You are on page 1of 9

KAHULUGAN, KALIKASAN, AT KATANGIAN NG PAGSULAT NG SULATING

AKADEMIKO

Ang sulating akademiko ay tumutukoy sa mga sulating isinulat para sa larangang


akademiko. Nakabatay ito sa datos at impormasyong itinuturing na totoo. Ang bawat
sulating akademiko ay dumadaan sa proseso ng pananaliksik bago ang aktuwal na
pagsulat tulad ng pagtitipon at pagsasala ng mga datos na pagbabatayan ng isusulat,
aktuwal na pagsulat, at rebisyon ng mga sulating akademiko. Ilan sa halimbawa ng mga
sulating akademiko ay ang sintesis/buod, bionote, panukalang proyekto, agenda, at
katitikan ng pulong, posisyong papel, talumpati, replektibong sanaysay, pictorial essay,
at lakbay-sanaysay.

Ang Proseso ng Akademikong Pagsulat

Datos Aktuwal na Awtput


Pagsulat

Rebisyon

Ang mga sulating akademiko ay may partikular na gamit sa iba’t ibang sitwasyon.
Halimbawa, ang abstrak, sintesis/buod, panukalang proyekto, at replektibong sanaysay
ay malimit na isinusulat bilang mga pangangailangan sa pag-aaral sa kolehiyo o
pamantasan, maging sa mga korporasyong nangangailangan ng mga pananaliksik gaya
ng mga nasa midya at advertising. Ang pagsulat ng agenda at katitikan ng pulong ay
mga kasanayang kinakailangan ng mga kalihim (secretary) ng kompanya at maging ng
mga tagapangasiwa (administrator). Ang posisyong papel naman ay kapakipakinabang
para sa mga samahan o manggagawa lalo na yaong nasa non-government organizations
(NGO) na nagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mamamayan/konsyumer upang
maipahayag ang kanilang mga saloobin at kalagayan ukol sa isang usaping may
direktang epekto sa kanila. Samantala, ang pictorial essay at lakbay-sanaysay ay angkop
naman sa pangangailangan ng mga nasa larangang pang turismo at pagsulat sa mga
magasing panturista.

Akademiko Di-akademiko
Layunin: Layunin:
Magbigay ng ideya at impormasyon Magbigay ng sariling opinyon
Paraan o batayan ng datos: Paraan o batayan ng datos:
Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa Sariling karanasan, pamilya, at komunidad

Audience: Audience:
Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong Iba’t ibang publiko
komunidad)
Organisasyon ng ideya: Organisasyon ng ideya:
- Planado ang ideya - Hindi malinaw ang estruktura
- May pahkakasunod-sunod ang estruktura - Hindi kailangang magkakaugnau ang
ng mga pahayag mga ideya
- Magkakauganay ang mga ideya
Pananaw: Pananaw:
- Obhetibo - Subhetibo
- Hindi direktang tumutukoy sa tao at - Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang
damdamin kundi sa mga bagay, ideya, pagtukoy
facts - Tao at damdamin ang tinutukoy
- Nasa pangatlong panauhan ang - Nasa una at pangalawang panauhan ang
pagkakasulat pagkakasulat
- Hindi direktang tumutukoy sa tao at
damdamin, at hindi gumagamit ng
pangalawang
This study source was downloaded bypanauhan
100000831834273 from CourseHero.com on 03-08-2022 06:29:27 GMT -06:00

1 | Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIKO)


https://www.coursehero.com/file/52422464/AKADEMIKO-HAND-OUTSdocx/
ABSTRAK AT SINTESIS/BUOD

Ang abstrak ay buod ng pananaliksik nakaraniwan ay isang talata lamang at hindi


hihigit sa 300 salita. Gaya ng paggawa ng balangkas, ang pagbubuo ng abstrak bago
ang mismong pagsulat ng pananaliksik ay makatutulong sa pagpaplano sa direksyon ng
pananaliksik. Ang abstak ay isinusulat pagkatapos na isagawa ang pananaliksik, ngunit
may mga nagsusulat nito bago ang pananaliksik na makatutulong upang
makapagbibgay-linaw sa direksiyon ng gagawing pananaliksik. Karaniwang laman ng
abstrak ang sumusunod na elemento: sitwasyon o phenomenon na naging dahilan upang
maging interesado ang mananaliksik sa paksa, pangkalahatang layunin at kahalagahan
ng pananaliksik, saklaw at limitasyon ng pananaliksik, at pangunahing resulta (key
results) at/o kongklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik.

