You are on page 1of 7

PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO VS PAGGAMIT NG WIKANG

INGLES SA LARANGAN NG PAGTUTURO AT PAGKATUTO :


ISANG KOMPREHENSIBONG PAG-AARAL

Kabanata I
“ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO”

PANIMULA

Ang wika ang maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating


pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa. Ang wika, pasalita man o pasulat ay
magiging sandata natin sa ating pakikihamok sa hamon ng buhay. Ang wika ay
binubuo ng mga titik at simbolo na kapag pinagsama-sama ay maipapahayag
natin ang mga nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibigan o kung sino pa man
na kakilala natin.

Sa ating nagbabagong estilo ng mundo ngayon, kung saan masasabi na ang


mga bagay ay nagiging “High Technology” na, dapat pa rin nating isaisip ang
pagpapahalaga sa ating sariling wika. Oo nga at tama na ang Ingles ang “Universal
Language” at siyang dahilan upang mas masaliksik pa natin at mas maipahayag
ang nararamdaman natin sa mga hindi natin kalahi o mga dayuhan. Ngunit hindi
ito sapat na dahilan upang ipagwalang bahala na lamang natin ang wikang
Filipino.

Hindi ba’t bago tayo matuto ng wikang Ingles ay wikang Filipino muna ang
una nating natutunan? Na bago paman tayo makihalubilo sa ibang tao sa loob at
labas ng ating bansa ay wikang Filipino ang una nating pinagkadalubhasaanupang
magamit natin sa ating pakikipagkapwa? Kaya huwag naman sana na sa pagbago
ng pagdaloy ng panahon ay mabago na rin ang ating pananaw sa pagpapahalaga
sa paggamit ng wikang Filipino.

SANLIGAN NG PAG-AARAL
Sa pagbubuo ng pananaliksik , isinasaalang-alang ang mga sumusunod na
layunin :

1. Matalakay ang mga kadahilanan sa paggamit ng wikang Filipino at Ingles


sa iba’t ibang asignatura.

2.Matukoy kung kinakailangan ng isang wika sa pagtuturo ng mga


asignatura.

3. Malaman kung ano ang mas epektibong gamiting wika sa pagtuturo.

4. Matukoy kung may koneksyon ang mababa at bagsak na grado ng mga


estudyante sa wikang ginagamit sa pagtuturo.

BALANGKAS TEORITIKAL

PARADIGMA NG PAG-AARAL
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Pangunahing layunin ng pag-aarl na ito ang gumawa ng interaktibong
pagsusuri sa paggamit ng wikang Ingles upang lalong malinang at maisaayos ang
pagkatuto ng mga mag-aaral ng pagtutuos. Malaking pagsubok ang naganap dahil
ang mga mag-aaral ay may katutubong ikang Filipino at hindi Ingles ; ngunit
nakapaglalahad ng pagkakaiba dahil sa tulong na ibinigay ng mga espesyalista sa
lenggwahe.

Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:

1. Anu-ano ang mga dahilan na nakakaapekto sa hindi lubusang pagkatuto ng mga


mag-aaral sa pagtutuos sa kanilang asignatura?

2. Gaano kalaki ang nagagawang epekto ng pagkakaintindi ng mga mag-aaral sa


wikang ginagamit sa mga pagsusulit sa paaralan?

3. Bakit nanatiling hindi epektibo ang ilan sa mga pamamaraang nasubukan ng


mga guro upang makatulong sa mas mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral?

HINUHA
Sa mga guro, makatutulong ito sa kanila upang malaman kung ano ang
dapat gamitin sa pagtuturo. Mas makatutulong sa pag-iisip ng estratehiya ang
mga guro para mas maunawaan ng mga estudyante ang kanilang pinag-aaralan sa
kanilang leksyon.

Sa mga estudyante, makatutulong ito para lubos nilang maintindihan na


hindi sunod-sunod na paggamit ng wikang Ingles ang solusyon sa mabuting pag-
aaral.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Itong pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagkakaunawa hindi lamang
mga estudyante kundi lahat ng mga tao ang kahalagahan ng kanilang sariling
wika. Malaki ang mabebenipisyo ng pananaliksik na ito sa mga mag-aaral, mga
guro, mga magulang at sa lahat. Mapapakita at mapaparating sa pananaliksik na
ito ang mga epekto at mabuting naidudulot ng paggamit ng wikang Filipino sa
pag-aaral. Sa panahon ngayon mas nabibigyang importansya ng mga kabataan
ang wikang Ingles at sadyang napapabayaan na ang sariling wika, pumapangalawa
na lamang ang wikang Filipino sa wikang Ingles.

