You are on page 1of 2

Renz Louie A.

Morales
BSE-Fil2

MAIKLING PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.


a. Panimula c. Paksa
b. Kaisahan d. Tauhan
2. Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
a. Wakas c. Gitna o katawan
b. Simula d. Kakalasan
3. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
a. Kasukdulan c. Kakalasan
b. Banghay d. Tunggalian
4. Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
a. Simula c. Banghay
b. Kasukdulan d. Paksang diwa
5. Nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon
kung kailan naganap ang kuwento.
a. Kakalasan c. Tagpuan
b. Kasukdulan d. Tunggalian
6. Binubuo ito ng pangalan ng akda at may-akda ng iyong sinusuri at paksa na iyong ilalahad sa
paghihimay.
a. Panimula c. Paglalahad ng tesis
b. Pamagat d. Katawan
7. Kadalasang nakapaloob sa panimula; nagsasabi sa iyong mambabasa kung ano ang aasahan sa
kaniyang mababasa: ito ay nagpapahayag ng layunin ng iyong sanaysay – ang puntong iyong gusto
iparating.
a. Katawan c. Panimula
b. Konklusyon d. Paglalahad ng tesis
8. Naglalaman ng paliwanag ng iyong mga ideya at katibayan mula sa teksto at sumusuporta sa iyong
inilalahad na tesis.
a. Panimula c. Katawan
b. Konklusyon d. Pamagat
9. Impormasyon na may kaugnayan sa iyong sanaysay at kasiya-siyang pambungad na talata na
kinabibilangan ng angkop na pahayag ng tesis.
a. Panimula c. Paglalahad ng tesis
b. Pamagat d. Katawan
10. Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o
nakapagbago sa tauhan.
a. Kuwento ng Madulang Pangyayari c. Kuwento ng Katatawanan
b. Kuwento ng Katatakutan d. Kuwento ng Pag-ibig
II. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod. (10puntos)

1-2. Tauhang bilog - Ang tauhang bilog ang taguri sa isang tauhan kung saan siya ay nakikitaan ng
pagbabago sa ugali at kanyang karakter. Ang pagbabagong ito ay tinatawag na isang “character
development” sa wikang Ingles.

3-4. Tauhang lapad - Ang tauhang lapad ay tumutukoy sa uri ng tauhan kung saan hindi nagbabago ang
pag-uugali at karakter ng isang tao sa buong istorya o kwento.

5-6. Maikling kuwento - Ang maikling kwento ay isang masining na uri ng akdang pampanitikan na
naglalaman ng maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang kaganapan. Ang kathang ito ay maikli
lamang kung kaya’t ang pagbabasa nito ay maaring matapos sa isang upuan o isang impresyon lamang.

7-8. Kuwento ng tauhan - Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

9-10. Kuwento ng katutubong kulay - Binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga
tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

You might also like