Maraming kahulugan ang abstrak ngunit ang terminong ito sa pananaliksik ay


nangangahulugang buod ng isang sulatin. Maaaring ito ay abstrak ng isang tesis,
disertasyon, o anumang uri ng pananaliksik. Kapag tinutukoy ang abstrak sa loob ng
paaralan o unibersidad, ito ay ang buod ng pananaliksik. Hindi tinatawag na abstrak,
halimbawa, ang buod ng isang pelikula o nobela. Pormal ang tono ng abstrak dahil dito
nakapaloob ang pinakamahalagang punto ng pananaliksik.

Kahalagahan ng Abstrak

Mahalaga ang abstrak dahil natutulungan nito ang sinumang mananaliksik o


manunulat na higit pang mapaunlad ang isang paksa, saliksik o sulatin. Matutulungan
din nito ang mananaliksik na makita kung ang isang akda ay makatutulong sa
pagpapaunlad ng kaniyang sinusulat. Kapag may abstrak. Hindi na kailangan pang
basahin ang kabuuan ng pananaliksik upang matukoy kung ito ay makapagyayaman sa
isinusulat o kung malayo na ito sa kaniyang paksa. Sa gayong paraan, hindi mauubos
ang oras sa paggalugad o paghahanap ng mga material na kailangan. Bukod sa pagsulat
ng iba pang saliksik, makatutulong din ang abstrak sa pag-unawa ng binasa o babasahin
ng isang mananaliksik.

Mga dapat tandaan:

 Ang abstrak ay buod ng nilalaman ng isang saliksik o sulatin


 Nakabatay ang pagsulat nito ayon sa pagkakasunod-sunod ng saliksik.
 Nakasulat ito sa ikatlong panauhan at nakabatay sa katotohanan at hindi opinyon
lamang ng may-akda tungkol sa pananaliksik.
 Karaniwang hindi lalagpas ng isang pahina at naka-doble-espasyo ang abstrak.
 Higit na lumilinaw ang pagbabasa kapag may abstrak. Hindi ito nararapat na puno
ng mga salitang mahirap unawain o mga acronym na ginawa sa pananaliksik.

Samantala, ang sintesis/buod naman ay pinaikling bersiyon ng isang aklat,


pelikula, salaysay, kuwento, artikulo, sulatin o pananaliksik na naglalahad ng
mahahalagang kaisipan (o pangyayari –sa kaso ng mga tekstong pampanitikan at
pelikula) mula sa kabuuan ng tekstong ibinuod.

Malaman at pinaikling bersiyon ng iba’t ibang batis ng kaalaman at impormasyon


ang sintesis. Maaaring kinuha ang mga impormayson, panayam, diskusyon, nobela,
pelikula, blog, maikling kuwento, tula at iba pa. sa pagsulat nito, nangangahulugang
pinagsasama-sama ang iba’t ibang ideya na may magkakatulad at magkakaibang
punto-de-bista mula sa iba-ibang sanggunian. Sa madaling salita, ito ay hitik at
pinaikling bersiyon ng mga nabasa upang makabuo pa ng panibagong ideya.

Sa pagsulat naman ng buod, hindi nangangailangan ng maraming batis upang


makatas ang pinakalaman ng isang akda o impormasyon. Ito ay pinaikling bersiyon
sublalit hindi nangangailangan ng bagong ideya, opinyon, o tesis ukol sa nabasang akda.
This study source was downloaded by 100000831834273 from CourseHero.com on 03-08-2022 06:29:27 GMT -06:00

2 | Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIKO)


https://www.coursehero.com/file/52422464/AKADEMIKO-HAND-OUTSdocx/
Inilalahad lamang nito ang mahahalagang punto ng nabasa. Masasabing parehong
nagpapakita ng pinaikling laman ang buod at sintesis subalit higit na maraming akda o
batis ang kailangan para sa sintesis kaysa sa buod.

Bakit mahalaga ang Sintesis at Buod?