Makatutulong ito sa mga magulang sa paraang magkakaroon sila ng sapat


na kaalaman tungkol sa pagtuturo ng mga salita gamit ang wikang Filipino, dahil
sa paraan na ito ay madaling matututoang mga bata at para sa kanyang paglaki ay
magkaroon siya ng sapat na kaalaman sa sariling wika.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL


Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral, mga guro at personalidad sa
mga kolehiyo sa Lungsod ng Las Pinas. Ang mga respondenteng nais sa pag-aaral
na ito, particular ay ang mga mag-aaral sa antas ng kolehiyo na maaaring sa ilalim
ng kursong nangangasiwa rin sa negosyo, babae at lalaki na nakapaloob sa mga 17
hanggang 20 taong gulang.

Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay diin sa paggamit ng wikang Filipino at


Ingles sa lahat ng asignatura ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa Lungsod ng Las
Pinas upang mapabuti pa ang kanilang paggamit nito hanggang sa hinaharap.

Sa pananaliksik na ito ay sumasaklaw ang lahat ng mga estudyante sa


ikaapat na antas at ikaanim na baiting. Ang nasabing baiting at antas ay binigyan
ng “survey” upang kanilang masagutan. Limitado lamang ang pagbibigay ng
“survey”. Nalilimitahan lamang ito sa isang pangkat ng mga estudyante sa ikaanim
na baiting at isang pangkat ng mga estudyante naman sa ikaapat na antas.

KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN


Upang tuwirang makatulong sa madaling pag-unawa, ang mga salita at
praseng ginamit ay binigyang katuturan ayon sa pag-aaral. Binigyang halaga ang
mga sumusunod na katawagan:

Wika. Binigyang pakahulugan ni Lachica sa Komunikasyon sa Akademikong


Filipino na ang wika ang pinakamagandang bigay ng Maykapal sa kanyang mga
nilalang. Ito ang tanging kasangkapang ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa
kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang
nagagawa ng wika sa pagkakaroon magandang unawaan, ugnayan at mabuting
pagsasamahan.

Kahit na sa anumang anyo, pasulat man o pasalita, hiram o orihinal,


banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at
kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga nalikom na
tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampulitika o panlipunan, pansimbahan o
pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensiya o ng iba pang disiplina. Wika
pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipag-
talastasan at komunikasyon.

KABANATA II
“MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA”
KABANATA III
“DISENYO AT PARAAN PANANALIKSIK”

DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang disensyo sa pananaliksik na ito ay impormatib. Nagbibigay ito ng sapat
na impormasyon o kaalaman tungkol sa paggamit ng ating wikang Filipino.
Impormatib ang siyang naging disenyo ng pananaliksik na ito upang maipahayag
ng mainam o maging detalyado ang pagpresenta sa pananaliksik na ito.

MGA RESPONDENT
Ang mga mag-aaral sa kolehiyo sa Lungsod ng Las Pinas ang napiling maging
respondent sa pananaliksik na ito dahil sa sila ang may mas koneksyon sa
pananaliksik na ito. Mga estudyante sa kolehiyo ang pinuntirya upang sila ang
tumayo bilang kinatawan ng mga mag-aaral na mas mababa ang antas kaysa
kanila.

INSTRUMENTO SA PAGKALAP NG MGA DATOS


Ang instrumentong pananaliksik ay binubuo ng mismong instrumenting
“survey” kung ang mga katanungan ay nakasaad, bawat estudyante ay bibigyan
ng isang “survey” na naglalaman ng mga katanungan.

PARAAN NG PAGBIBIGAY NG HALAGA SA MGA DATOS


Bawat datos sa pananaliksik na ito ay nakuha “via internet research”.
Bumisita ng iba’t ibang website. Sinuri ng maige ang mga datos na ito bago
isaayos para sa pananaliksik.

You might also like