot.

7. Kapupulutan ng mahahalagang konsepto o pagpapahalaga ang


talk show. 10

Prepared and compiled by:


Mrs. Ninfa “nini” M. Vergara
CICS Faculty

120

You might also like