Mahalaga ang pagsulat ng sintesis at buod upang higit na maunawaan ang


kahulugan ng binasa o pinakinggang panayam o sulatin. Sa pamamagitan ng
pagsisintesis o pagbubuod, higit na nagiging organisado ang pagkakaunawa ng isang
sulatin. Kung hindi kayang ibuod ang isang akda, nangangahulugang hindi naunawaan
ang binasa. Isang paraan ito upang matiyak ang mga akademikong institusyon na
nagbasa at naunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang binasa. Isa ring teknik ang
pagbubuod o pagsisintesis upang matiyak at higit na maunawaan ng mag-aaral ang
kanilang binasa para sa sariling pagrerebyu sa panahon ng pagsusulit. Kapag may buod
o sintesis, higit madali ang pagrerebyu dahil binibigyang-diin dito ang mahahalagang
punto ng mga binasang akda.

Mga dapat tandaan:

 Magkatulad na naglalagom ang buod at sintesis.


 Magkaiba ang buod at sintesis sa usapin ng mga ideyang nilalagom. Sa buod,
naglalagom ng isang akda na may pinupuntong iisang ideya. Sa teknikal na
kahulugan ng sintesis, tinatangka nitong tasahin ang iba’t ibang ideya mula sa
iba’t ibang batis ng kaalaman at binibigyan ng integrasyon ang magkaibang mga
ideya. Sa layon ng pagsulat ng sintesis, nakatuon ito sa pagtatasa ng iba’t ibang
punto, paghanap ng pagkakatulad at pakakaiba, at pagbibigay ng sintesis ukol sa
mga nabasang akda.
 May sariling opinyon na makikita sa sintesis. Sa buod, kung may kahingian ang
guro na magsulat ng sariling opinyon, saka lamang ito dapat gawin. Kung walang
kahingian, isulat lamang ang pinakaideya o lagom nito nang walang ibinibigay na
opinyon.

This study source was downloaded by 100000831834273 from CourseHero.com on 03-08-2022 06:29:27 GMT -06:00

3 | Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIKO)


https://www.coursehero.com/file/52422464/AKADEMIKO-HAND-OUTSdocx/
BIONOTE

Ang bionote ay maikling talambuhay na karaniwan ay patalata. Maaari itong maikli


o mahaba, pormal o impormal ayon sa pangangailangan at layunin ng may-akda. Ang
mga talatang ito ay naglalaman ng impormayson hinggil sa mga personal na detalye at
mga propesyonal na karanasan ng may-akda. Nasa una o ikatlong panauhan ang
perspektiba ng pagsulat nito. Ang bionote ay karaniwang ginagamit sa pagpapakilala ng
tagapagsalita sa isang seminar, o kaya ay sa pagpapakilala ng may-akda sa sarili sa
aklat na kanyang isinulat. Madalas na matatagpuan din ang bionote sa mga propesyonal
(halimbawa, website ng paaralan o organisasyong kinabibilangan ng may-ari ng bionote)
at personal (sarili) na webpage.

Dalawang Uri ng Tala sa May-akada

1. Maikling tala para sa mga dyornal at antolohiya –ang pinakakaraniwan, dapat


ay maikli ngunit siksik sa impormasyon. Hindi na kailangang banggitin ng may-
akda ang mga tala na walang kaugnayan sa tema at paksain ng dyornal o
antolohiya. Dagdag pa, ang nilalaman ng bionote ay may direktang kaugnayan sa
nilalaman ng nasabing aklat. Bilang gabay, kadalasang nilalaman ng maikling tala
ang sumusunod:
a. Pangalan
b. Pangunahin trabaho ng may-akda
c. Edukasyong natanggap ng may-akda (antas batsilyer hanggang antas
gradwado)
d. Mga akademikong karangalan gaya ng Latin honors (cum laude, hanggang
summa cum laude), Best Thesis, o scholarship na natamo bilang mag-aaral
(hindi kasama ang diskuwentong natamo dahil sa pinansyal na kalagayan)
e. Mga premyo o gantimpalang natamo na may kinalaman sa paksain ng
dyornal o antolohiya
f. Dagdag na trabaho ng isang may-akda bukod sa kanyang pangunahing
posisyon (kaiangang tukuyin ang posisyon at institusyong kinabibilangan)
g. Organisasyong kinabibilangan
h. Mga tungkulin sa pamahalaan o komunidad
i. Kasalukuyang proyekto
j. Mga detalye sa pakikipag-ugnayan gaya ng e-mail address (kung
kinakailangan)

