You are on page 1of 6

Learning Area SCIENCE III

Learning Area Modality FACE TO FACE

Paaralan ANIBAN CENTRAL SCHOOL Baitang THREE


TALA SA Guro MA RONAVIE M TERNIDA Asignatura SCIENCE
PAGTUTURO Petsa MARCH 9, 2022 Markahan THIRD Quarter - WEEK 3
Oras Bilang ng Araw 6 (MELC 17)

I. LAYUNIN Malaman ang pinagmulan ng liwanag at init na bahagi na ng pang -araw araw na pamumuhay.

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga bagay sa paligid may kaugnayan sa kalikasan at
pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap Nagkakaroon ng pagkakaisa at iba pang mgagandang kaugaliang Pilipino sa iba’t ibang pagkakataon
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto Describe the different uses of light, sound, heat and electricity in everyday life (Code: S3FE-IIIa-b-1)
(MELC)
D. Pagpapaganang Kasanayan
II. NILALAMAN Pagmamahal sa kapaligiran
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro PIVOT BOW p. 24
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral SLM pp. 19-20
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng www.google.com
Learning Resource www.pinterest.com
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at CLMD4A Printed Modules, pp. 19-20
Pakikipagpalihan
III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
PANIMULA Prayer ( Audio)
(Introduction) Checking of attendance
B. Pagganyak
Tignan ang mga larawan. Tukuyin kung ano ang pangalan ng mga ito.

1.

2.

3.

4.

5.

C. Paglalahad
PAGPAPAUNLAD - Ano – ano ang mga pangalan ng mga bagay?
(Development) - Ano kaya ang gamit ng mga ito?
- May ideya na ba kayo mga bata kung ano ang ating paksa ngayon araw?
-
D. Pagtalakay

- Magaling! Ang ating paksa ay tungkol sa pinagmulan at gamit ng liwanag at init.


- Ang liwanag ay may ibat -ibang pinagmulan. Maaring ito ay maging artipsiyal o
natural. May mga bagay sa ating paligid na nagbibigay ng liwanag at init tulad ng
araw.May mga bagay din na ginawa ng mga tao para magbigay ng liwanag at init.

- Ang araw ang pangunahing pinaggalinggan ng liwanag at init sa ating mundo. Lahat
ng maga bagay sa mundo at sa paligid ay nakadepende sa liwanag at init na
nangggaling sa araw.

- Alam nyo ba mga bata na upang makita natin ang liwanag ay mayroon tayong organ na
ginagamit upang makita ito? Ang senses na ginagamit natin ay ang mga mata.

- Mga bata ito ang ating mata. Ito ang kumuha ng liwanag upang makita natin ang mga
bagay at makapag survive ang mga tao.

- Alam nyo din ba mga bata na ang fluorescent lamp ay involve ang isang Filipino
inventor? Sya ay si Agapitto Flores. Gumawa sya ng fluorescent lamp at inihain sa
ating nakaraang pangulo na si Manuel L. Quezon. Pero hindi sya ang tunay na
nakaimbento ng flourecent lamp kundi si Peter Cooper Hewitt.

- Dahil sa mga bagay na nagbibigay liwanag, ginagamit natin ang mga ito tulad ng
fluorescent lamp, flashlight at kandila magsisilbing gamit sa oras ng emergency kung
halimbawa makaramdam ka ng lindol, o maka experience ka ng pagbaha o anumang
sakuna.
- Ang mga halaman ay kailangan ng init araw upang makagawa sila ng pagkain. Ang mga
hayop ay kaylangan ng sikat ng araw dahil ito ay nagbibigay bitamina sa kanilang mga
balat o Vitamin D.

- Mga bata maari ba kayo magbigay ng iba pang bagay na nagbibigay liwanag at ano ang
gamit nito? (Christmas Light – Upang mabigay ng dekorasyon)

- Magaling! Bigyan ng 5 palakpak. Sino pa maari magbigay ng halimbawa?

- Sino pa may ideya?

- Mahusay. Maari din gamitin ang cellphone upang sa oras nawalan ng kuryente, ay
maari mo gamitin ang cellphone bilang flashlight at makatawag ng tulong.

- Mahusay! Bigyan ng 5 palakpak.

- Paano kung araw? Ano kaya maaring mangyari sa ating mga tao?
- Paano kung walang naimbentong flashlight o fluorescent lamp? Pano kaya tayo
makakgalaw?
- Paano kung wala tayong mga mata?
E. Pangkatang Gawain
Ngayon mga bata, tayo ay magkakaroon ng pangkatang gawain.
PAGPAPALIHAN Paalala bago magsimula ang ating gawain.
(Engagement) 1. Panatilihin ang social distancing.
2. Makipag cooperate sa inyong mga kamiyembro.
3. Kung may nais linawin ay itaas ang kamay.
4. Huwag tanggalin ang facemask.
Rubrics:
10 points
Naisagawa lahat nang gawain
ng tama, maayos, malinis at nasa
tamang oras.
8 points
Naisagawa ang mga gawain
ngunit may ilang mali at nakatapos
sa takdang oras
4 points
Naisagawa ngunit hindi natapos.

Group 1: Iguhit sa paligid ng lighting bulb ang mga bagay na nagbibigay ng liwanag.
Hal:

Group 2: Light Energy Sort


Isort ang mga bagay na nagbibigay ng liwanag sa hindi nagbibigay ng liwang. Kulayan muna ang mga
bagay bago ito gupitin at idikit sa kahon.

Group 3: Finding Light


F. PAGLALAHAT
Mahalaga ba ang liwanag sa atin?
PAGLALAPAT - Opo. Dahil sa liwanag madami po nagagawa ang mga tao. Maari po itong makatuyo ng
(Assimilation) damit kung tayo ay maglalaba, maari po itong magsilbing pang rescue sa oras ng
sakuna, maari po itong gamitin sa mg mga makabuluhang bagay sa loob ng bahay o
pamayanan.

G. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang / (tsek) kung ito ay nagsasaad ng
gamit ng liwanag at init at X (ekis) naman kung hindi.
_______1. Pagpapatuyo ng nilabhang damit sa pagbibilad nito sa arawan.
_______2. Nakikita natin ang mga bagay sa paligid at nagagawa ang mga bagay-bagay dahil sa liwanag at
init.
_______3. Kailangan ng halaman ang sikat ng araw upang makagawa ito ng sarili niyang pagkain.
_______4. Ang power plants ang pinanggagalingan ng koryente na dahilan upang magkaroon ng ilaw ang
mga tahanan.
_______5. Maaaring panggalingan ng init ang kalan.

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
 Naunawaan ko na _______________________________________________________________.
 Nabatid ko na __________________________________________________________________.

Prepared by:

02/28/2022
MA RONAVIE M. TERNIDA
Teacher III

You might also like