2. Mahabang tala –kadalasan, ito ay isinusulat bilang prosing bersiyon ng kanilang


curriculum vitae. Mahahabang bionote ang kadalasang ginagamit ni Ligaya
Tiamson-Rubin, may-akda ng maraming aklat tungkol sa Angono at isang Professor
Emeritus sa Universidad ng Pilipinas. Aniya, mahalaga ang mahahabang bionote
upang may sangguiniang mapagkukunan ang mga iskolar at mananaliksik kaugnay
sa kaniyang buhay at tagumpay. Binubuo ito ng dalawa hanggang walong pahina,
at doble espasyo. Isinasagawa ang ganitong uri ng bionote para sa sumusunod:
a. Entri sa ensiklopedya
b. Entri sa aklat ng impormasyon gaya ng Buhay ng mga Manunulat sa Pilipinas
c. Tala sa aklat ng pangunahing manunulat o editor
d. Tala para sa mga hurado ng isang lifetime achievement award
e. Tala para sa admnistrador ng pamahalaan

Gayong mahaba ang ganitong tala sa may-akda, hindi ibig sabihin na kailangang
magsayang ng espasyo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tala na walang
This study source was downloaded by 100000831834273 from CourseHero.com on 03-08-2022 06:29:27 GMT -06:00

4 | Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIKO)


https://www.coursehero.com/file/52422464/AKADEMIKO-HAND-OUTSdocx/
kabuluhan. Mahaba lamang ang uring ito dahil nakatala rito ang mga tiyak na
impormasyon gaya ng sumusunod:

a. Kasalukuyang posisyon sa trabaho


b. Mga tala ukol sa kasalukuyang trabaho
c. Mga pamagat ng naisulat na aklat, artikulo, o kaugnay na akda tulad ng mga
sining-biswal, pelikula, pagtatanghal
d. Mga listahan ng parangal na natanggap
e. Tala sa pinag-aralan o edukasyon gaya ng digring natamo at kung saan ito
natanggap
f. Mga natanggap na training at nasalihang palihan
g. Mga posisyon o karanasan sa propesyon o trabaho
h. Mga kasalukuyang proyekto
i. Mga Gawain sa pamayanan o sa bayan
j. Mga Gawain sa samahan o organisasyon

Mga dapat tandaan:

 Kinakailangang siksik at malaman sa impormasyon ang isang tala sa may-akda o


bionote.
 Kinakailangang pangalan ang simula nito. Nagsisimula ang bionote sa pangalan ng
taong tinutukoy nito.
 Nakasulat ito sa ikatlong panauhan.
 Mahalagang may kaugnayan ang nilalaman ng isang bionote sa paksain ng isang
publikasyon.
 May dalawang uri ang bionote ayon sa hinihingi ng pagkakataon –maikli ngunit
siksik, at ang mahaba na maihahalintulad sa isang entri ng ensiklopedya.
 Mahalaga ito upang ipakilala ang kakayahan ng sarili bilang may-akda o
mananaliksik.
 Mahalagang piliin ng may-akda ang mga pinakatumatak sa kanyang karera upang
itampok sa kaniyang bionote.
 Iwasan ang pagsisinungaling sa bionote tulad ng paglalagay ng mga mali o pekeng
impormasyon, lalo na sa edukasyon at paaralang pinagtapusan.
 Kailangang paunlarin ang sarili upang magkaroon ng laman at ningning ang sariling
bionote.
 Siguruhing madadagdagan ng bagong impormasyon ang iyong bionote sa paglipas
ng panahon.
 Depende sa kahilingan, maaaring ilagay ang detalye sa pakikipag-ugnayan sa
huling bahagi ng bionote gaya ng e-mail address.

This study source was downloaded by 100000831834273 from CourseHero.com on 03-08-2022 06:29:27 GMT -06:00

5 | Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIKO)


https://www.coursehero.com/file/52422464/AKADEMIKO-HAND-OUTSdocx/
TALUMPATI

Ang talumpati ay isa pang paraan ng pagpapahayag ng sariling opinyon sa isang


mahalagang paksa. Ito ay sulatin na may katamtamang haba na karaniwang binabasa I
binibigkas para sa isang partikular na okasyon. Karaniwang ilang pahina lamang ito at
tumatagal ng lima hanggang tatlumpung minute ang pagbasa o pagbigkas sa harapan
ng mga tagapakinig. Sa pagsulat ng talumpati, nararapat lamang na tandaan ang mga
sumusunod:

1. Tiyaking malinaw at matipid ang paraan ng pagpapahayag.


2. Ang talumpati ay isinusulat at binabasa/binibigkas para sa isang partikularna
okasyon o pangyayari kaya tiyaking akma ang mga kaisipan sa inaasahang mga
tagapakinig.
3. Iwasang maging maligoy at mabulaklak sa pananalita.
4. Maging mapanghikayat sa pamamagitan ng hakbang-hakbang na paglalahad ng
mahahalagang argumento ayon sa paninindigan.
5. Gumamit ng mga datos at estadistika upang mapatalas ang mga argumento ng
talumpati.

Panahon pa lamang ng mga Griyego at hindi pa uso ang paglalathala ay mayroon


nang isang uri ng diskurso na itinatanghal at binibigkas sa mga tagapakinig o sa publiko.
Tinatawag itong talumpati. Isa itong uri ng sanaysay na binibigkas at pinakikinggan. Isa
rin itong uri ng pakikipagtalastasang pangmadla na nagpapaliwanag, naglalahad,
nagsasalaysay, at nangangatwiran sa paraang pabigkas.

Ayon sa U.P. Diksyonaryong Filipino, ang talumpati ay isang “pormal na pahayag sa


harap ng publiko” at “pormal na pagtalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig.”

Mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati dahil ang kasanayang ito ay


magagamit habambuhay ng isang tao. Hindi lamang ito para sa gawaing pampaaralan o
akademiko. Kasanayan at kaalaman itong magagamit ng sinoman. Halimbawa, ang mga
politico gaya ng mayor, senador, o pangulo ay kailangang may kaalaman sa paghahanda
ng talumpati. Ang isang propesyonal ay kailangang laging handa sa anumang okasyon
ng pagtatalumpati tulad ng pagtanggap ng promosyon o paggawad ng parangal. Ang
isang artista ay kailangang magtalumpati, lalo na kapag siya ay naparangalan sa
mahusay na pagtatanghal o kaya ay nagawaran ng isang Lifetime Achievement Award.
Nakasalalay sa husay ng pagsasalita at mabusising pananaliksik ang tagumpay ng taong
may ipinaglalaban o may ipinapanukalang pagbabago sa lipunan. Halimbawa ay
pangangalaga sa kalikasan, pagtatanggol sa karapatan ng kababaihan, o kaya ay
pagtutol sa mga minahang nakalalason sa ilog at karagatan.

May dalawang elementong taglay ang talumpati: ang teksto at ang pagtatanghal
(performance). Hindi magiging talumpati ang isang teksto kundi hindi ito binigkas o
binasa sa madla.

Mga Anyo at Uri ng Talumpati

Ilan sa mga kilalang anyo ng talumpati:

1. Ang talumpati ng pagtanggap (acceptance speech) ay laganap sa mga


programa ng paggawad o pagkilala sa kahusayan ng isang tao.
2. Ang talumpati sa pagtatapos (commencement speech) ay kadalasang binibigkas
ng natatanging mag-aaral na may pinakamataas na grado o pinakamatagumpay
sa klase tuwing pagtatapos.
3. Ang luksampati (eulogy) ay nagsisilbing parangal at paggunita sa alaala ng isang
taong yumao.
This study source was downloaded by 100000831834273 from CourseHero.com on 03-08-2022 06:29:27 GMT -06:00

6 | Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIKO)


https://www.coursehero.com/file/52422464/AKADEMIKO-HAND-OUTSdocx/
4. Ang talumpati ng pamamaalam (farewell speech) ay bahagi ng ritwal ng
pamamaalam, pagreretiro, paglisan sa bansa, o pagbibitiw sa propesyon.
5. Ang impormatibong talumpati (informative speech) ay naglalayong mag-ulat sa
madla ng resulta ng bagong pag-aaral o kaya’y manghikayat ng pagkilos, kabilang
na rito ang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo upang itanghal sa mga
mamamayan ang kanilang tagumpay at mga proyekto.
6. Ang talumpati ng pag-aalay (speech of dedication) ay maaaring papuri sa piling
tao, bayani, o panauhing pandangal.
7. Ang brindis (toast) ay bahagi ng ritwal sa isang salusalo na nagpapahayag ng
pagpapahalaga at pagkilala sa taong pararangalan.

May mga talumpating pinaghahandaan –dumadaan sa pananaliksik, pagpili ng


paksa, pagkilala sa tagapakinig, at nakabubuo pa ng balangkas. Ngunit may mga
talumpati ring “hindi pinaghahandaan”. Hindi naman tunay na walang paghahanda dahil
ang isang taong may kaalaman ay handa naman kahit papaanong magsalita para sa
isang talumpati. Maaaring nagkataong biglaan ang okasyon at nahilingan ang isa na
magbigay ng kaunting pananalita. Tinatawag ang ganitong talumpati na impromptu
speech.

Bukod pa rito, may mga uri pa ng talumpati batay sa layunin ng pagkakasulat.


Naitala ito ni Ian McKenzie sa kaniyang “4 Basic Types of Speeches”.

1. Ang talumpating impormatibo (informative) ay naglalayong magbigay ng


impormasyon sa tagapakinig. Maaari itong nagtuturo ng isang teorya o
impormasyon. Maaari itong pag-uulat ng pananaliksik sa kapwa mag-aaral o sa
kaguruan. Maaari din itong paglalahad ng bagong katangian ng teknolohiya na
kadalasang itinatampok sa mga patalastas.
2. Ang talumpating naglalahad (demonstrative) ay halos katulad din ng
impomatibong talumpati, ngunit may kasama itong demosntrasyon habang
naglalahad ng imposmasyon. Mapapansin ito sa mga programang pang-edukasyon
gaya ng pagtuturo ng pagluluto, pananahi, o kaya’y pagpapalamuti ng tahanan.
Lantad din ang ganitong uri sa mga instructional na video sa Internet na
nagbibigay ng demonstrasyon sa halos lahat ng larangan.
3. Ang talumpating mapanghikayat (persuasive) ay naglalayong manghikayat o
mag-imbita sa mga tagapakinig na kumilos tungo sa pagbabago. Kailangan na
maingat na paghahanda sa mga ganitong talumpati dahil sisikapin nitong baguhin
ang mga ideya, paniniwala, pamahiin, kultura, at tradisyon ng nakararami.
Maaaring talakayin ng talumpating ito ang paggawad ng karapatan sa mga
magsasaka; paghiling ng proteksiyon sa mga dagat at lawa ng bansa; muling
pagbuhay sa mga makasaysayang gusali nga lungsod; o kaya’y ang pagbibigay ng
sapat na kaalaman tungkol sa HIV.
4. Sa Pilipinas, ang talumpating mapang-aliw (entertaining) ay madalas na
maririnig sa mga personal na salusalo, gaya ng anibersaryo, kasal, kaarawan, o
victory party. Maririnig din ito sa comedy bar na ang mga host ay nagbabahagi ng
mga katawa-tawang karanasan sa buhay. Nilalayon ng talumpating ito na maghatid
ng aliw at kasiyahan sa tagapakinig. Maaaring paksain nito ang pakikipagsapalaran
sa ibang bansa; pagbabahagi ng nakakatawang sikreto; pagpapakilala ng
kakaibang pagkain sa mga dayuhan; o kung paano makakatipid sa panahon ng
kagipitan.

Mga bahagi ng Talumpati

Tulad ng ibang anyong pampanitikan na kuwento, awitin, nobela, at dula, ang


talumpati ay may tatlong mahahalagang bahagi: ang simula (introduksiyon), gitna
(nilalaman), at wakas (kongklusyon). Kapansin-pansin ding ito ang kadalasang estruktura
ngstudy
This mgasourcesanaysay,
was downloaded bypormal manfrom
100000831834273 o CourseHero.com
impormal. on 03-08-2022 06:29:27 GMT -06:00

7 | Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIKO)


https://www.coursehero.com/file/52422464/AKADEMIKO-HAND-OUTSdocx/
Ang simula ng talumpati ay pang-akit ng atensiyon. Kailangang mag-isip ang
mananaysay ng estratehiya upang makuha kaagad ang atensiyon ng tagapakinig. Sa
bahaging ito, hindi kailangang magpaumanhin ang tagapagsalita. Wala siyang
kailangang ipaliwanag kaugnay sa kaniyang kakulangan bilang nagtatalumpati.
Kailangan ding iwasang sabihing “maikli lamang ito” o “sana’y di kayo mabagot” dahil
inilalantad na nito, sa simula pa lamang, ang magiging suliranin ng pagtatanghal ng
talumpati. Pagkaraang makuha ang atensiyon, mahalagang maipahayag ang
pangunahing pangungusap (thesis statement) ng talumpati. Ito ang pinakakaluluwa,
pinakabuod, at pinakadiwa ng sanaysay. Ito ang punto ng pahayag na nais ipaabot sa
tagapakinig. Karaniwang nasa huking bahagi ito ng introduksiyon bilang simula sa
pagtalakay ng nilalaman ng talumpati.

Pagkaraan ng simula, susunod na bahagi ang katawan o ang nilalaman. Sa


maikling kuwento at dula, nagkakaroon ng katawan o gitnang bahagi dahil sa tumitinding
tunggalian ng mga tauhan. Sa sanaysay, gaya ng talumpati, nagkakaroon ng gitna sa
sistematiko at organisadong paglalatag ng mga punto, ideya, at iba pang mga nais
sabihin. Malaking tulong ang pagbabalangkas upang magabayan ang sinoman sa
gawaing ito. Dagdag pa, malaking tulong din ang pananaliksik upang magkaroon ng
nilalaman ang talumpati. Maaaring magsaliksik sa aklatan at sa Internet. Maaaring
magsagawa ng panayam. Maaaring gunitain ang sariling karanasan bilang material sa
isasagawang talumpati.

Huling bahagi ng talumpati ay ang kongklusyon. Kadalasan, ito’y muling pag-uulit


at pagdidiin sa mahahalagang punto ng binigkas na akda. Maaaring balikan ang
pangunahing pangungusap upang mailarawan sa madla na ito ay natalakay nang husto.
Bukod sa pagbubuod at paglalagom na kadalasang estratehiya sa kongklusyon, maaari
ding mag-iwan ng hamon o tanong ang tagapagsalita. Maaari ding mag-imbita at
manghikayat sa madla na kumilos tungo sa pagbabago.

Pagsulat ng Talumpati

1. Alamin ang magiging tagapakinig at okasyon.


2. Alamin kung ilang minute o oras ang inilaan para sa pagbigkas ng talumpati.
3. Pumili ng paksang malapit sa karanasan, may natatanging halaga sa iyong buhay,
o mayroon kang sapat na kaalaman.
4. Tukuyin ang mga layunin ng pagsusulat at paghahanda ng talumpati at ng
isasagawang pagbigkas.
5. Kumalap ng datos at mga kaugnay na babasahin.
6. Alamin ang magiging halaga ng isusulat na talumpati.
7. Ibalangkas at suriin ang mga nakalap na datos.
8. Itala ang tatlo hanggang pitong mahahalagang punto ng talumpati.
9. Talakayin, pagyamanin, at paunlarin ang mga ideya.
10. Ihanda ang mabisang konglusyon.
11. Huwag kalilimutang kilalanin ang sanggunian sa talumpati.
12. Kapag nasulat na ang unang burador, basahin ang teksto nang ilang ulit.
13. Pagkaraan ng rebisyon at kapag handa na ang pinal na borador, mag-
imprenta ng maraming kopya.
14. Basahin ang kopya nang paulit-ulit.

This study source was downloaded by 100000831834273 from CourseHero.com on 03-08-2022 06:29:27 GMT -06:00

8 | Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIKO)


https://www.coursehero.com/file/52422464/AKADEMIKO-HAND-OUTSdocx/
AGENDA

Ang agenda ng pulong ay karaniwang inihahanda ng pinuno o pangulo ng isang


organisasyon. Maaari rin naman niyang ipasa o i-delegate ang pagsulat ng agenda sa iba
pang opisyal ng kanilang organisasyon. Sa unang bahagi ng agenda ng pulong ay
matatagpuan ang mga impormasyon hinggil sa entidad na nagpupulong, pang-ilang
bilang na ng pulong iyon, saan at kalian isinasagawa ang pulong. Pagkatapos ay saka pa
lamang mababasa ang mismong mga agenda. Sa pagsulat ng agenda, dapat na maging
malinaw ang paraan ng pagpapahayag. Isang bagay o usapin lamang sa bawat bilang ng
agenda, at hindi rin dapat na napakarami ang pag-usapan sa bawat pulong o sesyon.

Kahalagahan ng Agenda

Mahalaga ang agenda dahil nabibigyan nito ng katuturan at kaayusan ang daloy
ng pulong. Sa paglalatag ng agenda sa simula ng pulong, nalalaman ng mga
nagpupulong ang mga pag-uusapan at ang mga isyu o suliraning dapat tugunan. Sa
pamamagitan nito, nabibigyan ng pagkakataong tantiyahin ang oras ng pagpupulong
dahil malinaw kung ano ang mga dapat pag-usapan. Naiiwasan din ang pagtalakay ng
mga usaping wala sa agenda na maaaring makaantala sa mga usaping prayoridad sa
pulong. Samakatuwid, nabibigyan lamang ng tuon ang mga usaping inilatag at mas
maiiwasang masayang ang oras sa mga usaping hindi pa kailangang bigyan ng pansin.

Uri ng Agenda

Maaaring uriin sa dalawa ang agenda, ang nagbibigay lamang ng


impormasyon at ang kailangang tugunan. Kung nagbibigay lamang ng impormasyon,
walang kailangang pagdesisyonan o gawin ang mga tao sa pulong kung hindi ang
makinig. Maaari din namang hingan ng opinyon ang mga nasa pulong ngunit hindi ito
kailangan. Sa mga aytem na kailangang tugunan, mas mahaba-habang panahon ang
iilan dito. Makabubuti rin na sa pagpapatawag ng pulong, alam na ng mga dadalo ang
pag-uusapan upang mas marami ang makapag-ambag at makipagpalitan ng ideya.

KATITIKAN NG PULONG

Opisyal na tala o record ng mahahalagang puntong napag-usapan sa pulong ng


isang grupo o organisasyon ang katitikan. Sa Ingles, ito ang tinatawag na minutes.
Hindi ito nangagahulugang minu-minuto ang pagtatala ng mga detalyeng napag-usapan.
Mahahalagang detalye lamang ang kailangang itala at hindi ito verbatim o bawat
salitang binanggit sa pulong. May mga pagkakataon hinihingi ang verbatim na tala ng
katitikan ngunit hanggat maaari, higit na kapakipakinabang sa mga mambabasa at
magrerebyu ng katitikan na tingnan at analisahin lamang ang mahahalagang punto sa
isang pulong. Higit itong magiging madali at produktibo sa mga taong nangangailangan
ng katitikan.

Sa paggawa ng katitikan inililista ang mga pangalan ng mga dumalo sa pulong


maging ang pangalan ng mga taong inaasahang kasama sa pulong ngunit hindi
nakadalo. Isinusulat din ang oras kung kailan nagsimula at nagtapos ang pulong.
Inirerekord dito ang mga pinag-usapan, napagkasunduan, at ang mga usaping
natugunan sa pulong. Isinusulat kung sino ang mga taong magsasagawa ng aksyon
upang matugunan ang isang isyu at ang inaasahang panahon kung kailan dapat ito
dapat maisakatuparan. Isinusulat din kung may mga suhesyong inilatag sa pulong at
kung sino ang nagrekomenda nito. Kung sakaling may nangyaring botohan sa pulong,
itinatala kung ano ang isyung pagbobotohan at ang resulta nito kasama ang pangalan ng
mga taong nakibahagi sa botohan at ang naging panig ng bawat isa.

This study source was downloaded by 100000831834273 from CourseHero.com on 03-08-2022 06:29:27 GMT -06:00

9 | Filipino sa Piling Larangan (AKADEMIKO)


https://www.coursehero.com/file/52422464/AKADEMIKO-HAND-OUTSdocx/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like